"Date?" Gulat na tanong ni Ms. Helen at agad dumapo ang tingin sa akin. Nalaglag ang kanyang panga na parang hindi makapaniwala.
"N-no. You're mistaken Miss. Hindi kami nagde-dat—"
"We're dating, Miss." Putol sa akin ni Niccos.
I glared at him, but he only raised a brow at me.
"Bawal 'ya—"
"Hindi nga po kami nagde-date!" Tumaas lalo ang boses ko.
"We are dating."
"We're not!"
"We are. Why are you denying me?" Kunwari't iritado niyang sinabi. Napakapresko! Namulsa pa aiya at tumuwid ng tayo.
"It's because we're really not dating."
"Excuse me, children. I'm still here." Ikinaway ni Ms. Helen ang kanyang kamay.
"Miss Helen. I apologize for breaking the school's rule. But can you at least let it pass just for now?" Pormal na sinabi ni Niccos. Hinawakan niya ako sa balikat at hinila palapit sa kanya. "Ngayon lang naman ako nagkaroon ng ganitong....issue."
"Niccos, hijo," Miss Helen interrupted. She blinked twice, parang hindi pa rin makapaniwala. "It's fine. Okay, I will let it pass for now. Next time, mag-iingat na kayo't baka ibang teacher pa ang makakita sa inyo. You know dating is the least thing that should be done inside the school."
Wow. Just wow. What is this? Am I going to face something that's not even true in the first place again?
Nagpaalam si Miss Helen sa amin matapos niya kaming pagsabihan kuno. Hinawi ko naman agad ang kamay ni Niccos sa aking balikat at tinapunan siya ng isang masamang tingin.
"Uuwi na ako." Nag-iwas ako ng tingin at tumalikod.
Naglalakad na ako palabas ng school noong maramdaman kong nakasunod pa rin si Niccos sa akin. Iritado ko siyang binalingan at pinagsalubungan ng dalawang kilay.
"What?" Inosente niyang sinabi.
"Uuwi na ako. Bakit mo ako sinusundan?"
"Sinusundan?" He pursed his lips and pushed it together. "Hindi kita sinusundan. I was just going to go home too."
"Sinusundan mo 'ko, eh!"
Humakbang siya palapit sa akin at yumuko, pinaglebel niya ang aming mga mukha. Umihip ang mahinang hangin, dahilan upang sumabog ang buhok ko....at ang buhok ni Niccos.
I bit my tongue.
He is attractive. The orange light coming fron the afternoon sun made him look mysterious yet fresh.
"I may have a crush on you, but I am not a damn stalker," he blinked once. Making me see his long eyelashes brush through the air. "That's creepy."
Namula ang aking pisngi sa kanyang sinabi.
Did I just assume that he is following me? Nakakahiya! Baka isipin niya, kina-career ko naman masyado dahil may gusto siya sa akin. Parang gusto ko na lang lamunin ng sahig para lang maitago ang sarili sa kahihiyan!
"Kuya, may project po kami sa Contemporary Arts na painting. Magaling kang mag-painting, 'di ba?" Kumislap ang mga mata ko kay Kuya.
He was currently watching TV while both of his toes were bent, resting his feet at the top of our glass tea table.
Sumubo siya sa popcorn at sinulyapan ako. "Yes. Why?"
"May painting ka bang pwede kong paggayahan?"
"Hmm. Let me see." Ni-pause niya ang pinapanuod at tumayo. Sinundan ko naman siya hanggang sa kanyang kwarto.
Kuya Alan is very talented. In fact, noong high school siya ay maihahalintulad ko siya kay Niccos. He has the looks, the brains, and the talent. Kung mayroon mang kulang sa kanya, siguro'y manners iyon.
"Here." Inabot niya sa akin ang isa sa mga paintings niya na naka-roll paikot at talagang may ribbon pa ito.
Aabutin ko na sana iyon nang bigla na lang niya iyong ihulog sa sahig. Bigla akong napasimangot kahit expected ko ng gagawin niya 'yon.
