Hades’ POV Tinignan ko siya sa huling sandali bago ako bumaba sa stage. Napatingin ako sa pwesto namin ni Tan at kita sa kaniyang mukha ang kakaibang tingin na para bang hindi siya makapaniwala sa aking nagawa kanina. Napahinga na lang ako ng malalim sabay nilapag ang aking dala-dalang bottle at sabay umupo. “Ano ‘yung ginawa mo boss Hades?” tanong niya sa akin. Napahawak na lang ako sa aking noo sabay napatingin sa mga tao na nanatiling nakatingin sa akin. “What the f*ck, ano bang problema ng mga taong iyan?” tanong ko sa kaniya. Hindi ko alam pero meron din sa akin ang naapektuhan ako sa ginagawa nilang pagtingin. “Kahit ako boss ganiyan din ang gagawin kong tingin sa iyo dahil sa ginawa mo kanina,” saad niya sa akin. Napahinga na lang ako ng malalim at nanatiling nakayuko s

