"Hello!"
Sabay-sabay kaming napalingon sa nagsalita. Turns out, ito pala ay 'yung babae kanina na na-kidnap. Nagamot na ang kanyang sugat, at may twalya na ring nakabalot sa kanyang pang-itaas na katawan. It was not long when I realized that the uniform she's wearing is the uniform of Stalwart. Iyong pinanggalingang school ni Izzie.
"Niccos, right?" She modestly asked.
She went straight to Niccos, ni hindi man lang nito napansin ang presensya naming mga kaibigan nito.
"I just wanted to thank you." Abot tainga ang kanyang ngiti.
Humalukipkip ako habang tahimik na pinapakinggan ang sinasabi niya.
"I didn't save you," Niccos remarked. "The police did." He added.
"Considered na kaya 'yon, if you were not there, the police wouldn't have been alerted in the first place," nakanguso pa siya at hindi ko maintindihan kung ano'ng klaseng tono ang gamit niya. Is she trying to sound cute by any chance? "By the way, I'm Diana."
Bumaba ng tingin ni Niccos sa kamay ni Diana nang mag-alok ito ng shake hands. Out of respect, I think, Niccos acknowledged it. Napangiti naman si Diana dahil doon.
"Since, you saved my life," she licked her lower lip. "I would like to treat you to lunch. When ka free?"
"Don't bother." Niccos answered.
Diana pouted. "Why not? I insist! What's your IG username? Do you have Snapchat? Or f*******:?"
Wala sa sarili akong napanguso't umirap. Sinalubong naman ako ng pigura ni Izzie na papalapit na sa akin ngayon.
Itinuro niya si Diana at Niccos na nag-uusap. "Ba't daw 'yun?"
Nagkibit ako ng balikat at humalukiplip. "Nagt-thank you dahil niligtas daw ni Niccos ang buhay niya." Mahina kong paliwanag.
"Thank you, eh kanina pa kausap?" She pointed out. Oo nga naman. "Sus, if I know para-paraan lang 'yan. Kilala ko 'yan, pagkakaalam ko good girl 'yan, hindi pala." She added.
"Hayaan mo na."
Inisip ko na lang ang kalagayan niya kanina. Maybe she was just glad for the help. Si Niccos nga naman ang dahilan kung ba't siya nailigtas.
Sumulyap sa akin si Izzie. "Tara na umuwi. Inaantok na ako."
Niccos said, he'll send me home. Pero kapag tumitingin ako sa gawi nila, parang mamaya pa sila matatapos mag-usap. Ngumuso ako kay Izzie.
"Sige, tara." Pagpayag ko at agad na sinundan si Izzie.
Hindi na ako nagpasundo. Buong akala ko kasi ay ihahatid ako ni Niccos. Siguro ay kay Izzie na lang ako sasabay sa ngayon.
Naunang umuwi si Luka kasama ang Papa niya. Si Lev at Novo naman ay parehong may sundo, inaya pa nila akong sumabay kanina.
"Pia."
I was just about to step inside the car of Izzie when I heard Niccos called for me from behind.
Nilingon ko siya. "Hmm?"
"Let's go home."
"Sasabay na ako kay Izzie." I smiled. "It's okay, you should go straight home. Mukhang napagod ka."
Hindi ko na siya hinintay pang sumagot at pumasok na lang kaagad sa loob ng kotse.
Before midnight, I am already home. Nang makarating ako sa loob ng bahay ay para akong nabunutan ng tinik. I felt safe amd sound again. Iba talaga kapag nasa loob ka ng sarili mong teirtoryo.
That was like the longest night I had. Considered. Halos lahat yata ng klase ng kaba ay naramdaman ko ngayon gabi. Lucky, I wasn't traumatized by seeing the kidnapper point a g*n at Niccos. Siguro kung may mararamdamn man ako, iyon ay ang panlalamig ng buo kong katawan. Tuwing naaalala ko ay parang nahuhulog ang puso ko sa sobrang kaba.
Kinabukasan ay maaga akong pumasok. Napatingin ako sa upuan ni Craven nang makitang wala na namang laman iyon.
Isang linggo na siyang absent. Ano na kayang nangyari sa kanya? Later on, kapag napikon ang ibang mga teachers namin sa kanya ay baka i-drop na siya nang tuluyan.
Dati-rati ay maagang pumapasok si Craven: mga ganitong oras ay nakadukdok na siya sa kanyang desk.
Lunch noong sabay-sabay na naman kaming kumain sa cafe. Hanggang ngayon ay tahimik pa rin si Lev dahil siguro sa nangyari kagabi, maybe he was still guilty. Kahit naman anong sabi namin sa kanyang wala siyang kasalanan ay hindi siya natitinag.
