Hades’ POV Kasaluluyan kaming nandito ngayon sa taas ng cliff para mag-cliff diving. Habang nasa taas kami hindi ko maatin na tumingin sa baba dahil sa sobrang taas. Napahawak na lang ako sa kamay ni Selena habang tinuturuan ang nauna sa amin kung paano babagsak sa tubig. Ang nakakaba pa dito ay hindi na kami nagsuot ng any life vest. Marunong naman akong lumangoy kahit gaano pa kalalim pero yung tatalon sa ganito katas na cliff hindi talaga kaya ng pagkatao ko. “Ayos ka lang ba?” tanong sa akin ni Selena. Napatingin ako sa kaniya sabay umiling-iling bilang sagot sa kaniyang tanong. “Masyadong mataas yung cliff, parang hindi ko kayang talunin,” sambit ko sa kaniya. “Hindi yan, mukha lang talaga siyang mataas pero hindi naman mataas eh,” sambit niya sa akin. Napapasilip ako sa gilid a

