Hades’ POV Kasalukuyan akong nakatayo lang sa labas ng room namin at patuloy na iniisip ang sinabi kanina sa akin ni Aunt Celeste. Hindi ko alam na ang buong pangalan ni Asher ay Ashier Erick Lopez, never niyang nabanggit sa akin ang mga bagay na iyon dahil unang-una wala naman kaming pakialam sa isa’t isa. “Men ayos ka lang?” tanong sa akin ni Tan. Napatango-tango ako sa kaniya bilang sagot ko. “Oo, may iniisip lang,” sambit ko sa kaniya. “Tara na baba na tayo magsisimula na yung finals eh,” sambit niya sa akin. “Sige susunod na ako,” wika ko sa kaniya. Tumango naman siya bilang sagot sa aking sinabi at nagmadali ng bumaba. Napasandal muna ako sa poste at nag-isip-isip. I know I heard this Ashier before, hindi ko lang talaga matandaan kung saan at kung kanino. Pero alam ko na na-me

