Chapter 6

2542 Words
"What are you doing here?" He softly asked, the first time I heard him talk like he is not lazy nor sleepy. "I—I came for my Kuya..." Hindi pa rin ako makapaniwala sa nakikita. Niccos. Nakapambahay na kulay itim na track pants, at isa lamang plain white tee-shirt, yet he looked so well and neat with it. May hawak pa siya na basura.... "Oh. The new neighbor?" He purse his red lips and even glanced at Kuya's door when I closed it. "Yes," I smiled. "D-Dito ka pala nakatira?" Umiling siya agad. He finally stepped out of their door and closed it, leaving me a sight of his clean toenails under his tri-strap slippers. How could a man be this good looking with this kind of plain apparel? Umiling siya hindi pa rin nagbabago ang ekspresyon sa mukha. "No. My older sister lives here with her family. I was just staying with them for a week." "Oh, ganoon ba?" I smiled nervously. May naktatanda rin siyang kapatid? Ang pinagkaiba lang namin ay babae iyong kapatid niya at may pamilya na. I wonder... "How old is your sister?" Sabay na kaming pumasok sa elevator. Tahimik akong tumabi sa kanya. Sa repleksyon namin nang sumara ang elevator ay kitang-kita kung gaano siya katangkad at kung gaano kaliit ang height ko kumpara sa kanya. Baywang ko ay balakang niya lang. Napanguso ako. Ang unfair namin. "20." Nalukot ang noo ko bigla at napatingin sa kanya. That's...too young to raise a family. "I know what you're thinking." Puna niya bigla at inumpisahang magpunas ulit ng ulo gamit ang twalya. He even took that out with him. "H-Hindi ako judger, ha." Depensa ko bigla. "I know." He nonchalantly answered. At sinulayapan ako nang bahagya, nagsalubong ang mga mata namin. Bumukas na ang elevator kaya sabay na kaming lumabas doon. Nasa labas na ng lobby ang aking sundo, samantalang siya ay dapat sa likod na dumaan pero minabuti niyang sa harap na lang para masamahan akong maglakad. "Take care." Mahina niyang sinabi nang pinagbuksan na ako ng pintuan ng aming driver. "You too." Kumaway pa ako sa kanya at ngumiti na agad ko ring binawi. I stepped my right foot first, tapos pinadaplisan ko pa siya ng isang tingin. Am I really sure, I am going now? If I think about it, mag-isa ko na lang sa bahay mamaya, wala sila Mommy at Daddy— busy sa work, wala rin si Kuya...geez, I should've stayed with Kuya for this night. Hanggang ngayon ay naiisip ko pa rin ang tungkol doon sa painting. Once I started thinking about it, hindi ko na iyon napipigilan pa. It will fill my mind like a flood, wala kang takas, mapa-praning ka na lang talaga. "Uhh...I change my mind. Babalik ka na ba kaagad pagtapos mo riyan?" Parang nagpalpitate ang kanyang kilay sa narinig mula sa akin. As if he did not expect me to say that. He blinked once and his eyes is back to being dull and sleepy. "Well, it depends." I stepped back. Nagpaalam ako sa aming driver at sumama kay Niccos sa pagtatapon ng kanyang basura. "Are you hungry?" He suddenly asked. "I know a place who serves nice chicken." Mayroon ng buwan. Tantsa ko, nasa 7 na ng gabi. Dinner na. Kaya siguro nagugutom na rin ako, hindi ko na rin iyon itinago pa kay Niccos. Walking with Niccos amidst the cold atmosphere almost made me feel like I am walking beside a god. His powerful aura that I once hated, because I can't seem to bare it, but now, I find it peaceful. Wala sa sarili ko siyang tiningala habang diretso lamang ang tingin niya sa sa dinadaanan namin. Minsan, nakakapagtaka na rin. Dahil sa sobrang plain ng mukha niya, at ng ekspresyon niya, kung paano kaya siya tumawa? Will I ever see him laugh hysterically? I don't think so....I can't even tell when he is happy and when is he not. "Niccos." "Hmm?" "Why did you like me? Ano'ng nakita mo sa akin?" "I 'did' not like you. I 'do' like you. What are you saying?" He sounds offended. Ang tapang niya naman upang umamin nang ganon-ganon na lang. "Okay, okay. So, bakit nga?" "My intention is pure, nasasa'yo na lang iyon kung maniniwala ka. However, I don't think you'll appreciate it if I explain right now." Pormal niyang paliwanag. "Bakit naman?" "You don't like me. You won't be pleased by hearing it." Tumikhim siya. "Y-Yes, you're right." "Hold up." Bigla niyang sinabi nang nasa kalagitnaan na kami ng paglalakad. Bigla niya akong hinawakan sa pulso malamang kaya napatigil din ako sa paglalakad. "I think someone has been following us." "Ha? Paano mo naman nasabi?" "It's because I pay attention," he said in a very low voice. "Don't be nervous, though." Now that he mentioned it, how could I not be? Napakadilim ng palitadang kinaroroonan namin ngayon, tapos maraming halamang pwedeng pagtaguan sa gilid. Tapos sa kabilang side naman ay kalsada. Kahit naman sabihin nating may mga nakakakita sa amin ay wala pa rin silang magagawa kapag bigla kaming sinugod dito ng kung sino man! Humigpit ang hawak ni Niccos sa aking pulso, dahil siguro sa kaba ay ikinapit ko na lang din ang isa oang kamay sa kanyang braso. His arms were sturdy and it felt so safe holding onto it. Bumaba ang tingin niya doon sa kamay ko dahilan upang mamula ang aking pisngi. I somehow looked dependent to him! Nakakahiya! Napalunok ako at parehong lumingon sa likod. Noong lumingon kami'y wala naman kaming nakita, madilim pero sa tulong ng mga ilaw ng sasakyang dumadaan ay nabibigyan nito ng liwanag ang parteng iyon. "Did you see anything?" I asked. Humigpit ang pagkakakapit ko sa kanya noong nag-umpisa na kaming maglakad papalapit. "Not yet." "Huwag na kaya tayong lumapit?" Kulang na lang ay manginig ang boses ko sa takot. "Tumakbo na lang tayo nang mabilis." "What are you saying? If someone is following us without attacking us, they might be just trolling and trying to mess with us. Moreover, if they mean to harm us, dapat ay kanina pa nila ginawa." "Saan mo ba natututunan iyan? Are you sure that information won't take us into trouble?" "It depends." Hinampas ko nang bahagya ang kanyang braso at sumimangot. I cannot see his face but I think that's an advantage already dahil kung sakaling na-offend ko siya ay hindi ko makikita. "Who's there?" Tanong niya bigla. "Show yourself." Nagkatinginan kami ni Niccos. "K-Kapag 'di ka lumabas...babatuhin kita!" Pananakot ko. The bush moved. Nanlaki ang aking mga mata. "M-May tao ng-nga..." "Stay here." Mahina niyang sinabi at hahakbang na sana ngunit agad napatigil noong humigpit ang kapit ko sa kanya. "Natatakot ako." Mariin kong sinabi. "Tss. Pasalamat ka reasonable ka, kun'di iisipin kong may gusto ka na sa akin." "Iyan. Nakukuha mo pang magbiro, can't you see where we are? Nasa madilim na palitada tapos may sumusunod pa. Malay mo mamaya pala bigla tayong salubungin ng saksak, e'di namatay tayo." I hissed. Medyo iritado na. "E'di ayos. At least nakapag-joke pa ako bago mamatay." "Niccos!" Matalim kong suway sabay pumadyak ako sa semento. "Fine, fine. Just stay here, it's more dangerous if you co—" "Bulaga!" "Ahhhhhh!— Kuya?!" "Kuya?" Tumagilid ang ulo ni Niccos upang pababa ang sulyapan. "Kuya?!" Iritado kong tinignan si Kuya. "Bakit mo kami sinusundan?!" Although, para akong nabunutan ng tinik dahil doon. Kahit papaano'y naibsan ang kabang nararamdaman ko. However, Kuya is still my Kuya.... "Akala ko ba uuwi ka na?" Pinaningkitan ako ni Kuya ng mga mata, bumaba pa ang kanyang mga mata kamay kong nakakapit sa matigas na braso ni Niccos. Ngumuso siya ngunit ang kanyang mga mata ay puno ng pang-aakusa. I got conscious, kaya bigla akong napabitiw sa pagkakakapit kay Niccos. Tumikhim ako samantalang si Kuya ay nagpatuloy sa pag-uusisa. "Hindi ba, ito 'yung kaibigan mo?" Humalukipkip pa siya. "Iyong bakla?" "Bak— what?" Nalilitong tanong ni Niccos at nalulukot ang noo'ng bumalik kay Kuya. Oh my gosh, he sounded offended! "Bakla!" Insensitive na ulit ni Kuya. He didn't even get that Niccos was offended! "Hindi ba, bakla ka?" "K-Kuya hind—" Bumaling sa akin si Kuya, innocence is all over his face. I unconsciously brushed my palm on my face. "Hindi ba sinabi mo sa akin, bakla siya?" "H-Ha—" "Bakla? Sinabi mong bakla ako?" Ngayon ay ramdam ko na ang pag-aakusa ni Niccos sa akin, siguro'y sobrang talim na rin ng kanyang tingin sa akin. "Oo, sinabi niya. But...are you really gay?" "Of course, not." Agad na isinagot ni Niccos. Kuya groaned. "Sabi mo bakla siya." "I'm not gay!" Natahimik kami bigla ni Kuya nang tumaas ang boses ni Niccos. Hala. Galit na. Out of frustration, I clucked my tongue and glared at my brother. Probably, trying my best to dismiss him. "Umalis ka na nga kasi, Kuya!" Ngumuso ako. "Great, okay, okay," nagawa niya pa talagang humalakhak. Parang nang-aasar lang. "Chill." Matalim ang mga mata kong sumunod sa mga galaw ni Kuya. Itinuro niya ang daan pabalik at tumalikod habang nakangisi. Sumimangot ako kahit noong nag-umpisa na siyang maglakad palayo. "Gay, huh?" It was awkward. Para akong nahuling nagnanakaw sa isang convenience store, ganoon ang lebel ng hiyang nararamdaman ko. So I only stayed silent while walking beside Niccos. Ayaw kong magsalita. In the first place, wala akong maisip na sasabihin na pwedeng ikalubag ng kanyang loob. Or more so...this is the very first time na I felt like, I offended someone. Now, I am starting to internally blame Kuya. Kung hindi lang sana siya sumulpot ay okay pa ang lahat! But they're neighbors, paano na lang kung magkasalubong sila? Then Kuya would brag about that 'gay' thing again? Kahit naman nags-stay lang si Niccos sa condo ng ate niya ng one week ay hindi pa rin 'yon malabong mangyari. "What do you like? Seasoned chicken or fried?" Nagising na lamang ako sa reyalidad nang tanungin ako ni Niccos. Nakarating na kami sa sinasabi niyang chicken resto. Kaya pala biglang umalingawngaw ang random na ingay ng mga tao sa aking sistema. "Seasoned. Iyong maanghang." I awkwardly smiled. Tumango naman siya at 'saka tumayo upang i-process ang mga pagkain namin. Sinundan ko siya ng tingin at napagtantong halos majority ng mga kumakain dito ay nakasunod din ang tingin sa kanya. Karamiha'y mga kababaihan, mapamatanda man o mga teenagers na kagaya rin namin. Mayroon pa nga akong nahuli na kumukuha ng litrato. Samantalang si Niccos ay normal lang ang nga galaw. I doubt he is not aware, baka nga sanay na siya sa ganito, eh. He was just nonchalantly talking to the man on the counter. I don't know if it is just me, but he was extra attractive today. Hindi ko alam kung bakit. Maging ng naglalakad pabalik si Niccos papunta dito sa table namin ay nakasunod sila. I almost felt ashamed when I realized, baka iba ang isipin nila kapag nakitang ako ang kasama ng ganitong kainam na klase ng lalaki. I sighed by the thought. "Lagi ka ba rito?" Itinago ko ang mukha sa mga palad na magkadikit. "We order chicken here. Ngayon lang ako kumain dito sa mismong resto," paliwanag niya at matuwid na naupo. Humalukipkip siya. "But their chicken is nice. You'll like it." Tumango ako at matipid na ngumiti. Tumagos ang tingin ko kay Niccos nang mamataan ang dalawang babaeng nagbubulungan habang nakatingin sa gawi namin ni Niccos. Nagbaga ang pisngi ko. "P-Pansin ko nga." "The chicken might take some time, though," tumagilid ang kanyang ulo upang lingunin ang counter. Sumunod agad ang tingin ko sa kanya at nakitang marami pang nakapila roon. "Marami silang customer. Is that okay with you?" "Okay lang, 'no!" Nerbyosa akong tumawa. "Hindi pa naman ako nagugu—" Napatigil na lamang ako sa pagsasalita nang biglang tumunog ang aking tiyan. Parang kulob iyon na nakulong. Napangiwi ako at napapikit nang mariin. Tinignan ko siya at napangiti. "Actually, I think gutom na nga ako." "I see." Natahimik kaming dalawa at nagkatinginan. Kumalabog nng malakas ang puso ko nang makita kong umangat ang gilid ng kanyang labi. Then he started bursting into laughter. Showing his perfect set of white teeths. Napakurap-kurap ako, hindi makapaniwala sa nakikita. Tumatawa si Niccos. Naniningkit ang kanyang mga mata at halos umangat pataas—pababa ang kanyang balikat, even his whole body is like vibrating! Parang mayroong kuryenteng nagsidaluyan sa aking buong katawan kasabay noon ang pagkalabog ng puso ko. I even felt my face heated in pure delight upon the sight of him, laughing like that! "Ma'am, Sir, here is your order..." Napatigil na lamang siya bigla noong dumating ang aming mga order. Fried chicken iyong sa kanya, tapos iyong akin ay seasoned chicken, halos kumislap ang mga mata ko nang makitang may naka-sprinkle na sesame seeds doon. "Thank you for the food." Ngumiti ako sa nag-serve sa amin. "Thanks." Si Niccos naman, ngayon ay nakangiti na ito, siguro'y aftershock ng kanyang tawa kanina. Nang iwan kami ng waiter ay napatingin siya sa akin bigla. He stretched his long arms to reach for my spoon and fork na nakabalot sa kulay brown na tissue. He unfolded it, pagtapos ay inalok sa akin. I bit my lip to contain my smile, showing my delight. "S-Salamat." "Anyway," inumpisahan na rin niyang i-unfold ang kanyang spoon and fork sa tissue. "Tomorrow's Saturday, right? I have a movie review project, turns out, dalawa ang nabili kong ticket, sayang naman kung itatapon ko lang." "Gusto mong....imbitahan ako. Ganoon ba 'yon?" He nonchalantly nodded. Walang sabi-sabi siyang kumagat sa drumstick fried chicken. It created a sound inside his mouth, kung saan hindi ko maiwasang mapatingin doon. Damn. Even in chewing food, ganoon pa rin ang hitsura niya. "Yup," umangat ang tingin niya sa akin. "How about sila...Lev? Novo? Luka?" Nagkibit siya ng balikat. "They're not available." "Ganoon ba?" Bumaba ang tingin ko sa aking kinakain. "Okay. Sige." Kaming dalawa lang? Was that a date? "OMG! That's a date, sis! Ano bang sinabi niya?!" Niyugyog ako ni Izzie bigla. It's already Saturday today. Parang kagabi lang inaaya pa ako ni Niccos na manuod ng movie kagaya siya. My anxiety took over me, kaya naisipan kong imbitahan si Izzie upang tulungan ako...well, at least to boost my confidence. "That's a date! How could you not know? Wait, may susuotin ka na ba?" "I am not ready, okay? Kaya wala pa..." After last night, hindi na ako nakatulog pa nang maayos. Bukod kasi sa iniisip kong pag-imbita ni Niccos sa akin para manuod ng movie ay hindi rin maalis sa isipan ko ang hitsura niya habang tumatawa. Kulang na nga lang ay mapanaginipan ko iyon! "Ako ang bahala sa'yo, but first, maligo ka muna!" Isinaksak ni Izzie ang twalya ko sa aking dibdib at itinulak ako papasok sa banyo. So, I did the rituals inside. Not that I have other choices though. Talagang binilisan ko pa ang paggalaw at nakalabas din agad suot ang aking puting roba. Naabutan ko naman si Izzie na naglalapag ng mga damit aa aking kama. "What do you think? Tanggalin natin ang eyeglasses mo?" Tanong niya't nilingon ako. "Okay lang ba?" Lumapit ako at pinasadahan ng tingin iyong mga damit. "Oo naman. May contacts ka naman 'di ba? Ako ang bahala."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD