Hades’ POV “Sigurado ka ba na tutuloy ka sa camping ninyo sa lagay mo na iyan? Hades alam mo na ka pa totally magaling, you also have trauma,” sambit niya sa akin. “It’s fine, I want to face it alone muna,” sambit ko sa kaniya. Kinuha ko ang bag ko sa likurang seat bago ko binuksan ang pintuan. “See you soon, Dad,” seryoso kong sambit sa kaniya. Napatango naman siya sa akin sabay tinapik ang balikat ko. “Yeah see you soon.” Agad akong bumaba sa sasakyan niya at naglakad na papasok sa campus. Madami akong nakikitang mga student sa labas pati na din ang iba’t ibang mga bihis nila, siguro dahil meron silang activities na ginagawa. “Mr. Lopez,” tawag sa akin ng isang pamilyar na boses. Napatingin naman ako sa kaniya sabay binigyan siya ng kaway. “Ms. Ruegas,” mahinahon kong sabi. “Are y

