Hades’ POV Paggising ko, dahan-dahan akong napatingin sa katabi ko dahil sa mahigpit niyang yakap sa akin. Napangiti naman ako sa kaniya sabay binigyan siya ng halik sa kaniyang noo. “Morning,” bati ko sa kaniya. Napatingin naman siya sa akin ng nakangiti sabay niyakap muli ako. “Morning, nakaka-in love yung boses mo ngayon,” sambit niya sa akin. Napatawa na lang ako dahil sa sinabi niya. Napabangon ako sa aming hinihigaan at binuksan ang kurtina dahilan upang pumasok ang liwanag sa loob ng kuwarto. Napabangon naman si Selena sa kaniyang hinihigaan sabay napainat-inat. Pumasok ako sa banyo upang ayusin ang sarili ko at para maka pag-toothbrush na din at makahilamos. Matapos ko ay ganon din ang ginawa ni Selena, matapos no’n ay lumabas na kami ng kuwarto at tumungo sa dinning area. “G

