Chapter 14

2316 Words
Savannah Gising ang diwa ko at isip ko at may nararamdaman ko parang may humahaplos sa katawan ko. Pero madiin na may halong pagiingat. Sa bawat haplos ng mga kamay niya sa katawan ko, ay unting unting ako nakakaramdam ng paggaan ng katawan ko. Nababawasan ang pagamba ko, na o-okay ulit ang katawan ko at babalik na sa dati. Ang hirap pala na may sakit. Sabi ko nalang sa sarili ko. Naawa tuloy ako kay lola, baka siya pa ang nagaalaga sa akin ngayon. Mapait na ngumiti ako, kasi hindi ako iniwan ng lola ko, nand'yan siya. Ramdam ko siya ang kasama ko ngayon. Kaya naging masaya ako ang bahagi ng puso ko sa nalaman ko. At nangako ako sa sarili ko na pipilitin kung magising at igalaw ang mga katawan ko. Dahil nand'yan si lola. Miss na miss kuna siya... Baka nga laging umiiyak si lola, dahil sa akin, nasasaktan ako, kapag nakikita ko s'yang lumuluha kapag namimiss niya si lolo. Paano pa kaya ako? Double ang sakit ang nararamdaman ko, kung ako pa ang dahilan. Napapangiwi ang mukha ko at nakakaramdam ng inis sa damdamin sa tuwing pinipilit kung buksan ang aking mga mata. Pero nahihirapan parin akong buksan ang talukap ng nga mata ko! Nabulag ba ako?! Ito 'yung tanong na kinaiinisan ko sa sarili ko ngayon. Hindi ko alam kung ano nanyari sa akin? at wala akong maalala? Gusto kung sumigaw, sa hinagpis na nagkakaroon ng poot sa damdamin ko. Gusto kung makakita. Gusto kung bumalik sa dati. Gusto kung igalaw ang katawan bakit ayaw makisama ng katawan ko sa nais ko. Gising naman ang diwa ko. Alam ko may tao sa tabi ko. Sa araw araw kung nakikipaglaban para sa katawan ko. Makagalaw man lang ako... Pero napapagod na ako, sa paulit ulit kung ginagawa buksan ang talukap ng mga mata ko. Pero bigo parin ako. Pero sabi ko sa sarili ko, nand'yan si lola. Naghihintay magising ako. "Kaya mo'yan, hija.." Bulong na sabi sa tapat ng tenga ko at hinawakan ang kamay ko ng maghipit. Bigla akong nakaramdam ng lungkot at tumulo kaagad ang luha ko. Alam kong umiiyak na ako. "La," Tawag ko sa diwa ko sa kanya. Walang akong marinig na boses na nanggagaling sa akin. Hindi ko nga alam kung bumubuka ba ang mga labi ko? O namamalat ang lalamunan ko. Basta umiiyak ang kalooban ko iyon ang alam ko dahil ramdam ko. Katulad ng nanyari na pinipilit kung labanan ang bigat ng pasanin ng katawan ko. Hindi ko alam kung alam ba ni lola umiiyak na ako? Dahil sa hinawakan niya ang kamay ko. Muli akong sumubok na kahit mga mata, kulang imulat ko at makakita ng kaunting pagasang makakita ako, ng liwanag at masasabi ko sa sarili ko, hindi ako nabulag. Iyon ang pagasang bumubuhay sa dibdib ko para kay lola. Sumubok ako ulit ng maraming beses na buksan ang mga mata ko kahit masakit na ito. Kung saan nawawalan na akong ng pagasa ulit. Dun ako, nakakita ng nakakasilaw ng liwanag, tumapat sa akin mukha. Napapikit ako sa, sakit ng liwanag tumambad sa akin at hiningal ako at muling bumalong luha ko sa mga mata ko. "Oh, diyos ko! Nagising kana!" Ani ng isang matandang natataranta ng marinig ko siyang sumisigaw. Nangilid ang luha ko lalo. Hindi ko kilala ang boses na iyon. "Doc! doc! nurse!" Sumisigaw na tawag niya sa mga hindi familyar na pangalan sa akin. Takot ako bigla at nangamba sa kanyang pang sigaw. Natataranta ang isip ko habang lumuluha ako. "Si, lola?" Nasa tinig kung muling banggit sa kanya. Pero bakit hindi ko marinig ang boses niya? Kanina nand'yan lang siya! Narinig ko s'ya nagsalita! "Hijo! Mabuting dumating kana!" Muling kung narinig ang boses na iyon na puno na ng tuwa ng may tinawag si 'syang isang pangalan ulit. "Bakit po, anong nanayayari, Manang?!" Lalo ako napaluha sa isa pang boses ng babae. Hindi ko tatawag na isang matandang boses ang narinig ko. Nandun ang pagalala niya sa tanong niyang sa matanda, pero malamyos ang boses ng babaeng narinig kung nagsalita. Bakit ganun? Parang ang daming taong sa paligid ko. "Gising na s'ya, hija... Nakita kung minulat niya ang mga mata niya at nataranta ako sa nakita ko, kanina! Kaya ganito ang reaskyon ko at kanina pa siya umiiyak! Tinawag ko rin ang Doctor, niya. Pabalik ko sa kama niya, nakasara na ang mga mata niya muli, Pero, umiiyak parin siya, hanggang ngayon!" Lalo ako napaiyak sa narinig kung sabi ng matanda sa babaeng kausap niya. "Call her Doctor, now Itza!" May gumapang na kaba at takot sa dibdib ko ng marinig ko ang isang boses ng lalaki nakakatakot. Nanginig bigla ang kalamlam ko sa takot ko sa kanya ng sumigaw siya ng malakas. Napalunok ako at may humahaplos sa braso ko na magaspang na kamay. "Calm down Maxton. She might hear her?" "He has been called neither, Manang! But he still doesn't come. He still needs to be picked up from his room?!" Muli ko na naman narinig ang natatakot na boses ng lalaki. Parang siya galit at tumataas ang kanyang boses. Naririnig kung umiiyak ako. Pero mas dinig ko ang taas ng boses niya sa galit. Hindi ko man iintidihan ang pinaguusapan nila. Pakiramdam ko ako ang dahilan? "Fine!" Pabulyaw na sabi ng babae. Nangingilid na ako sa kakaiyak dito at nahihirapan. Tapos maririnig ko silang nagsisigawan. Dito pa sa harapan ko! Sana hindi nalang sila dumating. Lalo nila pinahihirapan ang sitwasyon ko. Kaya binuksan ko ulit ang mga mata ko habang pumapatak ang mga luha ko at sumalubong na naman ang nakakasilaw na liwanag dumapo sa mga mata ko. Napapikit ako muli sa sobrang liwanag, parang inaantok ang mga mata ko sa ilaw. "Nakita mo iyon, hijo?!" Laking tuwa ng boses ng matanda nasa tinig ko. Binuksan ko ulit ang mga mata ko at nawala ang nakakasilaw na liwanag nakatutok sa mukha ko at napalitan ito ng medyo kadiliman na ilaw sa paligid. Tumigil ang pagkurap ng mga mata ko at tumitig sa puting kisame. Dumalabo ang nakikita kung kisame sa pagkurap kurap ng mga mata ko at puno ng luha ang akin mga mata. Hindi Ito ang kwarto ko. Nasaan ako? Bakit iba ang amoy ng paligid? "Hija, naririnig mo ba ako? At nakikita?" Nangunot ang noo ko sa isang matandang lalaki lumapit sa akin. Malabo pa siya sa paningin ko. Pero naramdaman ko rin na may humawak sa palad ko na isang malambot na kamay. Hindi ko alam kung sino? Kasi, unting-unti kuna nakikita ang itsura ng lalaking nasa harap ko at nakaputi siyang damit. Nang tignan ko siya. "Nakikita mo ba ako?" Ulit niyang tanong sa akin? Gusto kung sumagot ng Oo. Pero ayaw bumuka ng labi ko at malat na malat ang lalamunan ko, marahil sa kakaiyak ko ito. Bigla nalang naipailing-iling ang ulo ko, ng may tinutok siya sa mga mata ko, nakakasilaw na ilaw. Napapikit ang mga mata ko sa ginawa niya. "Pasensya kana, hija... Kailangan kung gawin iyon. Upang malaman kung nakakakita kana? Naririnig mo ba ako?" Muling tanong niya sa akin. Tinango ko ang mukha ko para sumagot. "Mabuti naman... Huwag kana umiiyak, hija. Lalong sasakit ang lalamunan mo at mahihirapan kang kapagsalita. Papaos ka. Iyon ang ibig kung sabihin sa'yo... May masakit ba sa katawan mo?" Tanong niya ulit at umiling ang mukha ko sagot ko sa kanya. "Doctor, ako hija. H'wag kang mahiya.." Pagpapagaan niya ng kalooban ko. Gusto kung itanong sa kanya bakit? Anong nanyari? Bakit may Doctor, sa harapan ko? Pero tinitigan kulang siya habang pumapatak ang mga luha ko sa gilid ng mga mata ko. Inalis ng Doctor ang tingin niya sa akin na wala siyang makuha sagot sa akin at sinundan ko ang tingin ng kanyang mga mata at nakita ko roon ang dalawang babae. 'Yung isang may edad na 'yung isang ay bukod sa maganda una kung na pansin sa kanya. Siya ang nakahawak sa kamay ko. Nangunot ang noo ko at nagtataka. Hindi ko sila kilala. "Kayo nalang ang kakausapin ko dito, Miss, Itzayana at Manang. Magandang sign ito, na nagising na pasyente. Ngayon hindi natin siya pwedeng pilitin magsalita, sa kondisyon na niya. Na malat ang lalamunan niya sa kinikimkim niyang pagiyak, na walang naririnig na boses na galing sa kanya. It doesn't mean she can't talk. Babalik parin ang boses niya sa dati. Basta madalas siya iinom ng tubig at gamot na ibibigay ko sa kanya, mamaya. Makakatulong sa pagbalik sa ng boses niya." Iyon ang sabi ng Doctor, dun sa dalawang babae. Habang nakatingin lang ako sa kanila. "Okay, po Doc. Is there no problem, Doc?" Naging blangko ang isip ko at pagkakaintindi sa sinabi ng magandang babae sa Doctor. Wala akong naiintindihan sa sinagot niya. Kundi ang tignan ako ng Doctor, sa mga mata ko. Parang may mali sa kanyang tingin sa akin, kaya kinabahan ako. "Malalaman natin sa susunod na araw. Pero ngayon kailangan niya muna, magpahinga at magpalakas..." Napapikit ang mga mata ko. Sa hindi ko maunawaan ang paguusapan nila. Pahinga? Sabi ng Doctor, dun sa babaeng kausap niya. Parang hindi kuna kailangan iyon. Sumasakit na ang likod ko. Si lola? Naalala ko bigla. Tinitignan ko sila sa mga mata nila. Pero ngiti lang sinusukli nila sa akin. "Thank you, Doctor, Santos..." Ani ng matandang babae. "No problem, po. Tawagan nalang po niyo ako, kung may kailangan kayo? Nurse, ihatid mo ang gamot ng pasyente, mamaya rito." "Opo, Doc.." "Thank you po, Doc..." Pinakikinggan ko nalang ang kanilang pinaguusapan habang mga mata ko nakatitig sa puting kisame. Pinipilit ko kasi kung ano ang nanyari at nasaan si lola? Si lola ba ang nagdala sa akin sa hospital? Paano ang babayaran sa hospital? S'ya nga hindi ko madala sa hospital dahil sa pera. Pero s'ya nadala niya ako. Naiiyak ako kung iyon ang iisipin ko at sino sila? Kilala ba nila ako? Kasi sila hindi ko kilala. Kahit isa man lang sa kanila. Si lola kaya? Kilala kaya sila? Kahit paano nabawasan ang bigat ng dibdib ko. Akala ko bulag talaga ako. Samot sari ang nasa utak kung katanungan. "Can she eat, later?" Utomatikong napalingon ang mga mata ko sa may nagmamay ari ng boses na iyon. Nagtama ang mga mata namin ng lalaking nakakatakot ang boses. S'ya, 'yun... 'Yung lalaking sumigaw kanina. Lalo akong natakot ng makita ko ang mukha niya. Kaya kaagad kung, inalis mga mata ko sa kanya. Nakakatakot ang aura ng mukha niya at mabagsig ang tapas ng katawan ng tao iyon. Parang hindi siya mabuting tao sa paningin ko. Kinubkob ako ng takot at kaba sa kanya at panginginig ng mga kamay ko. "Yes, after two hours Mr, Carbonell..." Narinig kupa, ang boses ng Doctor. Hindi na ako lumingon sa gawi nila. Ayaw ko makita ang lalaking nakakatakot. Pero ramdam ko, nakatingin siya ng matalim sa akin. Nenerbisyo ako. Pinikit ko ang mga mata ko inaalis ko siya isipan ko. "Hija, gusto mo bang ng tubig?" Tanong sa akin ng matandang babae. Ginamit ko ang akin mukha para sumagot. "Sige, ikukuha kita ng tubig mo, ah." Tumango ako. Naalala ko sa kanya si lola. Gusto kuna umuwi sa bahay namin. Ayaw ko rito. Sabi ko sa sarili ko at isip ko. Binigyan ako ng magaan na ngiti ng babaeng maganda sa harapan ko. Mukha siyang mabait. "Huwag kang matakot sa amin. Mababait kami..." Sabi niya sa akin na may ngiti. Pero 'yung lalaking kasama nila. Kanina, pang nagmamasid. Parang pinapanuod lang n'ya kami at tahimik sa isang sulok. Lalong dumudoble ang takot ko, sa kanya. Ang pintig ng puso ko, kakaiba ang takbo na, namamayani sa takot. "Hija, ito na ang tubig mo." Napatingin ako sa basong may tubig nasa harapan kuna. Iaangat ko sana ang kamay ko. Kaso pinigilan ako ng babaeng maganda. "Huwag mong pilitin, hindi mo pa kaya. Ito, stro..." Tsaka niya tinutok ang stro, sa bibig ko. Sobrang hiyang hiya ako sa kanila sa pagaasikaso nila sa akin. Na hindi naman dapat at naparami pa ang inom ko ng tubig sa sobrang uhaw ko. Para bang tagal kung hindi nakainom ng tubig kaya tuyong tuyo ito. Masakit kapag lumulunok ako. Ngayon, may kaunting ginawa sa paginom ko ng tubig at may pagbabago. Ang puso ko puno ng lungkot ngayon. Si lola ang inaasahan kung makita. Pero mali ang akala ko. Nand'yan siya. "May kailangan kapa ba, Hija?" Tinitigan ko siya at lumungkot ang mukha ko. Pinaparating ko sa kanya sa pamamagitan ng tingin ko. Kung nasaan ang lola ko? "Pasensya kana, hija.. Hindi ko maunawaan ang gusto mong iparating sa akin." Sagot niya sa akin at nangunot ang noo niya at tumingin siya sa likod niya kung saan nandun ang 'yung lalaking kinakatakutan ko. "May gusto kabang sabihin?" Malambing na tanong ng magandang babae sa akin at hinawakan niya muli ang kamay ko. Nahiya akong gumanti sa paghawak niya sa kamay ko. Napaka ganda niya at mukha siyang mayaman. Hindi ba siya nandidiri sa mga kamay ko? Umiling nalang ang mukha ko. Hindi naman nila maunawan ang ibig kung sabihin. "Hijo, lapitan mo nga s'ya, Baka may gusto siyang sabihin, sa atin? Hindi lang niya masabi." Sabi niya sa lalaki. Kaya kinabahan ako bigla ng akmang lalapit siya sa amin. Pinikit ko kaagad ang mga mga ko. Alam ko, kabastusan ang inasal ko. Pero takot talaga ang nasa puso ko para sa kanya. "Lalabas muna ako." Saad ng lalaki ng marinig ko muli siyang nagsalita. Nanatiling nakapikit ang mga mata ko. Boses palang niya nakakatakot pati ang mga mata niyang tinitigan ako. ", wag kang takot sa kanya, hija. Mabait siya.." Aniya ng matanda sa akin at hinaplos niya ang buhok ko. "Hayaan niyo muna s'ya, Manang. Masasanay din siya at naninibago pa sa mga nakikita niya sa paligid..." Katwiran ng magandang babae sa paguusap nilang dalawa. Naging tahimik nalang ako na nakikinig sa kanila. Tumigil nalang din ang pagtulo ng luha ko ng umalis 'yung lalaki.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD