Savannah
Nakatitig ang dalawang mga mata ko kila Maxton at sa mga kaibigan niya nakausap niya sa isang sulok kasama na dun si Itzayana. Pinagbilin niya ako kay Manang, pero hindi ko maalis ang atensyon ko sa kanya dahil sa gusto kung sabihin sa kanya.
Nangangamba na kasi ako, para kay lola at wala naman din binabanggit si Maxton tungkol sa lola ko nasa bundok. Kaya hindi ako mapakali sa ayos ko ngayon. Sa tuwing iniisip ko si lola, iba ang pakiramdam ko lalo't na ngayon? Hindi ko maipalawag ang kaba sa puso ko.
Gusto kung lapitan si Maxton, at kausapin siya pero hindi ko maiparating ang gusto ko.
"Hija, tara na. Akyat na tayo sa kwarto mo. Para makapag pahinga kana..." Ang boses ni Manang, pumukaw sa malalim kung pagiisip kay lola at Maxton. Tumingin ako kay Manang, at pinakita ko sa itsura ko na malungkot ako.
"Bakit, ganyan ang itsura mo, hija? May problema kaba? May gusto bang sabihin?" Puna ni Manang sa mukha ko, masaya ako nabasa niya ang sinasabi ng mukha ko. Tumango ako sa kanya at inikot ko ang patingin ko para masabi ko sa kanya ang langunin ko. Pero kahit isa, wala akong makita na pwede kung sabihin.
"Tara na, akyat na muna tayo sa taas. At dun mo sabihin ang gusto mong sa'kin. May dala, akong makakatulong sa gusto mong sabihin, hija.. Naawa ako sayo, at alam ko nakakapagsalita kana, pero mahina ang boses mo. At hindi ko gaano maiiintindihan at maririnig dahil matanda na ako, hija... Halika na, umakyat na tayo sa taas...." Naging patanag ako, sa sinabi ni Manang, kaya nagpaunlak na akong sumama sa kanya sa taas at saglit ko nilingon si Maxton at hindi ko alam nakatingin pala siya sa'kin. Kaya kumabog ang puso ko sa kaba, sa pagtama ng mga mata namin.
Wala akong mabasang sa mukha ng binata, kundi ang kaseryusohan titig lang niya sa akin at tinuro niya ang taas gamit ang hintururo niya. Tumingin ako dun at nakuha ko ang gusto niyang iparating sa akin.
Tumango ako at sumama na kay Manang. Tahimik na lang ako sa likod ni Manang, habang kasunod niya ako. Maraming tumatakbo sa isip ko at sasabihin ko sa kanya. Kung paano ko, ipapaliwanag ang nararamdaman ko pangungulila ko sa lola ko. Na hindi ko na alam kung ano ang lagay niya e? Kamusta na siya. Masakit sa akin, nandito ako na masarap kumakain. Paano naman ang lola ko.
Pumasok kami ni Manang sa isang kwarto na bukas. Humanga ako sa ganda ng kwarto ng makita ko ang loob.
"Ito ang magiging silid mo hija..." Lingon niyang sabi sa akin. Hindi ako kumibo. Alam ko hindi ako bagay sa silid na ito at hinihintay ko pa ang sasabihin niya sa akin.
"Maganda dito, at mabubuhay ka dito sa tulong ng alaga ko. Pero sa nakikita kung kilos mo. Gusto mo nang umalis sa bahay na ito. Bakit hija? Ayaw mo ba dito?" Mga katagang tanong, na gusto kung bigyan ng kasagutan kay Manang.
Anong silbi ng pagtira ko sa ganitong bahay, kung may naghihintay sa akin sa bundok. Bumuntong hininga ako nahihirapan.
"Maupo ka dito, hija. May ibibigay ako sayo." Tumango ako kaagad at lumapit sa isang upuan sa tabi ng malaking higaan. Saglit ko lang tinignan ang higaan pero sobrang laki nun at kahit tatlong katao ay kasya roon.
Sa pag-upo ko may inabot si manang na maliit na papel at panulat. Nakahinga ako ng maluwag, dahil ito ang hinihintay ko na pagkakataon na maisulat ang gusto kung sabihin sa pagiging balisa ko at hindi pagsan-ayun sa pagtira dito.
"Naisip ko, baka ito ang makakatulong sayo, para masabi mo ang gusto mong sabihin sa amin lahat. Kaya sabihin mo diyan, lahat ng gusto mo at kapag kulang pa 'yan. Binigyan kita ulit, hija..." Dali-dali akong tumango at nagsulat. Nanginginig ang kamay ko ng hawakan ko ang panulat at isulat ang gusto kung sabihin.
Nagsimula ako sa pasasalamat at ang tungkol kay lola. Maiyak-iyak ako habang nagsusulat at ramdam ko ang titig ni Manang sa akin. Ang awa nandun iyon. Pero hinayaan niya ako matapos na hindi niya ako kinakausap.
Maiksi lang ako aking sinulat at naglalaman ito tungkol sa buhay ko at sa lola ko. Nagpapasalamat din ako, na marunong ako magsulat at magbasa, malaking tulong din sa akin ito. Lalo na ngayon.
Pinunasan ko ang luha kung, tumakas sa akin mga mata at binasa muli ang sinulat ko. Tumingin ako kay Manang, na naghihintay mabasa ang aking sinulat tsaka ko ito inabot sa kanya.
Kinuha niya sa akin ang papel at tahimik na binasa ito.
"May lola, kapa?" Tanong niya sa akin na medyo may gulat sa kanyang mukha. Tumango ako ng madiin.
"Siya ang dahilan kung bakit ayaw mo ritong tumira, hija?"
"O-oo. . . Po.." Bigkas kung sagot.
"Naiintindihan ko, hija... Ang nararamdaman mo... Pwede ko bang malaman ang pangalan mo, hija? Pakisulat nga dito..." Ngumiti ako, ng maunawaan ni Manang ang sa loobin ko at sinulat ko ang pangalan ko ng ibalik niya sa akin ang papel. Muli kung ibanalik sa kanya ang papel at binasa ang pangalan ko.
"Napaka-ganda pala ng pangalan mo hija at bagay sa magandang mukha..." Kita ko na nagsasabi si Manang, ng totoo. Kitang-kita sa mukha niya.
"Ipapabasa ko ito kay Maxton, ngayon. Para alam niya, nauuwi kana sa inyo, at maihatid ka niya sa inyo... Hindi pwede na ako magpapasya nito para sayo. Ayaw ko magalit ang alaga ko at pangunahan siya rito, okay lang ba sayo, Savannah? Halos makaparehas pala kayo ng pangalan ni Itzayana, hija.."
Hiningi ko ang papel kay Manang at nagsulat ulit at pinabasa sa kanya ang sulat ko.
"Walang anuman, hija..." Saad ni Manang sa akin at niyakap ako ng mahigpit at nakahinga ako ng maluwag ng masabi ko ang sa loobin ko sa kanya.
Ang totoo ng nararamdaman ko.
"May problema po ba, Manang?" Ang boses ni Maxton ang nagpakaba sa akin ng magtanong siya at hindi ko nalamayan nandito na pala siya. Nanatili naka upo ako at lumapit siya sa amin. Ang mabigat na titig niya ay ramdam ko na at nakatayo siya sa harapan ko na medyo malayo naman. Ang kaso, parang may mali, iyon ang pagkakaalam ko.
"Walang naman problema, hijo... Ito nga pala ang gusto niyang sabihin sa atin. Basahin mo, hijo..." Inabot ni Manang, kay Maxton ang papel na may sulat ko at kinakabahan ako, hindi sa panget ang sulat ko. Kundi, ihahatid niya ako sa amin. Kasi, sobrang abala na ito sa kanya.
"Wala na siyang, lola..." Mautoridan na dinig kung saad ni Maxton, napatayo ako mula sa akin kinauupuan at nanlalamig na tumingin sa binata. Hindi ko maintindihan ang kanyang sinabi. Kaba at pagkalito ang bumalot sa aking isipan habang mariin ang nagkatitig ko sa binata.
"Wala siyang lola? Pero, hijo. Sabi niya meroon?!" Naguguluhan din na tanong ni Manang sa binata.
"Wala kabang natatandaan?" Tanong ni Maxton sa akin. Natatandaan? Tanong ko sa isip ko. May lola ako, iyon ang alam ko at walang alam ang taong nasa harapan ko, tungkol sa pagkatao ko, kaya nasasabi niya na wala akong lola. May lola akong babalikan nasa bundok lang siya. Gusto kung sabihin sa binata.