Hades’ POV Napatingin lang ako kay Selena na para bang may nagawa akong mali ngayon araw. Hindi ko malaman kung bakit ganon na lang ang kaniyang tingin sa akin. Agad niyang kinuha ang tubig sa aking tabi sabay uminom. Wala ng sabi-sabi ay agad siyang umalis matapos niyang makainom ng tubig sa aking water bottle. Napatingin naman ako kay Tan na nagtataka dahil sa ikinikilos ni Selena ngayong araw. “Ano’ng nangyari doon?” tanong ko sa kaniya. “Mukhang nagselos ata boss,” saad ni Tan sa akin. Napakunot ang noo ko dahil sa kaniyang sinabi sa akin. “Ano naman dahilan?” tanong ko sa kaniya. “Baka dahil tinanggap mo yung chocolates na binigay sa iyo,” sambit sa akin ni Tan. Napakunot lang ang noo ko dahil sa kaniyang sinabi sa akin. “Ano namang problema sa pagtanggap

