"Ganoon ang nangyari?!" Malakas na tanong ni Izzie. "So you two..."
"Akbay lang naman 'yon. Wala ng ibang nangyari." Paliwanag ko.
"Hina naman ni Niccos. Bakit akbay lang?" Napatawa si Izzie. "Sabagay, hindi pa naman kayo."
Napanguso ako at nag-iwas ng tingin. Nararamdaman ko na naman ang pag-iinit ng aking pisngi.
"By the way, ano'ng naging reaksyon niya sa look mo noon? Did he say something about that?"
Umiling ako kaagad. "Only that, a boy approached me and asked for my number."
"Ano ka ba, normal na 'yon. You are beautiful, kaya super expected ko na 'yon. So, binigay mo?"
"Nope. Sabi ni Niccos, eh."
"Oh? Ano'ng sinabi?"
"Hinigit ako paalis..."
"Sus, si Niccos. Para-paraan."
"Sabi niya naman, tama lang daw na hindi ko ibinigay. Kaysa naman kulitin ako, tapos istorbohin palagi."
"Hmm, kung sa bagay, may point siya," humaplos siya sa kanyang baba. "Now I am starting to wonder, istorbo lang kaya ang tingin ng Kuya mo sa akin? I wonder. Ano sa tingin mo?"
Naghalumbaba ako. "I don't know. Ikaw? Ikaw ang nakakausap niya, 'di ba? Sa tingin mo?" Humarap ako sa kanya at naghalumbaba.
Imposibleng hindi niya maramdaman 'yon gayong hindi naman siguro itinatago ni Kuya 'yon sa kanya, well, at least, in their case.
"We are on the process, kaya siguro parang ganoon pa lang..."
"Paano kung alisin natin 'yung, sa process pa lang? Do you think, you have a chance on him?"
Napanguso siya. "You're starting to sound negative. Why? Ayaw mo ba ako para sa kuya mo?" Parang batang tanong niya.
"O-Of course, not! I'm just trying to see if you either end up happy or brokenhearted."
Ngumiti siya at mas lumapit sa akin.
"Now, that you said it, try to asses. Will I end up brokenhearted?"
I sighed. Kung iisipin, kailangang malaman ni Izzie na walang balak si Kuyang saluhin siya para habang mas maaga ay maitigil na niya ang pangungulit dito. To be honest, in fact, ang tingin ni Kuya sa kanya ay istorbo. Should I tell her?
"Yes. You will."
"Ha? Paano mo naman nasabi?"
"Tignan mo nga naman ang mga texts ni Kuya sa'yo, ang dry. Kuya isn't normally a dry texter, ano...."
"Kapag naging kami ng kuya mo, ano ang gagawin ko sa'yo?" Ngumisi siya. Hindi man lang siya natinag sa sinabi ko sa kanya.
"Bahala ka nga riyan. Basta ako, binabalaan na kita, ha. Mag-iingat ka, kahit naman sabihin nating kilala ko na si Kuya, hindi pa rin natin masasabi kung ano ang balak niyang gawin sa'yo."
She pouted cutely at bigla akong niyakap. "Syempre, 'no!"
It was a normal Monday morning for the both of us. Kwentuhan habang hindi pa dumadating ang teacher, iyon ang gawain namin ni Izzie. Minsan ay habang nagdi-discuss ang teacher ay sumisenyas pa siya sa akin na inaantok daw siya. Lalo na sa aming Philosophy. Hmm, if I know, kaya lang siya ganoon ay matanda ang guro namin doon.
"Miss Oleo. Pinapatawag ka na sa Auditorium, doon daw gaganapin ang Painting Contest."
Napalingon agad ako sa pintuan kung nasaan iyong isang Council officer ang tumatawag sa akin. If I am not mistaken, siya ang Vice President ng buong council. Sitting next to Niccos.
"A-Ako?" Turo ko sa sarili ko.
Tumango siya sa akin. "Sumunod ka na lang." Pagtapos ay lumabas na siya sa classroom.
"Go! Ichi-cheer kita pagkatapos ng klase!" Si Izzie.
Nerbyosa akong ngumiti.
Ito na nga ba ang kinatatakutan ko, eh. Nagsisi tuloy ako sa mga pinaggagagawa ko noong ginawa ko ang artwork na iyon. Kung pwede lang talagang ibalik ang oras.
Abot-abot ang tahip ng aking puso habang naglalakad papunta sa auditorium. Marami pa akong nakasalubong na Jr. High, mukhang galing doon, ihinatid ang kani-kanilang mga kaibigang kalahok din.
Our auditorium is wide. Nagkalat ang mga frames kung saan kami nakatakdang mag-paint. Also, the materials were beside each sit intended for the contestants. Napaka-organized, halatang napaghandaan nang maayos itong event na ito.
Nasulyapan ko pa sa malayo si Niccos na kausap ang sa tingin ko'y head ng English Club.
Nahanap ko agad ang pwestong nakalaan para sa akin at parang umuurong ang aking sikmura habang inililibot ang mata sa buong paligid. Parang gusto ko na lang mag backout bigla. O kaya nama'y, magpanggap na lang kaya akong nahimatay? Para hindi na a—
"Are you okay here?" Ngayon ko lang namalayan ang paglapit ni Niccos.
"O-Okay lang naman." I forced a smile.
"How about your paint brushes? Check it."
Para mapanatag na ang kalooban niya ay ni-check ko na lang iyon ayon sa kagustuhan niya. Nang makitang may isang kulay na tumigas ay agad siyang nagtawag ng assistant, isa ring kasapi sa council at pinapalitan iyon.
"Goodluck," he whispered. "I'll be watching for you."
"Mr. Castrel!" Tuluyan niya na akong iniwan doon noong tinawag siyang muli ng head ng English Club.
Sinundan ko sila ng tingin ay nakitang papunta na sila sa stage kung saan nakahilera na roon ang iba pang myembro ng student council, naroon na rin sina Luka, Lev, at Novo na agad ding dinaluhan ni Niccos. Samantalang nag-opening remarks na ang head ng aming English Club, kasama pa ang tatlong kasapi ng Club.
"Good morning students! Welcome to the very first artist search for this incoming painting contest. I apologize for making you wait for too long. First of all, I want to thank the assistance of our Student Council, especially its President, Mr. Niccolos Hibari Castrel and to your reliable officials. So, may I call on our Club President to present the criteria, and oue Club Vice President to remind you some rules."
Lumilipad lamang ang utak ko habang umaalingawngaw ang mga sinasabi nila. Minsan ding nagtama ang mga mata namin ni Niccos, ngunit agad akong napaiwas dahil sa nerbyos. Pati si Novo na nagpakita ng thumbs up sa akin noong nagtama ang paningin ay hindi ko na rin nabigyan ng pansin.
My anxiety is eating me! Paano na lang kung sa kalagitnaan ng contest ay mahuli nila iyong gawa ko? I don't wanna hear the end of it, but I can't help but over think!
Noong nag-start na ay nanatili si Niccos, Novo, Lev, at Luka malapit sa akin. Samantalang ang ibang officers naman ay nagkalat upang tumingin din.
"Don't be nervous," rinig kong sinabi ni Niccos sa malayo. "You can do it."
Half of me is still in deep doubt while starting some basic lines on my frame. I had a concept in my head, at kung magpapatuloy akong kabahan ay maaaring makalimutan ko iyon kaya mas pinili ko na lamang abalahin ang sarili ko roon upang maiwasang masakop ang sistema ng kaba.
"Nice," si Lev. "Go, Pia."
"What's that?" I heard Luka asked.
I saw Niccos nudged at him. "Don't talk to the contestants." Sita niya at humalukipkip.
"Tol, baka naman pwedeng exception kami roon? Tutal, tropa mo naman ako."
"Walang tropa-tropa rito." Niccos answered in a very plain voice.
"Go, Pia. You can do it." Si Novo naman.
Maybe, I can just try my best, right? After all, wala namang makakaalam kung walang magbubuking? O kung walang ibang makakaalam? Siguro'y ganoon na nga. All I have to do is to face it with all my might.
Ngunit napatingin na lamang ako sa entrance ng auditorium nang may pumasok doon na guro. Ang adviser ko. Kumalabog agad ang aking puso.
Mukha siyang aligaga at nalaglag na lamang ang aking panga nang makitang may hawak siya, at iyon ay ang painting na ipinasa ko!
"I am so sorry for the trouble, but this painting from one of our contestants is not originally painted by her. Kindly, disqualify her right away."
It felt like the clock stopped ticking lalo na noong nagsilingynan lahat ng taong narito sa akin. I mean, lahat.
"Is it true, Ms. Oleo?" Tanong ng head. Kinuha niya ang piece at ipinakita sa akin.
"It was painted by Alan, her older brother." My adviser announced.
"Ma'am, this was a mist—" pinutol ko ang sarili noong naagaw ko ang atensyon ng karamihan. I was just about to explain, but I figured it's useless.
Sapat naman na sigurong dahilang huwag ituloy ang pagsasalita iyong mga mata nilang halatang ang titigas na ng tingin sa akin.
"Oh my gosh, patay ka." It was the contestant from Grade 11 said.
"Did she really want to join so bad? Is she even good at painting?" The male contestant from Grade 10 murmured.
"If she is good, why would she try to take somebody else's painting?"
Buong lakas akong tumayo. Inipon ko anng natitira kong hiya at nag-umpisa ng maglakad palabas ng auditorium. Rinig ko pang pinapabalik ako roon sa loob ng head at pati na rin iyong adviser ko, narinig ko namang mas lalo lamang lumakas ang mga bulungan noong makalabas na ako roon.
Sa hindi inaasahang pangyayari, pagkalabas ko, bumulaga sa akin ang nakaabang na kumpulan ng maraming mga estudyante sa labas mismo ng auditorium.
They all looked so furious and betrayed. Karamihan pa sa kanila ay galing sa Grade 12, pinapangunahan ng grupo nila Jabami.
"You desperate b***h! Talagang kinuha mo pa ang painting ng iba para lang ikaw ang makuha!" She exclaimed.
"Did she really stole someone else's painting? Grabe naman iyan."
"She stole her very OWN brother's painting! Ano, hayok ka makasali sa painting contest?" Jabami added.
Kumuyom ang aking dalawang kamao sabay kinagat ko rin ang aking dila. Ayaw kong magsalita na sa huli'y magiging dahilan ng panggagatong nila sa mga masasamang sasabihin nila sa akin. Ayaw ko naman ng ganoon.
"Oh, saan ka pupunta? Harapin mo ang problemang inumpisahan mo!" Sinubukan akong habulin ni Jabami at hinawakan ako sa pulso. "Saan ka pupunta?"
"Gosh. I can't believe, she could actually do something like that."
"I know, right. Nagulat nga rin ako noong nalaman ko."
"But, did they really proved she stole the painting?"
"Yes! Turns out, her Kuya posted it on his IG. Iyong mismong painting at nakita iyon ng adviser niya mismo, the painting is very identical, at noong nicheck ang mga sketch lines ay halos parehong-pareho."
"Omg. Nakakahiya iyan. Kung ako ang nasa katayuan niya ay mawawalan na ako ng mukhang ihaharap sa mga tao."
Ramdam ko ang init ng kanilang mga mata sa akin. Ngunit para na rin sa sariling ikatatahimik ko ay mas pinili kong agawin pabalik ang aking kamay mula kay Jabami.
Ngunit nang maagaw ko ang kamay ko ay bigla siyang nawalan ng balanse, dahilan upang bumagsak siya sa sahig. Nagsinghapan ang mga tao sa paligid dahil sa nangyari.
"Oh my gosh! Are you okay, Jabami?!"
"Did she push her?!"
Nanlaki ang mga mata ko sa gulat kasabay ng pagsulyap ko sa pintuan nang sabay-sabay na nagsilabasan doon si Niccos, mga kaibigan niya, at ang mga guro na naiwan sa loob kanina.
Mas lalo pang kumalabog ang puso ko nang magtama ang mga mata namin ni Niccos. Agad akong nag-iwas ng tingin bago tuluyang maglakas loob na tumakbo palayo.
Now, what?
Kung tutuusin nga, habang lumalayo ako sa kanila, iniisip ko kung ano ang gagawin ko pagtapos kong tumakbo paalis. Should I go home? Hide? But where?
I don't know. My mind is full of thoughts, hindi ko na nga alam kung ano ang uunahin kong isipin. The fact that they thought I pushed Jabami made it even worse. I mean, I felt like I was in no place to even explain my side!
Sumabog ang aking buhok noong maibukas ko na ang bakal na pintuan ng rooftop. Sinalubong agad ako ng hangin at ang sinag ng araw. Mainit dahil tanghali...pero ano pa nga bang magagawa ko, backing up from here might just caught me up in trouble, lalo na't nagkalat na rin siguro ang mga estudyante pababa.
Bumuntong hininga ako at marahan iyong isara, upang hindi na rin makagawa ng ingay. Tinakpan ko kaagad ang mukha ko habang naghahanap ng lilim na pwedeng pwestuhan. Nang makaupo ako ay panay 'saka ko lamang naramdamang panay na ang vibrate ng cellphone ko.
Ngumuso ako at niyakap ang tuhod, gamit ang isang kamay ay binuksan ko ang aking cellphone. Sunod-sunod ang nagpakitang notification sa akin, galing sa f*******: ang karamihan. Maraming nagpopost sa timeline ko, at hindi ko na iyon kailangan pang buksan para lang malaman kung ano ang pinagpopost nila roon.
I bit my lower lip as I felt my eyes water. The silence and the atmosphere here is just too peaceful that I think, even if I act vulnerable helpless, I would still remain at peace. Walang taong makakakita sa iyo, wala kang maririnig na kahit ano.
Yumuko ako at ikinulong ang sariling ulo sa mga palad. Doon na ako nag-umpisang humikbi, lakasan ko man ay hindi ko na inalintana. Ngayon lang nagsabalikan ulit sa akin, umpisa noong iyong kay Kuya na painting ang naipasa ko, hanggang sa nahuli ako kanina. It's coming back to me now...
What did I even do...
"What's wrong with you? You cry loudly. Ganyan ba ang nagtatago?"
Napatigil ako bigla. Parang naiwan sa ere ang mga natitirang hikbi ko nang iangat ko ang ulo ko, only to see Niccos standing there, nakasilid sa kanyang bulsa ang isang kamay habang ang isa ay nag-aabot sa akin ng kulay puting panyo.
"Anong ginagawa mo rito?" Naguguluhang tanong ko, bagamat tinanggap ko pa rin ang inialok niyang panyo at tinanggal ang salamin upang iyon ang unahing punasan.
"You ran away. Are you guilty or something?" Presko niyang sinabi at lumapit, naupo sa tabi ko.
"How could I even explain when they are judging you right away..." kinagat ko ang labi ko upang pigilang mapahikbi na naman. Sumakit ang lalamunan ko bigla.
"Were they? Parang wala naman akong narinig," he remarked. "They were just shocked too. If you are not guilty, dapat ay nagpaliwanag ka."
Sumisingaw ang kanyang bango habang nakaupo sa tabi ko, samantalang ako'y nahiya pa dahil baka amoy pawis na.
"Magpapaliwanag naman ako, eh."
"Uh-huh. But you ran away." Presko niya akong nilingon nang isang beses.
"Kasi...walang maniniwala sa akin." Niyakap kong muli ang tuhod ko, humina na rin ang boses. I am starting to lose my confidence. Ngayon pa lang.
"How did you say that? Hindi mo pa nga sinusubukan. Do you think your name will be cleared if you run away? What if you explained?"
"Wala ngang maniniwala sa akin!" Pumiyok ang boses ko at napasimangot. Naiinis na. Nafu-frustrate na.
Muling nagsi-agusan ang mga luha sa aking dalawang mata.
"Hindi mo kasi alam kung ano'ng pakiramdam ko! Ang katulad ko, kapag nagkamali, walang karapatang magpaliwanag kasi una't-una pa lang, sasagarin ka na nila. They'll judge you right away, pagkakaisahan ka. Kaya bakit pa ako magpapaliwanag?! Besides, I didn't have the chance! Why would I explain to these people na sarado ang utal?!"
Niccos looked a little shock by what I said. Although his face is calm enough, ewan, nasanay na lang siguro akong punahin ang maliliit na emosyong kanyang ipinapakita sa akin kaya ko nasabi.
"Ayaw kong mag-explain! Hayaan mo sila! Hayaan mong isipin nila kung ano'ng gusto nilang isipin!"
He blinked once, making the time temporarily stop for me. Parang nag slow motion bigla ang paningin ko sa kanya. Then after a minute or two, I guess? He decided to talk.
"Fine." Niccos sighed. "I won't force you. Just calm down, okay?"
Natigil ako bigla at napakurap-kurap. Umusog siya palapit sa akin hanggang sa magtama ang mga balikat namin, sunod niya namang itinaas ang kanyang kanang kamay at gamit iyon ay itinulak niya ang aking ulo hanggang sa maisandal na ito sa kanyang balikat.
"Do not say that. In a sea of people, it only takes one person to believe in you. I would always choose to believe in you. So don't ever say that again."