"Is it really okay? Hindi ba ito exaggerated?" Kinakabahang tanong ko kay Izzie nang nasa kalagitnaan na kami ng pag-aayos.
Naayos na rin ang contacts, naikabit na sa mata ko dahil kanina pa ito. Ang sabi niya, manipis lang ang ilalagay niyang kolorete pero ramdam kong ang dami niya naman yatang pinagpapatong-patong sa mukha ko. Is it normally like this?
"Hindi, ano ka ba. This is just light make up," she said and continued doing my face. "As you can see, natabunan na ang freckles mo. Ganito ang routine ko everyday, you know, pareho tayong maraming freckles."
Tama nga siya. Nawala ang mga freckles ko sa mukha. Kahit naman sabihin ni Izzie na pareho kaming may freckles ay iniisip ko pa ring kahit hindi niya iyon takpan ay bagay pa rin sa kanya.
Unlike me, Izzie's face is more defined, may kurba at sexy tignan. My face is the opposite type. In fact, may double chin ako, and my eyes are defined by my heavy eyelids, hindi rin gaano kabaha ang mga pilik mata ko pero makapal ito, ganoon din ang aking kilay na tapos nang bawasan ni Izzie.
Nang matapos niyang ayusin ang aking mukha ay ipinasuot niya sa akin iyong floral bustier dress, tapos sa baba nama'y nagsuot lamang ako ng nike air force shadow pink upang bumagay sa kulay ng dress.
Very teenager type. Hindi daring, at hindi high-profiled na klase ng outfit. Sakto lang.
"Maayos 'yan, hindi halatang nag-effort ka."
"Hindi halata?" Nalaglag ang aking panga nang makita ang repleksyon sa salamin. "Nagbago ang hitsura ko; nawala ang freckles, ang salamin ko, tapos hindi nag-effort?"
"Yes! I mean, people normally change, right? I admit, you look a little different, but I feel like nothing changed with you," ngumuso siya at hinawakan ang aking buhok na ginawa niyang wavy. "I can't wait to see Niccos's reaction."
Hearing about it, parang mas lalo akong kinabahan. Knowing Niccos as someone lowkey and unpredictable. Hindi ko alam. Bahala na.
"Saan daw ba kayo magkikita?" Tanong niya habang nakadungaw sa kanyang cellphone, nakaupo sa kama ko.
"Sa mall na raw. He'll text me if nandoon na siya, tapos sumunod na lang daw ako para hindi ko siya antayin."
Sumulyap siya sa akin matapos isend ang tinatype niyang mensahe. Ngumuso siya. "Well, ni-text ka na ba niya?"
"Not yet."
"Let's just wait, then. Sabay na tayong umalis," aniya at tinignan ang cellphone. Nang makitang walang reply doon ay muli niyang pinatay iyon. She sighed.
"Are you waiting for a reply?" Hindi ko na napigilang itanong.
Agaran naman siyang tumango. "Kuya mo."
Napakamot ako sa batok. "Sorry. Hindi ko nabanggit na hindi na siya rito nakatira. May sarili na kasi siyang condo, kakalipat niya lang noong isang araw."
"It's okay, what I am thinking right now is kung bakit hindi niya ako nirereplyan. I mean, he always reply to my texts naman."
"Paano'ng reply?"
Kakaltukan ko na sana si Kuya sa isipan ko, subalit ipinakita agad sa akin ni Izzie ang kanilang conversation.
"Iyan lang ang mga reply ni Kuya sa'yo?" Nanlaki ang mga mata ko.
Ok, hmm, oh?, nice, what?, haha. Iyan lang ang mga reply niya kay Izzie! Gosh!
"Yup. Normal lang naman 'yan, 'di ba? Since una pa lang naman 'yan."
But...kahit una pa lang...kung gan'to lang din naman...
"I mean, I am willing to go through the process. That's no big deal. Hihiling pa ba ako? Kausap ko na nga siya. That's more than enough." Paliwanag niya pa.
Seeing that, and hearing what Kuya told me in my head... parang alam ko na ang mangyayari.
Kuya is not interested with Izzie! Izzie was blinded by her attraction towards Kuya, kaya ganoon na hindi niya makuha-kuha kung bakit ganoon na lamang ang trato ni Kuya sa kanya! The process is not necessary, because they do not feel the same towards each other.
"Ingat ka. Update mo ako, ha?" Izzie said. She even kissed me on my cheek.
Kumaway ako sa kanya bago umalis. Nang maglaho na siya sa paningin ko ay tahimik akong umayos ng upo sa loob ng sasakyan.
"Naks. Ibang-iba ka ngayon, Ma'am, ah?" Puna ng aming driver sa akin.
I awkwardly smiled. "Ayos po ba?"
"Oo naman Ma'am! Muntik na nga po kitang hindi makilala, eh."
"Salamat po."
Hindi ako sanay na napupuri. Kaya naman naiahon ko ang sarili ko mula sa kabang nararamdaman dahil sa pagkakatuwa noong marinig ko ang sinabi ni Manong. Pakiramdam ko kasi ay exaggerated ang pagkakaayos ko, at baka tawanan ako ni Niccos dahil dito. Manunuod lang naman kami ni movie, bakit kailangan pang mag-ayos nang todo? 'Di ba?
Niccos: I'll be waiting at the interception.
Kumalabog ang dibdib ko habang binabasa iyon, palabas na ng elevator. Agad kong inilibot ang paningin sa buong paligid at sinuyod ito.
Hindi naman madaling hanapin si Niccos. Kung sino ang makikita mong kumikislap na parang ginto ay siya na iyon. Well, hindi naman literal pero ganoon ang dating sa akin.
Kasalukuyan siyang nakasandal sa pader habang nakapamulsa. Mayroon din siyang suot na earphones habang nakapikit. Napatingin ako bigla sa sarili. Will I be okay na lumapit agad? Dahil hindi ko alam ang gagawin, inilabas ko ang aking cellphone at ni-text siya.
Me: Nandito na ako.
Nakita ko namang agad niyang natanggap ang aking mensahe dahil mabilis niyang inangat ang isang kamay upang buksan iyon. Luminga-linga siya sa paligid. Hindi nagtagal ay nalukot ang kanyang noo, tumipa siya ng mensahe.
Pinagtitinginan pa siya habang naroon lamang sa gilid.
Niccos: Where?
Napangiwi ako. Napailing-iling ako at napagpasyahang lumapit na lang ng tuluyan.
Kinalabit ko siya nang makalapit ako. Agad ko namang naagaw ang kanyang atensyon. Dumapo ang kanyang inaantok na mga mata sa akin, kasabay ng pagtataas niya ng kilay.
"Who are you?"
"It's me..." I trailed off. Napangiwi ako nang makita ang pagkakalukot ng kanyang noo. It was as if he was in deep wonder.
"Who...?"
"Pia!"
"Pia?" Parang naguguluhan siya.
Ipinakita ko sa kanya ang cellphone ko, kung nasaan ang aming convo. Agad naman niyang nakuha iyon ngunit hindi pa rin natatanggal ang pagkakagulat sa kanyang reaksyon.
Bumalik ang tingin niya sa akin. His forehead wrinkled once again.
"I'm sorry," I bit my tongue. I told you so. "I just...fixed myself..a bit."
It was as if, I felt that my confidence flew away.
Niccos was wearing a pair of black pants, nakatuck-in doon ang kalahati ng kanyang puting vintage polo. His hair was down, kalahati lang ng kanyang noo ang nagpapakita. He was only wearing a black watch as his accessory, iyon lang pero ang lakas na agad ng dating niya.
Napansin ko na iyon agad noong nakita ko siya kanina.
"Hi!"
Kasalukuyang inaayos ni Niccos ang kanyang earphones nang pareho kaming mapalingon sa biglang tumawag. Hindi ko alam kung sino ang tinatawag pero lumingon pa rin ako.
It was a boy. Tantsa ko ay kasing-edad lang din namin.
"Yes, you!"
Napaturo ako sa aking sarili. "A-ako?"
Ngumiti siya at inalok ang kanyang cellphone sa akin. "Kanina pa kasi kita napapansin. Can I...uhh, get your number?"
Nalaglag ang aking panga. My whole system was overwhelmed. Ito ang pinakaunang beses na may humingi ng number ko. Ganito pala ang pakiramdam? Parang lumulutang sa ere na ewan.
"No." Singit ni Niccos.
Liningon ko siya. Pinagtaasan niya ako ng kilay noong nagkasalubong ang aming mga mata.
"Number lang naman," I can feel from his voice is trying to be nice. "Miss?"
"H-Ha? S-Sig—"
"I said, no. Can't you see we're together?"
"Kayo ba?" Lumipat ang tingin ng lalaki sa kanya. Pagtapos ay bumalik sa akin. "Miss, kayo ba?"
"Malapit na."
Nalaglag ang panga ko kay Niccos na nag-iigting ang mga panga. Pinulot niya ang aking kamay at walang sabi-sabing inilayo roon. Dumiretso kami sa pinagbibilhan ng popcorn, samantalang ako ay nahihiya ng lumingon pa pabalik.
Nag-init ang aking pisngi habang pinapanuod si Niccos na nag-aabot na ng bayad sa lalaki sa counter. Pagtapos ay binuhat niya ang dalawang orange juice, samantalang ako ay iyong isang bucket ng popcorn.
"Hindi ba magagalit 'yung lalaki?" Bigla kong tanong. Papasok na kami sa loob ng cine.
Hindi pa naman ako pamilyar sa papanuorin namin. Although, it's more on like a mystery type. Pero kilala ko naman iyong main character, si Angelina Jolie.
"Why would he? In the first place, that's a risk he should've thought about before reaching for you."
"Ganoon ba 'yon?"
"Yeah. If you see boys simping on you like that, tell them you have a boyfriend."
"Bakit? E wala naman akong boyfriend..."
"If you say so, kukulitin ka lang nila. Or more so...they'd make a move on you." Paliwanag niya pa.
"Sa lahat ba?"
"Oo, Pia. Sa lahat." His tones mark finality.
"Okay," ngumuso ako. "Pero paano kung tanungin nila kung sino ang boyfriend ko? Paano ko 'yon sasagutin? Tiyaka bakit kailangan kong magsinungaling sa lahat? Wala naman sigurong masama kung makikipag-communicate din ako, 'di ba?"
He sighed, hinarap niya ako. "If you go out looking so pretty and gorgeous like that, many guys would try to approach you. You would capture random type of guys, and some guys would try to dig up on you. Tatanungin ang social media accounts mo, number mo, at kung saan ka nag-aaral. The next day, malalaman mo na lang, sinusundo ka na pala nila sa labas ng school. At baka nga hindi mo pa mamalayan, may boyfriend ka na."
"Hala? Grabe naman 'yon..."
"Yes. Grabe nga 'yon," tunog nag-aakusa siya. "You look attractive today, nakita mo naman. May lalaki agad na lumapit sa'yo, maya-maya ay baka mayroon na naman. I just want to remind you that you dressed up, because I am the one with you and we'll watch a movie together. Sa madaling salita, kaya ka nag-ayos ay para sa akin. Kaya sa akin lang dapat ang atensyon mo. Wala sa iba."
Ngumuso ako at nag-iwas ng tingin.
"And about that. Kapag tinanong nila kung sino ang boyfriend mo. Sabihin mo si Niccolos Hibari Castrel, ang council president ng Delian Academy."
Hindi niya hinintay na makasagot ako, bagkus ay tumalikod na lamang siya at nauna na ring pumasok sa loob. Nanatili lamang akong nakasunod sa kanya habang nakanguso at nakadapo ang magkabilang palad sa pisnging nag-aapoy na. Nang makahanap si Niccos ng bakanteng upuan ay doon na kami pumwesto. Inayos niya ang aming mga inumin pagtapos ay tuwid na ring umupo, as usual, nakahalukipkip na naman.
Tahimik lamang kami hanggang sa mag-umpisa na ang palabas. The title of the movie was 'Taking Lives', turns out, suspense ang palabas na ito. Akala ko noong una ay vintage type, iyon kasi ang pambungad, then noong bigla na lamang tinulak noong lalaki 'yung kasama niya sa kalsada at nasagasan iyon ng sasakyan ay nakuha ko na agad.
Maybe Niccos likes films like this, especially para pa sa kanyang movie review.
Wala sa sarili akong kumuha sa popcorn, at sa hindi inaasahang pangyayari'y nagkataon pang magkasabay naming ipinasok ang mga kamay namin ni Niccos.
I suddenly widrawed my hand when I felt my skin touched his. "Mauna ka na."
Nanahimik lamang siya at inabala ang sarili sa pinapanuod. Sa totoo lang, hindi ko talaga trip ang mga ganitong palabas. Pero kahit ganoon ay sinubukan ko pa rin itong intindihin.
Noong sinubukan kong kumuhang muli sa popcorn ay ganoon ulit ang nangyari. Nagtama pa ang mga kamay namin ni Niccos. This time, napatingin na kami sa isa't-isa. Nag-igting ang kanyang panga at nag-iwas ng tingin.
Buong akala ko ay iaangat niya ang kanyang kamay, ngunit laking gulat ko nang hinuli niya bigla ang kamay ko. 'Saka niya iyon isinalikop sa kanyang kamay.
"I'm cold." Mahina niyang sinabi, nakuha ko agad ang ibig niyang sabihin.
Maging ako na bahagyang nilalamig ay hindi na iyon nabigyang pansin, iyong init na dala ng mga kamay namin ay inagaw ang buong atensyon ng sistema ko.
Maging ang puso kong nananahimik ay biglang nagwala. Kulang na lang ay mahimatay ako sa sobrang bilis ng pagtibok nito. Mabuti na lang at madilim, kun'di kitang-kita na naman ang pagpula ng aking pisngi.
Para akong nakuryente nang maramdamang paulit-ulit na pinapagalaw ni Niccos ang kanyang hinlalaki at ihinahaplos iyon sa kamay ko. It was as if it was his unconscious action kaya napatingin ako sa mga kamay namin.
His large hand covered mine, ang ganda ng kanyang mga mahahabang daliri. Halatang malinis.
"You still cold?" Tanong niya.
Now, I deeply wonder how'd he say that without me telling him.
"Hindi na," I bit my lower lip at nag-iwas ng tingin. Bagkus ay agad akong bumaling sa kanya nang may mapagtanto. "Ikaw?"
"I'm still cold, though."
"C-Can we do something about that?" I asked.
Suddenly, the brushing of his thumb on my skin stopped. Bumaling siya sa akin habang ang isang kamay niya'y hinahaplos ang kanyang labi. He looked sideways and sighed, binitawan niya ang kamay ko at binuhat iyon upang maipalibot sa aking balikat, gamit ang pagkakahawak niya sa aking kanang braso ay hinigit niya ako hanggang sa mapasandal na ako sa kanya.
"This will help."
Para akong na-estatwa sa kanyang ginawa. Hindi man ako kumportable sa naging ayos namin ay mas pinili ko na lamang na huwag gumalaw. Iyong kamay naman ni Niccos ay nanatili roon sa aking braso, mahigpit ang pagkakahawak niya roon.
"N-Nilalamig ka pa rin ba?" Tanong ko sa kanya makalipas ang ilang sandali.
"Not anymore." Mahina niyang sinabi.
Inatake ako ng kanyang pabango, sa ganitong sobrang lapit ko sa kanya, hindi lang iyon ang napansin ko. Maliban sa pabango niyang hindi nakakasawang amuyin, ay naririnig ko rin ang malakas na pagkalabog ng kanyang puso sa kanyang dibdib.
Is it his or mine? Hindi ko alam. Maging iyong akin kasi ay malakas ang pagkalabog.
"How about you?" Binuhay niya ang usapan ngunit sa mahinang paraan niya sinabi. Almost a whisper... which I found, almost... nice to hear. "Nilalamig ka pa rin?" He added.
"Hindi na."
"I suddenly felt colder," aniya. "Maybe....I need more."