"What's this?" Tanong ni Niccos nang makitang kanina pa ako nakatitig sa notebook ko sa General Mathematics.
Wala na kasi si Craven na laging nagtuturo at nagsh-share ng notes sa akin sa Math. Ano na kayang nangyari doon?
"Assignment. Don't worry, madali lang 'to." Mahina kong sinabi.
I still feel sulky towards Niccos for a particular reason. Hindi ko alam. Simula kanina noong nakita ko siya ay naiirita na ako. Muntik ko na ngang hindi siya tabihan kanina, eh.
"Madali lang 'to," puna niya. Gamit ang blangkong pahina sa likod ng kanyang librong binabasa, ay ipinakita niya sa akin ang pagsusulat niya ng formula. He was using his left hand to write. "Who is your teacher in GenMath?"
"Malay ko..."
"Si Ms. Tiburan." Si Izzie na ang sumagot para sa akin.
Puno ng pag-aakusa ang mga mata ni Niccos na tumingin sa akin. More like he is scowling at me dahil sa pabalang kong sagot.
"Akin na," kalmado niyang sinabi at kinuha ang notebook ko. "Ako na ang sasagot. But it's only for today. Learn to listen to the discussion."
Napanguso na lang ako at hinayaan siyang kunin ang kwaderno ko. He scribbled answers there that I don't understand where did he get or where it come from.
Pinanuod ko siyang seryosong nagsusulat habang nakahalumbaba. Maya-maya pa ay biglang natahimik ang buong cafeteria. Automatic na napalingon ako sa direksyon ng tinginan at parang nasira lang ang araw ko nang may makita akong pamilyar na babae na kapapasok lang sa loob.
It was Diana in her Stalwart uniform. Paano naman siya nakapasok dito nang naka-uniform?
Tumatalbog ang kanyang kulot-kulot na buhok habang masigla siyang naglalakad. Her skirt is shorter than the average length, and he face is glimmering with her peachy make up. Kumikislap pa ang highlighter sa kanyang cheekbones.
"Hi Niccos!" Tumigil siya sa tapat ng table namin. Gaya kagabi, si Niccos na naman ang nakita niya, hindi man lang kami sinulyapan o binati. Rude.
Umangat ang tingin ni Niccos. Sakto. Tapos na nito ang pagsasagot sa assignment ko.
"What are you doing here?" Tanong ni Niccos at sinulyapan ako. Itinulak niya palapit sa akin ang notebook ko. "All done. I also made a scratch where you can learn and review."
"I told you, I'm gonna treat you lunch." She pouted. "Nakalimutan mo na? I also tried to DM you but you weren't answering kaya sinadya kong puntahan ka na lang here."
Ibinalik ni Niccos ang tingin kay Diana. "I told you, hindi na kailangan."
"But I told you, I insist!"
Napangiwi sila Lev, Novo, at Luka. Sabay-sabay silang napatingin sa akin.
"Come on! Hindi ako aalis hangga't 'di ka pumapayag!" She demanded.
Nalaglag ang panga ko at hindi na mapigilang mapairap.
Tiniklop ko ang notebook ko at tumayo na, itinulak ko patalikod ang inuupuan ko at 'saka naglakad na palabas ng cafeteria.
Inabala ko na lamang ang sarili kong intindihin ang lesson namin sa General Math pagdating ko sa classroom. Gamit iyong scratch paper na inipit ni Niccos sa likuran ng notebook ko ay sinubukan ko iyong intindihin.
"Wala pa rin si Craven?" Tanong ng aming Philosophy teacher na si Mrs. Tomenes nang magcheck ito ng attendance namin.
Sabay-sabay naming nilingon ang upuan ni Craven na walang umukupa.
"Na-house visit na ba ito? Wala pa siyang excuse letter, ah?" Mrs. Tomenes said.
Kinalabit ako bigla ni Izzie, nilingon ko naman siya kaagad.
"Nakausap mo ba?"
Umiling ako. "Simula noong nangyari 'yung sa painting contest, hindi ko na siya nakita."
Ngumuso si Izzie. "I also tried texting him. Still until now, wala pa rin siyang reply. I wonder what happened to him."
"I tried texting him too."
Maging ang ibang mga kaklase namin ay na-intriga din sa biglang pag-absent nang diretso ni Craven. He is friendly, kaya halos lahat kami rito ay nanghihinayang sa bigla niyang pagkawala.
"Nice, Ms. Oleo. Nakuha mo lahat ng sagot. You also used the hardest method, huh?" Ngumiti sa akin Ms. Tiburan nang ni-check niya ang assignment ko.
