Quarter to 12 nang matapos na ang Tree Planting namin. Buong oras kong kasama si Izzie, noon lang kasi siya humiwalay sa mga kaibigan niyang sina Yeji, Duval, at pati pala iyong Mecho kanina ay kaibigan niya rin.
"Nakita mo na ba si Isha?" Bigla niyang tanong habang sabay kaming naghuhugas ng kamay.
Nalukot ang noo ko. "Isha? Sino 'yon?"
"Akala ko naman nakita mo na," she pouted. "Maganda 'yon. Crush ni Mecho."
Tumaas ang dalawa kong kilay. "Crush ni Mecho? Oh?"
Realizing how good-looking Mecho is, I got curious about his standard. Ano'ng klaseng babae kaya iyong sinasabi ni Izzie na Isha.
"Oh, 'yun na pala siya, eh." Bigla niya akong siniko habang inginunguso ang isang babaeng naglalakad papunta sa kabilang gilid ng lababo.
Wala sa sarili ko siyang tinitigan.
Para siyang lumulutang sa hangin dahil sa hinhin niyang maglakad. Nakaponytail din iyong buhok niyang mahaba, habang ang mapupula niyang labi ay parang nakanguso lang.
"She's a goddess." I murmured to Izzie.
"I know, right. Patay na patay si Mecho riyan," she said. Bigla siyang sumimangot. "Pati nga 'yung crush ko may gusto rin sa kanya."
"Ha? Sino naman?" Nilingon ko siya.
Bigla siyang may tinuro at nang sundan ko ng tingin ay bumulaga sa akin ang matangkad na lalaking may pamilyar na aura. Pamilya na pamilyar. Starting from his stern expression, grumpy eyes, and lazy moves. May kilala akong ganyan na ganyan din ang galawan.
Nasaan na kaya iyon? Tapos na ba silang magtree planting?
"His name is Keith. Pero sikret lang nating crush ko siya, ah?" Izzie whispered. "Council President ng Stalwart 'yan. Parang si Niccos lang, ano?"
Ngumiti ako. "Oo nga, eh."
Nang matapos kaming maghugas ng kamay ay dumiretso na kami sa adviser namin upang pumirma sa attendance. Namataan ko pa sa malayo ang mga student council na nagpi-picture taking habang hawak-hawak ang tarpaulin na ipinapakita ang pagkakaroon ng tree planting ng mga Grade 12 senior high school ng Delian Academy.
"Pasok na tayo." Aya sa akin ni Izzie at ihinakbang na pataas ang isang paa.
"Mauna ka na." Nilingon ko siya at nginitian.
"Okay. Sa pinakalikod pa rin tayo."
Tumango ako sa kanya at pinanuod siyang umakyat hanggang sa maglaho ito sa paningin ko.
Nang bumalik ang tingin ko sa mga student council ay wala na ang mga ito rito. Siguro'y tapos na ang picture taking. Sinuyod ko naman ng tingin ang buong lugar upang hanapin si Niccos. Ngunit hindi ko siya mahanap kahit saan.
Nalukot ang noo ko.
"Looking for me?" Biglang may yumakap sa akin galing sa likuran.
Amoy pa lang ng pabango, nakilala ko na agad at hindi ko na kailangan pang lumingon pa upang kumpirmahin kung sino ito.
"H-Hindi 'no." Wika ko kahit nangingiti na.
He snaked his arms on my waist very tightly. Parang nahulog ang puso ko sa kanyang ginawa. "Sungit. You keep on throwing a fit towards me. What's wrong? May nagawa ba ako?"
"Wala."
Sa totoo lang, wala naman talaga. Siguro dahil sa inis ko kay Diana ay sa kanya ko na lang din naibunton lahat.
Kakalasin ko na sana ang pagkakayakap niya sa akin mula sa likuran ngunit namataan ko si Diana sa malayo kaya hinayaan ko na lang si Niccos. Nakita ko namang napatigil bigka si Diana sa kanyang ginagawa habang unti-unting naglalaho ang ngiti.
"Are you sure?" Niccos asked from behind. I felt him sniffled on my hair. Bolta-boltaheng kuryente ang nagsidaluyan sa aking ugat sa katawan.
"O-oo naman!"
"Lovers! Aalis na ang bus. Magyayakapan lang ba kayo riyan buong oras?"
Pareho kaming napalingon ni Niccos sa nagsalita at bigla na lamang akong nakaramdam ng hiya nang makita si Ms. Helen na nakangisi habang nakadungaw sa bintana mula sa loob ng bus. Mas lalo pa akong nahiya nang makitang halos lahat ng naroon ay nakatingin sa amin. Nagsiakyatan ang aking dugo sa mukha.
Agad naman akong napahiwalay kay Niccos, hinarap ko siya ngunit hindi ko na maiangat ang aking mukha. Sobrang pula na nito.
"See you at school, then." He said. Akala ko ay tuluyan na siyang aalis, ngunit bago niya iyon ginawa ay kinurot niya muna ako sa pisngi.
Napangiti ako habang pinapanuod siyang nakapamulsang naglalakad papunta sa kanilang bus. Nang maglaho na siya sa paningin ko ay pumasok na rin ako sa bus namin.
Time flies so fast. Isang linggo na ang nakalipas, ngunit hanggang ngayon ay nanatili pa ring bakante ang upuan ni Craven. It was one morning again when I came to school early, and as usual as everyday, I found no traces of Craven. Ni kahit anino niya ay hindi ko na nakikita.
Now, I am starting to worry. I wonder which village does he lives? Or anong tower ang condo niya o ng family niya. Basta ang address niya. Baka mamaya ay puntahan ko ang adviser namin upang tanungin. Maging ako kasi ay naba-bother na rin. What if na-stuck lang ai Craven sa iaang problema, at tulong lang ang kailangan niya? I can help if I could.
"Good morning, class!" Bati ng aming adviser nang makapasok na siya. "So today, you have a new classmate. Galing siya sa Greencastle. You can come in now."
"Omg, is it a boy?"
"Sana nga boy."
"Bagong classmate?! Babae?! Lalaki?!"
The whole corners of the classroom was then filled with random chants and murmurs. Parang ang lahat ay naiintriga sa kung sino ang bago naming kaklase.
"It is a boy. So shut up, you all. Let him introduce his self in peace."
Natahimik ang buong classroom. At the same time, the door flew open and a male figure entered our classroom.
Nalaglag ang panga ko.
Leona?!
Seeing Leona like this, gives me a serious headache. Of all schools, bakit dito pa?! Or more so...sa rami ng strands, bakit Humanities and Social Sciences pa?
"Hello, good morning. My name is Rojo Leona Arzante, 18 years old, from Greencastle University." His smile remained on his lips as he utter his introduction very blithely.
He was wearing the blue themed uniform of Delian formally. Neat collars and ironed coat. Medyo napaluwagan na rin ang kanyang necktie. His hairstyle was an undercut, and a sparkling earing didn't escape my view. That. That, at least, I'd like to hit myself by the thought that he's my ex after all.
Mahabang kwento, pero darating din tayo riyan.
Kulang na lang ay takpan ako ang aking mukha nang sinuyod niya ng tingin ang buong classroom.
"You go sit at the back of Ms. Oleo, since hindi na pumapasok si Craven, ikaw na ang umokupa sa upuan niya."
Gusto ko sanang umapila dahil ganun-ganon na lang ang pangdi-disregard ni Miss kay Craven. Ni hindi pa nga alam ang tunay na sitwasyon noong tao, eh. Nakatingin lamang ako sa labas ng bintana habang nakahalumbaba noong naupo si Leona sa likuran ko.
Hindi bale, kapag napabalik ko si Craven kung sakali, mapipilitan si Leona na lumipat ng upuan. Problem solved! Kaya dapat mamaya ay puntahan ko si Craven.
The classes went on normally. Although, it felt different because Craven is not the one sitting behind me, I felt at peace dahil papano ay naman ay hindi ako ginugulo ni—
"Pst."
Okay, I take that back.
Nilingon ko si Leona at agad sinamaan ng tingin.
"Don't disturb me, nakikinig ako." Mariin kong sinabi.
Nakahalumbaba lamang siya habang nakanguso. "You are not wearing glasses anymore? What happened?"
"Wala ka na roon." Pairap kong ibinalik amg tingin ko sa harap. As much as I want to keep my inner piece, I would like to ahut him up before he could trigger my anger.
"Gumaganda ka, ah." Wika niya pa sa likod.
I felt his feet hitting my chair. I groaned. "Tumahimik ka, nakikinig ako."
Parang nananadya na. Nakikita na ngang naiinis iyong tao.
"Ba't ka muna nagpapaganda? Are you trying to get back at me?" Pangungulit niya pa.
Parang gusto kong masuka. Excuse me! I know why I do some things in particular, as much as that, I know myself better than anyone else! And trying to get back at him or try to get revenge is not the typical thing that I'd do! That's immature and childish.
"Badtrip ka?" Puna bigla ni Izzie nang sumapit na ang morning break.
