Chapter 14

2582 Words
I bit my lower lip to contain my smile. Kanina pa kasi pasulyap-sulyap sa akin ang driver namin kaya medyo nahiya na akong ngumiti nang mag-isa. Baka iba pa ang isipin niya. Although, I felt delightful towards Niccos's text, I do not know how to repond. Parang lumulutang ang utak ko habang nasa byahe papunta sa address ni Craven. How should I respond? Does my delight has a meaning? Does this mean I am happy? Or is this my greenlight? Looking back, I rejected him two times. And from that twice rejection, I didn't feel any regrets nor a little hint of holding back. Just by thinking about that, ang dali ko na lang masabi kung ano ang pinagkaiba ng nararamdaman ko ngayon at noon. Simple. I've rejected him because I don't like him. Now, I don't know. Hindi sumagi sa isip ko na i-reject siya ulit. Naitago ko na lamang ang cellphone ko nang biglang huminto ang sasakyan namin. Buong byahe ay nakalutang lamang ang utak ko, at muntik ko nang makalimutang pupuntahan ko nga pala si Craven ngayon. Nang makababa ako mula sa sasakyan ay agad kong nilapitan ang guardhouse na nasa pagitan ng matatayog na gate. "Hello! Dito po ba nakatira si Craven?" Medyo may kalakasan kong tanong sa gwardya, dahilan upang maibaling sa akin ang kanyang atensyon. "Oo, dito nga," wika nito, nanibago siguro sa presensya ko. "Sino sila?" Dagdag niya pa. Napanatag ang kalooban ko roon. "Kaklase po ako ni Craven. Nandiyan ho ba siya ngayon?" I tried to sound as blithe as I could. I don't want to give him a bad impression towards me. "Naku, wala na si Sir Craven dito. Naglayas. Dalawang linggo na." "Po? Bakit po?" "Nagkaroon yata sila ng away ni Ma'am— 'yung Mommy niya. Sa ngayon, hindi ko na po alam kung nasaan siya, hindi na rin pinahanap ng Mommy niya." Mas lalo lamang nalukot ang noo ko sa narinig. "Ganoon po ba? Hanggang ngayon po ba ay wala pa rin kayong balita?" My concern wasn't hidden in my own little voice. Umiling siya. "Wala eh." "Can I just leave my cellphone number here? Para po kapag nagka-update na kayo sa kanya, ma-contact ni'yo po ako kaagad?" Mabilis naman ang pagpayag nito at binigay sa akin ang isang kulay asul na log book upang doon na lang isulat ang numero. Sakto namang pagkasulat ko ng numero ko roon at tumalikod na ako ay may dumating na bagong kotse, bumukas din kaagad ang gate. Hindi ko napigilang lingunin iyon habang nalulukot ang noo. Laking gulat ko na lamang nang lumabas galing doon si Leona. "Pia? What are you doing here?" Buong pagtataka niya. Wala sa sarili kong naituro ang direksyon ng mansion. "Dito ka nakatira?" Ngumuso siya at tumaas pa ang dalawang kilay. "Yep. Why?" "What? Why?" Naguguluhan kong tanong. "Anong 'why'?" Pati siya ay naguluhan sa tanong ko. "And what are you doing here?" Tuluyan na siyang nakalapit. "Magandang hapon po, Sir Leona." Bati noong guard na mas ikinalaglag ng aking panga. Sir? Si Leona....dito nakatira sa bahay nila Craven?! Wait...what am I missing out? Tinanguhan ni Leona ang guard at sinulyapan ako. Humalukipkip siya habang payukong tinitignan ako. "Hmm. Let me guess. You're here for me, aren't you? Miss mo ako kaagad?" Nagawa niya pang ngumisi. Hindi ko iyon pinansin dahil nalilito pa rin ako. "Are you somehow related to Craven? Why are you living in the same house?!" "Oh," para namang na-gets niya agad ang ibig kong sabihin. "You came here for Craven, huh? 