"Are you sure we can expect him to go here?" Nilingon ako ni Niccos.
Tumango ako at sumulyap pa roon sa entrance ng department store.
"I'm not sure. Pero ganitong oras din kasi nung nakita ko siyang pumasok diyan."
Hindi talaga ako sigurado kung makikita ko ulit si Craven dito, pero kasi dito ko lang siya nakitang pumunta kaya nagbakasali na lang din ako. Besides, mas nadagdagan pa ang asa ko nang mapagtantong dinala ko pa nga pala si Niccos dito para lang maghintay kasama ko.
Ngumuso ako at sinulyapan siyang tahimik lang na nagbabasa ng libro.
Pumayag siya sa hinihiningi kong pabor. Ang sabi niya, susubukan niyang kausapin si Craven para sa akin pero hindi niya raw maipapangakong mapapabalik niya ito.
"Did you try talking to him?" Bigla niyang basag sa katahimikan.
"Yes. Pero ayaw niya talaga."
"Why not? May sinabi ba siyang dahilan?" He turned a page of his book nonchalantly, hindi man lang nag-abalang tumingin sa akin.
"He mentioned Leona..."
"Why would he mention him?" Napatigil siya saglit. Maybe that piqued his attention.
"Because Leona is his stepbrother. Hindi ko ba nabanggit?"
"So, that's why," he whispered to his self. "He is triggered or something. I think, I know what's the problem now. But I'll still try to talk to him."
"Okay lang ba?" Napangiwi ako. "I'm sorry, I dragged you into this."
"You know, I worry about you," mahinahon niyang sinabi at tumagilid ang ulo upang sulyapan ako. "You seemed too busy worrying about the others. You said, Craven's Mom did not even bother to find him, and here you are, very bothered over that problem that's not yours to shoulder in the first place."
"Craven is my friend." I reasoned out.
"Exactly my point," he fired. "You are just his friend, compared to his Mom."
Sasagot pa sana ako ngunit dumaplis na sa paningin ko si Craven. Hindi ako pwedeng magkamali dahil kitang-kita ko ang kanyang mukha, luminga-linga muna kasi ito sa paligid bago pumasok sa department store.
Nang ituro ko siya kay Niccos ay agad naman itong lumabas sa sasakyan upang puntahan na kaagad si Craven. Sinundan ko lamang ng tingin si Niccos hanggang sa makapasok na siya sa loob. Napasandal na lamang ako sa kinauupuan at napabuntong hininga.
I hope he can work it out. Or he could make a way or even provoke Craven if needed. Para lang bumalik siya.
Ilang minuto ko rin siyang hinintay sa loob ng sasakyan. Mag-iisang oras na yata noon, pati ang iniwan niyang libro ay sinubukan ko na ring basahin ngunit hindi lamang ako nakapag-concentrate dahil sa labis na pagkakabahala kung ano na ang nangyayari sa loob ng department store.
Nag-uusap na kaya sila? If so, mapapayag kaya ni Niccos si Craven?
Kaya naman noong makita ko si Niccos at Craven na sabay lumabas ng department store ay agad kong inihanda ang tanong na ibubungad ko kay Niccos. Parang walang nangyari noong lumabas sila, ni hindi man lang sila nagtinginan o nagpaalam sa isa't-isa bago naghiwalay ng daan.
"Ano'ng sinabi niya? Pumayag ba siya?" Salubong ko rito.
Bumuntong hininga siya pagkatapos makaayos ng upo. "Hindi dapat siya ang kinakausap natin." Umpisa niya.
Nalukot naman bigla ang noo ko sa kanyang sinabi. "Bakit? Hindi ba siya pumayag?"
"It's not like that. But I think, instead of trying to talk to him, why don't we talk to Leona instead?"
What? Kakausapin si Leona? Nang seryosohan? That won't happen! Never pa nga 'yun nagseryoso, eh!
"I mean, you should talk to him. I think hindi kami magkakaintindihan kapag ako ang kumausap sa kanya." Niccos said.
Napanguso ako. "Mas lalo naman kami." Mataman kong sinabi.
"I thought you wanna help your friend? You'll just talk to him, hindi ko naman sinabing makipagbalikan ka sa kanya o ano."
"Are you mocking me? Of course, I am just in pure doubt kasi hindi nga nagseseryoso si Leona. Puro pabalang lang ang isasagot noon sa akin." Humalukipkip ako.
"Craven is not hard to convince, since he is soft hearted. We just have to push Leona to talk to his half brother properly, kahit hindi na muna sila magbati basta kausapin niya lang. You know, two people with open minds would understand each other more." He said.
Pareho kaming natahimik upang makapagisip-isip muna. Hindi naman ako ma-pride o ano, but Leona is a hopeless case, syempre gusto kong i-try, pero kapag iniisip ko, parang nawawalan na agad ako ng gana. Kahit saang anggulo ko pa tignan ang personalidad ni Leona ay pareho ang nasa isip ko. Puro negatibo pa.
"I can come with you if you're not that comfortable with him." Basag niya bigla sa katahimikan.
What? No. Definitely no.
Mas lalo akong hindi kumportable sa ganon. Ano iyon? Ang ex ko at ang manliligaw ko ngayon ay paghaharapin ko?
"Hindi na. Ako na lang ang makikipag-usap."
The idea was silly. But Niccos has a point, though. Gusto ko talagang matulungan si Craven at sobrang bothered ako sa sitwasyon niya ngayon. I just cannot imagine him, sleeping just somewhere or...in a place that he is not used to stay in.
Besides, Craven is a good person. He does not deserve this.
"Ano? You want me to talk to Craven?" Halos matawa si Leona nang marinig niya ang paliwanag ko.
Hindi na ako nagulat. Well, what more should I expect from Leona?
"Oo. Maliit na favor lang naman. You just have to encourage him na bumalik na sa pag-aaral. It's mot that hard...."
Halos manliit ako sa sarili ko. Isinandal ni Leona ang kanyang siko sa railing ng corridor.
"Paano kung ayaw ko?" Nanunuya niyang tanong, parang nananadya pang mamikon. "May magagawa ka ba?"
"Wala." Mataman kong sinabi at tumalikod, napipikon na. Kahit naman hindi niya ako sadyahing pikunin ay napipikon na ako sa kanya, ngisi pa lang nito.
Tumalikod ako sa kanya nang nakasimangot at maglalakad na sana paalis nang bigla niya akong tawagin ulit.
Nilingon ko siya at pinagtaasan ng kilay. "Ano?"
"I'll do it." Humalukipkip siya at preskong sumandal sa railings. "In one condition."
He piqued my attention once more. Muli akong humarap at naghalukipkip din.
"Ano namang kondisyon?"
"It's very simple," he licked his lower lip and pushed his hair backwards. Kumislap pa ang kanyang cross earing nang tumagilid ang ulo niya. "Date me again."
My brows wrinkled at him kasabay na rin noon ng biglang pagkulo ng dugo ko. Ngayon, iyon pa rin ang iniisip niya imbes na unahin ang kapakanan ng kapatid niya?! It seriously pained my ego.
"Kahit pagbaliktarin ang mundo, hinding-hindi na ako babalik sa'yo!"
Although, the relationship we had was all a mere part of my need, and him getting deceived kaya sa huli ay hindi nagwork out. If that relationship happened in the present, I don't think it'd work out too. For some particular instances....and for some reasons, it won't.
Bago ko pa man siya masapak ay tumalikod na ako't naglakad paalis. Dahil sa labis na pagkairita, ni hindi ko na siya matitigan man lang nang hindi iniisip na sapakin o suntukin man lang siya sa mukha.
"Ano'ng sinabi?" Tanong ni Izzie pagkabalik ko sa classroom.
Padabog akong naupo sa upuan ko at humalukipkip.
"Why? Hindi ba siya pumayag?"
Ngumuso ako habang nakasimangot. Hindi ko na tuloy maipinta ang sariling mukha!
Tumango ako. "He is a hopeless case. Bakit ko ba naisip na kausapin siya, eh kilala ko naman na siya." Hindi ko naitago ang pagkakabadtrip sa boses ko.
"Calm down first," iniusog papalapit ni Izzie sa akin ang kanyang upuan. "Naisip ko nga rin 'yan. Hindi talaga iyon matinong kausapin."
Date you, huh? I thought, you hated me because I deceived you? Or more so...because I'm ugly?
"Teka. Nga pala..." biglang harap ni Izzie sa akin. "Lumabas si Lev at Niccos kanina dito sa school, ah? Ayaw sabihin ni Lev sa akin kung saan sila pupunta kaya baka sinabi ni Niccos sa'yo?"
"Ha? Hindi pa naman kami nakakapag-usap ni Niccos." Paliwanag ko.
I took out my cellphone to check if Niccos happened to send me a message, but there's none. Ang huling reply niya lang sa akin ay iyong nagsabi akong kakausapin ko na si Leona. He said, "Take care. Good luck."
Tumipa ako ng panibagong mensahe.
Me: Tapos ko ng kausapin si Leona. Wala tayong mapapala sa kanya.
Napatingin ako kay Izzie. At dinagdagan ang text message.
Me: Saan kayo? Lumabas kayo ng school?
Izzie sighed. Napatingin ako sa kanya bigla.
"Buti pa sila Niccos, pwedeng maglabas-masok dito sa school dahil student council sila." Ngumuso siya.
I smiled at her. "Mahirap maging student council. May kapalit lahat ng prebeliheyong naiibigay sa kanila."
"That's not what I mean. What I mean is paano naman ang mga normal na estudyante? Gaya ko, naubusan ako ng extra pads for today. Baka magkaroon na ako ng stain, wala pa naman akong pamalit." Ibinulong niya ang huling pangungusap.
Napangiwi ako sa kanya. Gusto ko siyang tulungan pero kasi, hindi pa ako dinadatnan. Wala akong dala.
There were times where I am the mood to talk to Niccos, pero hindi niya mapantayan ang mood ko dahil may inaasikaso pa siya. Minsan, pinagsasabay niya ang school projects at ang pamamahala sa SC. Hindi ko nga ma-imagine kung gaano siya katiyaga, at nagagawa niya pa akong kamustahin bawat oras. Not to mention, he's always consistent in doing that.
Nakakamangha lang.
Dinungaw ko ang cellphone ko nang nag-vibrate iyon. Tumatawag si Niccos. Nagpaalam muna ako kay Izzie para sagutin iyon, pagkatapos niya akong tanguhan ay nagtungo ako sa bintana.
"Nasaan kayo?" Bungad ko.
"We're on our way back now," he explained. "I called to ask. Do you need or want something? Dadaan kami sa department store." He said.
Ngumuso ako at tumingin kay Izzie. "Well. I need some extra pads."
"Pads? What pads?" Naguguluhan niyang tanong.
"You know, the one the girls use monthly..." namula ang aking pisngi. Ano ba 'tong pinagsasasabi ko.
Natahimik si Niccos sa kabilang linya. Then I heard him ask Lev, "Lev, do you have any idea what pads do girls use monthly?"
I almost giggled but my embarrassment made me shut my mouth.
"Huh? What pads?" Rinig kong sagot ni Lev. "Sino ba 'yan? Si Pia?"
Gusto kong sabihin 'yung blunt term niya, which is 'napkin' 'sanitary napkin', but I am too embarrassed! Pagsabi pa nga lang ng pads ay nahihiya na ako.
"Teka, search ko sa google," I heard Lev said again. Then a moment later. "Holy sh— are you asking us to buy sanitary napkin?!"
Biglang namatay ang tawag kaya napatitig na lamang ako sa screen ng cellphone ko. Binalikan ko ng tingin si Izzie at nakitang nakadukdok na siya sa kanyang desk.
"Are you okay?" Nilapitan ko siya.
"Sakit ng puson ko," she said under her breath. "I think my pad is already full. I need to change."
Kaya naman noong nakatanggap na ako ng text kay Niccos ay mabilis kong inaya si Izzie na lumabas. Bago pa siya mapuno ay kailangan na niyang makapagpalit.
Nagkasalubong kami sa hagdan. Lev is still with Niccos, pareho silang napatingin kay Izzie, nagtataka. Samantalang ako naman ay bumaba sa paper bag na hawak ni Niccos. I almost wanted to giggle.
"Ano'ng nangyari?" Tanong ni Lev at agad na nilapitan si Izzie.
Nagkatinginan naman kami agad ni Niccos.
"Dysmenorrhea." Paliwanag ko. "Give me the pads, sasamahan ko siya sa C.R."
"Hindi. Ako na." Inakay ni Lev si Izzie at siya na rin ang kumuha ng pads na nakalagay sa paper bag na hawak-hawak ni Niccos.
Napanguso ako at napangiti na lang habang pinapanuod silang paalis.
"Do I smell something fishy?" Tanong ko sa kawalan.
"I do smell something fishy too." Niccos said and smirked.
Nakasanayan ko ng pumasok nang maaga kaya kinabukasan ay maaga ulit akong pumasok. I was expecting nothing but when I saw someone familiar on Craven's seat. Matuwid lamang itong nakaupo habang nakahalukipkip. Nang magtama ang mga paningin namin ay agad niya akong kinawayan.
"Craven!" Nilapitan ko siya, labis ang tuwa habang abot tainga ang ngiti.
"I'm back," he remarked. He showed me his usual blithe smile that I missed. "Kinausap ni Niccos kahapon si Mommy. So....thanks to him."
Napatigil ako sa narinig. "He...talked to your Mom?" Humina ang boses ko dahil hindi ako makapaniwala.
He smiled and nodded, slightly closing his eyes— thoroughly showing his delight towards the situation.
"Nagkaayos na kami. When he talked to my Mom, I was with him," pagkwekwento niya. Naupo ako sa aking upuan at sabik na humarap sa kanya, wanring to hear more of it from him. "I also went back to our house yesterday. All thanks to him."
Tumango-tango ako at ngumiti. Bagaman labis ang pagkakamangha ko sa ginawa ni Niccos, ay hindi ko pa rin mapigilan ang sariling ipakita ang pagkakagalak dahil pumasok na ulit si Craven.
"How about you? Kumusta ka na?" Pag-iiba ko sa usapan.
"I'm okay now. How about you? Kumusta ka na? I heard about what happened while I was gone."
Agad akong umiling. "Wala 'yon, tapos na. Ang mahalaga, naayos na. By the way, saan ka nag-stay noong naglayas ka?"
"Ah. I was staying with a relative on my father side— my grandma. Her mortgage isn't that wide and as fancy as our house but it was pretty convenient," paliwanag niya. Mukha namang maayos ang lagay niya roon, talagang in-exaggerate ko lang ang pag-iisip at pag-aalala kung saan siya nag-stay noon. "Anyways, y'all free this Saturday and Sunday?"
Tumaas ang dalawa kong kilay. "Bakit? Ako, free ako. Hindi ko lang alam sa iba."
He smiled. "My grandmother invited me to visit our province. Gusto kitang imbitahan, pati si Izzie... kung okay lang?"
Province? On weekend? Pinagsalikop ko ang dalawang daliri ko habang nagniningning ang mga matang tunatango. I love the province!
"Of, course! Sama ako!"
Humalukipkip siya. His warm smiled didn't leave his lips. "Invite Niccos and his frienda too....you know, kung okay lang."
"I'll try."
Buong kaklase namin ay nagulat noong makitang nakabalik na si Craven. Halos lahat kami rito sa classroom ay kaibigan at malapit kay Craven kaya naman tuwang-tuwa ang lahat noong malamang nakabalik na siya. Punong-puno pa ng kaklaseng nakapalibot sa kanya ang kanyang desk na nangangamusta habang hinihintay namin ang first subject namin. Maging si Izzie ay hindi rin nagpahuli pagkarating.
"Nasaan si Niccos?" Tanong ko noong makitang paparating na sila Lev, Luka, at Novo ngunit hindi kasama si Niccos.
"Busy. Malapit na ang sport's fest, maraming pinipirmahan." Si Novo.
"Pipirmahan lang naman, eh." Izzie grumpily said.
"Baka naman kasi kailangan niya munang basahin bago pirmahan?" Napairap si Lev.
"Hindi siya susunod?" Tanong ko bigla.
"Hindi. Busy nga, 'di ba?" Si Luka na ikinanguso ko na lamang. Nagtatanong lang, eh. Sungit.
Pasikreto akong nagtipa ng mensahe para kay Niccos. Hindi ko man sigurado kung may time siyang basahin iyon, ganunpaman ay nisend ko pa rin.
Me: Dal'han kita ng pagkain. Is there anything you want?
My phone beeped immediately, hindi ko in-expect na magrereply siya agad. I opened his message.
Niccos: Bring me anything.
Anything. I remember, kapag kumakain kami ng snack, he always order carbonara and yogurt drink. Kaya naman iyon ang kinuha ko at dinala sa kanya matapos kong magpaalam sa mga kaibigan.
Kumatok muna ako sa pintuan, pagkatapos makarinig ng responde sa loob ay tuluyan na akong pumasok. Isinara ko ang pintuan habang sinusuyod ang buong office, hindi ko nakita rito si Niccos ngunit ganunpaman, naglakad pa rin ako palapit sa kanyang table.
Napanguso ako nang makakita ng isang lunch box sa kanyang table, may kasama pa iyong tubig, and on the top of the Tupperware, may nakadikit na note. Nilapitan ko 'yon at wala sa sariling binasa.
'I made this especially for you! <3 love lots!'
Who....?
Pagkatapos kong ilapag ang dala kong pagkain sa kanyang table ay tinignan ko rin ang laman ng lunch box. Hindi naman sa nangingialam....but I am a little curious. I am just gonna take a small glimpse, it's not like nanakawin ko ito o ano.
Napanguso ako. Okay, carbonara rin ang laman. Made especially for Niccos pa raw.
Para na lamang akong nanigas sa kinatatayuan ko nang biglang maramdaman ko ang isang yakap galing sa likuran. I did not wonder anymore, especially when I smelled his perfume. Lalo na noong pinag-lock niya ang mga kamay sa harap ng aking tiyan.
"I missed you."
"Teka, kanino galing 'to?" Turo ko sa lunch box.
"I don't know," he said. "I didn't notice someone came to leave this."
Humakbang pa siya nang isang beses upang basahin 'yung note. I guess hindi niya pa iyon nakikita.
"Maybe someone...a schoolmate." He said.
"A schoolmate? Bakit may pa-ganyan? Schoolmate din naman kita pero hindi kita ipinagluto ng carbonara!"
"Hey, hey, are you mad? Over this?" He sounded amused.
"Hindi ako galit! Bakit naman ako magagalit?"
"Because someone else gave me food?" Hindi siguradong hula niya.
"Hindi, 'no! Kahit sino pa 'yan. Bakit ako magagalit?"
Narinig ko bigla ang tawa ni Niccos. Kasabay noon ang paghigpit ng kanyang yakap sa akin mula sa likuran.
"Fine, fine, you are not mad. Maybe I'll just pretend to not hear you raise your voice at me so I won't conclude you're mad." He said, still not over from his laugh.