Chapter 22

1788 Words
Savannah Inalis ko ang ulo ko, nakahilig sa balikat ni Maxton. Hindi sa ayaw ko o nangangawit ang ulo ko sa balikat niya. May mali sa pakiramdam ko, at pakikitungo ko sa kanya. Lahat ng ginagawa niya sa'kin na pagaasikaso, hindi ganito ang tulong na gusto ko. Na may kasamang paghilig sa balikat niya at paghawak sa kamay niya. Ito 'yung pakiramdam na mali talaga sa akin at sa sarili ko na alam ko naman din. Para sa'kin dapat walang ganun. Alam ko rin ramdam ko na nagtataka ang binata sa ginawa ko pero nanatili siyang tahimik at seryoso sa kanyang kinauupuan sa tabi ko. Kung meroon ang hindi ko maalis sa katawan ko. Ang kanya matipunong braso nasa likod ng bewang ko. Paano kung aalisin ang kanyang braso, halos nakadikit ako sa gilid ng bintana, hindi ako gaano makakilos sa ayos namin dalawa na magkadikit ang amin mga katawan. Kaya ramdam ko ang init ng katawan ng binata. Hindi ko maintidihan ang singaw ng katawan ko naiinitan ba ako? O nilalamig sa hangin nasa loob ng sasakyan? Bakit hindi siya ganito kay Itzayana? Na malapit. Katulad ng ginagawa niya sa'kin. Ito ang tumatakbo sa isip ko habang nakatingin sa labas ng bintana. Hindi ko pa nakita naging ganito siya sa kay Itzayana, maliban sa naguusap sila ng masisinan. Pansin ko iyon. Pero ganito kalapit katulad sa akin. Hindi pa. Nang tumingin ako sa nagmamaneho sa harapan namin. Pansin ko, ang pagsulyap-sulyap ng lalaki sa gawi namin ni Maxton. Siguro kahit siya nagtataka rin katulad ko. Naaagaw ba namin ang atensyon niya? Kaya napapatingin siya sa amin. Nakaramdam ako tuloy ako mg takot, sa pagmamaneho ng lalaki sa sasakyan. "Focus on driving!" Ngumisi ang mukha ko sa medyo galit na boses ni Maxton sa tabi ko. "Yes, Sir... Pasensya na po..." Saad ng lalaki na nagmamaneho. Kaya tumingin ako sa binata. Mali lang talaga, ang ginawa kung paglingon sa kanya. Sabay kaming lumingon at kaunting ipasyo nalang ang mga mukha namin dalawa sa lapit. Nalanghap ko na ang hininga ng binata sa lapit ng mukha namin. Kaya makapigil hininga ang ginawa ko, sa hiya. Ang bango ng hininga niya, kaya napalunok ako. Ganun din siya. Nangangamatis ang mukha ko sa hiya. Baka hindi ka-ayaya ang amoy ng hininga ko. Pero hindi ko magawang ialis ang tingin sa kanya. May pangdikit ba na kapayarihan ang binata? Kaya lagi akong nahihiwagahan sa nanyayari sa akin, sa tuwing magkalapit kaming dalawa. Wag lang sana siyang magkukulam at mag-gagayuma. Wala akong alam kung paano ko tatakasan ang ganun sitwasyon. At wala din sa itsura ng binata at wala din siyang makukuha sa'kin. Kung magiging tama ang hinala ko sa kanya. "Magkiss nalang kaya kayong dalawa... Parehas na kayong tulala d'yan..." Pagsasalita ni Itzayana at sumabay tumingin si Maxton sa'kin kay Itzayana. Kahit hindi ko naunawaan ang sinasabi niya sa amin. Pero namumula ang pisngi ko sa itsura niya na may naglalarong ngiti sa labi niya at nakataas ang kilay niya. Malokong babae si Itzayana. Nakita ko ang pagngisi ni Maxton kay Itzayana. Multong ngisi ang dating kasi pero napaka seryoso, na sila lang ang may alam. "Nagugutom kaba? Gusto mo bang kumain? Pwede tayong huminto..." Ang hininga niya at tanong ni Maxton ang gumising sa'kin para bumalik ako sa realidad at baling ang tingin sa kanya. Kaunting nalang talaga, magdidikit na ang mukha namin sa lapit namin sa isat isa. Kaya lumayo ako ng bahagya sa hiya, sa mga nakakakita ng ayos namin dalawa. Lalo na si Itzayana, nasa likod lang namin at nasa amin ang atensyon niya. Tumango ako na hindi. Hindi naman nagbigay ng reaskyon si Maxton sa sinagot ko. Si Itzayana? Hindi ba niya tatanungin kung nagugutom na ba ito. Bakit ako lang ang tinatanong niya? Kaya lumingon ako sa gawi ni Itzayana. Nasa amin parin ang kanyang atensyon. "Hindi rin ako nagugutom... Tsaka malapit na tayo makarating.... Dun nalang ako kakain.." Pahayag ni Itzayana sa amin. Kaagad ko inalis ang tingin sa kanya at sumilip sa labas ng bintana. Sabi niya malapit na kami. Pero hindi ko makita ang daan patungo sa bahay namin. Paanong masasabi niyang malapit na. At wala naman ibang daan patungo sa kubo namin, kundi umakyat ng bundok, tsaka hindi pwede ang sasakyan dun. Pataas ang akyatan sa bundok. Kaya delikado, kung gagamit kami ng sasakyan makarating lang dun. Aligaga ang mga mata ko sa labas ng bintana, hinahanap ko ang daan patungo sa amin at sabik akong makita si lola. Pero bakit ganun? Pakiramdam ko lalo akong lumalayo sa lugar na gusto kung puntahan ng sinasakyan namin. "May problema ba? May hinahanap kaba, sa labas? Kanina kapa nagmamasid sa labas?" Hindi ako lumingon kay Maxton nang marinig ko siyang magtanong sa'kin at naramdaman ko muli na hinawakan niya ang kamay ko sa ibabaw ng mga hita ko. Duon nabaling ang aking isipan sa paghawak niya sa kamay ko. Mainit at may kuryenteng hatid na naman ang paghawak niya sa akin. Anong tao ba ito si Maxton? Nangungunot ang noo ko. "Ayaw mo?" Tumingin ako sa mukha niya at sa kamay namin. Isang tango ang binigay kung sagot kay Maxton. Ayaw ko kasi may humahawak sa'kin na lalaki. Nagpapakatotoo lang ako sa sarili ko hindi sa nagiinarte ako. Pero ayaw ko lalo na hindi ko lubos nakakilala. Kapag kinakausap niya ako, seryoso siya at kalmdo pagdating sa'kin. Pero sa iba hindi. Hindi ko makita iyon. Ang gusto ko parehas ang trato niya sa'kin at sa mga nakakaharap niya. Kahit katulad ng pagtrato niya kay Itzayana. Inalis ni Maxton ang kamay niya sa kamay ko, maingat niyang ginawa iyon. Pero hindi siya umusog para umalis sa tabi ko. Nanatili parin siya sa tabi ko. Kamay lang niya ang tinanggal ng binata sa akin. Sa lapit namin nakatitig siya sa'kin, at mahinang sumagap ng hangin. Pero ang kamay niyang malaki nasa bewang ko, ramdam ko bahagyang bumaon iyon sa tagiliran ko. Pahapyaw ko siyang tinignan sa tabi ko. Sinandal niya muli ang malapad niyang katawan sa upuan pati ang ulo niya nakahiga narin. Ang kanyang magagandang mata ay nakapikit narin. Hindi ko alam saan ako, mahihiya para sa binata. Pero ginawa ko lang ang tama, dahil wala akong alam sa mga askyon niya. Muli ko nalang binalik ang pansin ko sa bintana. Medyo ramdam ko na naman nahihilo ako. Nilalabanan ko lang, dahil ayaw ko magbigay ng makakaagaw ng pansin niya at hihilig niya muli sa balikat niya. Tumatagal ang ayos ko na ganito na hindi ko alam kung ano oras na. Tahimik naman si Itzayana, o baka tulog siya. Kahit si Maxton, ganun din tulog din sa akin palagay. Inaliw ko nalang ang mga mata ko sa nakikita ko sa labas. Sa'kin pagtingin-tingin sa labas. Marami akong nakikitang ibat-ibang bahay. May magaganda at luma na rin. Nakakita pa nga ako, sira-sira bahay pero may nakatira. Pati sa ilalim ng tulay na may ilog may nakita akong bahay, nilagyan lang mga takip ang mga butas. May ganito palang lugar sa iba? Ang kaibahan lang malinis ang ilog sa bundok kung saan ako nakatira at sa nakita ko ang dumi. Parang hindi nililis, ang haba pa naman ng ilog na nakita ko. Naghihinayang tuloy ako sa nakita kung ilog. Hindi ko alam kung anong tawag sa lugar na iyon at lugar na dinadaan namin ngayon. Napapitlag ako sa akin kinauupuan ng maramdaman ko, may pumisil sa tagiliran ko. Kaya tumingin ako kay Maxton. Pero hindi ko inaasahan nakatingin pala siya sa'kin. Ang seryoso ng mukha niya habang nakamasid ang binata sa'kin. Kaya napalunok ako sa kabang naramdaman ko mula sa kanya. Hindi ko rin inaasahan sa'kin sarili na baba ang tingin ko sa labi niya. Alam ko mapula iyon parang mansanas sa pula. Kaya napalunok ako dun bumaba ang tingin ko. Iniwas ko na kaagad. Baka ano pa isipin ni Maxton sa pagtingin ko sa labi niya. "Sir, Max... Nandito na po tayo..." Lumingon ako kaagad sa labas. Kahit hindi ako ang tinatawag ng lalaki. Bigla ako nakaramdam ng saya. Pero bigla din nawala iyon ng makita ko ang paligid na maganda at maraming akong nakikitang magagandang bahay at tahimik sa labas. Pero hindi ito ang bahay na inaasahan ko, makikita ko kapag nakarating kami. Nabalot ako ng kalungkutan at parang gusto ko nang umiiyak ng tuluyan. "Nandito na tayo..." Bulong ni Maxton sa akin. Pero lungkot ang sinagot ko sa sinabi niya at hindi niya iyon nakita ng buksan niya ang pinto sasakyan. "Baba tayo, para makapag-pahinga kana at makakain. Naghanda si Manang, pagkain para sayo. Gusto ka niyang makita..." Yaya ni Itzayana, sa'kin. Gusto ko sanang sabihin na hindi ako bagay sa bahay na nakikita ko maganda sa harapan ko. Ngumiti siya ng matamis sa'kin. Nakababa pala si Maxton ng sasakyan, umalis siya sa tabi ko na hindi namalayan. "Pasok na tayo sa loob..." Maginoo niyang saad sa akin at nakahanda na ang kamay niya sa akin harapan. Nahihirapan ako magisip at nagtatalo ang puso ko at isip ko. Ang gusto ko hindi nanyari ang makauwi sa bahay namin sa bundok. Pero maganda bahay naman ang sumalubong sa akin. Imbes na kubo. "Magtitigan nalang ba kayong dalawa? Baka matunaw kayo 'yan e. Ito na kamay niya, Max... Natatakot yata sa kamay mo, masyadong malaki kaya ayaw niyang hawakan..." Nanlaki ang mata ko sa ginawa ni Itzayana sa kamay namin dalawa ni Maxton at nahiya ako sa sinabi niya tungkol sa kamay ni Maxton kaya yumuko ako at nag-init ang pisngi. Narinig ko ang pagtawa niya na natutuwa pa. "Go inside first Itzayana!" Galit na naman boses ni Maxton sa tawag niya kay Itzayana. Pero tumawa pa ulit si Itzayana ng marinig ko iyon at nauna siyang bumaba kesa sa'kin. "Baba kana rin, ah... Nagpipigil lang magalit 'yan..." Pahabol na sabi ni Itzayana sa akin bago siya umalis sa harapan ko. "Don't pay attention to what she told you...." Umangat ang tingin ko kay Maxton ng masalita siya ng Englis. Nanatiling bukas ang palad ng binata para umalalay sa akin. Dahil sa sinabi ni Itzayana sa akin at sa sinabi ni Maxton na Englis na kahit isa wala akong naintindihan. Baka galit siya? Iyon ang gustong iparating ng binata sa'kin. Kahit ayaw ko, humawak na ako ulit sa kamay niya, nakuryente na naman ang kamay ko mula sa kanya. Katulad ng ayos namin sa sasakyan ganun ang ayos namin habang maingat kami naglalakad na, nakaalalay ang matipunong braso niya sa likod ng bewang ko. "You so cute..." Pagsasalita niya muli. Hindi ko alam kung ano ibibigay kung reaskyon sa sinabi niya. Siya lang ang may alam ng sinabi niya. Tumingin lang ako saglit sa kanya at inalis na rin. Ang lapit lang ng mukha niya sa akin kaya langhap ko pa nga rin hininga ng binata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD