"Pia!" Para akong nagising sa reyalidad nang biglang pumalakpak si Izzie sa mukha ko. I looked at her, clueless. "Ano na ulit 'yung sinasabi mo?" She rolled her eyes. "I am asking you about what happened. Bakit magkasama kayo ni Niccos doon?" "Magkasama?" "Yes! Sa comfort room ng mga babae." "Ha?" Bigla niya akong binatukan kaya napahawak ako sa ulo ko. Napangiwi ako sa kanya habang napapanguso. "Lutang!" She crossed her arms like a Mom nagging on her daughter. "May nangyari, ano? Tell me what happened." Bigla siyang kumuha ng upuan at itinabi iyon sa akin. Handa na talaga siyang makinig. "I don't remember..." I blushed profusely. "Don't I don't remember me, nakita ko, lumabas kayo nang sabay, magkahawak pa ng kamay!" She even pointed a finger at me and she sounded accusingly.

