Hades’ POV “Ayos ka lang ba talaga?” tanong niya sa akin. Napatango-tango ako sa kaniya bilang sagot sa kaniyang tanong. Mag-aalastres na din ng matapos kami sa bar ni Tan at hinahanap na din siya ng girlfriend niya. Ang dami ko na din na ubos na alak sa loob dahil sa sama ng loob at syempre kwentuhan na din. Hindi ko nga alam kung ano pa ang ginagawa ko ngayon eh basta naka-akbay lang ako kay Tan habang papunta sa kotse ko. “Man, ako magda-drive ah. Ayaw ko pang mamatay,” sambit niya sa akin. Agad ko naman sinuntok ang dibdib niya dahil sa biro niya. “Loko ka, ano akala mo sa akin hindi marunong mag-drive. Baka pakitaan pakita eh kahit nakapikir yung mata ko kaya ko,” pagyayabang ko sa kanya. “G*go ka, bukas ka na lang mag-drive huwag mo akong idamay sa trip mo, mahal ko pa buhay ko,