"Sorry. Nahulog." Ngumisi siya sa akin nang pilyo.
Ngumuso lang ako at sinamaan siya ng tingin habang pinupulot iyong painting.
Masasabi kong medyo nakuha ko ang talent ni Kuya sa pagpepaint. Siguro mga 50% lang. Pero at least may kakayahan pa rin akong magpainting.
That night, I slept late just so I could finish my painting. Pagtapos kong gawin iyon ay iniligpit ko muna ang mga ginamit kong materyales. I even rolled back the painting of kuya, kasama noong akin at pinagtabi ko pa.
Dahil late akong natulog, late rin akong nagising. Aligaga ako pagkagising ko. I rushed everything: pagligo, pag-aayos ng gamit, at pagkain ng almusal. Nang matapos akong kumain ay nagmamadali kong kinuha iyong painting sa kwarto.
Iniwan ko iyong isa, iyong kay Kuya.
Luckily, pagdating ko sa school ay halos sabay lang kami ng aming gurong pumasok. Hinihingal pa ako habang umuupo sa upuan ko.
"Good morning, class. So about your project in Contemporary Arts, gagawin ko iyong doble sa grades n'yo. Malapit na ang literature festival ng ating school, kung kaya't kung sino ang mapipili naming pinakamagandang artwork sa inyo ay ididikit namin sa bulletin board."
Biglang umingay ang aming classroom dahil sa announcement ng aming guro.
"There is more! Sa buong Grade 12, isa lang ang mapipili. Ganoon din sa iba't-ibang grade levels. Paghaharap-harapin namin ang mga napili sa bawat school levels, at kung sino mang mananalo ay siya ang ihaharap namin sa iba't-ibang schools."
Wow. That's a nice offer. In the end, kinolekta ang aming mga project. Kakaunti lamang ang nagpasa, dahil iyong iba ay paabutin pa raw sa due date. Pati si Izzie ay hindi pa nakapagpasa dahil daw wala pa siyang maisip na concept.
"Paano ka nakaisip ng concept?" Tanong niya sa akin.
It was after lunch. Hinihintay na lamang namin ang aming gurong dumating.
"Nagpatulong ako kay Kuya."
Bigla namang kumislap ang kanyang mga mata noong marinig niya ang pagbanggit ko kay Kuya.
"Talaga? Magaling ba siya sa painting?"
Tumango ako. "Oo naman."
Ngumuso siya. "Sana pati ako, turuan niya."
"Gusto mo ba?" Ngumisi ako sa kanya.
"Oo naman!" Atentibo niyang sinabi. "I really, really wanna meet your brother so bad. Ang daming may crush sa kanya."
Girls always have the same thoughts about my brother. Kaya hindi na rin ako nagugulat pa.
Well, if they always see the best of him. As his sister, I always see the worst side of him. Or maybe sa akin niya lang pinapakita, not to mention, he is the worst. Kung hindi ko lang siguro siya kilala ay baka iba ang isipin ko.
"Miss Oleo. Pinapatawag ka sa Faculty room."
Nagpaalam muna ako kay Izzie bago dumiretso sa faculty room. Pagdating ko doon ay agad akong pinaglilingon ng mga teachers ng senior high school.
"Congratulations!"
Biglang umingay ang buong faculty room dahil sa biglaan nilang pagtatawanan. Nalukot ang noo ko dahil sa narinig, hindi makuha kung ano'ng nangyayari.
"This is yours, Miss Oleo, right?"
Bumaba ang tingin ko sa painting na itinuturo ng isang subject teacher namin. Nanlaki agad ang mga mata ko nang makita ang painting.
I know my capability and skills in painting. Alam kong halos parehas lang iyong sa amin ni Kuya pero hindi perfect ang pagkakagawa ko noong akin!
It was Kuya's painting na nakuha ko, hindi iyong akin! Nadampot ko ang maling painting dahil sa pagmamadali!
"We decided na ikaw ang kunin namin sa buong Grade 12. Get ready, okay?"
Maging noong makabalik ako sa classroom ay ganoon din. Nalaman agad nila na ako ang napili sa buong Grade 12. Ngunit hindi ako makangiti roon bagkus ay bawat usisa nila'y mas lalo lamang akong kinakabahan.
"Congrats! Ang galing mo naman, ikaw agad ang napili although wala pa namang naipapasa iyong iba." Izzie said.
"H-Ha? O-oo nga eh." Nalilito komg sinabi.
"Congrats!" Pati si Craven ay binati ako.
Kinagat ko ang aking labi upang doon ilabas ang nararamdaman pagkadismaya. I cannot deny it! Gustuhin ko mang sabihing hindi akin iyon, kun'di kay Kuya, wala akong magawa dahil pinangungunahan ako ng takot! Unang-una, sasabihin nilang, baka ginawa ko iyon on purpose. Maniniwala ba sila kung sasabihin kong hindi ko sinadyang madampot iyong painting ni Kuya? Parang hindi naman.
"May problema ka ba? Kanina ka pa tahimik, ah?" Tanong ni Izzie bigla at hinaplos ang aking likod.
"Ha? Wala naman." I forced a smile at her.
"You should be happy, dahil iyong painting mo ang napili. Imagine, iyong sa'yo ang napili sa buong Grade 12. Nakaka-proud kaya iyon!"
"I guess so."
Walang kamalay-malay si Izzie na isan ngang pagkakamali iyon. Dahil ayaw kong kulitin niya ako, ay ibinigay ko na lamang ang number ni Kuya sa kanya upang tumigil na siya kakakulit sa akin at mabaling ang kanyang atensyon sa ibang bagay.
The more na inuusisa ako tungkol doon, the more na nabubuhayan ako ng kaba. Ayaw ko noon. Hindi ako makapag-concentrate sa klase.
"Ayos ka lang?" Craven asked nang magkasalubong kami isang beses sa tapat ng classroom namin.
Wala sa sarili akong tumango. "Oo naman."
"May lagnat ka ba?"
Para akong napaso noong maramdaman kong lumapag ang alad niya sa aking noo. Maybe he is checking if I am really sick or not.
"Hindi naman," puna niya. "Or...may LBM ka?"
"Hala! Wala..." pilit akong nagpakawala ng ngiti.
"You look dull."
"I'm fine." Nag-iwas ako ng tingin sa kanya.
"Anyways. Marunong ka bang magtali ng necktie?"
Tiningala ko siya bigla at nakitang nakasabit sa kanyang collar ang kanyang necktie.
Tumango ako kaagad. "Oo naman."
"Pwede ba?" Ngumiti siya at nag-squat. Pinaglebel niya ang mga mukha namin upang maabot ko ang kanyang collar.
I awkwardly smiled at him as I step closer. Malawak naman ang salubong niyang ngiti sa akin. Inabot ko ang kanyang necktie at inayos munang itinaas ang kanyang kwelyo, isinilid ko roon paikot ang kanyang necktie bago iyon inayos ay ibinabang muli.
"That's it, okay na." I smiled, I even did a final pat on his two shoulders sideways as if I am removing some tiny dust out of it.
"What is this?" Pareho kaming napatingin ni Craven sa nagsalita at bumulaga ang grupo nila Niccos sa amin.
Sa tamad pa lang ng boses, alam ko na agad na si Luka ang nagsalita.
By the looks of it, mukhang gusto nilang dumaan ngunit hindi nila nagawa dahil nakaharang kami ni Craven.
"Huwag kayong pumagitna," ngumisi si Lev at umakbay kay Niccos na halos kasintangkad lamang niya. "Nagagalit si boss, eh."
"Sorry, sorry." Craven politely apologized. Tama naman kasi, nasa gitna kami ng daan.
"Sorry, hindi namin namalayan..." I added.
Sinulyapan ako ni Niccos gamit ang kanyang inaantok na mga mata. Napaiwas ako kaagad at ngumuso.
What is this sudden guilt in my system? Wala namang dapat pag-ugatan ito. Not that I am aware of anything.
"Boss, sorry daw," tunog nanunuksong tanong ni Novo. Ngumisi siya at humalukipkip. "Magagawa mo ba siyang...pagbigyan?"
"What are you talking about?" Lev chimed. A small smile is trying to emphasize his dimple.
Sinulyapan ni Novo si Niccos habang nanliliit ang mga mata. "Aren't you supposed to be mad or something?"
Niccos sighed, tumuwid siya ng tayo at ibinulsa ang dalawang kamay. Sinulyapan niya ako dahilan upang magtama ang aming mga mata. Pinagtaasan niya ako ng kilay.
"Mad for what?" Umaawang ang kanyang labi, hindi ko mapigilang tumitig sa panibagong hitsurang pinapakita niya. "It's not like she is cheating on me or something. Right?"
"Ew. Cheesy." Komento ni Luka at umirap.
Matalim ang mga mata ni Niccos na bumaling akin. Buong akala ko pa naman ay magagalit siya o ano gaya ng sinabi Novo. Parang naaaliw pa siya na ewan.
Bigla niyang hinawi ang kamay ni Lev na nakaakbay sa kanya dahilan upang mapaatras si Lev. Samantalang siya nama'y inumpisahang kalasin ang kanyang necktie. Nalukot ang noo ko habang pinapanuod siya sa kanyang ginagawa.
Nang matapos niyang kalasin ang kanyang necktie ay humakbang siya palapit sa akin. Agad akong inatake ng kanyang pabangong hindi nakakasawa amuyin. Nag-squat siya hanggang sa magkalebel na ang aming mga tangkad.
Nanlaki agad ang mga mata ko nang mapagtanto ang nais niyang gawin.
Inalok niya sa akin iyong nakalas niyang necktie. "Itali mo rin ito sa akin, kung ganoon."
Napakurap-kurap ako sa gulat habang nalalaglag ang panga sa kanyang inakto. I was stunned and I cannot hife it by letting him see the clear view of my eyes widening. What is this? Why is my heart beating so fast?
Ngunit sa kabila noon ay parang may sariling pag-iisip ang aking mga kamay dahil kinuha ko pa rin ang ang necktie niya. Umangat ang gilid ng kanyang labi roon, at sinulyapan si Craven.
"Craven! Halika na, tayo ang mauuna sa reporting mamaya!" May tumawag kay Craven sa loob ng classroom.
Craven nervously glanced at me. Tinapik niya ako sa balikat at ngumiti. "Sunod ka na rin pagkatapos."
"Sige." Ngumiti ako sa kanya.
"Who's that?" Sinundan ni Niccos ng tingin si Craven.
Samantalang ako ay pinagpatuloy ng itali ang kanyang necktie.
"Si Craven."
"What's him to you?" Humaplos ang kanyang hininga sa aking mukha. Kumpara kay Craven, mas malapit ang mukha ni Niccos sa akin habang inaayos ko ang kanyang necktie. Hindi ko alam kung nananadya ba siya, pero hinayaan ko na lang.
"Uhh...a classmate?" Nalukot ang noo ko't napangiwi.
Nang matapos kong itali nang maayos ang necktie niya, ay muli kong pinasadahan ang kanyang kwelyo. Pagtapos ay bahagyang pinagpag ang kanyang balikat.
"Okay na."
Tumuwid siya sa pagkakatayo at muling ibinulsa ang dalawang kamay.
"I heard, your art is chosen. Congratulations."
"Th-thanks."
Gusto kong sabihin na hindi iyon akin, na nagkamali ako pero kapag ginawa ko 'yon, para ko na ring inilaglag ang sarili ko.
Hapon noong tumawag si Kuya sa akin. Sabi niya, ipapakita niya raw sa akin iyong bago niyang condo unit. Pumayag naman ako agad, para na rin makapag-isip-isip kung aamin ba ako kay Kuya na iyong artwork niya ang naipasa ko. Although, it was an accident, I still feel guilty, alright?
"Why do you look so sulky? Ano'ng problema?" Bungad ni Kuya noong makapasok na ako sa kotse niya.
Umiling ako upang bugawin palayo ang kanyang pagtataka. Tahimik lamang ako buong byahe, although my mind is really chaotic right now. Ano na lang ang gagawin ko kung nalaman nila, o mahuli nila ako. I'd have no excuse, in the end, if the whole school would hate me for it, walang makikinig sa akin. Walang maglalahad ng kanilang tainga para pakinggan ang sasabihin ko.
Ganoon naman palagi, eh. As if they're too lazy to even understand your side, or they're just too immature to do so. Sa huli, laging nahuhusgahan ang mga taong hindi nabibigyan ng pagkakataon upang magpaliwanag.
"Maganda ba?" Mayabang na tanong ni Kuya sa akin noong makapasok na kami.
Malawak ang unit ni Kuya. Super manly ng dating, dahil halos lahat ng mga gamit at furnitures ay dark ang color; ang carpet ay velvet red, ang mga sofa ay black, ang furnitures ay blood red. High-end ang mga kagamitan sa kusina, sa dalawang kwarto naman ay ubod din ng lawak.
Legal age na nga talaga si Kuya dahil bumubukod na siya.
"Can I sleep here whenever I want?" Nilingon ko si Kuya habang isa-sang binubuksan ang mga cabinet niya.
Samantalang siya ay prenteng nakaupo sa kama.
"Of course."
"Pwede magsama ng kaibigan?" Naalala ko si Izzie.
"Sino'ng kaibigan ba ang sinasabi mo?" Nagtaas siya ng kilay.
"Hmmm. Si Izzie..."
"Ah..." parang may na-realize siya. "Iyong creepy na batang stalker. Blinock ko 'yung number dahil tawag nang tawag."
"Ha?" Napaharap ako sa kanya. "Bakit kuya? Aren't you attracted to her? She is pretty...and kind."
"Tell your friend, hindi ako napatol sa bata. She may be attractive, but kid as creepy as her is the least type of woman I'd date. I prefer those sophisticated ones."
I wonder, how would Izzie feels if she heard what Kuya just said.
"You know, little sister, mas gugustuhin ko pang mag-girlfriend ng babaeng kagaya mo kaysa sa mga high-profiled kagaya niya," tumayo siya at namulsa. He pushed his hair backwards upang matanggal ang pagkakatakip noon sa kanyang noo. "Kaya kung may nanliligaw sa'yo kahit nerd-nerd ka, ibig sabihin, they saw how you are as a person...or mas pinili nilang kilalanin nang mabuti ang pagkatao mo kaysa sa ikagaganda ng hitsura mo."
Ngumuso ako. "What if pinagtri-tripan lang ako?"
"Makikita mo naman kung pinagtritripan ka," nalukot ang noo ni Kuya. "Matanda ka na. Kung tutuusin nga, hindi ka naman pangit para hindi magustuhan."
Pagkatapos ng mumunting pag-iikot namin ni Kuya sa kanyang bagong condo ay ihahatid na dapat niya ako sa labas ngunit pinigilan ko na siya. Nagpaalam na lamang ako at tuluyan ng lumabas. Nang buksan ko ang pintuan ay sakto ring pagbukas ng pintuan na kaharap ng unit ni Kuya.
Basa ang buhok ng lalaki, kasalukuyan niyang pinupunasan ang basa niyang buhok gamit ang puting twalyang nakapalibot sa kanyang leeg. Sa kabila niyang kamay naman ay may hawak siyang trash bag na kulay itim.
Nang magtama ang mga paningin namin ay parehong nanlaki ang mga mata namin.
"Pia?"
"Niccos?"
Bumabang muli ang tingin ko sa hawak niya. Napatawa ako bigla. Si Niccos, ang hari ng campus, nakahawak ng basura?