Savannah
Hindi ko namalayan nakatulogan ko pala ang sakakatapos kung pagiyak. Dala siguro ng samot saring emosyon ang nararamdaman ko ngayon. Na ngayon ko palang nararanasan sa buong buhay ko, ang ganitong panyayari. Iniisip ko pa nga kung paano ako makakabayad sa hospital? na pinagdalhan sa akin, nanghihina na ako. Napakaliit ng nakinikita ko sa pagtitinda. Pero napunta pa ako sa hospital?! Pwede naman akong sa bahay nalang magpagaling. Bakit dito pa?! Ang Mahal dito... Nagising na ako, lahat lahat bakit hindi ko parin nakikita ng mga mata ko, ang gusto kung makitang tao. Iniwan kaya ako rito ni lola? Pero alam niya hindi ko kayang magbayad sa ganito at wala akong kakilala. Bakit niya ako hahayaan sa ganitong lugar? na wala akong alam.
"Ma'am, Itzayana... Ito po 'yung gamot ng pasyente, pinabibigay ni Doc, sa inyo.. Ipainom daw po niyo ito, after ng eat niya, mamaya..." Magalang na sabi ng nurse, dun sa tinawag niyang Itzayana, nakausap niya ngayon . Bagay sa kanyang ang pangalan niya katulad ng mukha niya. Sabi ko sa isip ko habang pinagmamasdan ko siya.
"Salamat, sa paghatid ng gamot niya, nurse..." Nakangitian silang dalawa ng magpasalamat ang babae sa kanya. Ngumiti din ang nurse sa akin ng tignan ko siya.
"Ma'am, aalisin ko lang po, 'yung ibang nakatusok sa katawan niyo. Pinapaalis na ni Doc, kasi gising kana, daw... Okay, po ba? Tsaka po, hindi ito gaanong masakit.. 'Wag po, kayong magalala..." Pagpapaalam niya sa akin ng kausapin niya ako ng matiwasay at may paggalang. Naisip ko parang may mali sa sinabi niya sa akin? Ang pagkakaalam ko simula ng nagkaisip ako haggang ngayon, ay dapat sila ang ginagalang? nang pasyente. Hindi dapat ako. Mas mataas ang tungkulin niya kesa, akin. Ne, wala akong narating kundi magtinda lang. Magkaiba kami ng antas ng pamumuhay. Hindi dapat na, kinakausap niya ako ng may po? Iyon ang turo sa akin ni lolo at lola sa akin na tanda ko hanggang ngayon.
Dapat daw lagi akong magpakumbaba sa mas mataas sa akin. Kaya nagugulohan ako sa sinabi ng nurse sa akin. Isang tango nalang ang sinagot ko sa kanya. Gulong gulo ang isip ko.
"Relax lang po kayo, Ma'am, ah.. Tatangalin kuna." Paalala niya sa akin. Pinakit ko ang mga mata ko. Ayaw kung makita ang gagawin niya. Natatakot kasi akong makakita ng dugo, baka may lumabas. Pinaghihinaan ako ng loob, nang may maalala ako pangyayari sa buhay ko, noob bata pa ako.
"Nandito ako, huwag kang matakot, hija. Pati si Itzayana, nandito. Di'ba, hija?" Baling ni Manang kay Itzayana. Ngumiti siya at tumangong para sa akin. Siguro nakikita nila ang reaskyon ng mukha kung takot at hindi iyon maalis sa akin. Pakiramdam ko nasa ibang mundo ako at ibang tao, ang nakakasalamuha ko ngayon. Pero tinantandaan ko naman ang pangalan nila. Para hindi ako malito o magkamali ng pagkakakilala sa kanila. Lalo na si Manang. Nakikita ko sa kanya ang ugali ni lola, sa tuwing inaasikaso niya ako.
Napapaiyak ako. Pakiramdam ko nagiisa nalang ako. Kahit kasama ko naman silang dalawa dito sa puting kwarto na ito. Pero iba parin ang nakasanayan kung kasama, sa buong buhay ko.
Napapadiin ang pikit ng mga mga mata ko sa tuwing nakakaramdam ako ng sakit sa tinatanggal ng nurse sa akin katawan. Hindi ko mapigilan makagat ang labi ko sa kirot, ng kibot ng ugat ko sa may pulso ng braso ko.
"Nurse, take it easy. Baka nasasaktan s'ya..." Pagsasalita ng magandang babae. Sa huling sinabi niya iyon ang nauwaan ko at naitindihan kung pagtatagalog niya. Base sa narinig kung salita sa magandang babae. May iba sigurong salita dito? kaya hindi ko maunawan. Pero parang tuno ng ingles ang pagsasalita ng babae, sa nurse. Kahit grade tree lang naabot ko sa pagaaral. Alam ko may paksa kami na ingles sa paaralan noon.
"Opo, Ma'am..." Sinagot ng nurse sa sinabi ng magandang babae at ngumingiwi ang mukha ko sa sakit, at may kilabot na dama. Hindi ako takot sa karamyom. Pero kakaiba pala kapag nasa katawan ito. Ito yata ang kauna-unahan na, karasanan ko, na tusok ng karayom katawan. Kaya iniinda ko ito. Hindi katulad ng tinik ng mga puno at halaman sa paligid ng bahay namin sa bundok, kapag natutusok ako. Parang wala nalang ang sakit sa akin, kahit paulit ulit akong matutusok, na sanay din ako. Nakahinga ako ng malalim nang maalis ng nurse, ang mga karayom sa katawan ko.