'Yung bastardo ng Mommy ko?" Itinaas niya ang kanyang kilay. Bastar....do? What? Tumuwid siya ng tayo. "He does not live here anymore. Lumayas. I do not know where he is, though. Baka nabulok na sa kung saan." "How can you say that?!" Nalukot ang noo ko sa kanya. Also to think that Craven happens to be his step brother or half brother! "It's his fault. Siya na nga ang kinupkop, siya pa ang mataas ang pride. If I were him, I'd be nothing but a thankful child," he sighed. "I'm a little disappointed, though. Akala ko pa naman ay ako ang ipinunta mo rito." I mean, Craven was one of the nicest and rational man I knew. Kung ganoon man ang ginawa niya sa pamilya niya, siguro ay may dahilan siya. Now, I am starting to worry more. Nasaan na ba siya? He doesn't come to school anymore, at mas nas-stress pa ako kapag iniisip ko kung saan siya nags-stay. Kinabukasan ay hindi pumasok si Niccos, pati na rin sina Novo, Lev, at Luka. Naalala ko, may recital pala ngayon na in-organize ng pamilya ni Niccos, imbitado rin doon ang pamilya ng tatlo kaya siguro sila absent. Kahapon ko nga lang nalamang may talento rin pala siya sa pagtugtog ng mga instrumento. Me: Good luck for today! I sent it to Niccos. I wanna watch him play, though. But seriously, may hindi ba siya kayang gawin? He's good in acads, in leadership, he's talented, where does he actually lack? Bumaba ang tingin ko sa aking cellphone nang mag-vibrate ito. Partida, first subject namin ngayon, at kasalukuyang nagdi-discuss ang aming guro. Niccos: Thanks. Niccos: Not that I am impatient, but I'm still waiting for your answer. I bit my lower lip and immediately composed a reply bago pa ako mahuli ng aming guro. Me: I will say yes if you send me a selfie of you smiling. I bit my lower lip when I realized what I just said. Ang korni! Sana hindi niya i-consider iyon na korni. Lumipas ang ilang minuto at wala pa rin siyang reply. Maya-maya pa ay nakatanggap na ako ng text, ngunit hindi haling kay Niccos. It was from Lev. He sent me a photo. Nang mabuksan ko iyon ay bigla na lang akong napahagikgik. Lev: Sent a photo. Lev: Parang awa mo na patigilin mo na 'to kanina pa nagseselfie habang nakangiti. Kinakabahan na kami. I giggled silently. Ang cute. It was a photo of Niccos, stolen, nakasuot pa ito ng kulay asul na tuxedo, ayos na ayos, habang nakataas ang cellphone at nagseselfie. It looks like as if it is his first time taking a selfie dahil sa anggulo niya. Napatunayan ko naman iyon kaagad noong nakatanggap ako ng mensahe galing sa kanya. He sent me a photo twice, then sunod-sunod ng nagsidatingan. Halos lahat ay awkward ang kanyang ngiti, parang pinipilit niya lang ngumiti sa camera. I giggled more when I saw more of his selfies na ang pangit ng anggulo. Halatang ngayon lang 'to magseselfie sa tanan ng buhay. Naihalintulad ko na lang siya sa mga matatanda. Ganoong-ganon kasi sila magselfie. Natatawa na lang tuloy ako habang nagtitipa ng mensahe sa kanya. Me: HAHAHAHAHAHA Me: Okay na. Tama na. HAHAHAHAHA Agad naman akong nakatanggap ng reply. Niccos: Is it a yes, then? Tumipa akong muli ng mensahe. Me: You have your chance. Me: Klase na ako. Mabilis kong itinago ang cellphone ko matapos ko iyong i-send. Abot-abot ang tahip ng puso ko habang nakahawak ako sa aking dibdib. Nakalutang lang din ang utak ko habang nagkaklase kami. Minsan ay bigla-bigla na lamang kukurba ang labi ko nang hindi ko namamalayan. "Kumusta 'yung lakad mo kahapon?" Nilapitan ako ni Izzie nang morning break na. Katatapos lamang ng aming MIT. "I didn't find Craven. Pero nalaman kong naglayas siya, dalawang linggo na ang nakakalipas," naalala ko bigla ang pagsulpot ni Leona kahapon. "Nalaman ko rin na step brother niya si Leona." Nalaglag ang kanyang panga. "What?" She hissed. Tumango ako at naghalumbaba. "Ayon sa guard nila, he had a fight with his Mom. Tapos naglayas daw, hindi na ipinahanap." "Baka naman ine-expect nilang uuwi rin siya agad?" "I don't know. Pero kung may balak umuwi agad si Craven, bakit kailangan niya pang patagalin ng dalawang linggo? Kung balak niya 'yung gawin, dapat ay