"To be honest, I don't care," he remarked. He looked tired of explaining when I only asked him once, I am guessing many people have been asking him this before. "People often ask me this. It's so tiring to answer such invalid question."
Para tuloy nakonsensya pa akong nagtanong. Tss, so much for my curiosity towards the idea of Sahara. Lev and the others just make her look so highly and that she is the greatest past of Niccos.
"Pia," biglang tawag ni Niccos sa akin. My eyes shifted on him. He sighed. "Why are you asking this? Are you, by any chance, doubting about my feelings for you?"
"Hindi ko alam," agap ko. Ayaw ko namang sabihing 'hindi' dahil baka sa huli ay manghinayang ako dahil hindi ako nagpakatotoo sa sarili. "Siguro."
"Look," kinuha niya ang dalawang kamay ko at hinawakan iyon. His grumpy eyes remained as it is but I can feel a slight pureness of his emotion. "When Sahara rejected me, she also left the country. After that, wala na kaming communication."
"How strong is your love with Sahara, then?" Nilabanan ko ang kanyang mga tingin. "Sabihin mo nga..."
"Tss," biglang umangat ang gilid ng kanyang labi. "I didn't even come to thr point where I totally fell in love with her. However, regardless. My love for you is far stronger."
My lips protruded. Namula ang aking magkabilang pisngi kaya agad akong nag-iwas ng tingin dahil sa hiyang biglang gumapang sa akin.
"If Sahara comes back, nothing will change. She is a part of my past that have been long forgotten. Kung babalik siya, I'd welcome her as an old friend, like what she was before I court her."
Tatanungin ko pa sana kung bakit niya niligawan si Sahara noon, ano'ng nagustuhan niya kay Sahara, ano-ano....ngunit pinigilan ko na lamang ang sarili. I am afraid, I might offend him. Ayaw ko noon.
Hindi ko alam kung paano kami nagtagal sa ilog dahil hapon na noong napagpasyahan naming bumalik sa bahay ng Lola ni Craven.
"Nahanap ni'yo na ba mga sapatos ni'yo?" Bungad ko agad nang makasalubong ko si Luka sa labas. Samantalang si Niccos naman ay dumiretso lang sa loob upang makapagbihis na.
"Not yet," he said. "I'm starting to think that an idiot is trying to mess with me." Mataman niyang sinabi at matalim akong tinignan.
Napakurap-kurap naman ako at tumikhim. "Ah—ano, pasok na'ko, tutulungan ko lang si Lola Seli na magluto ng hapunan. Hehe."
Hindi ko pa man naririnig ang kanyang isasagot ay mabilis na akong naglakad papasok ng bahay.
Should I tell them? Paano kapag hindi nila nahanap hanggang bukas ang sapatos nila? O 'di kaya naman ay may balak kaya si Niccos na sabihin kung saan niya iyon tinago? Kapag iniisip ko ay bigla-bigla akong natatawa. Sino ba naman kasi ang maghihinala kay Niccos? He is not the type to do that sa unang tingin. Kung hindi lang siguro siya umamin ay hindi ako maniniwalang siya nga ang nagtago sa nga sapatos.
"Guys, naniniwala ba kayo sa mga kapre?" Biglang tanong ni Lev kinagabihan. "May nabasa kasi ako sa Spookify, sa mga probinsya madalas naninirahan ang mga kapre."
Heto na naman si Lev sa mga kwento niya. Hindi na talaga nadala.
Katatapos lang naming maghapunan. Habang pumapatay kami ng oras ay tumambay muna kami sa cottage. Malakas ang cellular signal dito, kaya dapat magmo-movie marathon na lang kami dahil dala naman ni Novo ang kanyang iPad.
"Pinagsasasabi mo? Nung nakaraan, multo, tapos ngayon naman kapre." Umirap si Izzie.
"Ewan ko ba riyan," si Novo. "I am starting to have an idea na dapat mo nang itigil 'yang kababasa mo sa Spookify."
"Kaya siguro mabagal mag-reply sa akin, dahil sa kakabasa doon sa Spookify." Biglang sinabi ni Izzie nang nakanguso.
Napatingin ako bigla sa kanya. Is there something going on between her and Lev? Kung meron man, talagang kakabahan ako.
Lev is a playboy!
Kung may gusto man ako para kay Izzie, hindi si Lev iyon! I admit, Lev is good looking and wealthy, isa rin sa nga tinitingala sa school but I was quite disappointed when I once saw him making out with a 15 years old junior high school student. I mean....who in the right mind....?
"Ang sabi nila kapag daw nakakita ng magandang babae ang kapre, maaari niya raw itong ligawan o palaging pagmasdan...." pagkwekwento ni Lev.
Wala na ngang nakikinig sa kanya, eh. Halos lahat kasi kami ay nakadungaw na sa kanya-kanya naming mga cellphone. Niccos and I have been texting each other the whole time, though.
Me: Do you think Lev is courting Izzie?
Nakita ko namang dinungaw ni Niccos ang kanyang cellphone. Magkaharap kasi kami ng kinauupuan. Si Izzie ang katabi ko, siya naman ay pinagitnahan ni Luka at Novo.
"CR lang ako." Paalam ni Izzie at mabilis na umalis. Nagkatinginan naman kami ni Niccos.
Niccos: They're obvious. I think, Izzie likes Lev. But I can't say if Lev likes her too.
Me: Aba, hindi pwede 'yon! Hindi ako papayag!
Niccos: Why not?
Me: Bakit si Lev pa? Pwede namang si Luka o Novo?
Niccos: Idk. What d'you think?
Me: Ewan ko. Malandi si Lev, eh.
Niccos: Exactly. Sa tingin mo, malandi ba si Luka at Novo?
Ngumuso ako.
Me: Hindi.
Niccos: Why do you always worry about others more than your own problems?
Sinulyapan ko siya at nakitang seryoso lamang itong nagtitipa ng mensahe. Inunahan ko siya kaagad.
Me: Life is boring when I have nothing to worry about. That is how I enjoy living.
Niccos: You are so selfless. If you keep on giving me that image, I might never refrain myself from falling harder for you.
Niccos: What worries me more is that whether you would catch me in the end or leave me hanging.
"Ahhhhh!"
Bigla na lamang kaming nakarinig ng tili galing sa loob ng bahay. Dahilan upang bigla kaming matauhan.
That was Izzie's voice!
Nagkatinginan kaming lahat at walang pinalampas na oras. Kumalabog nang sobrang lakas ang aking puso habang papasok kami sa loob.
Ako ang nanguna sa pagkatok kay Izzie sa loob ng banyo. Dahil sa sobrang pagpapanic ko ay halos magiba ang pinto sa kakakatok ko rito nang buong pwersa. When I tried turning the doorknob, it didn't because it was locked.
"Izzie! Izzie! Ayos ka lang ba? Buksan mo 'tong pinto!"
I heard Izzie's horrible cries inside the bathroom, it is creeping me out and it even made my worry grow wilder.
"Izzie!"
"Pia!" She finally decided to open the door.
Abang na abang kami nang mabuksan ang pintuan. Buong akala ko ay bubulaga sa amin si Izzie, tumatakbo palabas sa banyo dahil sa takot ngunit hindi dahil tila nagmistula siyang estatwa habang nakatunganga lamang sa dingding ng banyo.
"What is wro—" sinundan ko ng tingin iyong direksyon ng kanyang mga mata at maging ako'y napatigil nang makakita ako roon ng isang napakalaking gagamba! "Ohmo!"
"What?" Lev curiously asked at nakiusisa rin. "What is it that you are so afrai— what the hell is that?! Spider! N—No! Big spider.....spiderman—"
"A big spider?" Luka decided to see for himself too. "Oh. Malaki nga." Anito nang makita rin.
"Pia," Izzie whispered. "Hilain mo ako palabas bigla. Baka....baka biglang tumalon sa akin 'yan."
"s**t, tumatalon ba 'yan?! Baka lumipad?!" Lev asked, obviously panicking.
"Idiots. Hindi 'yan tumatalon." Luka said.
"Paano mo nasabi?! Lapitan mo nga!" Iritadong binalingan ni Izzie si Luka.
Nag-iwas naman agad ng tingin si Luka at ngumuso. "Ayaw ko nga. Why would I?"
"Guys, may isa pa," biglang turo ni Novo sa kabilang dingding ng CR. Agad naming sinundan iyon ng tingin at sabay-sabay na napaatras ulit nang mayroon pa ngang isa na nakadikit sa kabilang pader! Mas malaki pa!
"Huy, pa'no 'yan? Hilain ni'yo ako palabas dito!" Halos maiyak na si Izzie sa pagmamakaawa. "Nakatitig silang dalawa sa akin, hilain ni'yo na ako utang na loob!"
"Here, use this," biglang sulpot ni Niccos. May hawak siyang stick na medyo may kahabaan. "Move aside. I'll take this out."
Pumagilid kaming lahat, maging si Izzie ay biglang napatili nang hilain ko siya palabas. She was so triggered that if she moves and inch, the spider would jump to her. Parang gusto kong matawa, pero maging ako kasi ay sobrang natatakot! Insects actually scare me the most.
Biglang gumalaw ang gagamba noong sinubukan iyong sungkitin ni Niccos kaya napaatras kaming lahat sa takot. When he tried it the second time, the spider moved and walked away from the stick.
"J-Just kill it! Saksakin mo siya niyang stick!" Iritadong wika ni Lev.
"Sige, ikaw na lang sumungkit kung ganoon." Inilahad ni Niccos kay Lev ang stick ngunit agad din itong umatras.
"Do not kill animals. Masama 'yon." Si Izzie.
"That's why I am trying to take this away." Niccos explained.
We were all relieved when the spider moved to the stick. Niccos immediately grabbed the chance to take it away kaya naman hinawi namin ang aming mga sarili't binigyan siya ng daan palabas.
Si Lev ay todo iwas at halos kumapit na siya kay Luka na kanina pa siya hinahawi paatras dahil sa pandidiri.
The spider stayed still, at natahimik kami habang pinapanuod si Niccos na ilabas iyon. Buong akala ko ay lalabas na talaga siya, ngunit nang bigla niyang ihinarap kay Lev ang stick ay bigla akong napalayo mula sa kanya, ganoon din ang ginawa ng iba, leaving Lev on the corner.
"Niccos! What the hell is this?!" Lev asked, isinisiksik ang kanyang sarili sa sulok. Kulang na lang ay mahimatay siya sa takot. Namumutla na rin ito!
"Lev," kalmado ang boses ni Niccos at humakbang ng isang beses. Napasigaw si Lev sa takot habang nanlalaki ang mga mata. "Tell us. What do you truly feel about Izzie?"
"What are you doing, man?! Why are you aski— MAAAAA AYOKO NA MA!" Itinulak niya ang sarili sa dingding habang sigaw nang sigaw sa pandidiri.
"Answer me. Unless, this spider will jump to you..." pananakot pa ni Niccos.
"Take it away, take it away, please..." halos maputol ang kanyang hininga sa pagpapanic.
"Tell us what you truly feel about Izzie." Niccos repeated. This time, he took a step closer once again. Making Lev scream in pure frustration and bizarre.
"Oo na! Mahal ko na si Izzie! Mahal ko na siya!"
We were relieved when Niccos finally decided to take the spider away. Ngayon lang din namin napansin sila Craven, Lola Seli, at ang kanyang Lolo na kanina pa kami pinagtatawanan sa gilid. Samantalang si Lev naman ay parang nalanta bigla at napaupo na lamang sa sahig.
"I almost died," he said. Finally relieved. "I think, I am having a heart attack."
"You okay?" Tanong ni Niccos nang makabalik sa loob.
"f**k you!" Lev answered to him with all his frustrations from what happened.
Lev confessed. That was the end of it that I think helped a lot. I guess, Niccos was also bothered about the thought, I'm glad he made him confess. What will happen now, though? Whatever might, is up to the two of them. It is their relationship to start with.
Kinabukasan din ay tanghali kami umuwi. Nang magising sila ay bigla na lamang naibalik ang kanilang mga sapatos kaya takang-taka sila.
I enjoyed the province a lot, and it is a shame we couldn't stay for a little longer dahil may klase pa kami kinabukasan. Hindi ko lang alam kung pagkatapos ng nangyari kay Lev doon ay babalakin niya pang bumalik.
Mula kasi noong gabing iyon ay madalas na siyang natutulala. Hindi na rin siya nag-iingay o nagkwekwento ng mga nababasa niya sa Spookify. Na-trauma na yata.
It was yet another Monday morning when I came to school. Sobrang ganda ng sikat ng araw ngayon, in addition, I woke up on the right side of the bed.
"Good morning, Humanities!" Mukhang pati ang aming adviser ay nasa magandang mood. "Today, we'll be having another transfer student. She is from abroad, so be nice to her okay?"
Agad umingay ang buong classroom. As well as nagkatinginan kami ni Izzie dahil sa labis na pagtataka. Her? That means that the transfer student is a female.
"You may come in now." Our adviser said softly.
The door flew open and as if it was a fantasy story, a girl entered surpassing the beauty of the sun today. How can a normal person glimmer in someone's eyes? She was so pretty with short and straight hair, almond and sleepy eyes with heavy lids, thick brows and pouty lips. She looked very foreign....and rare. Katamtaman ang kanyang puti, na bunagay sa hubog ng kanyang katawan. She is slim, yet she has curves, more like Kendall Jenner vibe.
Parang mas gumanda ang umaga noong ngumiti siya. I even heard some murmurs from my male classmates.
"Hello! Good morning! It's nice to meet you all. I am Sahara Mejia, 18, and a transfer student from the West! I hope we'll get along well!"
Hindi ko mahanap kung mayroon bang mali sa ngiti niya. It seemed pure and sincere, and her aura is very easygoing. Parang nakikita ko sa kanya na hindi siya madaling pakisamahan.
"You sit beside Leona at the back. Leona is also a transferee like you." Our adviser said.
She smiled and even bowed her head. Naupo siya sa tabi ni Leona, samantalang kaming mga tao sa paligid niya ay sinundan lamang siya nang tingin.
Bigla akong napatingin kay Jabami nang marinig kong umismid siya bigla. Nang magtama ang mga mata namin ay pinagtaasan niya ako kaagad ng kilay, as if her eyes are telling me 'I told you so'.
Napaiwas na lamang ako ng tingin. Muling bumalik ang tingin ko sa gawi nila Sahara, at nakita ko siyang kinakausap na si Leona habang nakangiti. Si Leona naman ay parang natutuwa pa habang kausap si Sahara.
Leona isn't the type who easily get along with someone, especially a stranger, kaya naman labi-labis na lamang ang pagkagulat ko noong nakita kong parang ang lapit na agad nila sa isa't-isa.
It feels different having Sahara around. Nang pumasok ang pangalawa naming guro ay agad niyang napuna si Sahara, he even interviewed her and asked several things which she don't usually do. She does not often care about the transferees.
Why do I feel like she can easily attract people? With the looks and her easygoing aura made her even more approachable.
Bigla akong kinalabit ni Izzie. "I hate it that she is nice. A part of me is insecure." Pag-amin niya bigla. "If she is kind and attractive, where does she even lacks?"
I smiled at her to hid the mutualism between us. I just chose not to show it. "Hayaan mo na. She looks harmless."
I admit, a part of me is bitter. Ang impact ng biglaang pagdating ni Sahara ay taliwas sa inaasahan ko. I thought of Sahara less, and when she actually came, she is a hundred more than my expectations for her.
Niccos: Dadaan ako riyan sa classroom mo. Sabay na lang tayo pumunta sa cafe?
If he comes here, I'm sure he'll see Sahara. I do not know why I feel too bitter about the idea. However, I still composed a reply for him.
Me: Hindi na. Doon na lang kaya tayo sa office mo kumain?
Geez. What am I doing? I look like a paranoid girlfriend.
Niccos: You sure?
Me: Yup!
Pagkatapos kong ayusin ang mga gamit ko ay nauna na si Izzie sa akin sa cafe. She will eat with the boys, samantalang bubukod kami ni Niccos. I somehow felt guilty for that....
"Are you okay?" Biglang tanong ni Niccos habang kumakain kami ng snack. "You sick or something?"
Humilig pa siya papalapit para lang i-check ang temperatura ko. Halos mapaso ako sa kanyang palad nang dumapo iyon sa aking noo.
Umiling naman ako at ngumiti. "I just don't feel well. Wala lang siguro sa mood."
Tumaas ang kanyang kilay.
Alam na kaya niya? Na bumalik si Sahara? Maybe, he knows already. Gaya nga ng sinabi niya sa akin, wala na siyang pakialam doon, kaya siguro wala na siyang sinasabi. I don't want to bring it up either. I just...don't like it.
"Are you sure?" His voice did not hide his concern.
I forced a smile and nodded at him like I was not feeling chaotic inside.