Well, that's all thanks to Niccos. Not to mention that he only answered that for about uhh....15 minutes? Or lesser dahil biglang dumating si Diana. Masyadong mabilis at ayaw ko na ring isipin.
"Be sure to be ready for tomorrow's fund raising activity. Magt-three planting tayo. Hindi pa final kung aling school ang makakasabay natin, but I'm pretty sure it's between Stalwart and Greencastle."
Hearing that from our adviser, made me wish na sana Greencastle High na lang ang ang makasabay namin bukas. As usual, the whole classroom was immediately filled with chimes showing their excitements.
Normally, I am excited towards this thing. Lagi kasi akong hyper sa mga outside school activities. Very adventurous kasi ang dating, lalo na't kasama pa ang mga kaklase't schoolmates.
Wearing our P.E. uniform, sabay-sabay kaming mga galing sa HumSS strand na bumaba galing sa bus na para sa amin. Maaga kaming umalis sa school para maagang makapag-umpisa since half day lang ang tree planting.
Agad kong naramdaman ang pang-umagang sinag ng araw sa aking mukha. Sumunod naman agad sa akin si Izzie na kasalukuyang nagtatali sa kanyang buhok.
"Wow, what are you using? Medyo mawawala na ang freckles mo." Puna niya bigla.
"Nothing. Nawala ba?"
"Yup. Nawawala na. Are you, by any chance used to washing your face?"
Tumango ako. "Required 'yon, 'di ba?"
"Bakit ako? Naghihilamos din naman ako palagi. Bakit hindi nawawala ang freckles ko? Naiinggit tuloy ako."
Maya-maya pa ay nagsidatingan na rin ang iba pang mga strands. Agad kong namataan ang bus ng mga taga-ABM, agad namang nagsibabaan ang mga estudyante rito nang huminto ang bus. Pagkatapos ay sunod-sunod na ang mga bus galing sa Delian, tapos sumunod naman ang bus galing sa Stalwart.
Namataan ko naman agad si Niccos na kalalabas lang sa bus, kasalukuyang isinisilid ang ginamit na airpods sa bahay nito 'saka ihinagis kay Luka na kabababa lang din.
Bigla niya akong sinulyapan dahilan upang magtama ang mga paningin namin. Walang nag-iwas, ngunit agad naputol iyon nang biglang may kumalabit sa kanya. Lumipat ang tingin ko roon sa babae at napanguso nang mamukhaan.
Si Diana na naman.
Sumulyap sa akin si Niccos. Iyong tingin na parang humihingi ng permiso ngunit naputol ang tingin ko sa kanya noong may lumapit sa amin bigla na taga Stalwart.
"Uy! Izzie, kamusta!"
"Yeji! Duval! Uy!" Kumaway si Izzie at ngumiti sa dalawang lalaking dumating. Isang singkit at isang sobrang tangkad. "Nasaan si Mecho?" Izzie added.
"Tinatamad daw mag-tree planting," the chinito answered. "Kilala mo naman 'yon."
"Kun'sabagay," ngumuso si Izzie. Hinila niya ako at ihinarap sa dalawa. "By the way, this is my friend, Pia. Pia, these are my friends way back at Stalwart. Yejiro and Duval."
"Hi! May boyfriend ka?" The chinito, Yeji asked. Nag-alok siya ng shake hands.
Agad naman siyang sinabunutan ni Izzie sa kanyang sinabi. Ngumiti ako at tinanggap ang kanyang malambot na kamay.
"Hi. Shaun Duval. Ex-crush ni Izzie."
Humalakhak si Yeji na napasundan ko na rin. Samantalang si Izzie ay biglang sumimangot.
Wala sa sarili akong napasulyap sa gawi nila Niccos at nakitang kinakausap pa rin siya ni Diana. Napahalukipkip ako, tuluyan ng naglaho ang mga ngiti sa labi, sinulyapan niya ako at wala akong pinalampas na oras kun'di simangutan siya.
His brows arched, at mula sa tinatamad na mga mata ay biglang nagmukha siyang aliw na aliw. Parang nang-aasar kumbaga na ikinasalubong ng dalawa kong mga kilay. He raised a brow at me as if he is mocking me. Pinandilatan ko naman siya ng mga mata na parang nagbabanta.
When Diana tugged his shirt, he smirked at me before turning his head around. Mas lalo akong na-badtrip at nanatili ng simangot ang mukha hanggang sa mag-umpisa ang tree planting.
"Oh, ba't may nakasimangot diyan? Walang nakasimangot na nagt-tree planting!" Pang-aasar bigla sa akin ni Novo na mayroong hawak na camera.
Naalala kong kasali pala siya sa school paper namin at siya ang photo journalist.
"Meron. Ako." Umirap ako sa kanya.
"Sungit! Ikaw pa naman ang gusto kong i-feature sa tree planting division. Tapos hindi ka ngumingiti."
"Pwede naman. Dami pang arte." Ngumuso ako.
"Uy! Si Diana nilapitan na naman si Niccos!"
"Ha?!" Agad kong naiangat ang ulo ako upang tignan ang tinutukoy ni Novo.
"Joke lang!" Sabay hagalpak niya ng tawa. "Selos ka, ghorl?"
Agad ko siyang sinimangutan ay binato ng lupa galing sa hukay ng katatanim ko lamang na batang puno. Tumatawa naman siyang umalis sa pwesto ko at pumunta sa iba pang strands na kasalukuyang abala rin sa pagt-tree planting.
Nilingon ko iyong kuhaan ng tubig at nang makitang walang tao roon ay agad akong lumapit. I was just about to grab a water bottle when someone grabbed it first. Nakasimangot kong binalingan iyong lalaki.
"Mecho! Pahingi rin ng tubig!" Hiyaw ng isang boses sa kung saan na isinawalang-bahala lamang nitong lalaki.
"Uhaw na uhaw?" Hindi ko naitago ang pagkairita sa aking boses.
He smiled mischievously showing his perfect set of white teeth. Binuksan niya ang water bottle at nilagok ang tubig sa harapan ko. Para pang nang-aasar dahil bumaba ang tingin niya sa akin.
"What?" Natatawa niyang sinabi at hinagis sa kung saan ang kanyang water bottle. "Water station ng Stalwart 'to," itinuro niya ang isa pang direksyon. "Doon ang sa Delian." He pointed out.
Para naman akong napahiya sa sinabi niya. Not to mention, maraming nakatingin dahil sa pabalang kong pagpuna sa lalaki kanina.
I think his name is Mecho.
"Tabi," Bigla na lamang may humawi sa lalaki at nang mamataan ko kung sino ito ay biglang kumulo ang dugo ko.
Kumuha si Diana ng dalawang piraso ng water bottle na puno ng tubig. Aalis na sana siya ngunit namataan niya ako kaya napatigil.
"Who are you again? You look familiar." Presko niyang sinabi.
Tumaas ang dalawa kong kilay at ngumiti. "Me? I was one of the—"
"Never mind," putol niya sa akin at bumaling kay Mecho. "Tabi ka nga riyan."
Para namang nang-aasar na mas humarang sa daan si Mecho. Humalukiplip siya at nagtaas ng kilay kay Diana.
"Uhaw na uhaw ka na ba? Bakit dalawang water bottle ang kinuha mo?" Nanunuya niyang tanong.
"Why do you care? I am gonna give someone water."
Sus, if I know, binabalak niyang bigyan si Niccos ng tubig. Napahalukipkip na lang din ako. Her rudeness towards me is already enough reason to be irritated with her.
"Sino?" Mecho mocked.
"Wala kang pakialam!"
"Meron. Paano kung sasayangin mo lang pala 'yan? E 'di kawawa 'yung nag-donate niyan? Alalahanin mo, maraming batang Africans ang minsan lang sa isang linggo uminom ng tubig!" Mariin niyang sinabi.
Wow, I'm impressed.
"What the hell are you talking about? Batang Africans pinagsasasabi mo?" Nalukot ang noo ni Diana at hahawiin na sana niya si Mecho pagilid nang agawin ni Mecho sa kanya ang isang tubig.
"Isa lang dapat. At sino ang bibigyan mo ng tubig? Iyon na namang taga Delian? Mahiya ka, uy! Gusto mo bang itakwil ka ng Stalwart dahil sa pagtataksil mo?"
"Alam mo, ikaw. Tsismoso ka rin talaga. Isusumbong kita kay Isha!"
"Sumbong mo," ngumisi si Mecho. "Samahan pa kita."
Nakasimangot akong tumalikod doon at nagtungo na lamang sa water station ng Delian. Kumuha ako kaagad ng tubig at nilagok iyon habang nakatingin sa kabilang bahagi kung saan nagsasagutan pa rin si Diana at iyong Mecho. I sighed upon emptying the water bottle.
Tumalikod ako upang kumuha ng isa pa nang maabutan ko si Niccos na may hawak na ring isang bote ng tubig. Personalized tumbler and kanya, hindi galing sa plastic bottle.
Mama's boy ba 'to? Nag-abala pang magbaon ng tubig.
"Hey," he snapped at me. "Are we good?"
"Good mo mukha mo." Inirapan ko siya at mabilis na tinalikuran.