"Ma'am, huwag po kayong malikot, may itutusok po akong bagong karayom sa inyo..." Binuksan ko ang mga mata ko kaagad at nanlaki sa sinabi ng nurse. Pakiramdam ko namutla ako. Akala ko tatangalin na niya? Umiling umiling ang mukha ko sa nurse para makuha niya na ayaw ko.
"Ma'am hindi pwede, ang gusto niyo... Inalis kulang 'yung iba, kasi sabi ni Doc. At palitan ko ng bago, para po, din sa inyo, ito. Bagong gamot po kasi ang dadaloy sa katawan niyo, ngayon, ay gising na kayo. Para po, bumilis kayong gumaling.." Pagpapaunawang pahayag ng nurse sa akin. Iniisip ko palang naipapasok niya ang karayom ulit sa katawan ko. Sobrang sakit na nun.
"Ma'am, patulong naman po.. Para mapapayag na natin, siya. Malaki po ang maitutulong ng gamot na ito, sa pasyente..." Huminga ng malalim ang magandang babae sa nurse at hirap na magdesisyon ng pasadahan niya ako ng tingin at ang nurse na humihingi ng tulong sa kanya.
"Hija, pumayag kana... Doctor, ang may sabi nito. Sumusunod lang nurse, sa trabaho niya at para din ito sa'yo. Ayaw mo bang gumaling? at umalis sa hospital? para makauwi sa totoong bahay?" Pakikiusap ni Manang sa akin ng lumapit na siya sa kinaroroonan namin tatlo.
"Pumayag kana, Ma'am?" Pakukumbinse ulit sa akin ng nurse. Nagtatalo ang isip ko at takot ko. Pero dahil sa sinabi ni manang. Gusto kunang umuwi. Titiisin ko nalang ang sakit, makakauwi rin ako. Pero wala naman silang sinabi kung kailan? Kaya alanganin parin ang kalooban ko. Pero tumango nalang ako at pinikit ang mga mata ko at hinanda sarili sa muling sakit na matatamo ko. Naamoy ko ang amoy ng alcohol at pinunas sa likod ng palad ko.
"Ma'am, papasok kuna, ah? Relax lang po kayo..." Paalala ulit ng nurse sa akin. Binuksan ko ang mga mata ko at saglit kung tinignan ang gagawin niya at napalunok nalang ako sa karayom na hawak niya, na handa na ni'yang ipasok, kung saan ko ito, mararamdaman sa likod ng palad ko.
Ramdam na ramdam ko ang pagpasok ng karamyom sa ibabaw ng balat ng palad ko. Hindi ko nalamayan tumulo nalang ang mga luha ko sa mag gilid ng mga mata ko. Kasabay ng pagtulo ng mga luha ko, ang pagdampi ng isang darili sa gilid ng mga mata ko. Sa paraan ng ginawa niya ay parang pinupunasan niya ang luha ko.
Sa pagmulat ko ng akin mga mata muli, mula sa pagpikit, hanggang sa may nagpunas. Kasabay ng paglakas nang tahip ng puso ko, sa gulat at natakot na muling nabuhay ng makita ng mga mata ko, ang lalaking kinakatakutan kung makita, ay narito sa tabi ko. S'ya pa ang pumunas sa luha ko, kinabigla ko, kaya bumuka ang labi ko, natulala sa ginawa niya sa akin. Nasa tabi ko si'ya at nakatitig sa akin ang mga mata niyang nakakatakot kung tumingin. Kaya sa sobrang takot ko, na naman sa kanya, ay napapikit ako ulit at lumuha. Iba ang pakiramdam ko nandiyan siya sa paligid at nagmamasid. Ngayon nasa tabi ko siya, hindi ako makahinga ng maayos. Dinig ko at ramdam ko ang puso kung nagwawala sa kaba, dahil sa kanya.
Wala naman siyang ginagawang masama sa akin? Pero ganito ang nararamdaman ko para sa kanya. Takot na hindi ko mawari kung bakit? Dahil sa malaking tao siya at may nakakatakot na aura ang kanyang tindig at mukha na napaka sungit parang strekto na wala dapat magkakamali sa paningin niya.
Ang presensya napaka lakas. Kung lalapitan niya ako iiwasan ko siya. Kahit bastos ang tingin niya sa akin. Hindi ko kakayanin makasama siya sa isang lugar na kami lang dalawa. Kahit nakapikit na ako at binalewala ko siya nandiyan siya. Dun parin mga darili niya sa gilid ng mga mata ko, pinupunas ang patuloy ng pagtulo ng luha ko.
Bakit niya ito ginagawa ito sa akin? Hindi ko siya kilala. Wala naman akong sinabing gawin niya ito sa akin. Dahil naaawa siya sa akin? Kung titignan ko ang sarili ko, Oo nakakaawa ako sa paningin nila... Kaya lalo akong naiinis sa sarili ko.. Kung bakit ako humantong sa ganito tagpo.