The next day, pinatawag talaga ang parents ko. Since, Daddy was too busy to even come, si Mommy at Kuya lang ang pumunta. I somehow felt relieved dahil hindi nakapunta si Daddy. Less disappointment na rin iyon para sa akin.
"Are you kidding me?" Tumawa nang malakas si Kuya nang marinig ang sinabi ng aking adviser. "Si Pia, kinuha ang painting ko?"
Mommy glanced at me with all the calmness in her eyes. Hindi niya man sabihin, ramdam na ramdam ko ang kanyang pagkadismaya sa akin.
"Pia wouldn't do that! Mas magaling pa nga siyang mag-paint kaysa sa akin!" He added.
Sa harap ng principal, nila Mommy at Kuya, 'saka iyong adviser ko, inilabas ang painting at ibinalandra kila Kuya upang mapatunayang kinuha ko nga iyong kanya. Nang makita iyon ni Kuya ay agad niya akong sinulyapan.
"Was it true?" Si Mommy na ngayon lang nagsalita. Her voice is as soft as her physical features.
"I-It was an accident..." mahina ang boses ko dahil ramdam ko ang unti-unting pagkonsumo ng kaba sa akin.
"Okay, Miss Oleo, explain. What can you say about this?" My adviser asked.
"I slept late that night because I finished the painting. I used Kuya's painting as my reference. I woke up late so...hindi ko namalayang ibang painting pala ang nakuha ko..."
"How can you prove that?" My adviser asked.
"I have her painting with me," singit ni Kuya. "Do you wish to see it?"
"Please, Mr. Oleo."
Agad na may ni-dial si kuya sa kanyang cellphone, kinausap niya ang driver namin upang ipunta rito iyong painting ko. Hindi rin naman nagtagal ay dumating agad iyon, halatang pinaghandaan ang iuutos ni Kuya.
Walang pinalampas na oras si Kuya at agad iyong ipinakita sa lahat ng naroon sa office.
"As you can see, mas maganda ang painting ni Pia kaysa sa akin. Kaya malabong siya pa mismo ang kumuha ng painting ko." Preskong sinabi ni Kuya. His voice is fully confident, like what he was saying is purely factual.
Natahimik ang buong office. Tanging ang bugso lamang ng air conditioning ang umaalingawngaw sa lahat ng sulok. Napatingin ako kay Kuya na halatang hinihintay ang sasabihin ng principal. Si Mommy naman ay pormal lamang na nakaupo habang nakapatong ang dalawang kamay sa kanyang tuhod.
Tumingin ako sa Ma'am principal. She was only drumming her long fingers on the table, halatang nagmumuni-muni bago isagawa ang desisyon.
"I believe you, Ms. Oleo," she remarked. "But what I can't understand is why didn't you explain?"
"Oh, and by the way," putol ulit ni Kuya. "I heard my sister was bullied because of that. If you have plans on grounding her because of the delayed explanation, then please punish every student here in this school who bullied her."
"My daughter is not very confident, Natasha. If she couldn't explain, it must be because she was pressured. We apologize in behalf of my daughter if the painting contest was interrupted, but it is one of those inevitable matters. You know, trouble happens."
I felt guilty hearing the slight pleading in my Mom's voice. Ni minsan ay hindi ipinaranas ni Kuya ang ipatawag sila Mommy rito sa school noong high school pa lang siya kagaya ko. Isipin mo pang lalaki siya, samantalang ako ay babae. Tapos ako pa ang nagkakaganito.
Nakipagkamay sila Mommy sa principal at sa aking adviser nang matapos na ang usapan. Sinamahan ko na rin sila Kuya palabas ng school.
"Why didn't you tell me na binu-bully ka na pala rito?" Pinagbuksan na ni Kuya ng pintuan si Mommy.
Sinulyapan naman ako ni Mommy at humawak sa ulo ko. She kissed me on my forehead.
"If you can, please stay out of trouble. Do not stress your Kuya, okay? Be a good girl."
Tumango ako kay Mommy habang kumukurba ang labi. Nang makapasok na si Mommy sa sasakyan ay humawak si Kuya sa pintuan, yumuko siya at mayroong kinuha sa loob ng sasakyan. Nang iangat niya ang kanyang katawan ay nakita ang hawak niyang pink na paper bag na hindi ganoon kalaki.
"I am endorsing a particular contact lenses and optical accessories' company. I don't need it. Iyo na lang."
"Ano 'to? Contacts?" Tinanggap ko pa rin naman ang paper bag.
"Yes. Gamitin mo 'yan, mas hassle 'pag eyeglasses ang suot mo," he started.
"O-okay."
"And who was that neighbor of mine again? Iyong bakla? Mag-thank you ka sa kanya. He notified me about this earlier kaya alam ko ang ginawa ko kanina."
My lips protruded. "Si Niccos?"
"Yes. That. Basta....'yung bakla."
I watched our car as it vanish from my sight, joining the sea of cars occupying the vicinity of the highway.
A week passed, at unti-unti ring namatay iyong issue. Sa huli, hindi na nabigyan ng tsansa pa ang mga Grade 12 upang makajoin sa event, iyon ay out of consideration na rin para sa mga mas nakabababang grade levels. In addition, the majority of the contestants voted for the elimination of the highest level dahil sa nangyari.
Ganunpaman, I wasn't blamed. Ayon sa adviser namin, hindi lang ako ang dapat sisihin, kun'di maging ang mga estudyanteng nagpalaki rin ng problema at binigyan ito ng mga sanga.
"May problema ka ba?" Kinalabit ko si Izzie na nakadukdok lamang sa kanyang desk.
Wala naman siyang lagnat noong chineck ko ang temperatura niya sa noo. Hindi rin siya namumutla. Tanging ang malalim niya lang na eyebags ang nagsasabi sa akin na mayroong problema.
Ano naman kayang problema niya?
"Your kuya," mahina niyang sinabi. "May girlfriend na siya."
Oh.
That's why.
"Did you cry all night just because of that?"
"How wouldn't I? Normal lang ang umiyak kapag nasaktan." She murmured under her breath. I barely understood her distorted voice.
Hindi ko naman masisisi si Izzie, eh. At mas lalong hindi ko naman masisisi si Kuya. Sinabi niya na rin sa akin noon, na wala siyang planong gawin para kay Izzie. I think, hindi naman nagkulang si Kuya sa pagpaparating, only that Izzie was blinded with her attraction towards him.
Morning break noong sinubukan ko siyang ayaing kumain sa cafeteria. Gladly, napasunod ko siya kahit ganoon na lamang na dinadamdam niya ang pagkakaroon ni Kuya ng girlfriend.
"So, you really stopped wearing those silly glasses, huh?" Tanong ni Novo noong dinaluhan nila kaming apat sa table namin.
Tahimik lamang na naupo si Niccos sa aking tabi, ngayon ay pinapagitnahan na nila ako ni Izzie. Sa kabilang side naman ay sina Lev, at si Luka at Novo na kaaalis lang upang um-order ng makakain namin.
Lately, this has been a normal thing for us. Ang sumabay sila kapag may pagkakataon sa amin ni Izzie. Simula noong nalutas ang issue ay ganito na ang naging setup namin.
Niccos was busy reading a book, habang si Lev ay talak nang talak tungkol daw sa rumors na may pagala-galang multo sa abandoned hospital sa malapit lang.
"Where do you even get those?" Matamang tanong ni Luka.
"It's the headline for today. Nabasa ko sa isang anonymous na writer ng blogs. They said, it's been more than a decade since that hospital was abandoned. There was also this woman noon, she said sinubukan niya raw libutin nang mag-isa ang buong abandoned hospital upang tignan kung totoo nga ang mga pinagsasasabi nila, and guess what happened?" Ginawan niya pa talaga ng drum rolls gamit ang kanyang mga kamay na ipinapalo aa lamesa.
"Tumigil ka nga, nagmumukha kang badjao sa ginagawa mo." Iritadong sita ni Izzie, pinaglalaruan lang ang pagkain.
"Who would love to listen to you? It's not creepy at all, it's cliché and cringe." Komento naman ni Luka at naghalumbaba.
"What happened next?" Sabik kong tanong.
Agad aman napatingin lahat sa akin. Maging si Niccos na abala lamang sa kanyang libro.
"You're seriously listening to him?" He hissed at me.
Liningon ko siya, nakanguso. "Oo."
"Whatever. Do whatever you want." Ibinalik niya ang tingin niya sa kanyang binabasang libro.
Ibinalik ko naman ang tingin ko kay Lev. "Ano ang sumunod na nangyari?"
"Ang sumunod na nangyari...ayon sa kanya, bigla daw siyang may nakitang kakaiba....anino na sinundan niya...tapos napahinto siya at biglang nahilo noong may biglang bumulong sa kanya..."
"Please, stop it. If I know gawa-gawa mo lang 'yan." Novo interrupted.
"Ano ka ba?" Iritado siyang binalingan ni Lev at hinagisan ng airpods. "Isaksak mo sa tainga mo 'yan kung ayaw mong makinig."
"Ano pa? Ano pa?" Kumislap ang mga mata ko habang nagtatanong.
"Ang sabi niya pa, noong magising na raw siya...wala na raw ang virginity niya!"
"What?! Paano nangyari 'yun?" Pagtataka ko pa, I was badly intrigued by his story.
"Later on, she reported it to the police. At hindi siya pinaniwalaan. Tinawag siyang baliw at itinapon sa mental."
"Ang saklap naman ng nangyari sa kanya." Komento ko.
"Maybe a ghost took her virginity. If that's what you wanna hear." Singit bigla ni Niccos.
"Pwede ba 'yon?" Nalukot ang noo ko't bumaling sa kanya.
He turned a page of his book and continued reading it. "Who knows? Maybe in your imagination it could get right. And who in the right mind would visit a haunted hospital alone in the night?"
"Iyong babae!" Si Lev.
"Does that girl even exist? O gawa-gawa mo lang 'yan? Ghosts are not real. Science proved that."
"Ghosts are real!" Panlalaban ni Lev. "Iyong kwento ko ay nabasa ko lang sa Spookify. Pero nangyari iyon sa mismong hospital na sinasabi ko."
"What? The abandoned hospital near our school?" Novo chuckled. "You must be kidding me."
"Guys, what if he's right?" Kinakabahan kong tanong.
Niccos groaned kaya lumingon ako sa kanya. Mataman niya akong tinignan na parang nairita siya sa sinabi ko.
"Pati ba naman ikaw?" He said.
"Wala namang masama kapag naniwala ako, ah? Hindi ba pwedeng na-carried away lang?"
"Why don't we visit the hospital?" Biglang suhestyon ni Luka.
"What? No!" Si Lev. "That's haunted! Baka mawalan din ako ng virginity gaya nung nabasa ko sa spookify."
"Are you even still virgin?" Puna ni Izzie sa gilid.
Lev glared at her. "Of course, I am!"
Pppl
"Okay. Sama ako." Nagtaas ako ng kamay.
Nalaglag ang panga ni Niccos habang nakatingin sa akin. Sumunod namang nagtaas ng kamay si Novo, Izzie, at pati na rin si Lev ay napataas ng kamay. Napatingin kaming lahat kay Niccos.
"What?" Patay-malisya niyang tanong. "Count me out. That's too cliché." He added.
"Ayaw mo talaga? Sasama na nga si Pia." Si Izzie na bumubulong-bulong sa gilid.
"Sino'ng nagsabing sasama siya?"
"Ako," ngumuso ako. "I am curious too, you know."
Sa huli ay napilitan din siyang pumayag. Although, I felt like the idea was too creepy, ay nae-excite pa rin ako. I brought my own flashlight with me.
Nang lumabas ako sa kotse namin ay naroon na ang lahat. Halos lahat ng mga lalaki ay naka-sweatshirt. Izzie was wearing a simple oversized jacket na nagsilbing dress sa kanya.
Sumulyap naman ako kay Niccos na nakasilid ang dalawang kamay sa belly pocket ng kanyang kulay puting sweatshirt. Nakatakip sa kanyang ulo ang hoodie nito at nakasuot din ito ng earphones.
"Tara!"
Umangat ang tingin ko sa abandonadong ospital. Upon seeing it in personally, I think ayaw ko ng tumuloy pa. Paano ba naman kasi, hindi ito gaya ng iniimagine ko. I expected it to be simply creepy but interesting on the outside, but seeing the all black surroundings, white curtains, and its white paint is giving me the creeps.
"Are we really going inside?" Muntik ng manginig ang boses ko.
Nang makalapit ako sa kanila ay agad kong tinabihan si Izzie. Tatlo lang kaming may dala-dalang flashlight; ako, si Lev, at si Novo lang.
"Yes. It looks interesting." Preskong sinabi ni Izzie. Wala man lang bahid ng kaunting takot sa kanyang mukha.
"We need to stick altogether. Hindi tayo pwedeng magkahiwa-hiwalay," Lev started. "Delikado."
"Are you afraid or something?" Izzie asked, sinulyapan si Lev. "It's no fun. We can be altogether at first, boring kapag buong oras lang tayong magsasama-sama. We should at least part ways in the end. Tapos magkita-kita na lang tayo dito. Simple as that."
If I know, Izzie is just trying to distract herself from the hard time she is getting from my brother. I understand her. Pero sobrang tapang naman niya!
Maging noong pumasok na kami ay nangunguna siya. Samantalang ako ay nanatili lamang sa mabagal na lakad. Sinulyapan ko si Niccos nang wala sa sarili at nakitang diretso lamang ang tingin niya habang nanatili ang kanyang dalawang kamay sa belly pocket ng kanyang hoodie.
"Bulaga!"
"Ahhhhh!" Napatili ako nang bigla akong gulatin ni Luka galing sa likuran.
Nang mapagtanto kong siya iyon ay hinampas ko siya kaagad sa braso. Tumunog pa iyon, samantalang mukha namang hindi siya naapektuhan. Sumimangot ako ngunit kahit papaano'y naibsan ang takot ko sa kanyang ginawa.
"Guys, I don't like this idea. I'm starting to feel like something is watching us."
Ang creepy ng loob. Kapag nagtatama ang ilaw ng flashlight at ang mga metal na bagay gaya ng stroller at iba pa ay kumikinang ito. Nagkalat din ang puting tela sa paligid. It was all messy and it is completely looking abandoned.
Nagulat na lamang ako nang biglang may humila sa akin, sisigaw na sana ako ngunit napagtanto kong si Niccos pala iyon kaya natutop ko ang aking labi. Idinikit niya lamang ako sa kanya habang naglalakad kami.
"Hold onto me." He whispered. I'm sure hindi niya gustong marinig iyon ng iba dahil sa hina ng kanyang boses.
Dahil na rin siguro sa takot ay nasunod ko na lamang siya. Kumurot ako sa bandang tagiliran ng kanyang hoodie. Upon doing that, I immediately felt secured. Hindi naman na siguro ako maliligaw hangga't nakahawak ako kay Niccos?
"Nasaan na ba tayo?" Tanong bigla ni Novo.
"We are going to the third floor," wika ni Izzie na siyang nangunguna maglakad. "Doon nangyari 'yung kinwento ni Lev, hindi ba?" She even glanced back at Lev na nasa tabi lamang ni Luka.
"Doon nga." Lev answered. "Iyon 'yung nakalagay noong binasa ko."
Bigla akong pumagilid nang napatigil si Lev sa paglalakad. Ganoon din si Novo at Luka, Izzie looked confused, kaya hinarap niya kami.
"Can you hear that guys?" Tanong ni Lev.
"What?" Matamang tanong ni Izzie.
"A whisper..." bulong ni Lev.
"Nananakot ka ba, Lev? Hindi ka na nakakatuwa, ah?" Wika ko. I am triggered, okay?
Hindi na ako magsisinungaling pa dahil natatakot na talaga ako. Can I just wait for them outside? Bumalik na lang kaya ako doon?
"Tumahimik kasi kayo....I can hear a whisper....somewhere near us."
"Dummy." Mahinang komento ni Niccos. "I'll go see it."
Nalaglag ang panga ko. Hahakbang na sana si Niccos nang hindi ko binitawan ang pagkakahawak sa kanya.
"Baka kung ano 'yon, huwag ka na lang tumuloy." Pigil ko sa kanya.
Hindi niya pinansin ang sinabi ko. "If I tell you all to run. You should run, okay?"
Kumalabog naman ang dibdib ko sa narinig kay Niccos. Sinasabi ba niyang may mangyayaring masama?!
"Nananakot ka ba, Niccos?" Kinakabahang tanong ni Novo. "Pati ba naman ikaw?"
"Guys, I can seriously hear it. Palakas nang palakas." Si Lev.
"Ewan ko sa inyo," humalukipkip si Izzie at sinulyapan si Niccos. "Lalapitan mo na ba?"
Tumango si Niccos at bumaba ang tingin sa akin.
"You're coming with me." Aniya.
Bigla akong napabitaw sa kanya. "N-No!"
Paano na pang kung may kung ano nga doon? E'di damay pa ako? Baka bangungutin na ako habang buhay kapag nakakita ako ng multo!
Gumapang bigla ang kamay ni Niccos hanggang sa mahawakan na niya ang kamay ko.
"Trust me, okay? I won't get you into trouble." He said softly. Pinagsalikop niya ang aming mga kamay.
His voice is very inviting and soft. One I barely hear from him when he's usually grumpy and stern.
"Just don't let go of my hand." Ani Niccos nang papalapit na kami roon sa dulo ng corridor na nilalakaran namin.
"O-Okay."
Habang papalapit kami ay wala naman akong naririnig gaya ng sinasabi ni Lev kanina. Hakbang lang namin ni Niccos ang naririnig ko, wala ng iba. Nang papalapit na kami ng papalapit ay bigla kong naikapit ang isa pang kanay sa braso ni Niccos.
Pumasok kami sa madilim na kanto, ngunit wala kaming narinig o nakitang kahit ano. Ngunit nang makarating na kami sa parteng hindi kami nakikita ng mga kaibigan ay bigla na lamang tumakbo si Niccos, dahilan upang mapasunod ako sa kanya.
"Let's leave them. Let's stay together."