nakabalik na siya ngayon." Paliwanag ko naman at nagbuntong hininga. Parang nararamdaman ko ang nararamdaman ni Craven ngayon. Although, I do not know the whole story, I still feel sympathetic towards his situation. "Hindi na siya uuwi." Sabay kaming napalingon ni Izzie sa nagsalita at naabutan namin si Leon na nag-iinat, kagagaling sa pagtulog. "Matagal niya ng gustong maglayas," he explained grumpily. Humilig siya palapit habang nakapatong ang dalawang siko sa kanyang desk. "Baka nga tuwang-tuwa na 'yon ngayon, eh." "You're... not even worried?" Hindi makapaniwalang tanong ko. Parang nagpalpitate ang kanyang kilay. "Why would I worry over someone who ruined my family?" Nalaglag ang aking panga sa kanyang sinabi. How heartless! His heart must have been full of hatred towards Craven, kaya ganoon na lamang. Pero ni katiting na pag-alala, considered Craven is his brother... wala talaga? Kahit papaano naman ay pamilya niya pa rin si Craven. "Ano ng plano mo?" Tanong ni Izzie sa akin nang naglalakad na kami patungong cafeteria para kumain ng snack. "I think, we should find Craven, at kausapin. Maybe we can do something for him. Sayang naman kung 'di siya tutuloy sa pag-aaral, kahit ito lang. He'll graduate soon." Napanguso ako. Parang ako pa ang namomroblema rito. "Pero paano naman natin siya hahanapin? Kung nariyan lang siya sa tabi-tabi, sana ay matagal na natin siyang nakitang pagala-gala." Izzie said. Tama siya. Maybe Craven was intentionally hiding somewhere. Pero saan? Do I have to check every place here in the city? How I wish I'd just coincidentally encounter him somewhere: makasalubong bigla o makabungguhan ganoon. I sighed in pure frustration. It was our afternoon dismissal, habang nasa loob ng kotse namin noong napagpasyahan kong i-check ang aking cellphone. Dahil sa sobrang pag-iisip kay Craven ay nakaligtaan ko na itong tignan kanina. Nang buksan ko ito ay bumungad sa akin ang mga mensahe ni Niccos na nakabalandra sa aking lockscreen. Mayroon ding ibang mensahe para sa akin si Lev at Novo. Niccos: I don't know what to say.... Niccos: But I am happy. Niccos: I've never been this happy before. Niccos: Thank you, Pia. Sinunod kong buksan ang mensahe ni Lev. Ngayon ay video clip naman ang kanyang nisend. Lev: Sent a video. I played the video at bumungad sa akin si Niccos na tuwid na nakaupo. Silang apat ay nasa iisang table, I think they're having their lunch base sa mga pagkaing nasa ibabaw ng lamesa. Then Niccos kept checking his cellphone, kapag tapos ay ibababa niya ito. Ilang beses niya pa iyong naulit gawin hanggang sa nagsalita na si Lev na siyang kumukuha ng video. "Wala pa rin bang text si Pia?" Sabay tawa nito. Agad niya namang naagaw ang atensyon ni Niccos. Nang umangat ang ulo ni Niccos ay agad na namatay ang video. Lev: Napapraning na. Sana aware ka. Isinunod ko namang tinignan ang mensahe ni Novo. At isa iyong voice message. Seriously? Tuwang-tuwa ang mga ito kay Niccos, ah? Novo: Sent a voice message. Mabilis ko naman ni-play iyon ay bungad na bungad ang boses ni Lev, ang pinakamabunganga sa kanilang apat. Hindi na ako nagulat. "Niccos, what if na-inlove sa iba si Pia?" Boses pa lang, alam ko ng si Novo. "That won't happen." Si Niccos. "What if sa akin siya ma-inlove? Tapos ipagpalit niya ako sa'yo?" Napatawa ako sa sinabi ni Lev. "What if torjakin kita?" Si Novo. "Tumahimik ka nga, Lev. Ikaw pinakatanga rito, eh." Singit naman ni Luka. "So, ano nga Niccos?" Binuhay ni Novo iyong tanong. "Ibahin mo kasi 'yung tanong, ang baho eh." Si Luka. "Me! Me! Ito. What if bumalik si Sahara?" Papakinggan ko pa sana ang susunod na sasabihin ngunit agad namatay iyong vm. Tapos na. Nalukot ang noo ko. Tumingin ako sa labas nang huminto ang aming sasakyan. Traffic na naman. Ngunit bago pa lumutang sa ere ang utak ko ay may namataan na akong pamilyar na lalaking kapapasok lamang sa loob ng department store. Nanlaki bigla ang aking mga mata at walang sabi-sabing bumaba sa kotse kahit nasa gitna pa lang kami ng kalsada. Craven! Finally! Agad ko siyang sinundan sa loob ng department store. Pagkapsok ko ay sinuyod ko ang buong paligid. Hindi ko siya namataan, but I am sure he is here. Bawat kanto ay sinilip ko at sinuri baka sakaling makita ko siya. Craven was wearing a black hoodie, matangkad naman siya kaya hindi siya mahirap hanapin. Nakita ko siyang kumukuha ng energy drink sa cooler, nang humarap siya ay mabilis akong nagtago at tahimik siyang pinanuod na tahakin ang cashier. Mabilis akong lumapit nang nakatalikod na siya. "40 pesos, Sir." Mahinhin na wika ng cashier sa kanyang bill. Mag-aabot na sana siya ng pera kaso naunahan ko siya. I gave the woman ng card, kasunod noon ang biglang pagtingin ni Craven sa akin. "Take it." Wika ko sa cashier. Nang kunin ng cashier ang card ko ay sinulyapan ko si Craven at ngumiti. "Pia? Paanong..?" "Bakit hindi ka na pumapasok? Nami-miss ka na namin." "Here's your card, Ma'am." Iniabot pabalik sa akin ng cashier ang aking card. "Salamat." Kinuha naman ni Craven ang kanyang energy drink. Sabay na rin kaming lumabas sa department store kahit halata ko pa rin sa kanya ang pagkagulat. "Saan ka nags-stay? Wala ka na bang balak bumalik sa school? You didn't tell us...baka natulungan ka namin." I said. Hinarap niya ako at itinaas ang kanyang energy drink. "Thank you for this, but I have to go now." He turned his back on me but I immediately grabbed his wrist. "We are all worried about you. The teachers are already planning to drop you out. Hindi ka ba nababahala o nanghihinayang man lang? Malapit ka ng grumaduate." Nanatili siyang nakatalikod ngunit ramdam kong nahaplos ko ang konsensya niya sa sinabi ko. I heard him sighed sharply. This must've been one of the things that's giving him a hard time while he's away, imposible naman kasing hindi rin siya manghihinayang sa kanyang pag-aaral. "How? If you do not know, my evil step brother, Leona, the tran—" "Alam ko na iyon. Huwag mo ng alalahanin iyon, you have us. Ang mahalaga, makakapag-aral ka." I said. "It's not as easy as you think. But it is not only about me, it is also about ny family, facing Leona makes me sick." Napanguso ako sa kanyang sinabi. Knowing Leona, I'm sure he have the same thoughts for Craven as well. So they hate each other. I wonder how could I even fix this. Para na rin hindi manghinayang na bumalik si Craven sa school. "Ano'ng sinabi niya?" Agad na bungad ni Izzie sa akin kinabukasan. Nabanggit ko kasi kaagad sa kanya na nakausap ko si Craven kahapon. "Hindi ko siya mapabalik. He is triggered about Leona. Pakiramdan ko, iniiwasan niya ito." "Final na 'yan? Paano na ngayon? Hindi na talaga siya babalik?" Nabahala agad si Izzie. "I think so," bumuntong hininga ako. "Pero maybe we can do something. Let me think." "Paano naman? Nakausap na natin si Craven, umayaw siya. If I try my luck and talk to him, I'm sure, he'd still reject me. Kung ikaw nga, 'di siya nadala. Sa akin pa kaya?" Izzie said. Natahimik kaming dalawa at parehong nag-isip ng maaari naming gawin. Naputol na lamang ang pag-iisip ko nang mag-vibrate bigla ang aking cellphone. Agad ko naman iyong tinignan at bumungad ang pangalan ni Niccos. Niccos: Good morning. You at school already? Parang may biglang umilaw na lightbulb sa aking ulo. Agad akong tumipa ng mensahe. Me: Good morning! Yes, nasa school na ako. Me: Can we meet? I have a favor to ask. Niccos is smart. Maybe he can help me with this?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD