Hades’ POV After ng camp fire, bumalik na kami sa kaniya-kaniya naming mga tents. “Ay Hades, napalinis mo na ba yung sugat mo?” tanong sa akin ni Tan. “Hindi pa, puntahan ko muna sa nurse para mapalinis ko yung sugat ko,” sambit ko sa kaniya. Agad namang lumapit sa akin si Selena sabay hinawakan ako sa balikat ko. “Samahan na kita,” sambit niya sa akin. Napatango naman ako sa kaniya bilang pagsang-ayon sa kaniyang sinabi. Agad kaming naglakad patungo sa clinic para mapalinis ko ang sugat ko. Maayos na ang naging samahan namin ni Selena dahil napag-usapan na din namin lahat ng mga kailangan naming pag-usapan. “By the way, yung sa inyo ni Drazen?” tanong ko sa kaniya. Natawa naman siyang napatingin sa akin dahil sa sinabi ko sa kaniya. “Hindi ko naman tinanggap yung confession niya sa

