The weekend arrived and as minute goes by, my excitement grew wilder and wilder.
Gamit ang minivan nila Craven, we'll travel to their province for almost 8 hours inside the vehicle. Nag-night trip kami para makaiwas sa traffic.
Dahil pa sa sobrang pagkakasabik ko ay ako lang ang nanatiling gising sa aming lahat at syempre pati iyong driver nila Craven.
Craven was also asleep on the front seat beside their driver, sa likod ay tulog na tulog din si Novo at Lev na pinagitnaan si Izzie. Sa tabi ko naman ay si Niccos na tuwid na nakaupo habang nakapikit, pinagitnaan namin siya ni Luka na tulog na rin.
Maya-maya pa ay bigla ko na lamang naramdaman ang ulo ni Niccos sa aking balikat. Tapos bigla siyang nagising, akala ko ay aayos siya, ngunit inilabas niya lang pala ang kanyang earphones. Ibinigay niya sa akin iyong isa, habang iyong kabila naman ay isinalpak niya sa kanyang tainga. 'Saka siya bumalik sa pagtulog. Ang cute lang.
Niccos's playlist is full of Khalid's songs. Ang kasalukuyan pang nagpe-play noong isalampak ko na rin sa tainga ang earphone ay Saturday Night nito. I know the song, and the moment I shared hearing it with Niccos, I think I am starting to love it more.
Gumapang ang kamay ni Niccos hanggang sa maabot niya ang kamay ko. Hindi na ako nakaapila pa noong isalikop niya iyon sa kanya. I felt rage warmth of his hand, as well as the electricity it brought all over my veins and distributing the thrill all over my body, umabot iyon sa pisngi ko at labis na lamang ang pamumula nito.
When I gave Niccos his chance, I did not feel any regrets by doing that. Rather, I felt like I just did the right thing because it rhymes with my feeling. Hindi man buo, pero ramdam ko na malapit na rin akong bumigay.
Agad akong sinalubong ng malamig na hangin nang lumabas kami isa-isa sa van, pati na rin ang sariwang sinag ng araw ay tumama sa aking balat. It almost felt like a fresh start, nakaka-refresh. Mainly why I like the province.
"Nasaan ang bahay ng lola mo?" Tanong ni Lev na kinukunan ng litarto ang buong paligid.
Ipinarada ang van sa mabatong paligid, mayroong ilog sa harapan namin, at sa kabila noon ay may natanaw akong iilang bahay sa likod ng matatayog na mga meglina trees.
"Tatawid pa tayo ng ilog," turo ni Craven sa ilog. "Pasensya na. Hindi gaya ng inaasahan n'yo ang bahay ng lola ko. Hindi 'yun naka-marble floor, at hindi rin modern type."
"Pwede bang maligo sa ilog?" Tanong ni Novo bigla, papalayo sa amin habang naglalakad patungo sa ilog.
"Oo, malinis ang tubig na 'yan."
"Wow! Ang ganda naman dito, Craven. Dito ka ba lumaki?" Tanong ni Izzie, hawak-hawak ang kanyang cellphone, mukhang naka-live sa f*******:.
"Hindi. Dito lang lumaki ang Daddy ko." Kumaway si Craven sa kamera ng tumutok sa kanya ito.
Tumingin ako sa mga bundok at labis na namangha nang makakita ng halos kulay berde ito dahil napapalibutan ng mga puno. Pati sa taas nitong kinatatayuan namin, ay ang main highway, na gilid lang lang ng malalaking bato na nagmistulang bundok. I badly want to see more of this place.
Nang hindi ko mapigilan ay inilabas ko na rin ang sariling cellphone at nanguha ng iilang litrato ng ilog, ang kalangitan, at ang mga bundok. I sent some to my brother too. Umikot ako upang makakuha ng panibagong anggulo ngunit napatigil nang makita si Niccos na nakatalikod habang kumukuha rin ng litrato gamit ang cellphone.
Napangiti ako at pasikretong pinindot ang capture, ngunit nang makuhanan ko ang litrato ay bigla na lamang sumulpot si Lev sa harapan, naka-wacky pa talaga ito halatang gustong sirain 'yung kinuha kong litrato.
"Lev!" Pagmamaktol ko. Nilapitan ko siya at pinalo sa braso, sinubukan naman niyang umilag habang humahagalpak sa tawa.
Nang i-check ko naman ang iba pang mga litratong kinuha ko ay nakita kong halos lahat doon ay nakasingit siya. Minsan, nakadila siya habang nakataas and middle finger, mayroon pa iyong napakalayo niya pero nakapeace sign siya, feeling siya ang pinipicturan! Nanggigigil ako, dahil doon ay wala tuloy akong nakunang magandang litrato!
Hindi rin nagtagal ay umabante na kaming muli. Labis-labis na lamang ang kaba ng mga kasama ko nang tumawid kami sa ilog eh ang babaw lang naman ng tubig dahil hanggang tuhod. Lalo na si Lev na dahil sa katangahan ay natumba sa tubig. Mabuti na lang at hindi siya ang bumubuhat sa gamit niya, maleta pa ang dinala niya e isang araw lang naman kami rito.
It was like a small barrio, sinundan lamang namin si Craven. Ang mga bahay ay very traditional type, bilang lang ang nakita kong mga bahay na pang-suburban o 'yung mga mediocre na type.
Pinagtitinginan pa kami ng mga batang nadadaanan namin, mayroon pang batang sinundan kami. Maraming bata ang naglalaro sa mga nadadaanan namin, tapos may mga matatandang nakatambay lang sa labas ng kani-kanilang mga bahay, halatang nai-intriga rin sila sa amin dahil sinusundan din nila kami ng tingin minsan.
"Craven! Uy!" May grupo naman ng kalalakihan at dalawang babae ang nakatambay pa sa isang chosko o waiting shed.
"Uy, kumusta na?!" Nakangiting lumapit si Craven sa kanila.
I think they're at our age.
"Ayos lang, p're. Mabuti naman at dumalaw ka?"
Halata ko pa ang accent nito sa pagtatagalog, maybe their mother tongue is not tagalog after all.
"Oo, kita-kits mamaya!" Si Craven at kumaway. "Mga kaibigan ko nga pala."
I smiled at them although, I am not sure if they'll even look at me. Pero napatunayan ko iyon ng tumango sa akin iyong isa sa mga lalaki at kumaway. My smile grew wilder by the thought that someone noticed my presence after all.
I was just about to wave back when I felt an arm snaked around my shoulder. Naglaho ang ngiti ng lalaki at agad na nag-iwas ng tingin nang makita ang presensya ni Niccos sa gilid ko.
After that, we directly arrived at Craven's grandmother's place. The house is very traditional type, sa bakuran ay puno ng halamang namumulaklak. Bundok na ang likuran ng bahay ng lola ni Craven, at sa gilid ay malawak na kabukiran. Isama mo pa na sobrang hangin dito!
Maligaya naman kaming sinalubong ng lola ni Craven— well, her appearance is better than I expected. Akala ko kasi ay kulubot na ang mukha nito at maaaring mahina na, puti na ang buhok ngunit lahat ng iyon ay kabaliktaran ng kanyang anyo nang makita ko.
"Lola, mga kaibigan ko nga po pala." Pakilala sa amin ni Craven.
Ang clingy ng lola ni Craven, but I don't take it as a bad thing. Maybe she just wanted us all to feel welcomed. Isa-isa niya kaming binigyan ng yakap, at doon ay napansin ko na ni minsan, hindi naglaho ang ngiti sa kanyang mukha.
Maybe the reason why she hasn't grew any wrinkles nor gray hairs just yet is because of her blithe mood.
"Kumain na ba kayo? Naghanda ako ng kakainin n'yo!"
Sa bakuran sa may tapat ng bukid ay may kubo, more likely a cottage. Doon nakahain ang aming mga pagkain.
"Kumakain ba kayo ng gulay?" Nakangiting tanong ni Lola Seli habang naghahain ng pagkain.
Umuusok pa iyong kanin ng kumuha ako roon. I cannot recognize the other dishes, hindi na lang ako nagsalita tungkol doon.
"Kay popogi naman ng mga binatang ito," tuwang-tuwa niyang puna bigla, hindi maitago ng kanyang mga mata ang pagkakagalak. "Anu-ano na ulit ang pangalan ni'yo?"
"Lola, hayaan n'yo po muna silang kumain," suway bigla ni Craven sa lola. "Nasaan po pala si Lolo? Hindi po ba, sinabi ko namang itigil na niya ang pamamalagi sa ilog dahil maaari iyong makasama sa kalusugan niya?"
"Hay naku, hayaan mo na ang lolo mo," napatawa ang kanyang lola. "Hindi mo na matatanggal sa kanya iyon, lalo na't iyon na ang kinamulatan niyang trabaho."
"I like the pork," biglang pagsasalita ni Niccos na nasa tabi ko. Kanina pa ito tahimik, muntik ko nang isiping hindi niya nagustuhan ang nakahaing pagkain. "It's the best one I've tasted."
Mahina lang ang kanyang boses, ngunit agad niyang naagaw ang atensyon ni Lola Seli. She renewed her smile before answering.
"Paborito ko 'yan, para sa akin, 'yan ang pinaka-dabest na luto ni Lola." Si Craven.
"Kumain ka pa ng marami, kung ganoon!" At talagang dinagdagan pa ni Lola Seli ang ulam sa bowl ni Niccos.
"Life here must be so peaceful." Puna ni Izzie.
"Naku, dalaga! Sinabi mo pa!" Lola Seli replied.
"Ano naman pong pinag kakabuhayan ni'yo rito?" Lev asked.
"Kita ni'yo iyang mga bukiri'ng iyan? Kami lahat ang namamahala riyan," turo niya sa bukid na halos kaharap lang ng cottage na pinagkakainan namin. "Sa totoo lang, dito sa probinsya, kahit wala kang trabaho, basta't marunong kang magtanim, mabubuhay ka."
Pagkatapos naming kumain ay tuluyan na kaming naghanda para makapaligo sa ilog. Ayon kay Craven, mas masarap maligo sa ilog kapag hapon, pero mamayang hapon daw ay may iba kaming pupuntahan. Osang araw lang naman kami rito, kaya kailangan naming sulitin ang pagbisita.
"Where the hell is it?!"
Rinig na rinig ang boses ni Lev na nanggagaling sa labas hanggang dito sa loob ng bahay. Nagkatinginan kami ni Izzie bago tuluyang tumakbo palabas nang sabay.
"What happened?" Bungad ko nang makalabas. Naabutan naman namin sila Lev, Novo, Niccos, at Luka sa labas.
"Our shoes...they're all gone!" Ma-dramang wika ni Lev. "My shoes. It's gone."
Napababa rin agad si Izzie habang nalalaglag ang panga. "Oh my gosh, even my shoes are missing!"
"This is unfair," iritado akong binalingan ni Luka. "Bakit iyong sa'yo lang ang hindi nawala?"
Agad nanlaki ang mga mata ko. "B-Bakit? Wala akong kinalaman diyan."
"No, no, no! Bakit 'yung sapatos kong 'yun pa? That's limited edition!" Madramang kumapit si Lev kay Novo at umaktong nasasaktan. "That's Yeezy boost 380 mist. Bakit? Why?"
Napanguso ako at parang gusto ko pang matawa dahil halos lahat sila ay nakapaa. Pati si Niccos. Nakakapagtaka naman, bakit 'yung akin lang ang naiwan kung ganoon?
"Ano'ng nangyari?" Biglang lumabas si Lola Seli galing sa loob ng bahay. Mabilis namang sumunod sa kanya si Craven na halatang naalarma rin sa mga nangyayari.
"Our shoes are gone," Novo explained to Lola Seli. "What are we going to do now?"
"Let's all try to find it, shall we?" Suhestyon ni Niccos.
"How?! Paano kung may nagnakaw ng mga 'yon at nabenta na?!" Pagsasalungat ni Lev.
"Where are you getting those ideas? Ikaw ba ang nagnakaw?" Niccos asked.
Agad nanlaki ang mga mata ni Lev. "Uy, hindi, ah!"
"Daming satsat, hanapin na nga lang natin." Umirap si Luka sa hangin.
"Paano? Nang nakapaa?" Tanong ni Izzie.
"Yes," bumaling sa kanya si Luka. "Nang nakapaa."
"Ano ba 'yan," reklamo ni Izzie. "Kayo na lang maghanap."
"Tumulong ka. Pabuhat ka sa prince charming mo kung kinakailangan." Sinulyapan ni Novo si Lev.
Agad sumimangot si Lev. "Buhatin mo sarili mo."
So we spread out to find these missing shoes. Nagkalat kami sa bakuran nila Lola Seli para lang hanapin ang nga sapatos. Hindi man ako sigurado kung narito ba ang mga ito, at walang pakiramdam na mahahanap ay nakitulong pa rin ako sa paghahanap.
"Did you find it?" Tanong ko kay Niccos nang makasalubong ito.
He was just standing there, leaning on the wall, nakabulsa pa ang dala niyang kamay. Mukhang walang pakialam sa mga nangyayari.
Bumaba ang tingin ko sa kanyang paa at nakitang may suot na itong sapatos!
"Naghahanap ka ba?" Tanong ko.
"No," he sighed. Tumuwid siya ng tayo at lumapit sa akin. "Where shall we go first?"
"Ha? 'Di ba dapat hinahanap natin 'yung mga sapa—"
"Itinago ko," pag-amin niya. "I need to keep them busy."
Nalaglag ang panga ko. Samantalang siya ay nagtaas ng kilay sa akin.
"Just don't say anything. Let's go somewhere." Nagawa niya pang ngumiti.
Hindi ko alam kung dapat ko bang ikatuwa iyong ginawa ni Niccos. Ngunit nang nag-umpisa na siyang maglakad palayo ay napasunod na lang din ako kahit hating-hati ang utak ko. Half of me is being haunted by my own conscience. Hindi man lang ba nakokonsensya si Niccos?
I suddenly giggled while I am on his back, going after him.
"Saan ba tayo pupunta?" Bigla kong itinanong.
Pansin ko kasi na ang tinatahak naming daan ay 'yung dinaanan namin kanina. Hindi naman kasi madaling makalimutan dahil walang masyadong kanto rito, hindi ka malilito.
"Wherever you want." He answered.
"What if, magfood trip tayo?"
"Why do you want that? Katatapos lang nating kumain." Pangongontra niya sa akin.
Pinantayan ko siya sa paglalakad at ngumuso. "I wanna try their foods here. The foods from their streets. In fact, I heard, mas malinis ang street foods nila rito kaysa sa syudad."
"Their water is nice, I was planning to swim. But swimming ain't fun with the others," nilingon niya ako. "The water is clear. Why don't we swim?"
"I am not ready. Hindi mo naman sinabi agad."
"Then...watch me swim?" Hindi siya sure.
Tumagilid ang ulo ko upang lingunin siya patingala. Buti nga siya, mukhang nakahanda. He is already wearing a black board shorts, and a plain white tee-shirt. Samantalang ako ay ni hindi pa nga nakakapagpalit ng pants.
Uminit agad ang pisngi ko sa sinabi niya. Para namang...ang awkward no'n?
Nang makarating kami sa ilog ay mas maaraw na. Naupo ako sa bato roon, habang si Niccos ay dumiretso agad sa tubig, nagtampisaw at nilaro ang tubig gamit ang kanyang mga paa.
"It's colder than I expected," komento niya. "It suits the sunny weather. You should swim too if you have the chance."
"Ikaw na lang," niyakap ko ang sariling tuhod. "Dito na lang ako."
"Hold this, then." Mahina niyang sinabi at pinahawak sa akin ang kanyang cellphone. Agad ko naman iyong tinanggap.
"Hindi ka man lang nagdala ng towel mo, paano ka magpapatuyo?" Bigla kong tanong at ngumuso. I didn't know that Niccos also has a reckless side.
"Are you concerned?" Nagtaas siya ng kilay.
"Sinasabi lang," umirap ako at isinandal ang baba sa pagitan ng dalawang tuhod. "Maligo ka na."
"I'm cold so suddenly," sumandal siya sa batong kinauupuan ko. "Why don't you try and warm me up?"
"Paano naman?"
Dinama ko ang sariwang bugso ng hangin nang bigla itong umihip sa mukha ko. I tucked the strands of my hair at the back of my ear, si Niccos naman ay hinayaang ihangin ang kanyang buhok.
Hinarap niya ako. I can't believe that even when he is starting to show motives, I still feel like he is the same grumpy man I didn't thought I'd be this close to a person to.
"Just....warm me up." He said, almost a whisper.
Nalukot ang noo ko. "Paano?"
Is he flirting with me?
Kulang na lang ay mapaso ako sa mga tingin niya. Para siyang nanunuya na ewan, ganunpaman, hindi ako umiwas ng tingin.
"Never mind," umangat ang isang gilid ng kanyang labi. "Now, it is starting to hit me up. I'm kinda worried when we get back."
Tama siya. Baka 'pag bumalik kami ay patayin kami nila Lev. Iniisip ko p lang ang mukha ni Luka na ubod ng sungit ay natatakot na ako!
"Hindi kaya sila magagalit?" Ngumiwi ako.
"Of course, magagalit sila," nilingon niya ako. "Lalo na si Luka."
Napalunok ako. Sinasabi ko na nga ba eh.
"But don't worry, though," puna niya nang makita ang reaksyon ko. "Luka may look scary, but believe me if I tell you that Lev is more like a monster when he gets angry."
Napatawa ako. Hindi ko makit kay Lev ang pagseseryoso.
"Pero hindi naman siguro siya magagalit 'di ba?" Paninigurado ko pa.
Tumango naman siya kaagad. "Once in a blue moon lang iyon magalit." Paliwanag niya. He finally went back to the water.
Pinanuod ko na lamang siya roon ng tahimik. Nagpatuloy siya sa paglalakad habang palalim nang palalim iyong tubig. Matangkad siya, at hindi naman ganoon kalalim ang tubig, kaya naman hanggang balakang niya na lang noong makarating na siya sa gitna.
Napanguso ako nang may maalala.
Out of nowhere, quite often some random things remind me of Sahara. Slowly, I am feeling triggered about her. Gaya nga ng sabi ni Lev noon, paano kung bumalik siya?
I wanna know Sahara's place in Niccos's life. What if I decided to settle with him, then when Sahara comes back, biglang marealize ni Niccos na hindi pala ako ang gusto niya?
Did he, by any chance....loved Sahara extremely that he couldn't move on?
Ano ba 'yan, kung anu-ano na ang iniisip ko.
Tumagaktak ang butil ng tubig mula sa buhok ni Niccos nang umahon ito sa ilog. He shook his head to remove some water while brushing his hand against his wet hair. How could this person shine in such an effortless way? He wasn't even trying. He was just...simply living.
"Can I ask you something?" Bigla kong tanong nang makalapit siya.
"Hmm."
"What if, bumalik si Sahara?" I asked, repeating Lev's question.