Savannah
Dumulog na kami ng binata sa hapagkainan katulad ng sinabi ni Manang, nakahanda na ang mga pagkain pero hindi ko inaasahan napakadami palang nakahanda sa malaking lamesa. Aakalain ko tuloy, may fiesta ng bayan dito sa lamesa sa dami ng pagkain nakaluto.
Habang pinagmamasdan ko ang pagkain. Gusto kung dalhan si lola, ng ganitong pagkain na masasarap. Para lumakas siya at maging maganang kumain. Sigurado ako hindi pa nakakain ni lola ang mga putahe na nandito kahit ako hindi parin
At umiikot ang mga mata ko sa mga taong nakaupo sa upuan. Pagkamangha, ang lumutang sakin mga mata. Si Itzayana una kong natapunan ng tingin at sunod dalawang lalaking kaibigan ni Maxton. Kung hindi ako nagkakamali sila ang narinig kung kausap ni Maxton at nagtaas ng boses kanina at sa akin sila nakatingin dalawa, kakaiba ang aura ng dalawang lalaking nakatingin sa'kin.
Kung si Maxton, ay matapang ang mukha. 'Yung dalawa, hindi ko mabasa ang totoong aura nila, kung pangisi-ngisi ang nakikita ko sa kanilang dalawa na nakatingin sa amin ni Maxton. Parang silang mga artista, pero katulad ng binata. Hindi sila mukhang pilipino. Hinahanap ng mga mata ko si Manang, para makaiwas ng tingin sa dalawang lalaki.
"I don't like what you look at Manddox..." Mataas na boses niya saad ng binata.
"I'm just amazing, Max..."
"I don't see anything amazing?! What are you saying?"
"Really, Bro?" Saad ng lalaki, na nagngangalan Manddox na halos makapareha ang pangalan nila Maxton, sa kanya. Medyo suplado siya ng makita ko ang itsura ng mukha niya sa kanilang paguusap ni Maxton.
"Hey... Upo ka dito..." Turo ni Maxton sa upuan na para sa akin na may pagitan na isang upuan sa gitna namin ni Itzayana.
"Upo kana..." Sabi naman ni Itzayana sa akin at nakaalalay ang kamay ni Maxton sa likod ko ng makaupo na ako sunod naman siya at katabi ko pa siya ng upuan. Inaasahan ko kasi, na tatabi ang binata, sa mga kaibigan niyang mga lalaki sa kabilang lamesa lang.
Mapanuri ang mga tingin ng dalawang binata. Sa akin ba? O kay Maxton, sila nakatingin? Nakakabintay at nahihirapan akong kumilos. Baka kaunting mali ko lang sa kilos ko, mali na ako para saka nila.
Kung mapupuna nila ang kilos ko, na malumanay at mahinhin? Ganito na ako. Ganito ako pinalaki ng mga naalaga sa'kin at ito ang natuntonan ko kila lola at lolo.
At si lola? sumagi na naman siya sa isip ko ngayon. Ano na kaya nanyayari sa kanya sa bundok? Kamusta na kaya siya? Alam kaya niya nakalabas na ako sa hospital? Sobrang pagaalala na ang lumabalot sa akin. Kaya gagawa ako ng paraan ngayon para makauwi sa amin.
Pagkatapos nito, kakausapin ko si Maxton, 'yung kami dalawa lang. Kahit magalit siya sa akin wala akong pakialam basta makauwi ako kay lola ngayon. Nakaisip na ako ng paraan kung paano ko sasabihin sa kanya ang gusto ko.
"Malalim ang iniisip mo? puno na ng pagkain ang pingan mo..." Puna ni Maxton sa akin at tumingin nga ako sa pingan ko. Marami pagkain pero halos hindi ko kilala mga ang putaheng nakahain sa pingan ko. Sa binata ay wala pa, inuna pa niya akong lagyan ng pagkain kesa sa kanya at ng may ilalagay pa siya pinigilan ko siya sa braso.
Kaya napatingin siya sa hinawakan ko at nakakapasong binitiwan ko ang kanyang braso. Dun din nakatingin si Itzayana at ang dalawang lalaki sa harapan ko. Nagsisimula ng kumain kaso na abala ko sa nagawa ko kay Maxton.
Kung makatingin sila? Parang kakaiba ang ginawa ko sa braso ni Maxton.
"Ayaw mo ba ito?" Tanong niya sa akin at binaba ko na ang kamay ko. Tumingin ako sa paligid sa amin parin ang atensyon nila. Naiilang ako sa mga titig nila.
"Maa-marami naa ito..." Sagot ko sa kanya na mahina. Katulad ng nanyari kanina may boses na ako. Kaso garalgaral parin. Nagulat ako ng ngumiti si Maxton sa'kin. Ngayon ko lang siya nakitang ngumiti sa harap ko. Madalas laging seryoso ang mukha niya. Inalis din ng binata kaagad ang magandang ngiti niya sa labi. Parang ayaw niya na may nakakakita nun kahit ako. Balik sa pagiging seryoso ang mukha ng binata. Aamin ko sarili ko, nakagandahan ako sa ngiti Maxton. Magaan sa pakiramdam.
"Just eat.... Why are you three looking at us? Do you see she is ashamed of you all!" Tumaas na boses niya.
"Ngayon lang kita nakitang naging ganyan sa isang babae, Max..." At hindi ko sinasadyang tumingin sa isang lalaki na nagsalita tungkol kay Max. Napukaw ang atensyon ko sa sinabi niya sa binata at tagalog pa. Kaya naintindihan ko ang ibig niyang sabihin at ibig niyang bang sabihin, hindi ganito si Maxton sa ibang babae? Kaya ba laging siyang masungit sa ibang babae. Pwera nalang kay Itzayana, minsan nakikita ko siyang ganito. Inaasikaso niya at kahit si Manang pa.
"It's part of me helping him. You know, what Manddox? I don't like in a woman, who has intentions towards me..."
"Yeah, is your part to help him. Medyo touching nga lang... I don't see anything bad, Bro... But did you ask if she likes it?"
"I don't need to ask him? If she wants That decision is up to him..."
"Nasa kanya ang desisyon, pero na sayo ang pasya, Max... Ikaw parin ang masusunod sa inyong dalawa, kaya nga nandito siya sa inyo.. Sayo narin ng galing... You don't want anyone to be interested in you. What if she gets interested in you? Baka ikaw pa?!"
"It's my job, Manddox.. Ayaw ko ng may nakikialam, kahit kayo pa..."
"Paalala lang Max.." Malalim na bumuntong hininga si Maxton sa naging pahayag ng kaibigan niya sa kanya.
"Even though we have been friends for a long time. I just saw you caring the girl..." Pagsasalita naman ng isang binata at lumipat ang tingin ko sa kanya naalis din kaagad.
"If she is the girl I will take care of, who does not show interest in me. No problem, Kian Cole..." I said.
"Kumain kana, wag mo silang intindihin..." Saad ni Maxton sa'kin. Tumango ako at kinuha ko ang kutsarita at tinudura, kahit hindi ko alam kung paano gamitin ang mga hawak ko. Katulad ng paggamit ni Itzayana dun at nang dalawang lalaki.
Sa nakikita ko naman, madaling lang gamitin pero bakit ng ako na ang gagamit? Nahihirapan ako. Pero hindi ko kinahihiya ang sarili ko, na hindi marunong gumamit ng gamit sa kusina, kahit napaka simple lang naman. Masasabi ko magkaiba ng antas sa mga buhay ng mga taong, nakakasalamuha ko ngayon lalo sa hapagkainan.
Sinubukan ko ulit gamitin ang mga hawak ko. Pero nahirapan talaga. At lalo na nag-iingat din akong gumalaw, baka makabasag pa ako ng mamahalin gamit dito. Nakakahiya at baka magbayad pa ako, wala naman akong pera.
Napainum pa ako ng tubig, ng mauhaw ako sa hirap at kinuha ni Maxton ang mga binitiwan ko at siya na ang nahiwa ng mga pagkain sa plato ko. Kaya naiwan sa labi ko ang gilid ng baso ko ng tignan ko ang ginawa niya.
Kanina pa niya ako inaasikaso, ng tignan ko ang plato niya sa harapan niya ay wala pang laman iyon kahit isang putahe man lang. Siguro sa kasalukuyan na ito. Iniisip ng mga kaibigan ni Maxton. Masyado akong, nagpapa-asikaso sa binata. Pero hindi totoo, Alam sa sarili ko iyon. Ang binata lang makulit, na lagi ako ang inuuna niya.
"Nahiwa ko na mga ito at kutsara nalang muna ang gamitin mo, para makakain ka ng maayos. Wag mong pilitin na gayahin sila, kung paano sila kumain. Kung saan ka kumpurtable. Dun ko sa paraan alam mo... Pero kung hindi mo parin kaya, susubukan kita..." Uwang ang labi ko, pakikinig sa sinabi ng binata, habang nasa labi ko parin ang baso. Isa mga kaibigan ng binata ang tumikhim...
Nanikit ang mga mata ng binata sa kaibigan niya. Pero hindi siya nagsalita.
Umiling ang ulo ko at binaba ko ang baso at hiningi ko sa kanya ang kutsara ko katulad ng sabi niya. Kutsara nalang ginamit ko. Pero bago akong magsimulang kumain. Tumingin ako ulit sa plato niya.
Tinuro ko iyon at naunawaan niya ang ibig kung sabihin.
"Don't worry, I'm fine.. Kakain na din ako and thank you for your concern.." Saad ni Maxton na englis.
"Hija, gusto mo bang ng juice?" Napangat ako ng tingin ko kay Manang, bigla nalang sumulpot sa harapan ko at sa hawak niyang pitsel na may laman.
Tumango ako kay Manang. Ayaw kong tanggihan ang kanyang alok sa akin. Baka magdamdam siya.
"Kayo? Gusto niyo ba? O, ikaw hijo? Bakit hindi mo pa nilalagyan ang plato mo ng pagkain? Ang daming nakahain na pagkain sa mesa. Ikaw nagpaluto nito. Kung gaano kadami ang nilagay mo na pagkain sa kanyang plato. Ikaw naman ang wala..." Pagsasalita ni Manang kay Maxton. Siguro nakita ni Manang ang paglalagay ni Maxton na pagkain sa plato ko. Kaya nalaman niya. Umiikot si Manang, sa mga nakaupong mga kaibigan ni Maxton at isat-isa niyang nilagyan ng juice ang bawat baso.
"Okay na po, ito Manang..." Awat sa kanya ni Itzayana ng marinig ko iyon at naging abala na ako sa pagkain. Masarap ang pagkaluto kaya magana akong kumain.
"Manang, ngayon ko lang nakita si Maxton na nagalaga ng babae... Alam ko oh, mas kilala mo siya..." Napatigil ako sa pag-nguya dahil sa tanong na iyon mula sa kaibigan ng binata.
"Alam mo anak, Manddox... Kahit ngayon ko lang nakita si Maxton naging ganyan sa babae. Marahil sa ugali. Kung babaeng aliparut? Kahit ako hindi ko, gugusutuhin na alagaan niya. Alam ko kung ano ayaw ng kaibigan mo sa mga babae...." Dinig kong paliwanag ni Manang, dun sa Manddox. Ano bang ayaw ni Maxton sa babae. Ilan ulit ko na kasi naririnig iyon mula dito?
"Ibig sabihin ba nun, Manang... Pasado siya sayo?" Bigla ako nakaramdam na mainit na titig na hindi ko alam kung kanino? Ayaw kong tignan kung hindi ako ang pinaguusapan.
"Siya ang pagkakasabi 'yan, hindi ako. Pati ang mga magulang ni Maxton, Kian... Magasawa na kaya kayo... Hindi naman kayo bumabata pa. Para maabutan ko pa ang magiging anak niyo... Tignan mo si Deacon at Aviana. Magkaka-anak na sila.... Kahit Aso't pusa silang dalawa noon. Sila parin nakatuluyan ngayon... At malay niyo, sumunod na si Maxton, kay Deacon. Aba! Mahuhuli kayo 'yan..." Pakikipag usap ni Manang at pakikinig ko sa sinasabi ni Manang. Wala rin sila pinagkaiba ni lola, tungkol sa pagaasawa ang binibikas nila. Mas mahirap pa ang pinagawa nila kesa magtanim ng gulay.
"Nagmamadali kaba, Bro?"
"Nope, just waiting my right girl for me..." Kalmadong pag-englis ni Maxton at sinandal niya ang likod niya sa kanyang inuupuan.
"Hindi ba s'ya, Max?" Napatingin ako kay Itzayana ng tumingin siya sa akin at ngumiti.
"Did you come here to talk about my love life? O sa trabahong pag-usapan natin?" Medyo galit na naman na boses ng binata ang narinig ko.
"You can quickly eat three. Manang, pwedeng kayo muna abala sa kanya? May paguusapan lang kami ng mga kaibigan ko tungkol sa negosyo..." Sa pagkasabi na'yon ni Maxton kay Manang, gusto ko siyang hawakan sa braso at pigilan na huwag umalis kasi may mahalaga akong sasabihin sa kanya. Pero pinangungunahan ako ng hiya at takot sa mga kaibigan ng binata, na mapanuri ang tingin, kung hinawakan ko siya ulit.
May isa pa akong paraan para masabi ko sa kanya ang gusto ko. Hintayin ko na muna silang matapos magusap ng mga kaibigan niya.
"Pagkatapos mong kumain ihahatid ka ni Manang, sa kwarto mo para makapag pahinga kana..." Nangilabot ang buong katawan ko sa ibinulong ng binata sa punong tainga ko papunta sa akin batok. Nahawakan ko ng mahigpit ang akin kutsara, para lang talaga pigilan na 'wag gumalaw. Pero hindi ko kinaya ang kilabot na umandar sa buong kung katawan. Tumingin ako sa binata, at may ngiting umusli sa mapulang labi niya.
Hindi ko alam kung para saan iyon? Pinaglalaruan ba niya ako? Dahil nakita niya ang pagkilabot ko. Hindi lang siya, pati mga kaibigan niya at si Itzayana...