Chapter 20

1902 Words
Savannah Nagpaalam si Itzayana, sa akin na lalabas siya saglit at may pupuntahan na importante sa labas ng kwarto. Kahit ayaw kung umalis siya sa tabi ko. Wala akong magawa, dahil kami lang ni Maxton, ang maiiwan sa loob ng kwarto. Atsaka hindi ko alam ang gagawin ko kapag nandiyan siya. Nakakailang talaga. Kapag may kasamang lalaki sa loob ng silid na kayo lang dalawa. Nagkakamot lang ako ng katawan ko pati ng ulo ko, na kunwaring makati kahit hindi. May magawa lang ako habang magkasama kami sa loob ng silid. Nakaupo siya at kaharap niya ang maliit na lemasa, at maraming akong nakikitang mga papel nasa ibabaw ng lamesa niya na parang binabasa yata niya. At mabuti nalang talaga, nakatalikod mula ito sa'kin at malaya kung pinagmamasdan ang malapad na likod ni Maxton. Napalunok ako ng ikumpara ko ang kanyang inuupuan at lapad ng katawan niya. Sakop na kasi ng katawan ni Maxton ang upuan sa laki ng katawan niya. Paano kaya lumaki ng ganun kalaki ang katawan niya? Napapaisip talaga ako, kung paano? Nagsisibak kaya, siya ng kahoy sa bundok? Iyon ba ang trabaho, ni Maxton. Pero hindi naman sunog ang katawan niya, kung nagsisibak siya ng kahoy? Ang puti nga niya, parang 'yung kape na may halong gatas ang kulay niya. Mas maganda pa ang kulay ng balat niya kesa sa akin. Tumingin ako sa kulay ko. Okay naman. Medyo nasusunog lang sa init ng araw, kapag nagtitinda sa palengke. Baka nagbubuhat siya ng mabibigat kaya lumaki ang katawan niya. Sabi ng isip ko, nakikita ko sa kanyang likod ang itsura ng pagong. Parang ganun, kahawig, pero magandang tignan ang likod niya. Napangiti ako magisa sa iniisip ko. "Bakit ka nakangiting?" Iyon ang tanong na pumukaw sa akin sa paglingon niya sa'kin. Kaya napanganga ako ng mahuli niya akong nakangiting magisa at nagkataas ang isang kilay niya. Ang suplado ng dating nun sa akin. Gusto kung matago sa ayos ko ngayon. Naginit ang buong mukha ko sa hiya. Kaagad akong yumuko, ng ipatong ni Maxton ang isang braso niya na malaki din, sa likod ng upuan niya patagilid ang kanyang pwesto, na nakaharap sa akin. Nais ba niya akong titigan ng matagal? Bakit ang ganyan ang ayos ng upo niya? "Namumula ka? Pati pisngi mo? Okay kalang ba? Pinagpapawisan kana rin?" Sumagot na akong tatlong tango sa kanya. Sa tingin ko tatayo siya at lalapit na sa akin. Gamit ang kamay ko, pinigilan ko siyang huwag lumapit sa akin. Nakakahiya man ang ginawa ko sa taong, tumulong sa akin at nagbayad sa hospital at pinigilan ko lang siyang, lapitan ako. "Sigurado kaba?" Malamig na may pagalalang tanong niya sa akin. Umu, oo ang ulo ko. Nanatiling nakayuko ko. Nakikita ko ang pagiging suplado ng mukha niyang nakatingin sa akin. Parang kinaklarong na may mali sa akin. Marahil ay oo, kasi naman ngumiti ako ng magisa. Na ako lang ang nakakaalam ng dahilan. Bumuntong hininga si Maxton. Ayon sa narinig ko mula sa kanya. "Magandang hapon, Sir, at Ma'am..." Sabay pa namin tingin ni Maxton, sa nurse na bumati sa amin sa bukas na pinto ng kwarto. Hindi na pinasara ni Maxton ang pinto ng kwarto simula ng lumabas si Itzayana. At bagong nurse pa ang dumating sa harapan namin. Ang kaso, nakatitig at natulala ang nurse kay Maxton. Ngayon lang din ba siya nakakita ng ganyan tao? Siguro masyadong humanga ang nurse, sa binata sa pagiging magandang lalaki nito, katulad ko. Ang pinagkaiba lang namin nurse ay takot ang namayani sa akin, imbsi na paghanga katulad ng nurse. "Anong tinutunganga mo d'yan? Bakit ka na nandito?" Nakita ko ang hiya sa mukha ng nurse ng tanungin siya ng binata na ganun. Nasaktan ako para sa nurse. Dahil na galit siya. May gusto man akong sabihin sa binata na 'wag siyang ganun sa nurse at igalang ito. Tinignan ko nalang ang nurse, at ngumiti. "Ano po kasi? A..." Parang kinakabahan na hindi masabi ang dapat niyang sabihin kay Maxton. "Ano?!" Kinagat ko nalang ang ibaba ng labi ko sa galit na boses niya. Ganyan ba talaga siyang makipag usap sa mga taong makakaharap niya. Galit lagi kundi naman masungit. Kaya lalo akong naiilang sa kanya. Mabuti nga hindi ako nakakapag salita e. Kung nagkataon nakakapag salita ako. Baka ganyan din ang trato niya sa akin. Ang sungitan ako at taasan ng boses. "Aaa, pinapatagal po kasi ni Doctor, ang swero ni Ma'am. Lalabas po kasi siya, ngayon... At bago po siyang lumabas, ay tuturukan ko po siya ng gamot sa kanyang braso. Iyon po ang sabi ni Doctor, sakin..." Nakayukong sabi ng nurse kay Maxton. Bigla akong pinagpawisan at nanghina sa narinig kung sabi niya. Tuturukan na naman ako! Nahihina ako sa kakaturo sa akin at meron na naman. "Is that why you came here? Nakatutunga kalang d'yan!" Inis ng binata. Napatingin sa gawi ko si Maxton at bumuntong hininga siya ng malakas. Sumama ang timpla ng mukha niya ng tignan niya ako, na kunot ang kanyang noo. Nilihis ko nalang ang tingin sa kanya, galit kasi ang mga mata niya. "Last naba 'yan?" Nagkasulyapan kami ng nusre at may pagtataka sa mukha niya ganun din ako. Naiintidihan naman siguro ng nurse ang sinabi ng binata, nagtaka lang siguro kung kanino sinasabi ni Maxton ang kanyang sinabi. Kung para sa akin? 'Yung huli, lang ang naiintidihan ko kaya nalito din ako. "Nurse!" Sigaw ng binata sa kanya. "Yes, po Sir..." Nanginginig na boses na sagot ng nurse sa binata. "Okay, pumasok kana at lumapit kana sa kanya, para makaalis na kami..." Utos niya sa nurse. Marahan na lumapit ang nurse sa akin. At nilapag niya ang kanyang dala sa ibabaw ng hinihigaan ko. Nakita ko roon ang karayom, napalunok talaga ako sa kaba. "Ma'am, unahan ko muna tanggalin itong swero niyo sa kamay? Bago kitang turukan ng gamot, ah..." Saad niya sa akin pero kita ko ang panginginig ng kamay niya at boses niya dala siguro ng takot kay Maxton. Tumingin ako sa gawi ni Maxton at hindi ko alam nakamasid pala siya sa amin ng nurse. Kaya kaagad kong inalis ang tingin ko sa kanya. Ang amin mga mata. Kung si Maxton kaya niyang tagalan na tumingin sa akin. Pero ako? Hindi ko kaya... Nahihirapan akong tagalan, pakirandam ko kinakain ako ng pagkatao niya. Basta parang ganun ang pakiramdam ko sa kanya. "Baka masaktan mo siya? Kung nanginginig ang mga kamay mo..." Sermon niya ng lumapit na siya sa amin. Na wala kaming malay ng nurse dun at hindi ko rin alam kung maiinis ako sa kanya o magagalit. Dahil ganito niya itrato ang nurse sa harapan namin. "Pasensya po, Sir... Ma'am, tanggalin ko na po ah?" Kuha niya sa atensyon ko ng magpaalam siya sa'kin tatanggalin na niya ang dapat tanggalin sa nakatusok sa akin. Huminga ako ng malalim at nilabanan ang kaba at nerbisyo ko, sa nagsisimula na sa sistema ko ngayon. "Humawak ka sa kamay ko, kung natatakot ka?" Napatingin ako sa kamay niya nakalahad sa harapan ko at tuminga ako mula kay Maxton. Ang seryoso niya ng titignan ko ang itsura niya. Ang kaso kung hahawakan ko ang kamay niya para dun kumapit. Hindi ko yata kayang gawin ang gusto niya. Umiling ako at ibinababa ang tingin sa nurse, nasa harap namin ni Maxton at naghihintay. "Go on, nurse..." Nanlaki ang akin mga mata ng siya mismo ang kumuha ng kamay kung isa at hinawakan ito. Naninigas ako sa'kin kinauupuan at nakatitig ang akin mga mata sa hawak niya sa kamay ko. Kinain ako ng hiya muli. Ang lambot ng kamay niya, iyon kaagad ang nararamdaman ko kahit napakalaki nun sa kamay ko. Parang akong humahawak ng bulak sa lambot ng kamay ng binata at ako?kabaliktaran ng nahahawakan niya. Alam ko sa sarili ko. Hindi kaya siya nandidiri sa kamay ko?habang tinitigan ko iyon. Parang wala lang sa binata ng hawakan ako sa kamay. Hindi ba magagalit si Itzayana? "Tapos na po, Ma'am..." Umuwang ang labi ko dahil sa sinabi ng nurse sa harapan ko. Anong ibig niyang sabihin, na tapos na? Nalamayan ko nalang nangunot ang noo ko. At pinagpapawisan ako ng mainit at ngumuso ang nurse. Sinundan ko nalang ng tingin n'yon. Kung ano ang kanyang ibig sabihin sa akin. Natanggal na pala niya ang hose sa at karayom sa kamay ko at bakit hindi ko nalamayan? Masyado yata ako nagulo sa paghawak ni Maxton sa kamay ko. Simpleng ngumiti ang nurse sa akin. Nagiinit ang pisngi ko sa ngiti niya. "Nasaktan kaba?" Kaagad akong umiling para sumagot nang pisilin niya ang kamay ko. At parang may kuryente akong nararamdaman sa magkahawak namin kamay. Kaya nagtataka ako, kung saan nangagaling iyon. Parehas naman kaming tao? Pero bakit may kuryenteng dumadaloy sa kamay ko. May kapayarihan ba siya, para makuryente ako? Kinagat ko nalang ang ibaba ng labi ko. Natahimik lang si Maxton sa tabi ko ng sagutin ko siya. "Ma'am, ililislis ko lang itong damit mo, para po, maturukan na kita dito sa may taas ng braso niyo, ah.." Sabi ng nurse sa'kin at naging mahigpit ang hawak ni Maxton sa kamay ko. Napalunok pa nga siya ng tumingin siya sa'kin kaya ganun din ang naging reaskyon ko. Kung saan siya nakatingin. Sa akin balikat na bahagyang litaw na pati garter ng bra, ko, kita na rin. Binudol ako ng hiya ng makita niya bahagi ng katawan ko na iyon. Ang bilis naman kumilos ng nurse na ito. Namumula talaga ako sa init ng pisngi ko. Baka ano pa ang isipin ni Maxton sa akin? "Ma'am, ituturok ko na po ito sa inyo, wag lang po kayo gumalaw ah..." Tamango ako at mas lalong kung nararamdaman ang higpit ng kamay ni Maxton sa kamay ko. Inalis na rin niya ang tingin niya sa litaw ko, na balikat. Napapikit ako at napakapit sa kamay ni Maxton ng maramdaman ko ang karayom na bumaon sa braso ko. Masakit! "It's okay.... It's okay..." Paulit ulit na Englis na naririnig ko sa binata, sa'kin. Mas nauunawaan ko pa ang nararamdaman ko, kesa sa sinasabi niya e. "Okay na po, Ma'am..." Saad ng nurse sa akin at minulat ko ang mga mata ko. Nakahinga na ako ng maluwag na tapos din. "Pwede na po kayong lumabas, Sir..." Pasabi ng nurse kay Maxton. Pero hindi kumibo ang binata hanggang umalis ang nurse sa harapin dalawa at hindi naman lang ako nakapag pasalamat sa ginawa niya. "Okay kana?" Tanong niya sa akin habang nanatili siya sa gilid ko. Gumaan ang pakiramdam ko ng mawala ang nakatusok sa akin at malaya na akong makakagalaw na walang na akong iintindihin na may makatusok sa akin. "Aalis naba tayo, Max?!" Bumungad na tanong ni Itzayana, nasa may pinto, kaya. Kaya laking gulat napalingon ako sa kanya. "Yes, help him change his clothes first, Itzayana...." "Okay..." Masayang sabi ni Itzayana kay Maxton. Nakasunod ang mga mata ko sa tinitignan ni Itzayana. Magkahawak parin ang mga kamay namin at hindi ito, binibitawan ng binata kaya yumuko ako ng makita iyon ni Itzayana. Nahiya ako, sa kanya baka ano pa ang isipin niya sa'kin. Siguro magagalit siya sa akin? Dahil sa nakita niya. "Don't be shy of him...." Sabi ni Maxton sakin. Mas lalo kung niyuko ang ulo ko sa kahihiyan. Na hindi ko maunawaan ang sinasabi niya sa akin at binitawan narin ng binata ang kamay ko na maingat sa ibabaw ng hinihigaan ko. Nakahinga ako ng sobra sa ginawa ni Maxton sa kamay ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD