Hades’ POV Inaayos ko ang mga plato na pinagkainan namin. Iniintay ko na dumating si Tan dahil hindi naman niya kinuha ang mga damit nila Selena na gagamitin for the finals. “Hindi ka ba talaga pupunta sa school ninyo ngayon?” tanong sa akin ni Aunt Celeste. Napatingin ako sa kaniya sabay napailing-iling. “Hindi muna Aunt Celeste, baka bukas na lang,” sambit ko sa kaniya. “Hindi mo ba papanoorin ang finals ni Selena?” tanong niya sa akin. Napangiti ako sa kaniya sabay umiling-iling sa kaniya. Napatingin siya sa kaniyang orasan sabay napakamot sa kaniyang ulo. “Asaan na daw yung kaibigan mo na magdadala ng damit?” tanong niya sa akin. “Padating na, na sa gate na daw ng subdivision,” sambit ko sa kaniya. Napatango-tango naman siya sabay umakyat sa itaas upang ayusin na ang mga damit. H

