Savannah
"Maganda. si Maxton ang bumili n'yan.... Para sayo..." Bumuka ang labi ko at nakatitig ako sa sinabi ni Itzayana. Ito na naman ang pakiramdam na nagiinit ang pisngi ko, sa hiya.
Lahat ng ba ng susuotin ko ay siya ang bumibili? Lalaki siya dapat hindi niya ito ginagawa at kapansin-pansin rin. Lahat ng susuotin ko na binibili niya sa'kin ay sukat na sukat. Baka masabi ko rin sa sarili ko marunong siyang manahi ng damit ng babae kaya alam niya ang sukat ko.
Pero sabi ni Itzayana, binili lang ni Maxton ang damit ko. Ang pangloob ko na ginagamit ko ang dami nga nun. Nang makita ko sa bag. Tsaka hindi bagay sa akin ang ganitong damit. Ang mahal. Kahit Maxton ang bumili, kahit simpleng bestida lang suot ko, pero mahal parin ang presyo nito. Isang taon ko na yata kita ang, pinangbili dito sa suot ko. Nakakahinayang lang. Ayos lang naman sa'kin kahit mura lang.
"Hindi mo ba gusto? Bagay na bagay kasi sayo, e..." Seryosong tanong niya.
Gamit ang kamay ko, ang naging sagot ko kay Itzayana. Napangiti siya at lumiwag ang mukha niya sa naging sagot ko sa kanya.
"Akala ko hindi mo magugustuhan e. Ito pala ang sandals mo, siya rin ang bumili n'yan. Kaya 'wag kanang magulat pa. Kung siya bumibili ng gamit mo. Mabait si Maxton..." Dagdag na sabi pa niya. Alam ko sarili na mabait ang binata. Pero may masasabi rin sa ugali niya na kahit mabait pa siya. Ang pakikitungo sa ibang tao at saksi ang mga mata ko dun.
"Sakto, kasya sayo..." Tumingin ako sa suot kung sandals. Masasabi ko rin na hindi bagay sa'kin ang mamahalin na gamit. Kuntento na ako sa mura, kahit goma lang na tsenilas ay ayos lang sakin basta may masuot lang ako.
Ako na ang nagyaya kay Itzayana, lumabas na kami ng banyo. Ayos na ang sarili ko para sakin. Gusto ko na talagang umuwi sa amin. Nakangiti siya sakin habang palabas kami ng banyo, pero hindi ko na binigyan ng pansin iyon. Basta nakita ko nalang. Ganun naman si Itzayana, simula ng makilala ko siya. Lagi siyang nakangiti. Parang ang gaan-gaan ng pamumuhay niya marahil ay masiyahin siyang babae.
Pero hindi ako nakakaramdam ng ingiit sa kanya. Tadhana ang gumawa nito. Ito ang kapalaran ko. Isa lang ang ipapasalamat ko ang makilala ko sila at naging mabait sila sa akin.
"Max...." Tawag ni Itzayana kay Maxton. Lumingon ako sa likod ko kung saan kasunod ko lang lalabas si Itzayana ng banyo.
"Tinawag ko lang para makauwi na tayo..." Parang hindi naman ganun ang gusto niyang iparating kay Max, ng tawagin niya ito. Nagkibit balikat nalang ako. At tumingin kay Maxton na nasa harap namin. Biglang kumabog ng mabilis ang puso ko sa kaba, nagiba ang tingin niya sa akin. Masama n'yang akong titigan ng kanyang magagandang mata at kunot ang kanyang noo.
Naisip ko baka hindi bumagay sa akin ang binili niyang damit sa'kin. Kaya ganyan siya makatitig sa akin. Napalunok nalang ako sa kaba at takot dahil sa tingin.
"She is beautiful to look at right?" Pag-eenglis ni Itzayana ng hawakan niya ako sa akin magkabilang balikat mula sa likuran ko. Sa amin dalawa na ni Itzayana, nakatingin si Maxton.
"Tsk! I didn't buy it to make her look better!" Paangil na namutawi sa bibig ni Maxton. Sa paguusap nilang dalawa sa harap ko.
"E, sa bagay sa kanya... So it's your fault if she looks better in what she's wearing..." Parang masaya pang sagot ni Itzayana kay Maxton. Lakas loob ko sana titignan sa mukha si Maxton. Pero dibale nalang. Mukha masama na naman ang timpla ng mukha niya, ayon sa naririnig kung boses niya nairitado.
"Stop, Itza... Let's go home now!" Napaangat ang dalawang balikat ko sa taas ng boses niya.
"Wag ka, kayang sumigaw, natatakot siya..." Naramdaman ko ang paghimas ni Itzayana sa mga balikat ko.
"I not master, Itza..." Saad ni Maxton tsaka siya lumapit sa amin. Napalunok ako ng laway ng tumapat siya mismo sa harap ko. Ang halimuyak ng bango ng binata, dinuduyan ako sa sarap ng amoy ng hatid niya sa ilong ko. Mas lalong akong natuyuan ng laway ng hubarin niya mismo ang suot niyang dyaket sa harap ko tsaka niya ito pinasuot sa'kin na nand"yan si Itzayana sa tabi namin. At harap-harapan niyang ginawa iyon. Ano bang ginagawa ni Maxton? Nangunot ang noo ko sa hindi maintindihan na dahilan sa ginawa niya sa'kin.
Si Itzayana tahimik lang sa tabi ko. Pero nakangiti siya. Hindi ba talaga siya magagalit sa ginagawa ni Maxton sa'kin? Bakit parang masaya pa siya? Kesa sa magalit siya.
"Kagagaling mo lang sa sakit, kaya pinasuot ko sayo ang jacket ko... Lalabas kana ng hospital ngayon at makakauwi na..." Iyon ang paliwanag na sabi niya sa akin kaya nawala ang kunot ng noo ko sa narinig ko sa kanya. Pero ang isip ko nagtatanong parin. Bakit hindi nalang din niya aki binilhan ng dyaket? Kung kaya naman niya akong bilhan ng ganitong damit. Bakit dyaket pa niya ang pinasuot niya sa'kin. Alam niya kagagaling kulang sa sakit.
Baka kasi makakuha siya ng sakit sa akin.
"Hay! Hindi pa kasi aminin..." Buntong hininga ni Itzayana sa tabi namin at umiikot ang kanyang mga mata.
"What your problem, Itza?" Baling sa kanya ni Maxton. Tumingin sa'kin si Itzayana sa mga mata tsaka nagkibit balikat ng tignan din niya si Maxton katulad ko.
"Okay, let's go. Manang is waiting for us..." Wari ni Maxton tsaka niya kinuha ang kamay ko. Kaya ganun nalang ang gulat ko sa kanya ng hawakan niya ang kamay ko papalabas ng silid ng hospital. Lumingon ako kay Itzayana, sa likuran ko lang. Umiwas siya kaagad ng tingin sa akin na nakangiti pa.
Imbes na magalit ang makukuha ko sa kanya. Mukhang masaya pa talaga siya. Di'ba nobyo niya si Maxton?
Winagsi ko ang isip ko ang dapat. Nang makalabas kami ng silid ng hospital kung saan maraming tao sa loob ng hospital nakaramdam ako ng kaba at takot sa mga taong nakatingin sa akin o sa amin dalawa ni Maxton. Ang dami nila pati mga nurse, nakatingin sa amin. Hindi ko maintidihan kung bakit? Kaya naiilang ako sa titig nila at niyuko ko ang ulo ko.
Alam ko maganda ang hospital, sa silid ko palang kita ko na iyon. Pero sa labas mas maganda pala! At ang bango din. Gusto ko man mamangha sa lugar. Kaso naiilang ako sa mga tao nandito rin.
Ordinaryong tao lang ako, para tignan nila ng ganito.
"Wag mo silang pansinin, lumakad kalang. Itaas mo ang ulo mo..." Payo sa'kin ng huminto kami at inangat niya ang mukha ko gamit ang dalawang kamay niya ng bitawan niya ang kamay ko. Galit pero seryoso ang pagkasabi niya sa akin. Kaya natulala ako, ng malapitan sa kanya. At tumango, tumaas lang isang kilay niya at nanikit ang tingin sa'kin at muli niyang hinawakan ang kamay ko at naglakad muli.
Naramdaman ko ang presensya ni Itzayana sa tabi ko at binigyan niya ako ng isang ngiti. Namamangha ako sa nakikita ko sa paligid. Alam ko ngayon kolang nakita sa sarili ko. At may dalawang tao, sa harap namin naka-puti silang parehas, malalaki din ang katawan nila. Niyuko nila ang mga ulo nila ng makita nila si Maxton at napalunok ako ng buksan nila ang salamin na parang pinto yata iyon.
Dun kami lumabas tatlo. Napanganga talaga ako sa nakita ko. Mas lalo akong nang mangha sa nakita kong labas. Ang ganda. Marami akong nakikitang matataas na gusali, mga puno, at mga sasakyan. Lahat nagkakagandahan sa akin mga patingin. Pati simoy ng hangin mabango.
Pero pakiramdam ko hindi ito sa amin hindi ito ang lugar na kilala ko. Masyadong maganda rito at maraming tao. Hindi katulad sa amin tahimik lang ang lugar kung saan ako lumaki at mas lalo wala akong nakikitang bundok dito.
Kaya hinahanap ng mga mata ko ang lugar ko. Pakiramdam ko ang layo ko kay Lola at sa amin.
"Maganda rito..." Saad ni Itzayana tumango ako pero hinahanap ng puso ko ang lugar ko at si Maxton tahimik lang na seryoso, mahigpit ang hawak niya sa kamay ko.
Hanggang sa huminto kami ulit sa tapat ng isang sasakayan malaki at may isang lalaki nakaitim ang pananamit yumuko kay Maxton. Bakit kaya ganito ang mga tao dito kailagan ba laging nakayuko? Umalis siya sa harapan namin ng buksan ni Maxton ang pinto ng sasakyan bahagya akong namangha sa loob ng sasakyan maganda at mabango.
"Ride first.." Hindi ko makuha ang ibig sabihin niya kaya ng umangat ang kamay namin parehas. Dun ko lang naintindihan ang ibig sabihin niya.
Maingat niya ako inalalayan hanggang sa makaupo ako. Sunod si Itzayana, kaso sa likod ko siya naupo hindi sa tabi ko. Si Maxton ang katabi ko sa upuan ng maisara niya ang pinto ng sasakyan at binalot ng amoy ng binata ang loob ng sasakyan
"Aalis na po ba tayo Sir?" Tanong ng lalaking nakaitim ang suot ng pumasok siya sa loob at siya ang nasa harapan namin. Siya yata ang magmamaneho ng sasakyan.
"Yeah... Drive slowly..."
"Yes, po Sir..." Sa pag-ugong ng sasakyan umaandar na ito at tahimik ang loob. Sinandal ni Maxton ang likod niya sa kanyang kinauupuan si Itzayana tahimik na rin pero hindi ko alam kung ano ang pinagkakaabalahan niya. Ako nakaupo ng diretso at nakikiramdam sa katabi ko na tahimik habang kinuha ang kamay ko at hinawakan ito na nakapikit ang kanyang mga mata.
Maraming tanong at pakiramdam na hindi ko lubos namauwaan nanyayari ngayon. Wala akong alam sa ganito. Kaya tumingin nalang ako sa labas at pinagmamasdan ang paligid na maganda. Pansin ko mainit sa labas dahil maraming nakapayong. Ganyan panahon na nagtitinda ako kahit sobrang nakakasunog ng balat pero natitiis ko para kay lola.
Nalamayan ko nalang tumulo ang luha ko sa mga nararanasan ko at pangungulila kay lola at lolo. Ang hirap malayo sa mga taong nagmahal sa akin.
Pinusan ko kaagad ang luha ko ng malaglag ito sa pisngi ko at sinandal ko ang ulo ko sa salamin na bintana, nahihilo ako sa loob ng sasakyan. Hindi ako sanay sumakay sa ganitong sasakyan. Nakaranas na ako sumakay sa taxi noong bata pa ako kasama ko si lolo, noon at may pinuntahan kami, kamag anak daw niya. Iyon ang naalala ko noong bata pa ako.
"Dito ka sumandal sa balikat ko. Sasakit ang ulo mo sa bintana..." Saad sa akin ng hihilig niya ang ulo ko sa kanyang balikat at inayos niya ang kanyang upo.
At may naramdaman ako nakiliti sa katawan ko ng dumadusdus ang malaking braso niya sa likod ng bewang ko. Nakatingin kami sa mga mata at nahiya ako, siguro nalaman na niya ang naramdaman ko. Nakakatuyo ng laway at kaba.
"Matulog kana muna, nahihilo ka. Alam ko." Mautoridad na utos niya sa'kin at parang nakayakap na siya sa'kin sa laki ng katawan niya.