"Niccos, bakit tayo tumakbo? Paano na sila?" Agap ko noong makalayo na kami't tuluyan ng huminto sa pagtakbo.
Abot-abot ang paghinga ko habang nakahawak sa dibdib. Nagbabaga ang kaloob-looban ko dahil sa pinaghalong pagod at kaba. Akala ko naman na kasi kung bakit tumakbo si Niccos, dahil lang pala gusto niyang lumayo kami sa mga kabigan.
"Let's just stroll around a bit. Let's just wait for them outside." Preskong sagot niya na parang walang nangyari.
Niccos is really unpredictable. Noong una, akala ko naman ay talagang sincere siya sa pagtingin kung ano nga iyong sinasabi ni Lev. Iyon pala, tsumitsempo lang siya para makalayo kami sa kanila.
"Pero nasaan na ba tayo?" Biglang nailibot ang aking mukha sa paligid.
"I don't know. Let's find a way out." Niccos said at muling hinuli ang aking kamay upang maisalikop iyon sa kamay niya.
Gamit ang ilaw ng kanyang cellphone ay nagpatuloy kami sa paglalakad. Ang dami naming strollers na nakakasalubong, pati mga puting tela na halatang matagal nang nakalapag doon dahil sa alikabok na buhat-buhat nito.
"So, tell me more about yourself..." napagpasyahan kong magbukas ng panibagong usapan.
"Plain, low-profiled person," agap niya. "You?"
"Alam ko na 'yon," napatawa ako. "Ibig kong sabihin, may iba ka pa bang katangian na hindi ko alam?" Dagdag ko pa.
"I have nothing to share."
Ngumuso ako. "How about exes?"
Naisip ko kasi bigla si Sahara. Iyong nabanggit ni Jabami. I was curious...and I might find something when I try to ask him. Lowkey trying to ask anything yet I wanna know what's his past connection with Sahara.
"None."
Napataas ang aking kilay. Then, ano niya si Sahara? Should I just ask him directly?
"Bago ako....may niligawan ka pa ba?"
"Why are you suddenly asking those questions?"
"Hindi naman kita pinipilit na sagutin," ngumuso ako.
Pinisil niya ang kamay ko bigla. Para akong nakuryente sa kanyang ginawa. "Well, I have. Isang beses."
"Oh? Tell me about it." I said.
"I got rejected. It's no big deal." Ipinagkibit niya iyon ng balikat.
Napakurap-kurap ako. "Ha? Bakit ka nireject?"
"She simply don't like me." He explained.
I suddenly remembered when I told him I don't like him. Guilt crept in me upon remembering that particular scene.
Sa totoo lang, ayaw kong nakakapanakit ako ng tao. It must've been very bad on his part, dahil na-reject na rin pala siya dati sa ganoong paraan. I triggered that particular thing in him. I wonder if I got him hurt that bad?
"K-Kailan nangyari iyon?"
"Junior high. Grade 10."
Who would reject him? Ah. Wala pala akong karapatang magtanong dahil ako mismo ay ganoon ang ginawa.
Maya-maya pa ay pareho kaming napatigil ni Niccos sa paglalakad. Mayroon kaming naaninag na ilaw galing sa isang kwarto.
"There must be some people here too," Niccos said.
Pareho naming sinilip ang pinagmumulan ng ilaw. It was a fire made inside a steel dram. Dahil doon sa ilaw noon ay naaninag namin kung ano ang makikita sa loob ng partikular na kwarto.
There were two men, playing cards. Samantalang may isa namang babaeng nakagapos sa isang upuan, walang malay at g**o-g**o ang buhok.
"Oh my gosh," I hissed as silently as I could. "What should we do?"
This hospital is not haunted! I think, they're just claiming it to be haunted just to let people stay away from it!
A stroller was nearby. Doon kami nagtago ni Niccos noong may marinig kaming mga yapak na paparating sa gawi namin. Niccos was too tall, it must've been hard for him hide in a small space.
Dalawang lalaking may hawak na flashlights ang nakita naming dumating at pumasok doon sa kwarto. I think these men were on their middle 20s, they seem not to look old enough.
"Hindi pa rin 'yan gising?" Tanong noong isang kararating lang.
"Nasobrahan yata sa gas," nakarinig kami ng halakhak. "Ano? Nakita ni'yo ba 'yung pinanggalingan ng sigaw kanina?"
I remembered I screamed. Siguro, iyon ang sinusubukan nilang hanapin. I almost felt relieved we did not run across them, or pati sila Izzie ay hindi sana sila nakasalubong. Kun'di patay kami. They looked harmful.
I am starting to conclude they kidn*pped that woman. At napatunayan kong totoo ang hinala ko noong nagpatuloy sila sa pag-uusap.
"Malaki ang kikitain natin dito," someone clucked his tongue. "Mayaman 'to, eh."
"Doktor ang tatay niyan. Tapos abogado ang nanay. Hindi na rin tayo lugi." Wika ng isa pa.
Nanlaki ang mga mata ko at napatingin kay Niccos. They really kidn*pped the woman, worse, for ransom pa yata! Bigla akong kinabahan.
"We have to warn the others," he said at inilabas ang cellphone. "And we need to report it to the police. But first, we have to get out of here."
Tumango ako sa kanya. Ngunit nang gumalaw ako ay biglang mayroong nahulog galing sa ibabaw ng stroller. It was a metal accessory na hindi ko masabi kung alin, basta't nakagawa ito ng matinis na ingay.
"Sino'ng nariyan?!"
Nagkatinginan kami ni Niccos.
"Nicc—" hindi ko natuloy ang sasabihin ko at mas piniling tutupin na lang ang bibig dahil sa narinig kong mga yapak.
Lalapit sila sa gawi namin!
Nalaglag ang panga ko at nag-umpisa ng bahain ang sistema ko ng kung anu-anong ka-praningan. How can we even escape from here?! Now, that they are going on our way!
"Sino ang nariyan?! Lumabas ka na kung ayaw mo'ng paputukan kita..."
Dumoble ang bilis ng pagtibok ng puso ko sa narinig. Tumingin ako kay Niccos na tahimik lamang. Hindi ko alam kung ano ang iniisip niya pero ganunpaman, hindi iyon nabigyan ng kapanatagan ang pag-iisip ko! Papuputukan kami kapag hindi kami lumabas!
"Isa..."
"Dalawa...."
"Huwag mo nang paabutin pa ng tatlo." Nakarinig kami ng isang click. Parang naikasang b***l.
"Tat—"
Niccos pushed me to stay hiding. Siya naman ay tumayo at nagpakita sa mga lalaki! Wala akong nagawa kun'di pagsasasapakin siya sa aking isipan.
"I'm sorry. I was just walking around. Napadpad lang ako dito."
Tumingin pa sa likuran ni Niccos ang mga lalaki. They checked if he is with someone.
"Wala ka bang kasama?" Itinutok ang b***l kay Niccos.
"Mag-isa ko lang."
Nagkatinginan ang dalawang lalaki. Tapos ang isa sa kanila'y sinenyasan ang kasamang tignan gamit ang ulo.
Humakbang ng isang beses ang lalaki ngunit agad siyang hinarangan ni Niccos.
"What are you doing?" I cannot understand why his voice sounded so calm, yet the man was already pointing his g*n towards him. Hindi ba siya natatakot? "You kidn*pped that woman, right? Think twice. If you shoot me with that g*n, it'll be heard all over the city. Magtataka ang mga tao, at hahanapin kung saan ito nanggaling. So pag-isipan mo nang mabuti."
Dahil doon ay napatigil ang lalaki sa paglalakad. Niccos completely captured the guy's attention.
The guy near him smirked. "Mukhang bigatin ka rin, ah?" Sinulyapan niya ang kasama.
"Spokening dollars. Hoy," sinulyapan niya si Niccos at tinanguhan. "Mayaman magulang mo, 'no?" He asked to Niccos.
"Daming satsat, talian n'yo na lang!" Wika noong isa galing sa loob.
Hindi nagpumiglas si Niccos at hinayaan lamang niyang itali nila ang mga kamay niya. Pinanuod ko sila hanggang sa tuluyan na silang makapasok sa loob ng kwarto. Naoabuntong hininga ako at maingat na iniangat ang sarili ngunit agad ding bumalik sa pagkakatago nang makitang lumabas muli ang dalawang lalaki.
"Ano'ng gagawin natin diyan?"
"Pwede rin nating pagkakitaan 'yan. Mukhang mayaman din, eh."
These guys....parang biglang kumulo ang aking dugo sa kabila ng aking kaba. Do they not have anything better in mind to earn money?! Kung paano ang takbo ng kanilang utak ay hindi ko na masabi.
Bumaba ang tingin ko nang mamataan ko ang isang cellphone na nakalapag sa sahig. Nalukot ang noo ko't pinulot iyon. Nang binuksan ko ay rekta agad iyon sa notes application nito, at may nakasulat na mensahe roon.
This is Niccos's phone!
“Get out of here and call Luka. Not Novo, not Lev nor Izzie. Call him and tell him what happened. ASAP.”
Nang makapasok ang mga lalaki ay mabilis akong nakaalis doon sa pinagtataguan ko at 'saka tumakbo paalis. Hindi ako tumigil kakatakbo hanggang sa maramdaman kong nakalayo na ako doon.
A part of me is still nervous because they have Niccos. I hope they won't hurt him. Hindi ko ma-imagine si Niccos sa ganoong sitwasyon.
Ngayon ko lang din naalala na nasa abandonadong hospital nga pala ako. Ngayon lang din nagsink-in sa akin ang dahilan kung ba't kami nagpunta rito. Mula sa kwento ni Lev, hanggang sa bumalik sa akin ang takot na naramdaman ko.
I wasn't supposed to be afraid, but I am all alone here! In the dark and...I might have to check all the hallways and interceptions in this hospital para mahanap sila Izzie.
Malakas ang kalabog ng aking puso habang sinasalubong ang dilim na nasa aking harapan. Napasandal ako sa dingding bigla nang sa tingin ko'y pwede na akong makapagtago rito.
I browsed through Niccos's phone book to search for Luka's cellphone number. Kakaunti lang ang laman ng kanyang contacts kaya mabilis ko iyong nahanap.
At first, it rang. Pansamantalang napanatag ang aking kalooban ngunit agad iyong napawi nang may makita akong umiilaw sa gilid. Nalukot ang noo ko, matatakot na sana ako kung hindi ko lang nakikita ang nasa screen noon.
Agad akong napatayo at lumapit sa umiilaw na cellphone.
Niccos calling...
It was Luka's cellphone! W-Why is it here?
Agad kong pinulot iyon at nireject ang sariling tawag. Bumulaga naman kaagad sa screen nito ang maraming missed calls, at nang binuksan ko ay nakita kong galing sa numero ni Lev at Novo ang karamihan. Maybe they were trying to call this phone to find it, when they realized it's missing.
I was just about to dial Lev's phone number when a someone called. It's Novo! Agad akong nabuhayan ng loob at walang pinalampas pang oras.
"Novo!" I exclaimed. "Thank God, you called!"
"Wait....Pia?! Bakit nasa'yo ang phone ni Luka?!"
"It's no time to explain. Give me Luka. I need to talk to him!"
Hindi ko alam kung ano ang dahilan ni Niccos kung bakit si Luka ang napili niyang kausapin ko ngunit hindi niya naman siguro iyon sasabihin kung wala siyang sapat na dahilan.
"Hello? What is it?" Luka's voice replaced Novo's voice.
"Luka!" Nagliwanag ang mukha ko. Maging sa pagpapaliwanag ay kinakabahan ako. "Help me! Help Niccos!"
"Wait, what? Bakit? Where is Niccos?"
"I'll explain later. He is in trouble. Amg sabi niya, tumawag ka raw ng pulis. Please, Lu—"
"Teka nga! Nasaan ka ba? Pupuntahan ka namin."
Sinabi ko mismo kung nasaan ako. I'm sure they've gone here already dahil dito pa niya nawala ang cellphone niya. Dahil na rin sa pagkakaaligaga ko ay hindi na ako nakapaghintay at sinalubong sila.
Agad akong nilapitan ni Izzie at mabilis na ginawaran ng mahigpit na yakap. "What happened? Where's Niccos?"
Sa likod naman ni Izzie ay sina Lev, Luka, at Novo na halatang nagtataka rin sa nangyayari.
"Why do we need to call the police?" Salubong ni Luka. "Did Niccos get in trouble?"
"He was...kidnapped."
"kidn*pped?!" Sabay-sabay nilang sinabi.
"Shhhh!" I hissed. Baka mamaya ay nagpapatrol pala ang mga lalaki kanina rito lalo na't nakita nila si Niccos.
So, I explained everything to them. This hospital isn't haunted at all, ngunit isa itong kuta ng mga kidnappers!
"We stumbled near the room they're staying at. And we are supposed to get caught. Niccos showed himself. He didn't want me to be caught too." I ended my explanation.
Tumingin si Lev kay Luka. "Eksakto. NBI ang Papa mo, 'di ba? Maybe he could help."
Hearing that, I finally get why Niccos wanted me to talk to Luka first.
"Pero sure ka bang na-kidnap si Niccos? Masamang d**o 'yun, eh. Walang kinatatakutan." Nakangusong wika ni Lev. "Pagkatapos niya kaming iwanan at itakbo ka."
"Oo nga. Baka naman ginu-good time ni'yo lang kami?" Si Novo at inakbayan si Lev.
Ngayon ay alam ko na rin kung bakit ayaw niyang si Lev at Novo ang una kong kausapin. I sighed.
Lev immediately took action while Izzie stayed by my side. Hindi rin kami nakalayo sa exit at agad na nakalabas sa gusali.
"They'll be here soon. Don't worry."
Muli kong tiningala ang gusali at kinakabahang nagbakasakali sa mas mabilis na pagdating ng mga pulis. I am worried about Niccos. The girl I saw first inside the room was bruised and she looked like she received some beatings before they tied her up. I'm afraid they'd do the same with Niccos.
Hindi nagtagal ay nagsidatingan na ang mga pulis. There were about 4 police cars who have arrived, tapos isang black na pick up. Una kong nakita ang Papa ni Luka dahil lumapit pa ito sa amin upang tanungin kung ano'ng nangyari.
"How many are they?" Baritono ang boses ng Papa ni Luka. Agad dumapo ang tingin ko sa kanyang badge.
"There were four of them. They have guns with them." Luka explained.
His father patted him on his shoulder and received the megaphone from one of the policemen. His moves were precise and full of authority. Hindi ko mapigilang mamangha.
"Napapalibutan na namin kayo. Leave the children alone and surrender yourself." Anito.
Kumalabog ang puso ko nang sobrang lakas nang may marinig akong putok ng b***l galing sa loob ng gusali. Na-alarma kaagad ang mga pulis at mabilis na pinasok iyon.
Ilang minuto rin kaming nakatayo roon at naghintay. Three policemen is with us, naiwan. Buong oras din akong nakatingin sa labasan ng gusali upang abangan kung sakaling lumabas man sila roon anumang oras.
I just want a sight of Niccos. To confirm if he is safe and sound.
"Guys. Sorry," biglang nagsalita si Luka. "Umabot tayo sa ganito. Of only I did not open up about this abandoned hospital." He sounded in doubt. Parang sinisisi ang sarili.
"What are you saying? It's no one's fault, nangyari na ang nangyari, ginusto nating lahat ito." Novo said. Pinapagaan ang loob ng kaibigan.
"Paano kung may nangyaring masama kay Niccos? Hindi ko mapapatawad ang sarili ko." Ma-dramang sinabi ni Lev.
"Idiot. Walang mangyayari kung sisisihin mo ang sarili mo." Izzie said.
"Iyon lang. Paniguradong patay tayo sa Mommy at Daddy ni Niccos kapag nalaman nila 'to." Biglang singit ni Luka.
"Bakit naman?" Izzie asked.
"Madaling ma-disappoint ang parents ni Niccos. Paniguradong kahit nasaktan si Niccos, kung malaman man nilang ginusto niyang sumama sa atin ay mas pagagalitan lang 'yon. Sasabihin, kasalanan niya rin naman kung bakit ganoon ang nangyari sa kanya." Paliwanag ni Lev. "Kaya kapag may nangyari sa kanya, sasabihin ko kila Tita Franca na ako ang pumilit kay Niccos na sumama."
Lumipat ang tingin ko roon sa labasan nang makita namin na nagsisilabasan na mula roon ang mga pulis kasama ang mga lalaki kanina, nakaposas na rin ang mga ito. Agad hinanap ng aking mga mata si Niccos at nang makita ko siyang nasa pinakalikod lamang ay wala akong pinalampas na oras at tumakbo ako palapit sa kanya.
Nagtama ang mga mata namin bago ako tuluyang makalapit, napatigil siya sa paglalakad at hinarap ako ngunit agad ko siyang ginawaran ng isang mahigpit na yakap.
Tuluyan ko nang nailabas ang kakaibang kabang kanina pa bumabagabag sa akin nang nagsiagusan ang mga luha mula sa aking mata.
"Thank you, you're safe." I said in between my sobs.
"Are you crying?" He asked. "Stop it."
"Paano ba naman hindi ako iiyak?!" Hinarap ko siya at pinalo sa dibdib. "Hinayaan mong ikaw lang ang kunin nila! Alam mo ba kung gaano kadelikado iyong ginawa mo, ha?!"
"That was the smartest thing to do." He reasoned out. Still voice so calm. "Are you okay? Were you hurt?"
Hinawakan niya ako sa braso at sinuri kung may galos o gasgas ba ako sa kung saan. Mas lalo akong naluha sa kanyang ginawa.
"Ikaw pa ang nagtanong! Ikaw na nga ang nalagay sa panganib!"
"I'm glad you're okay," he remarked. "Let's go. I'll send you home."