Hades’ POV Simula ng araw na iyon, sinulit na namin ni Selena na magkasama kami dito pa lang sa camping sa loob ng campus. Kinalimutan ko na ang mga bagay katulad ng kaniyang pag-alis at inisip ko na sulitin ang mga araw na ito lalo na alam ko matagal pa bago kami magkikitang dalawa. “Game ah, dapat hindi tayo maputikan,” sambit ni Tan sa amin. Kasalukyan kaming naghahanda para sa aming activity na tug of war. Masyadong competitive si Tan, kaya dapat manalo kami dito. “Yung gawin ninyo muna pag sobrang hatak na sila, luwagan natin onti, tapos tsaka natin hatakin pa punta sa atin,” sambit niya. “Magwo-work ba ‘yon? Baka ang ending tayo pa mapunta sa side nila dahil sa gagawin natin,” sambit ni Drazen. “Magwo-work yan, basta ‘wag lang mapalya yung paglambot para hindi din nila tayo m

