Hades’ POV Napatingin naman siya sa akin ng seryoso sabay napahawak sa aking kamay. “Tara na Hades, pumunta na tayo sa camp fire,” sambit niya sa akin. Napatango-tango naman ako sa kaniya sabay pumasok kami sa loob ng building upang dumaan sa short cut patungo sa camp fire. Habang naglalakad kami ni Selena hindi ko alam kung ano ang mga sasabihin ko tungkol sa kaniya. Masaya lang ako pero hindi ko maipakita ang mga bagay na iyon. Agad kaming lumabas sa may camp fire at nakita namin ang mga ka-group namin na nakaupo at masayang nakatingin sa amin. “And yes, we have our first team na nakadating sa camp fire natin ang team B5,” sambit ni Ms. Ruegas. Nagpapalakpakan naman sila na sinalubong kami matapos naming makarating doon. “Nice ang galing ninyo,” agad na sabi ni Tan habang tumatak

