CHAPTER 37 ENGR. JITSU POV Hindi ko alam kung paano ko ilalarawan ang araw na ‘yon parang sinabugan ng fireworks, earthquake, at apocalypse sa loob ng bahay namin. Alas-dos ng madaling araw, mahimbing akong natutulog, niyayakap si Mahal ko, nang bigla siyang bumangon na parang nasaniban. “MAHAL! AAAAAAHHHH!!!” Napatayo ako agad, gulo buhok, walang alam kung anong nangyayari. “Ano?! Bakit?! May magnanakaw ba?! May ipis ba?!” “Hindi IPIS, JITSU! AAAAAAAAAH, ARAY!!!” hawak niya ang tiyan niya habang pinapaling-paling ang ulo. At doon ko lang narealize. Oh my God. Ito na ‘yun. “MAHAL! Teka lang! Wag ka munang sisigaw! Hindi pa ako ready mentally!” “READY?! Ako nga ‘tong manganganak, ikaw pa ‘tong hindi ready?! AAAAAAAAAAAAH!” sabay hampas sa braso ko gamit ang unan. “A-ano bang gu

