Chapter 18

1058 Words
Savannah Sa pagalis nila lungkot ang bumalot sa dibdib ko habang nakahiga ako ngayon. Umalis sila na tapos na ang obligasyon nila sa akin. At naiwan ang si Maxton, na kasama ko ngayon sa iisang silid. Tumagilid ako ng higa na hindi siya nakikita ng mga mata ko. Presensya lang niya ang ramdam ko pero ayos na iyon sa akin. Kesa naman, nagiisa ako dito sa silid ng hospital, ang tahimik pa naman dito sa silid ko. Na miss ko tuloy ang huni ng mga ibon sa kagubatan pati ang ingay ng mga puno. Pansin ko rin dito sa hospital hindi ko, mamalayan na gabi ba? O umaga na sa labas. Kung hindi pa ako titingin sa orasan hindi ko pa alam ang takbo ng oras. Hanggang kailan kaya ako rito? tanong ko sarili ko. Isang malalim na hininga ang pinakawalan ko sa dibdib ko sa pagkainip. At si Maxton hindi ko alam kung ano ginagawa niya ngayon? Wala akong naririnig na ingay galing sa kanya. Kundi ang marinig kung meroon siyang inaayos na parang kama yata iyon. Siguro iigaan niya. Siya kasi ang nagbabantay sa akin. Bakit kaya siya? Bakit hindi nalang si Manang? Mas kumputable kasi ako, kung babae ang kasama ko sa silid ko para hindi ako mahiyang kumilos. Kung nais ko. Kapag si'ya, limitado ang kilos ko. Si lolo, lalaki siya. Pero hindi ganito ang pakiramdam ko sa lolo ko. Kahit hindi ko siya totoong lolo. Pakiramdam ko mahirap pakisamahan si Maxton. Parang laging galit siya. Kahit sinasabi ni Manang mabait siya at matulungin. Pero iba ang nakikita ko sa kanya sa pag-oobserba ko sa kanya. Baka siguro mali lang ako.. Sa akin pagiisip ng malalim ng makarinig ako ng parang may kinakausap si Maxton. Dalawa lang naman kami dito sa kwarto at wala naman ibang tao nandito kundi kami lang. Bakit meroon siyang kausap? at englis pa ang pagsasalita niya. Ako ba ang kinakausap niya? Pero malabo e. Hindi ko nga naiintindihan ang englis na sinasabi niya kaya bakit niya ako kakausapin sa salitang hindi ko alam. Maliban nalang kung sarili niya ang kakausapin niya ng magisa. Magiisip ako ng hindi maganda sa kanya. Baliw siya? Napailing ang ulo ko, dahil malabong manyari iyon kung ganun siya. Wala sa itsura niya at sa kilos niya kung iyon ang iisipin ko kay Maxton. Napalunok ako maalala ko malaki ang katawan niya at maputi siyang lalaki, na namumula ang balat niya. Sa daming nakikita ko sa palengke na mga lalaki. Kahit nga mga bumibili sa palengke. Wala pa akong nakitang katulad ni Maxton. Bukod tangi siya. Sabi sa'kin noon ni lola, ang mapuputing mga tao daw ay swerte. Masasabi ko ba sa sarili ko, na maswerte akong babae? Kasi may nakilala akong maputing tao. Ako, hindi ako, maputi. Pero sabi ni lola sa'kin maputi daw ako kung hindi lang ako na-aarawan ng sikat ng araw. Kung totoo sinasabi ni lola sa akin. Bakit hindi ako swerte? Dahil ba iba na ang kulay ng balat ko, na kuyamanggi na. Pero magkaiba ang salungat ng isip ko sa sabi ni lola sa'kin. Wala sa kulay ang swerte. Kundi nasa tao, ang diskarte... Tsaka hindi naman nagtratrabaho ang kulay, kundi ang katawan ng tao. Habang tumatagal nagiiba ang pananaw ko sa sabi ni lola sa'kin. Marahil at bata pa ako noon? at maraming hindi pa maunawaan. "Gusto mo bang makinig ng musika? Para makatulog ka?" Malamig na boses niya. Para sa akin ba ang tanong niya? mungkahi ko sarili ko. "Hindi ka makatulog, Alam ko. Gusto mo bang makinig ng musika?" Muling saad ni Maxton. Ako yata ang kinakausap niya? Kasi lumapit na siya sa'kin bandang paanan ko. Habang pwesto ko ay nakatalikod mula sa kanya. Bakit kaya alam niya hindi ako makatulog? Wala naman akong ginagawang ingay na kahit ano? Para marinig niya may mata ba siya sa harapan ko. Paano ko ba sasabihin na oo, po. Baka sakaling makatulong sa akin ang makinig ng musika. Makatulog na ako. Mas pinili kung hindi nalang kumibo sa tanong sa akin. "Ayaw mo ba? Kung hindi ka makatulog? Pwede kitang ipasyal, kahit nasa loob tayo ng hospital... Kung gusto lang mo?" Kinagat ko ang ibaba ng labi ko sa mga tanong niya sa akin at wala kasi akong idea sa sinasabi niya sa akin. Nandun ang lamig ng boses niya sa pagtatanong sa'kin. Nagaalala ba siya sa akin? Kasi hindi ako makatulog? Baka parehas lang kaming dalawa. Nagtatanong siya. "Maganda ang panahon ngayon sa labas kahit gabi na... Iniisip ko baka makatulong sayo? Kung nilalabas kita saglit dito sa silid mo. Kung hahayaan mo akong gawin ko?" Pagpapaalam niya sa akin sa nais niya para sa akin. May paka kulit din pala itong lalaki 'to o sadyang gusto lang makatulong sa akin at walang makuhang sagot mula sa'kin. Tsaka sumagi sa isipan ko ang binili niyang pangloob ko. Kanina kanina ko lang nalaman iyon at nahihiya parin ako, sa kanya humarap. Baka makita na naman niya mamula mukha ko at magtanong siya sa akin. Wala naman akong maiisagot sa kanya, kundi iwasan ang mapanuri niyang tingin sa akin ni Maxton. Halos nakatingin nga siya sa akin mula sa paglabas ko ng banyo, hanggang sa umalis sila Manang at Itzayana, nasa akin parin ang tingin niya. Kaya ilang na ilang ako. Paano pa kaya kung kami dalawa lang ang mamasyal? Baka titigan nalang niya ako. Siguro may nakikita siya sa mukha ko na may mali. Marahil ganun siya makatingin sa akin. Sa hindi ko pagkibo sa mga tanong niya sa'kin. Ang pangat nalang ng kumot ko ang nararamdaman ko sa katawan ko. Kinumutan niya ako hanggang sa may gilid ng tiyan ko at umalis na siya. Katulad ng unang tanong niya sa akin kanina. Nakarinig ako ng musika, may dala siguro siya radio, sa pakikinig. Mahilig din ako sa musika, madalas akong makarinig nun sa simbahan, kapag may kasalan nanyayari sa simbahan, kung saan malapit ako dun. Madalas naririnig ko englis ang tema ng kanta sa simbahan. Katulad ng naririnig ko ngayon sa musika. Maganda ang napili niya para tuluyan akong hilahin ng antok. Salamat sa alok niyang tugtogin. Sana gumaling na ako at makakabas na ako sa hospital. Gusto kuna bumalik sa dating buhay ko. Handa naman akong bayaran ang gastos sa hospital. 'Wag lang ngayon, kasi magiipon pa ako at si lola iniisip ko walang kasamang sa kubo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD