Hades’ POV Napaupo lang ako sa mismong kinatatayuan ko matapos malaman ang mga kwento na sinabi ni Asher sa akin. Hindi ko alam kung bakit hindi ko nalaman ang mga ganong storya sa simula pa lang. Ang dami kong iniisip. Hindi ko alam kung paano ko babawiin ang mga sinabi ko matapos na malaman ko ang mga bagay na iyon. “Hades,” tawag sa akin ni Aunt Celeste. “Please, huwag muna ngayon,” sambit ko sa kaniya. Agad akong napatayo sa aking kinauupuan at dahan-dahan na naglakad papaakyat sa kuwarto. Hindi ko alam kung ano pa ba ang gagawin ko sa mga oras na ito na ngayon alam ko na kung bakit nangyari sa buhay ko iyon no’n. Ang dami pa ding tumatakbo sa isipan ko na tanong pero natatakot na akong tuklasin ang sagot. Ang akala ko wala ng isasama ang Nanay ko, dinagdagan pa pala ng Tatay ko?

