Hades’ POV Kinabukasan ay maaga akong nag-ayos ng aking gamit lalo na’t kailangan kong dalhin ang gowns at tuxedo na isusuot nila para mamaya. Hindi ko alam kung bakit kailangan pang dalhin ni Asher itong mga ‘to sa bahay eh, dapat pinadala na lang niya kay Selena dahil hindi naman ako ang gagamit nito mamaya. “Hades, hindi kita mahahatid sa school mo ngayon, I have my conference meeting later,” sabi sa akin ni Asher. Napatango ako sa kaniya bilang sagot ko sa kaniyang sinabi. “It’s fine ikaw lang naman ang mapilit eh, okay I need to go para madala ko na yung mga damit,” seryoso kong sabi sa kaniya. “Okay see you later,” nakangiti niyang sabi sa akin. Napatango na lang ako sa kaniya bilang sagot ko. “Okay see you,” seryoso kong sabi. Agad akong lumabas sa bahay dala-dala ang dalawa

