Savannah
Nagtatanong ang mga mata ko, kila Manang at Itzayana, nang pasadahan ko ang kanilang mga kilos. Mukha silang aalis sa kanilang mga ayos. Nang matapos silang kumain at nagpahinga lang saglit.
At ang lalaki. Lahat yata ng prutas ay binalatan niya at nilagay sa maliit na pinggan. Ang apple ay hiniwa niya ito, isa isa. Naiilang ako sa presensya niya at sa ginagawa niya sa para sa akin na pagbabalat ng prutas. Ang laking mama, niya. Kung lalapit ako sa kanya. Parang akong tingting lang sa kanya, kung sa itsura. Kaya hindi ako makapaniwala, sa mga kinikilos niya? Napakalamig pa naman ng dating niya para sa'kin. Pero marunong siya magpresinta na siya ang gagawa. Kahit hindi ko akalain kaya niya... Mayaman nga kung titignan siya ng maigi at ginagala na tao. Pansin ko lang sa anyo niya at sa mga kilos. Lumalakas ang kabog ng puso ko, kapag tumitingin siya sa akin. Ang lapit lang niya sa akin, hindi nga ako humihinga, sa lapit niya at sa amoy niya na, naamoy ko galing sa kanya.
Mabango at hindi masakit sa ilong, ang halumuyak ng nalalanghap ko sa lalaking 'to. Umangat ang tingin ko sa harapan ko, na may inabot siya sa akin na isang hiwa ng apple. Seryoso siyang nakatingin sa akin. Kahit nangingig ang mga kamay ko, pinilit kung kunin ang inabot niya sa akin na apple. Ayaw ko naman ang lalaki pa, ang magsusubo nun sa akin. Sa pagkuha ko ng apple sa kamay niya, maingat ang ginawa ko. Na hindi magdidikit ang balat namin.
Kaya kumunot naman ang noo ng lalaki. Gusto yatang sabihin sa akin, kaso nagkibit balikat nalang ito, at pinagpatuloy ang ginagawa niya. Paminsan minsa nahuhuli ko siyang nakatingin sa akin. Pero ako nalang ang umiiwas makatinginan kami sa mga mata namin. Gusto ko nalang talikuran siya at umalis sa harapan niya. Hindi talaga ako makahinga...
"Hijo, may nakalimutan nga pala akong sabihin sayo. Kailangan nga pala niya magpalit ng damit ngayon at pangloob na din. Mamaya muna gawin ang ginagawa mo. Itzayana, tulungan mo muna akong bihisan siya. Bago tayo umalis... Para mahimbing ang tulog niya.." Sapakarinig ko sa sinabi ni manang, nag diwang ang puso ko at presensya ko. Tumigil ang binata at umalis sa harapan ko.
"Segi po, Manang... Tulungan kuna po kayo. Saan mo gusto sa banyo o dito ka nalang magbibihis?" Tanong niya sa akin ng lumapit na rin siya sa pwesto ko at tama ang hinala ko na aalis sila ni Manang. Nalungkot ako sa narinig ko. Iiwan nalang ako dito?
"I'll be out for a while.." Pagsasalita ng lalaki.
"Go..." Pagsasalita din ni Itzayana atsaka lumabas ang lalaki sa kwarto. Tuluyan na ako nakahinga ng maayos. Kaya napalakas ang pagbuntong hininga ko.
"Paraan saan 'yon, hija? Medyo namutla ka... May masakit ba sa'yo?" Nasa itsura ni manang ang pagalala. Umiling ang ulo ko at si Itzayana tahimik lang naka ngiti. Bakit kaya?
"Kinakabahan lang po siya, Manang..." Sabi nito kay Manang, na medyo nga nagugulohan sa sinabi ni Itzayana sa kanya.
"Bakit naman siya kinakabahan? Nandito naman, tayong tatlo..." Ani naman ni Manang kay Itzayana.
"Bastan, po..." Sabay tingin niya sa akin na alam na niya ang sagot kung bakit ako naka-ganun.
"Iwan ko sayo bata, ka... Nahawa kana din, sa mga kaibigan mo..." Natawa nalang si Itzayana. At maingat na inalalayan ako.
Mas pinili ko sa banyo nalang magbihis, kesa dito sa kama. Dahan dahan akong bumababa at nakaalalay si Itzayana sa akin kamay? Hawak niya ang baywang ko. Si manang naman may hawak na hose, na nakatusok sa ibabaw ng palad ko at sa taas ng hose, may tubig. Hindi ko alam kung ano tawag dito? Ang alam ko lang gamot daw ito para sa akin.
Meroon palang ganun? Sa hose pinapadaan ang gamot. Napakamot nalang ako sa akin batok. Humigpit ang kapit ko kay Itzayana, sa kamay niya, pakiramdam ko matutumba ako. Parang ito palang ang kauna unahan kung maglalakad. Nakakatakbo pa nga dati.
"Kapit kalang sa akin, ah..." Sabi niya.
"Dahan dahan lang, hija... Makakarating din tayo sa banyo..." Saad naman ni Manang sa akin. Humawak na rin sa braso ko.
"Ang tangkad mo parin pala, hindi nakakalayo ang taas natin, di'ba, Manang?" Napasin ko nga rin ngayon, ang sinabi ni Itzayana sa akin.
"Oo, nga, hija... Baka hindi rin nakakalayo ang edad niyong dalawa, Itzayana?" San' ayon na sabi ni Manang sa paguusap nila. Kahit gustohin ko man makipagusap at makipagsabayan saka nila hindi pa pwede. Mga ngiti ko nalang ang tanging sagot na gusto ko ang kanilang pinaguusapan.
Nang makarating kami sa loob ng banyo, tinuro ko saka nila.Gusto kung pumasok sa pinto kung saan nakakaramdam ako ng pagihi. Sumunod naman sila. Ang kaso 'yung hawak ni manang... At mabuti nalang luminga linga si Itzayana, sa loob ng banyo at sa gilid nun may nakita siyang sabitan, at siya ang naglagay ng hawak ni manang nakatusok sa kamay ko.
"Kaya mo bang magisa sa loob, hija? Baka mahirapan ka. Lalo, na d'yan nasa, kamay mo?" Pamamasakit na sabi sa akin ni manang.
"Tutulungan ko nalang po siya sa loob, Manang, para po hindi na kayo magalala sa kanya. Kung okay lang sa kanya?" Isang matamis na ngiti ang ginawad ko kay Itzayana, pang San'ayon ko sa sinabi niya sa akin.
"Pakikuha nalang po, ang mga damit niya, Manang... Ako po nalang magbibihis, sa kanya.. " Presinta ulit ni Itzayana kay Manang.
"Ito, oh, hija.." Abot ni Manang kay Itzayana ng mga damit kong mapalit.
"Halika kana, sa loob para nagpalit kana ng damit mo at pangloob mo, narin..." Yaya sa akin ni Itzayana. Umihi muna ako kahit nahihiya ako kasama si Itzayana sa loob ng banyo.
"Parehas tayong babae, kaya huwag kanang mahiya sa akin..." Oo, nga parehas kaming babae, pero nahihiya ako sa itsura ng katawan ko. Baka kalait lait ang katawan ko kapag nakita niya ito. Kumuha ako ng maliit ng towel, at binasa ko ito, matapos ako sa pagihi.
Si Itzayana na ang nagpiga ng towel, na kinuha ko. At pinunas ko ito sa katawan ko naglalagkit na ang pakiramdam ko. Ilan araw na kaya ako hindi naliligo? Pakiramdam ko parang ganun nga.
"Gusto mo bang tulungan kita? Nahihirapan kasi ako, pinapanood lang kita. I think you have a hard time cleaning your body... Uhmm ang ibig kung sabihin, tulungan kita sa paglilinis ng katawan mo. Pasensya kana, kung hindi ko mapigilan magsalita ng english, Medyo sanay ang dila ko sa ganun salita...." Sambit niya. Napahinto ako sa pagpupunas ng katawan ko at sa pahingi niya ng paumanhin sa akin. Tama pala ang hinala ko na ingles, ang binabanggit niyang salita sa akin. Si Itzayana 'yung tipong pwedeng kaibigan na hindi maarte at matulungin at maalalahan na babae at mabait pa, bukod sa napaka ganda pa niya.
Gusto ko nga sabihin sa kanya matatapos na ako. Pero tinuro ko nalang mga damit ko, pang palit. Sa pagpapalit ng damit talaga ako, mahihirapan nito.
"Sige, tulungan nalang kitang bihisan kita..." Ngumiti ako sa kanya at lumapit ako sa lababo, para maghilamos ng mukha. Nang matapos ako, lumapit ako kay Itzayana.
Nakahanda kasi ang mga damit ko na hawak niya. Sabi niya damit daw ng hospital ang suot ko. Tumalikod ako sa kanya, kasi nahiya ako. Ang kapal naman ng mukha ko, kung sa harapan pa niya mismo ako maghuhubad. Kaya maingat at dahan dahan ko hinubad ang suot ko, sa tulong din ni Itzayana sa likuran ko hindi ako nahirapan, maliban sa kanan kamay ko. Si Itzayana na, ang gumawa ng paraan para mahubad ng tuluyan ang suot ko sa kanan, braso ko. Nakahinga kami ng parehas ng matanggal niya suot ko.
May butil nga ng pawis sa noo niya, nahirapan tuloy siya sabi ko sarili ko. Tinuro ko ang noo niya, habang nakatagilid siya sa akin.
"Okay lang 'yan..." Sabi niya na parang wala lang sa kanya ang pawis at nahirapan siya.
"Ang ganda pala ng katawan mo..." May pahanga na sabi niya sa akin. Nahiya at medyo umiinit ang pisngi ko sa narinig ko sa kanya. Nagaalangan pa akong maghubad sa harapan niya. Umiiling ang ulo na hindi totoo ang sinasabi niya. Pero tumatawa lang siya. Siya lang ang babaeng, kauna unahan naka kita ng katawan ko. May bra at panty pa naman ako, pero napuri pa niya.
"Lahat ng sinasabi ko, at totoo. Maganda ang katawan mo. Pero kung makita ka niyang ganyan... Maglalaway iyon..." Patay malisyang saad niya. May pagtataka sa mukha ko ng tignan ko siya. Maglalaway? Makita ako? Anong ibig niyang sabihin. Nakita ko nalang napakamot siya ng ulo at umiwas ng tingin sa akin. May mali ba sa sinabi niya sa akin?
"Wag munang intindihin ang sinabi ko sa'yo. Biro ko lang lang 'yon, ah.." Tango ko, nang magsalita siya ulit kaya nawala ang pagtataka ko. Sa pagtingin ko sa suot kung bra. Nangunot ang akin noo. Hindi sa akin ang suot kung bra, pati nga panty na din. Pagkakatanda ko sa bra at panty ko ay luma na ito at hindi bago. At iba ang tila ng suot ko, kumpara sa tila ng mga pangloob ko, na sa palengke kulang binibili kapag sobra ang kita ko sa pagtitinda.
Pero itong suot kong bago pa at mamahalin pa. Hindi ko kaya bumili ng ganito kung sa'kin 'to?!
"Bakit?" Lumingon ako kay Itzayana, magtanong siya sa akin. Napatingin ako sa hawak niyang bra at panty. Parehas kasi ang nakikita kung suot ko sa hawak niya.
"Dahil ba sa bra at panty? Kaya ka nagtataka?" Ulit niyang tanong sa akin. Gamit ang kamay ko. Hindi ito sa akin.
"Alam ko, hindi sa'yo ito. Pero binili ito ni Maxton, para sayo..." lumukot ang mukha ko sa pagpapahayag ko. At sino Maxton? Pangalan iyon ng tao, parang pang lalaki, ang pangalan.
"Ah, e. Si Maxton, 'yung lalaking kasama natin sa loob. Pangalan niya Maxton, at siya ang bumili ng bra at panty mo..." Muntik na akong kapusin ng hininga sa sinabi niya at nanlaki talaga ang mata ko sa sinabi ni Itzayana sa akin. Namumula ako, sa hiya pakiramdam ko. Bakit lalaki pa ang bumili ng pangloob ko? Bakit siya pa? Namumula ako hanggang sa tainga ko iyon, pakiramdam ko nga. Sa sobrang hiya dahil sa nalaman ko.
"Totoo, siya ang bumili nito. Alam nga niya sukat ng dibdib ng bra mo at pati panty mo...." Hindi totoo! Sinasabi ni Itzayana sa akin. Paano niya malalaman ang sukat ng pangloob ko?
"Namumula ka?" Parang asar ang dating nun sa akin. Umiling ako.
"Kapag nakapag salita kana. Siya ang tanungin mo. Kung paano niya nalaman ang sukat mo? Na hindi nakikita ang katawan mo..." Umiling ako. Nahihiya nga ako, ayaw kung magtanong pa.
"Sobrang pula ng mukha mo! Pati Tainga mo..." Tawa niya. Tinago ko nalang ang pamumula ng mukh ko sa kanya. Ngayon lang ako, nahiya ng husto at susuotin kupa. Hindi ko akalain manyayari ito sa akin. Ang bilhan ako ng pangloob at alam ang sukat... At siya pa talaga?! Pangalan palang niya nakakatakot na! Kahit katunog nun, ay kendy nabibili ko sa tindahan na, tigpipiso. Pero kung pangalan niya talaga iyon, natatakot akong makaharap siya at nahihiya sa nalaman ko.
May ihaharap ba ako? Kapag nakita ko siya? Dahil sa nalaman ko. Sa sobrang lalim ng iniisip ko. Nakalimutan kuna, magbihis. Kaya dali dali akong nagbihis. Hinubad ko ang bra ko at pati panty ko. Tinulungan na ako ni Itzayana, naging tahimik siya.
"Ako na, magsasara sa likod." Oo nalang ang sagot ko. Kahit walang boses naririnig at sinuot ko narin ang damit ng hospital at tinanggal ko ang pagkatali ng buhok ko. Ayaw kung tinatali, baka maging kulot.
"Ang ganda ng buhok mo. Alaga mo siguro ito? Tsaka maganda ka..." Puri ni Itzayana sa akin ulit. Kaya lalong Namumula mukha ko sa mga papuri niya kanina pa. Isang tipid na ngiti ang binigay ko sa kanya. Narinig kupang tumawa siya at nilagay niya sa isang basket ang mga pinagbihisan ko ng kinuha niya ito sa mga kamay ko.
"Tara na nga.... Naghihintay na si Manang sa'tin..." Sumunod na ako sa kanya. At binuksan niya ang pinto ng banyo. Kung saan pagpasok ng lalaki, saktong nakatinginan kami sa mga mata. Kaagad kung iniwas ang tingin ko sa kanya ng maalala ko, ang nalaman ko.
"Bakit namumula siya, Itzayana? May lagnat ba siya?!" Mataas na boses niya may kasamang pagalala nang magtanong siya kay Itzayana.
"Ay! Oo nga! Bakit anong nanyari? May masakit ba sayo, hija?!" Ganun din ang reaskyon ni manang ng tumingin sa akin. Lalong naginit ang mukha ko.
"Itzayana, tell me..." Medyo pasigaw na tawag niya kay Itzayana. Ayon sa pagkakaintindi ko. Tumataas ang boses niya, parang laging galit ang lalaking 'to? Kapag paguusap sila ni Itzayana.
"May nalaman lang siya, isang bagay. At sigurado ako, na iyon, ang unang may gumawa nun sa kanyang at sa pagaari pa niya at sa lalaki pa! At wala yatang nakakaalam nun? kundi siya.... Pero may nakakaalam din pala... Bukod sa kanya..."
"What?! What you saying, Itzayana?! Anong pinagsasabi mo? Who is the man?!" Reaskyon niya na medyo inis... At sa gitna lang ang naiintindihan ko. Nakagat ko ang ibaba ng labi ko. Pinipigilan kung 'wag mamula ng husto. Nang makahulugan akong ngitian ni Itzayana sa nakayuko kung mukha.
"Itzayana.." Mahinahon na tawag ng lalaki kay Itzayana.
"For only girl lang iyon, Maxton... Di'ba?" Nakangangang tumingin ako kay Itzayana, na nagugulohan sa sinabi niya sa akin. Mariin na tumingin sa akin ang lalaking si Maxton.