Hindi ako napigilan ni Niccos sa aking mabilisang paglabas sa kanyang sasakyan at lumusob sa rumaragasang ulan dahil lamang naabutan namin ang sasakyan ni Izzie'ng naka-park sa gilid habang umiilaw ang red light sa likuran nito. Mukha ngang hindi lang siya naligaw dahil nawalan siya ng signal, mukhang nasiraan din siya ng sasakyan. "Izzie!" Tawag ko at kinatok-katok ang bintana ng front seat. Napahawak ako sa aking ulo dahil unti-unti nang nagsisispatakan ang tubig mula roon. Dahil sa sobrang lakas ng ulan, hindi ko namalayang nabasa na ako nang lubusan kahit kakalabas ko pa lang sa sasakyan ni Niccos. "Izzie! Open this door, are you okay?!" Malakas kong tanong habang patuloy pa ring kinakatok ang bintana. Sinilip ko ang loob ngunit wala akong maaninang na kahit ano dahil tinted ito.