"Nakakabwisit 'yung bago nating kaklase." Pagdadahilan ko, dahil totoo naman.
"Bakit? Ginugulo ka ba?"
"Actually," I sighed. "He's my ex."
"Your what?" Izzie hissed. Bigla niya akong hinawakan sa balikat. "Are you serious?"
I nodded. "Grade 9 ako noon."
"Oh my gosh," nalaglag ang kanyang panga. "Tell me about it."
"Well. The story is very simple. Naging kami thru social media. I was actually using a fake account that time. I got one of my Kuya's classmate's picture at iyon ang ginawa kong display picture."
Napatakip siya sa kanyang bibig. "Why would you do that?!"
"Because I was lonely. Kasagsagan pa 'yon ng pagiging nerd ko. I was totally and literally a loner. Walang gustong kumaibigan man lang sa akin. So, I resorted to that."
"What happened? Why did you two broke up, then?"
"Nabuking niya ako. When he knew, I was a gross nerdy high school girl. He immediately broke up with me. Worse, noong nag-meet kami in person ay ni hindi niya ako kayang tignan sa mukha. I guess, nandidiri siya?" Napatawa ako.
"What an asshole. He did that?!" Napahalukipkip si Izzie. Kulang na lang ay umusok ang kanyang ilong sa pagkakainis. His forehead wrinkled. "He is not a man! Pasalamat siya, hindi ko ito nalaman kaninang nasa classroom pa siya."
"Hayaan mo na. That happened for like, four or five years ago. Matagal ko ng limot 'yon." I nonchalantly answered at napatingin sa wristwatch ko.
Anong oras na, ah? Hindi pa kaya sasabay sa amin sila Niccos? Or were they busy again sa loob ng council?
"Did you wait for us?" Napalingon ako agad sa likuran ko nang makita roon si Niccos.
Sila Lev, Luka, at Novo ay sabay-sabay na naupo sa harapan namin.
"Hindi naman. Sakto lang." I smiled.
As usual, nagturuan na naman sila kung sino ang o-order. Kaya nang marindi siguro, si Niccos na lang ang tumayo at nagprisinta. Agad naman siyang sinundan ni Lev. Pinanuod ko lamang silang halos magkapantay lang ang tangkad na maglakad palayo at sumunod sa pila.
Tumagos sa mga tao sa pila ang tingin ko at nakita ko roon si Leona sa pinakaharap, mukhang siya ang kasalukuyang umo-order. May kasama siya. May kaibigan na siya kaagad, ang bilis naman.
Nakita kong mayroong tawag na sinagot si Niccos, at tumalikod saglit kay Lev. Samantalang eksakto namang nakuha na nila Leona ang order nila at binuhat na ito upang makaalis din.
I don't know if circumstances are just really funny and mischievous at times. But when Niccos was mindlessly talking to someone on his cellphone, sa hindi inaasahang pangyayari ay nakabungguhan niya si Leona.
Tumilapon ang laman ng kanyang tray pabalik sa kanya, pati ang pineapple juice sa isang large cup ay naisaboy sa kanya.
Biglang natahimik ang buong cafeteria sa nangyari.
"Isn't that the transferee galing sa Greencastle?" I heared a murmur said.
"Yeah. And he is going against Niccos first? This is so exciting."
"Pero si Niccos ang nakabangga 'di ba?"
"Who knows? Hindi ko naman nakita."
Hindi iyon sinasadya ni Niccos. Kitang-kita kong aksidente lang ang nangyari, ngunit sa mga mata ni Leona ay parang wala siyang palalampasin dito. Nabasa ang kanyang coat ng pineapple juice, at isama mo pa ang in-order niyang pasta na bahain ang kanyang uniporme.
So much for his first day.
Maangas pa rin ang dating ni Leona. Ganunpaman, bigla niya na lang ihinagis sa sahig ang try na walang laman at 'saka pinagpag ang sarili habang patalim nang patalim naman ang kanyang tingin kay Niccos.
"Sorry. It was an accident." Niccos, out of respect apologized.
"Nananadya ka naman yata, eh." Pagmamatigas ni Leona. "Kilala kita ah? Saan na ba ulit tayo nagkita?" Humakbang siya papalapit.
"Luka, I think we need to go between them. Mukhang mananapak 'yung Leona," umpisa ni Novo. "Hindi pwedeng magalusan ang mukha ni Niccos. Magkakaroon siya ng recital bukas kasama ang family niya. Baka magalit si Tita kapag nakita niya ang galos sa mukha ni Niccos."
"Recital?" Singit ni Izzie. "You mean, they'll attend a recital?"
"Nope. Si Niccos mismo ang tutugtog ng instrumento sa recital." Luka answered.
Mabuti na lang kamo at naroon si Lev sa malapit kay Niccos. Mabilis niyang naback-upan at sa pagkakabasa ko ay pati siya ay humingi rin ng paumanhin sa nangyari. Sa mga galaw pa lang ni Niccos ay napagtanto ko ng hindi siya lalaban. Maybe he was also concern about his recital na sinasabi ni Novo. Noong malaman ko iyon ay nabahala rin ako.
I know Leona. May pagkabasagulero iyan kung tutuusin. He still carry the bad boy vibe that he was when we're still together.
"Who was that?"
Naupo ako sa upuan ko nang makabalik na kami ni Izzie sa classroom, hindi ko pinansin ang tanong ni Leona na naka-improper seat. Pagkatapos maayos ng nangyari sa cafeteria ay dumiretso kami sa faculty upang hingin ang address ni Craven.
"Hey, I'm asking you," biglang sumulpot si Leona sa gilid ng ulo ko. "Was that the man you're with before? Siya ba ang bago mo?"
"Mind your own business."
"Oh, so mukhang siya nga ang ipinalit mo sa akin." He chuckled. It made my blood boil.
"Oo siya ang ipinalit niya sa'yo. If I were Pia, mas gugustuhin ko naman si Niccos kaysa sa'yo. Niccos is like the ideal man every girl wants. Ikaw? Didn't you leave Pia when you knew she's not as pretty as you think?" Biglang singit ni Izzie sa gilid.
Nilingon naman siya agad ni Leona. Umayos ito ng upo at humalukikip. "Bakit ako lang ang sinisisi ni'yo? Niloko rin naman ako ni Pia, ah? 'Di ba, Pia? You used somebody elses's face to play with me?"
"Geez. That doesn't matter if you truly loved her." Izzie said.
"Stop chiming in, this is not your business to start with." Tinatamad na suway ni Leona.
"And Pia is not your business anymore. Leave her alone."
I admit, I have all my wrong on my past relationship with Leona. I was extremely craving for love and attention that I resorted to something like that. Gumamit ako ng ibang mukha, aminado ako na mali na ako roon. Maybe it wasn't just right. Niloko namin ang isa't-isa. Or we just don't fit in... regardless with the impersonating thing.
Afternoon dismissal nang nagpaalam si Izzie sa akin na mauuna ng umuwi kaya 'di ako masasamahan na pumunta kay Craven. She kept on apologizing even when it is okay for me. Hindi naman ganoon kahirap hanapin ang bahay nila Craven. In fact, I've been here once hindi ko lang matandaan kung kailan.
"Uuwi ka na?" Tanong ni Niccos sa sakin nang magkasalubong kami sa hallway.
Tumango ako sa kanya. Bumaba ang tingin ko sa kamay nitong may hawak na folder. Siguro'y may inaasikaso na naman ito sa council.
"Dadaanan ko lang si Craven, I'll check on him." Paliwanag ko.
"Why?" Tumaas ang kanyang kilay.
"Two week na siyang hindi pumapasok nang walang notice. I am starting to worry. Baka may problema lang siya, or maybe I could help."
"Okay, then," para namang napanatag siya roon. Humakbang siya palapit sa akin at kinurot nang bahagya ang kaliwang pisngi ko. "Take care. Text me."
"Okay." Uminit ang pisngi ko.
Sinundan ko lang si Niccos ng tingin sa kanyang likuran hanggang sa maglaho na siya sa paningin ko.
Nang makapasok ako sa loob ng kotse namin ay agad akong napahawak sa pisngi ko habang nangingiti.
"Uuwi na ba tayo, Miss Sophia?" Tanong ng aming driver na ikinagising ko sa reyalidad.
Agad akong tumikhim at mabilis iniabot sa kanya ang papel na kinasusulatan ng address ni Craven. Nang umabante na ang sasakyan namin ay naramdaman ko ang pag-vibrate ng cellphone ko sa loob ng bulsa. Nang buksan ko ang mensahe ay namataan kong galing pala ito kay Niccos.
Dali-dali ko itong binuksan.
Niccos: Give me another chance. Let me court you again.
Muli akong nakatanggap ng mensahe galing sa kanya.
Niccos: This time, let's make it work out. Because I think, I am starting to fall for you.
Pinasundan niya ulit iyon. At parang nahulog ang puso ko nang nabasa iyon.
Niccos: Falling for you, real, damn hard.