Chapter 9

2726 Words
"Bakit ka ba nandito? Hindi ka ba hinahanap doon?" Ngumuso ako, ipinatong ko ang aking baba sa aking tuhod na magkadikit. "I don't know. I think, I got worried for you too much," Tumagilid ang ulo niya upang sulyapan ako. "Are you feeling any better?" Wala sa sarili akong tumango. "Oo naman." "Good. Did my presence enhance your mood?" "I guess so." "Are you happy that I'm here?" My brows wrinkled. I faced him. Now, I am starting to think that this questions tend to go somewhere. Nakatanggal na ang kanyang coat. Tinanggal niya kanina at itinakip sa hita ko. He was only wearing his polo right now, napaluwagan na rin ang kanyang necktie. "Bakit naman ako matutuwa?" His red lips protruded, kasabay noon ang kanyang paghalukipkip. Ang kanyang tuwid na pagkakaupo ay pansin na pansin. That's so much like him, though. Halos lahat ng galaw ay naisasagawa sa pormal na pamamaraan. "I guess you don't need me that much." Nag-iwas siya ng tingin patagilid, giving me a sight of his sharp jawline. "Pero, thank you, ha." Agad namang naibalik sa akin ang tingin niya. He renewed his crossing arms, his lips protruded more. "Saan naman?" He sounded a little awkward, ang cute pakinggan. "Kasi...lagi kang nariyan. Ngayon ko lang napansin. You're always there when I'm in trouble..." "What can I say? You always get in trouble. What's with you? You're so reckless." Nalukot ang kanyang noo sa akin. "Nag-umpisa lang naman ito simula noong niligawan mo ako..." I murmured. "I heard that," puna niya. "I somehow think that way, kaya na rin siguro ako laging nakaantabay sa'yo." I sighed. Umayos ako ng upo at humarap muli sa kawalan, ganoon din ang ginawa niya. "Hanggang ngayon talaga, palaisipan pa rin sa akin kung bakit mo ako niligawan," umpisa ko. "Hindi naman na siguro iyon kataka-taka sa'yo, 'di ba?" "You know, what's the problem with you? You wonder about almost everything." Siguro nga tama si Niccos. Pero hindi ko na rin siguro masisisi ang sarili ko kung ganoon na lamang ang paggana ng utak ko. I grew up being always the least in everything. Nasanay na rin siguro ako. Kinabukasan ay pinagtitinginan ako ng lahat pagkapasok ko. Simula noong bumaba ako sa aming chauffeur ay ganoon na agad ang bumungad sa akin, halos mabali ang leeg nila kakalingon sa akin, sabay bulungan. Sa hallway, kahit saang kanto noon, pinagtitinginan ako. Maging noong pumasok ako sa classroom ay biglang natahimik. Sa pagkakaalala ko, bago ako pumasok ay maingay rito, ngunit nang pumasok ako ay biglang natahimik. Last night, I barely slept over thinking about what might happen today. I wasn't that too disappointed with the murmurs and stares, however, I still felt a little....inferior. Sa kabila noon, pumasok pa rin ako kahit unti-unti na akong nalalagasan ng tapang, natyamba pa na si Jabami ang una kong nakita dahil nakatayo ito't nakahalukipkip. Kitang-kita ko kung paano nagbago ang kanyang aura nang magtama ang aming mga mata. "Ang kapal din naman ng mukha mong pumasok pa pagkatapos ng ginawa mo?!" She said loudly. Sumabog ang iba't-ibang bulungan ng aming mga kaklase, bumilis din ang t***k ng puso ko dahil sa kabang nararamdaman. "She even pushed you right? The audacity of this woman..." Jabami's friend, Mina said. "Oo nga, 'no? Bawian mo, Jab. Huwag kang papatalo!" One from my boy classmates said. Nakahalukipkip si Jabami na lumapit sa akin. Halos magpalpitate ang kanyang kilay habang pababang nakatingin sa akin. "Do you think, you own the world just because Niccos is on your side?" Nanunuya niyang tanong. "Let me tell you this. Iiwan ka rin ni Niccos kapag bumalik na si Sahara! Huwag kang feeler, walang-wala ka naman doon." "Although, I still wonder why Niccos is badly smitten by you. Ginayuma mo ba siya?" Sumabog ang buong klase sa tawanan at panggagatong sa sinabi ni Jabami. Nanguyom ang dalawa kong kamao. Kinagat ko ang aking dila. "Nakakapagtaka e. Kumpara kay Sahara, walang-wala ka! Kuko ka lang nun! Just...look at you...." I don't wana hear the end of it. I chose not to. My facade is out of this issue. I am well aware that my appearance is a bit...behind theirs, but I never felt that I am an outsider just because I fress different. But now, they are making me think otherwise. Nakakababa ng self-confidence. "Sis, baka mas pangit pa siya sa kuko ni Sahara!" Humakbang palapit sa akin si Jabami at buong pwersa akong itinulak. Hindi ko iyon napaghandaan, at hindi rin inasahan, kaya naman agad akong nabagsak sa sahig. Ramdam na ramdam ko pa ang pagtama ng matigas na sahig sa aking pang-upo. Kung hindi lang mas masakit ang mga sinasabi nila ay naiyak na ako sa sakit na dulot noon. "That's what you get for pushing me! Bitch..." "Students?! Ano'ng nangyayari rito?!" Natahimik bigla ang buong classroom nang pumasok ang aming adviser. Hawak ang kanyang book at pointing stick. Tahimik akong tumayo at nagpagpag ng sarili kung sakaling may kumapit man sa aming dumi. "Ano'ng ginagawa mo riyan, Miss Oleo?" "Miss, aren't you going to send her to the Principal's office? O kaya sa DO? Nakakahiya siya. Pinahiya niya ang section natin." Jabami said. "We will," sinulyapan ako ng aming adviser. "Ipapatawag muna namin ang may-ari noong painting, at kung maaari'y pati na rin ang parents niya." I don't know if it is just me, or pakiramdam ko ay pinagkakaisahan nila ako. I don't know. Absent si Izzie at Craven. Sila na nga lang ang kakampi ko rito sa classroom, sila pa ang wala. Buong oras tuloy, pakiramdam ko ay another person ako rito habang nagkaklase kami. Pakiramdam ko, bawat sulyap ng teacher namin sa akin binabantaan ako ng mga mata niya. Morning break noong nagdadalawang isip pa ako kung lalabas ba ako at kakain dahil nagugutom ako, o dito na lang mag-isa sa classroom. At least dito, walang matang nakamasid sa akin. Syempre, pinili kong manatili na lang dito sa classroom. Kung ikaw ang nasa katayuan ko ay ganito rin ang gagawin mo. Iniisip ko pa lang ang dami ng estudyanteng haharapin ko sa labas ay umuurong na ang sikmura ko. Idagdag mo pang mag-isa ko ngayon. Wala si Izzie o kahit si Craven man lang. Umangat na lamang bigla ang paningin ko sa pintuan nang makitang bumukas iyon. Buong akala ko ay isa sa mga kaklase ko ang bumalik na, o papasok na. Ngunit laking gulat ko nang mamataan ang dalawang taong pumasok...nalaglag ang panga ko dahil... naghahalikan pa ang mga ito. And not to mention! Iyong lalaki ay si Lev. Hindi ba'y student council ito?! Hindi nila ako nakita. Or more so, akala siguro nila ay walang tao rito kaya dito nila napiling mag-make out. But...I'm here! What should I do? Sa huli'y makikita rin nila ako rito. I am not innocent or someone naive for some matters like this but this is too much to see already! Their kisses were also creating sounds already. I almost felt embarrassed and disgusted. Nang hindi ko na makayanan ay bigla akong tumikhim. "Holy shi—" napatigil nga silang dalawa at parehong nanlaki ang mga matang sumulyap sa akin. Parang nadagdagan pa ang pagkagulat ni Lev nang makita ako. "Pia?!" Ilang ulit akong napakurap-kurap. "Uh...yes?" Napangiwi ako. Napatingin ako sa babaeng kahalikan niya lang kanina at halos malaglag ang aking pang nang mapagtantong ito ay Junior High School pa lang! If I am not mistaken, Grade 10 pa lang ito. This guy....pinaningkitan ko ng mga mata si Lev na napapakamot na lamang sa kanyang batok. I did not realize based on her uniform dahil sa pagkakagulat kanina! Lumilipad pa rin nga ang utak ko hanggang ngayon sa dami ng iniisip. "Why are you— s**t, patay na." He murmured. "What are we gonna do now?" Saglit akong sinulyapan noong jr. high. "I don't know. Just get back to class firs. I'll text you." "Okay." Bago lumabas iyong junior high ay isang beses niya pa akong sinulyapan. At bago sumara nang tuluyan ang pintuan ay inirapan ba naman ako...? "Uhh...about what you saw." Lumipat muli ang tingin ko kay Lev. Oo nga pala, may nakita ako. Now that he reminded me about it again, I cannot unsee it. Lev sighed, lumapit sa akin. "Huwag mong sasabihin kay Niccos, ah?" "Hindi niya ba alam?" Gulat kong tanong. Umiling siya kaagad. Nagkagat siya ng labi, mukhang ganoon ang gesture niya kapag kinakabahan. "Tiyaka, junior high iyon, ah? How old is she? 16? 15?" "15." Nalaglag ang panga ko. "Lev! 15?! Are you..." "I know, okay?" Ngumuso siya at humalukipkip. "She is a good kisser, what can I do?" "Isusumbong kita kay Nicc—" "Please, no! Please!" Kulang na lang ay lumuhod siya sa akin sa pagmamakaawa. "Kapag isinumbong mo ako, maki-kick ako paalis sa student council." "I mean, ang dami naman dito sa Grade 12, ah? Bakit kailangan pang sa junior high?" Hindi ko mapigilan ang pag-aakusa sa boses. "I still can't believe it." "We're friends, right? Can you keep it as our secret? At kung maaari, kuwag mo ring sasabihin kay Niccos?" "Okay, hindi..." "Really?" Nagliwanag ang kanyang mukha. "Pero bilhan mo ako ng makakakain. I cannot go outside.... alam mo naman na siguro kung bakit, 'di ba?" Napangiwi ako. Naglakad siya hanggang sa naroon na siya sa harapan ko. Humilig siya sa aking desk at dinungaw ako. "About that...kahapon pa aligaga si Niccos. Naga-ala detective, he kept on calling someone on his phone, tapos panay ang sulat niya ng mga numero. Hindi kaya nabaliw na siya?" "Ha? Aligaga? Bakit?" Nagkibit siya ng balikat. "Maybe you know something. Is he...somehow, suffering from something like depression, anxiety..." ilinapit ni Lev ang kanyang mukha sa akin. "Baka naman na-love sick na siya?" "How would I know?" "Hmm. I heard nanuod kayo ng movie together, was that a date?" Ngumisi siya. "Date? No," nagsalubong ang mga kilay ko. "Sinamahan ko lang siyang panuorin 'yung gagamitin niyang movie para sa project nilang Movie Review." "Movie...what?" His brows wrinkled. "Movie review?" Ulit ko. "What the hell..." mahina niyang sinabi at biglang sumabog sa tawa. Dahil sa kanyang malakas na pagtawa ay napahawak na rin siya sa kanyang tiyan. "Bakit ka tumatawa?" "Nakakatawa ka, eh." He answered in between his laughs. "Bakit?" Naguguluhan ko pa ring tanong. "You actually fell for that?" He remarked, halos maluha na siya katatawa. "Anon'ng movie review sinasabi ni Niccos? Hindi pa nga nila tinetake ang Oral Communication may movie review na agad?!" "What?!" Nalaglag ang panga ko dahilan upang humagalpak siyang muli ng tawa. "s**t. This is crazier. So, sinamahan mo siyang manuod para sa movie review niya kuno?" He said, still chortling. "Inuuto ka lang no'n! Moview review pa nga. Wala pa silang ganoon na mga ABM, sa second sem pa! Nauto ka niya?" "Malay ko bang wala pa pala silang Oral Com?" Nag-iwas ako ng tingin at ngumuso. "He really did that? Si Niccos?" "Get over it. Ang isipin mo, ayusin mo ang sarili mo dahil malapit na namang matapos ang morning break." Pag-iiba ko sa usapan. "Do I look okay, though? Halata bang nakipagmo-mol ako?" Napangiwi ako sa term niyang 'momol'. This guy... "Okay lang naman," sinuri ko ang kanyang mukha gamit ang aking mga mata. "May bahid pala ng lipstick iyang mukha mo." Seriously? A junior high school using a dark red lipstick? "Saan?" Inilahad niya ang mukha sa akin. "Here." "Ito," naglahad siya ng pulang panyo sa akin. "Pakipunasan." I glared at him before I accepted the handkerchief. Nakanguso kong pinunasan ang kanyang mukha. "Ang hirap tanggalin," napatayo na rin ako. Mukhang matte ang gamit niyang lipstick. "What? Tanggalin mo..." "I'm trying, alri—" "What are you two doing?" Pareho na lamang kaming napatingin ni Lev sa pintuan nang bigla iyong sumara. At bumulaga sa akin si Niccos, na kasalukuyang may hawak na paper bag. Gumapang ang aking mga mata sa kanyang mukha at agad nakita ang pag-aakusa sa kanyang mga mata. "Oh s**t. I'm dead." Bulong ni Lev. Agad kong naitulak ang mukha ni Lev palayo at napaayos ng tayo. "Ouch!" Reklamo naman nito agad habang hawak ang kanyang pisngi. Ako naman ay sumulyap kay Niccos na nakabusangot ng papalapit sa amin. Magkasalubong na ang makakapal niyang kilay, I doubt he is looking at me dahil diretso lamang kay Lev ang kanyang tingin. "What are you doing here? Akala ko ba masakit ang tiyan mo?" Mag pag-aakusa sa kanyang boses. "Uhh...I came...here....to..." napatingin si Lev sa akin. "Ah! I came here to check on Pia!" Parang nagpalpitate naman ang kilay ni Niccos at napataas iyon. He looked insulted in some specific way. And it is written all over his face. "Why would you check on your friend's girl? Concerned citizen ka ba?" I can sense sarcasm in that. Ngumuso naman si Lev at preskong ngumiti. "Of course, concerned citizen ako. Masamang umapi ng kapwa, Niccos, lagi mong sinasabi sa amin 'yan, 'di ba? In case...you know, maiwasan ang pambubully nila kay Pia." "Yeah," matamang sagot ni Niccos. "Kaya naman pala may lipstick ka sa mukha." "Wala, uy! Baka pasa lang, I think anemic ako or...my skin is just sensitive. You know." Tumigil si Niccos nang tuluyan ng makalapit. Yumuko siya at kinuha sa akin ang panyo ni Lev. Hinagis niya iyon dito. "Wipe that out, you look disgusting," he remarked. "And you have a hickey on your neck. Ganyan ba ang masakit ang tiyan?" "Meron?!" Gulat na sabi ni Lev. "Oo meron," sumulyap sa akin si Niccos. "Kumain ka na ba? Hindi kita nakita sa cafe..." "Ako, Niccos, hindi pa ako kumakain..." singit ni Lev. "Hindi kita kinakausap." Sagot ni Niccos na nakatitig pa rin sa akin. Napanguso na lamang doon si Lev. Pinanuod kong ilabas ni Niccos lahat ng pagkain laman noong puting paper bag, na sa tingin ko'y hindi galing sa cafe. Baka in-order niya. "Ang dami naman niyan, hindi iyan kayang ubusin ni Pia. Pahingi..." "For two lang talaga 'to. So get out and give us some privacy." There are two boxes of lasagna, siguro tig-isa kami. Two medium cups of milk tea, tapos isang box ng choco macarons. Tinusok ni Niccos ang straw sa cup bago iyon ibinigay sa akin. Wala sa sarili ko iyong tinanggap. "Privacy, privacy. Kayo ba?" Lev asked. Ngumuso siya at ngumisi. "Don't smile. It's annoying. Leave." "Paano ako makakalabas kung may hickey nga ako sa leeg? This is embarrassing." "Ginusto mo 'yan," Mahinang sinabi ni Niccos at inilapag sa harapan ko ang isang box ng lasagna. "Eat now, Pia. Malapit na bumalik ang mga kaklase mo." "O-Okay." "Damot mo. Bye." Nakabusangot si Lev na lumabas. Napangiti na lamang ako nang marinig ang pagbukas at sara noong pintuan, halatang napikon kay Niccos. Sumulyap ako kay Niccos at nakitang tahimik lang din siyang kumakain. Kahit puno ang kanyang bibig at bumubukol iyon sa kanyang pisngi ay hindi pa rin maipagkakaila ang kainaman ng kanyang hitsura. Bawat pagyuko niya upang sumubo sa pagkain ay mas lalong naiapapakita ang kanyang mahahabang pilik mata. Hindi rin nagtagal ay nagsidatingan na ang karamihan sa mga kaklase ko. Hindi pa kami tapos kumain ni Niccos kaya mas nailang ako. Halos lahat sila ay mauusisa ang mga matang nanonuod sa aming dalawa ni Niccos na kumakain. Samantalang si Niccos ay parang walang pakialam at nagpatuloy lang sa pagkain. "I can't believe what I am seeing right now." Rinig kong bulong ng isa sa mga kaklase ko. "Are they really...?" "Ang lala. Maybe I should start cleansing my eyes." "Is that Niccos? Oh my gosh, why?" Hindi ko na malunok ang kinakain ko. Patapos na si Niccos at ako ay kalahati lang ang nabawas sa kinakain. "You didn't finish it?" Nagtatakang tanong niya noong inaayos na niya ang kanyang pinagkainan. I awkwardly smiled. "Nabusog ako agad." "Okay, then. Finish it if you get hungry again," wala na ring laman ang kanyang milk tea cup. "I'll leave that here. The macarons are for you." "S-sige." Siya na rin ang nagligpit sa pinagkainan ko, ibinalik niya iyon sa paper bag upang makuha ko ulit mamaya. "Stop worrying about anything. I can solve this, okay? You just wait." Parang nahulog ang puso ko noong ginulo niya ang buhok ko. Tapos ngumiti siya sa akin bago tumalikod habang hawak-hawak ang basura niya kanina. My heart sank by that and I cannot seem to control its rapid beats right now. Parang mayroong hinahabol...it was excited.... and alive.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD