Chapter 35

4838 Words
Chapter 35 - P.E Class Kinabukasan... ~Russell~ Pagkabangon ko sa higaan, ang sakit ng likod ko. Gawa siguro ‘to n’ong hinampas ako ng isa sa mga kasamahan ni Kiel ng dos por dos kahapon. Hindi muna ako pinayagan ni Manang Rosa na pumasok sa school. Talagang nagmakaawa pa siya sa’kin na magpahinga muna ako dito sa bahay. Naawa ako sa kaniya kaya hindi nga muna ako pumasok. Pinapunta niya pa talaga si Dr. Firer sa bahay para eksaminin ako. Sinabi lang nito na umabsent muna ako ng mga isang linggo para kahit papaano ay maghilom ‘yung sugat sa ulo ko at sa braso ko tsaka mawala ‘yung sakit sa likod ko. Niresetahan niya lang ako ng mga gamot at umalis na rin agad. Kinamusta ako ni Dad pero ayaw ko siyang kausapin kaya isang linggo ulit akong nagkulong sa kwarto. Dinadalhan lang nila ako ng pagkain tuwing umagahan, tanghalian at hapunan. Binabad ko lang ang sarili ko sa paglalaro ng mga games sa internet sa isang buong linggong ‘yon. Parang dalawang linggo na kong nawala sa school kasi ‘yung unang linggo ay ‘yung last week na nasuspended ako at ‘yung ikalawa naman eh ngayon dahil kailangan kong magpagaling. Minsan ay pumupunta ako sa bahay ni Winter tuwing umaga pero nagtatago rin agad ako pag lumalabas na siya para pumasok sa school. Mukhang unti-unti na ring gumagaling ‘yung mga pasa at sugat niya sa mga braso at mga binti niya. Pumupunta din ako sa Primo High tuwing uwian para naman tingnan ang pag-uwi niya pero lagi silang magkasama ni Vincent umuwi. Hinahatid siya nito sa bahay niya. Atleast may nagbabantay sa kaniya... Kahit hindi nga lang ako... Masakit pero wala akong magawa para paghiwalayin silang dalawa kasi wala naman akong karapatan para gawin ‘yon. (Friday) Maayos na ang pakiramdam ko kaya pumasok na ako sa school. Late na nga lang ako pumasok. Nasa gym ‘yung mga kaklase ko kasi P.E namin ngayon. "Okay Class! Gusto kong magpush up, curls up at 1 kilometer run kayo ngayon. Kelangan n’yo tong gawin para naman mapreserve n’yo ang healthy body n’yo o kaya naman ay maging fit kayo." sigaw ni Sir. Roger tapos tumingin pa siya doon sa isang lalaking mataba. `Yung mga kaklase ko, mga nakatayo ay nagsiangalan dahil doon sa sinabi niya at halatang mga tinatamad silang gawin ‘yon. Nandito lang ako sa malayo at nagmamasid sa kanila. Naka uniform pa rin ako pero mukhang napansin yata ako ni Sir. Roger kaya lumapit siya sa’kin. "Long time no see Lover boy! Gusto mo bang sumali?" tanong niya sa’kin pero halatang nang-aasar siya kasi may lover boy na kasama. Inismiran ko lang siya. Nagulat ako ng bigla siyang umakbay sa’kin tapos may binulong sa tenga ko. "Partner partner ‘yung ipagagawa ko sa curls up. Kung gusto mong dumiskarte kay Winter, sumali ka na... Bahala ka, ipapartner ko siya doon kay Vincent,” sabi niya tapos ay nginitian niya ko ng nakakaloko. Hindi naman ako nagpahalatang nathreaten ako doon sa sinabi niya at inalis ko ‘yung pagkakaakbay niya sa’kin saka naglakad na kong palayo pero bigla siyang nagsalita na tama lang ang lakas para marinig ko. "Ayaw mo talaga. Bahala ka loverboy. Pag naagaw siya sa’yo ng tuluyan, ikaw din ang magsisisi sa huli." Hindi ko na siya pinansin at tuluyan na kong umalis doon. Wala akong magagawa, gustuhin ko man pero ang kapalit naman n’on ay sasaktan siya ng iba. Siya ang gagamitin ng iba para saktan ako dahil alam na nila na siya ang kahinaan ko. Kung iisipin ko nga, siya na nga talaga ang Achilles Heel ko. Nasasaktan ako nang sobra pag sinasaktan siya. Tama... siya na nga ang kahinaan ko kayo ngayon ay lumalayo ako sa kaniya para ‘di na nila isipin pang gamitin o saktan siya dahil wala na kaming koneksyon sa isa’t isa. Pero ano tong nararamdaman ko ngayon? Parang nagtatalo ang isip at puso ko. Ayaw ng isip ko na lumayo sa kaniya kasi iniisip ko ang kapakanan niya pero gustong-gusto naman ng puso ko na makasama siya. Damn! This is so hard for me! Mababaliw na yata ako! Hindi ko na namalayan na nandito ako sa boy's locker sa gym. Binuksan ko ‘yung locker ko at nakita kong maimis na nakatiklop ‘yung P.E uniform ko na kahit kailan ay hindi ko pa naisusuot. Teka! Ba't ako nandito?! Napatingin ako sa paligid pero walang tao. Kinuha ko ‘yung P.E. T-shirt ko at ‘yung jogging pants ko. Tinitigan ko ‘yon. Hindi ko na alam ang ginagawa ko ngayon kung tama ba o mali pero katawan ko na ang lumalaban sa utak ko. Nagpalit ako ng damit kaya nakaP.E na ako ngayon. Parang nangingibabaw na sa’kin ang puso ko. Parang ‘yun na ang kumokontrol sa katawan ko. Tumingin ako sa may salamin habang suot tong P.E ko. Magulo din ang buhok ko pero ‘di ko na inayos ‘yon. Messy hair ba. Bumalik na ako doon sa may part ng gym kung nasaan sila Sir. Roger at ang mga kaklase ko. I know this is wrong... This is very wrong pero hindi na kinaya ng utak ko na kalabanin ang puso ko. Kahit ngayon lang... Last one na lang... Promise, lalayuan ko na siya. Nakita kong napatingin sila lahat sa’kin pati na ‘yung ibang tao dito sa Gym. Napatigil sila lahat sa ginagawa nila at ‘yung mga kaklase ko naman ay nakangangang nakatingin sa’kin ganun din si Sir. Roger na hindi makapaniwala pero n’ong makabawi siya ay nginitian niya ko. "Nice! Bagay!" ngiting-ngiti n’yang sabi sa’kin. Tinutukoy niya ‘yung P.E ko. Ngayon lang talaga kasi nila akong nagkitang magP.E eversince na mag-aral ako dito. Tiningnan ko si Winter na walang emosyong nakatingin sa’kin pero I saw a glimpse of happiness sa mga mata niya pero iniwas niya rin agad ‘yung tingin niya sa’kin. Si Vincent naman sa tabi niya na malamig lang na nakatingin sa’kin. "So guys, shall we start now?" ngiting-ngiting tanong ni Sir. Roger sa mga kaklase ko pagkatapos kong lumapit sa kaniya. Katabi ko siya ngayon pero ang mga mata ko ay nakatingin lang kay Winter. "Yes Sir!" masiglang sagot ng mga kaklase ko sa kaniya. Parang kanina lang, tamad na tamad sila n’ong narinig pa lang nila ‘yung ipinagagawa sa kanila, ngayon parang excited na excited na sila. Mga abnoy talaga tong mga taong ‘to. Nagsimula sa pagpapapush up si Sir. Roger. Kung ilang push up ang magagawa mo, gan’on din ang points na makukuha mo ngayong araw. Pauso nito ni Sir. Roger! Lahat ng lalaki, magkakatabing magpupush-up. Katabi ko ngayon si Vincent at sa kabila ko naman si Carlo. `Yung mga babae, medyo malayo sa’min. Naririnig ko pa ‘yung mga reklamo nila. "What the heck is he trying to make us, girls do?! Is he out of his mind! Hello! We're girls! We can't do things like push-ups!" sabi n’ong isang nag-iinarte. "Push up is only for boys!" "Arghhhh! I can't do this! It's embarrassing! Maraming boys ang nakatingin ngayon dito!" "Oo nga... Pano na lang ang bago kong manicure na nails. Baka maputol pa ‘to!" "I really hate this P.E class! They are making us do the impossible!" Impossible? Eh parang push up lang naman ‘yung ipagagawa sa kanila. "Ayokong magpush up! Pagpapawisan lang ako tapos mahahagard lang... Waaaaahhh! I don't want to be a haggard monster that is full of sweat!" Andami pa nilang pinagsasasabi na puro kaartehan lang naman. Kameng mga lalaki, nakaposisyon na para magpush up. Sila, mga nakatayo pa rin at ayaw talagang gawin ‘yung ipinagagawa ni Sir. na push up. Nilapitan sila ni Sir. Roger at halatang naiirita siya sa pagiging reklamador n’ong mga babae. Umupo muna kaming mga lalaki dito sa sahig. Mukha kasing magiging mahabang pilitan pa ang mangyayari kaya siguradong mangangalay kami kung magtatagal kaming nasa gan’ong posisyon. "Girls! Could you please stop whining! If you all don't do push ups, I will double the kilometer you will run later!" Mukhang natakot naman ‘yung mga babae doon sa sinabi niya. "What?! Are you kidding me?! You really want us to do something like that in front of this many people?!" hindi makapaniwalang sabi sa kaniya ni Cherry. Kahit kailan talaga ang isang to, ang daming kuskos balungos sa buhay. Puno ng kaartehan sa katawan! Pero, ‘di ko pa rin nakalimutan ‘yung pinaggagawa nila kay Winter kahit na si Kiel ang nagpalakas ng loob nila. Tsk! Naaalala ko na naman ang mga bad memories. Hindi ko sinasadyang napatingin ako kay Winter. Nakatingin din siya sa’kin pero bigla siyang umiwas ng tingin n’ong tumingin ako sa kaniya. Mukhang pwede na rin siyang magpush-up ngayon kasi galing na rin siguro ‘yung pasa niya sa may tagiliran. "I am dead serious right now Ms. Scott. Makarinig pa ko ng kahit isang reklamo girls, three kilometers will all you run! Now! Position yourself and start to push up!" galit na na utos sa mga babae ni Sir. Roger. Nanahimik sila. Mukhang natakot na nga talaga sila sa banta ni Sir. Roger. Sino bang hindi matatakot eh seryosong seryoso ‘yung mukha niya. Gan’yan talaga si Sir. Roger. Mabait sa mabait pero kapag ginalit mo, pagsisisihan mong ginalit mo pa siya. HIndi pa naman niya ko nasasampulan pero ayaw ko namang masampulan no. Siya na ang parang ikalawa kong tatay kaya ayaw kong mag-away kami. Napipilitang pumusisyon na ‘yung mga babae. Si Cherry naman eh naglakad paalis nitong gym. Spoiled brat! Talk to myself. Sinundan siya n’ong tatlong babaeng kasama niya palagi. `Yung isa doon ‘yung Sophiang tumulong sa’kin para dalhin ako sa clinic kahapon. Bago siya umalis ay tumingin muna siya sa’kin. Hindi ko na siya pinansin. Hindi na pinansin ni Sir. Roger ‘yung apat na umalis. "Okay! Start your push ups now. Bilangin n’yong sa sarili n’yo kung nakakailan na kayo. Walang madaya! Ang mahuli kong mandaya. Three kilometers ang tatakbuhin mamaya! Naiintindihan n’yo?!" Nagyes lang kaming lahat. Pumwesto na ulit kaming mga boys at nagsimula na kaming magpush up. Tss! Easyng-easy naman nitong pinagagawa niya. May gym akong sarili sa bahay kaya alaga ko ang katawan ko sa mga ganitong excercise. Bakat na bakat nga dito sa t-shirt ko ‘yung hulma ng dibdib ko pati na rin ‘yung mamuscle kong mga braso. Kaya siguro sila napanganga kanina. "1... 2... 3... 4..." napatigil ako sa pagpupush up n’ong makita ko ‘yung mga babaeng hirap na hirap. `Yung iba, sumuko na at umupo sa may bleachers habang hingal na hingal at umiinom ng tubig. Ang natira na lang ay si Winter at kitang kita ko ang pagpilit niya sa katawan niya. Tatayo na sana ako para pigilan siya pero lumapit na sa kaniya si Sir. Roger at pinatayo na siya. Dahil doon ay naalis na ang pag-aalala ko. Umupo na siya sa may Bleachers malayo doon sa mga ibang babae. Loner talaga ang isang ‘yon kaya ang hirap layuan eh kasi alam kong wala siyang kaibigan bukod sa’min ni Vincent. Vincent? Tsk! Nabibwisit lang ako! Nakita kong nakatingin dito sa pwesto ko si Winter pero tumingin na rin siya sa ibang direksyon. *—***—* "19...20...21...22..." bilang ko sa mga nagagawa ko ng push ups pero napatingin ako sa katabi ko dito sa kanan. Talk about bigsh*t? Si Vincent. Nakita kong sabay ang pagtaas at pagbaba ng katawan namin at nakatingin rin siya sa’kin ng seryosong-seryoso. Parang hinahamon niya ko na paramihan kami sa magiging push up namin. Binilisan ko ang pagpupush up ko at gan’on din siya. Hindi ako magpapatalo sa ungas na ‘to! "25!..26!..27!..28!" mabilis na rin ‘yung pagpupush up niya at habang bumibilis kaming parehas eh lumalakas din ‘yung boses namin sa pagbibilang kung ilang push up na ba ‘yung nagagagawa namin. `Yung ibang mga lalaki, tumigil na rin sa pagpupush up. Pumunta na silang lahat doon sa may bleachers para magpahinga. Wala na rin si Carlo sa tabi ko. Kami na lang dalawa talaga ang natira. Masakit na ang mga braso at binti ko pero hindi ako magpapatalo sa kaniya at mukhang gan’on din siya sa’kin. "31... 32.... 33..." nahihirapan na kong huminga. Masakit na talaga ang braso ko at pati dibdib ko, masakit na rin. Pero pagtingin ko kay Vincent, mukhang pagod na rin siya. "39........ 40......." Wala na talaga akong lakas. Nanginginig na ‘yung braso ko at buo kong katawan. Tagaktak na tagaktak na rin ‘yung pawis ko at pati siya. Para na kaming pinaliguan dito. Pero hindi ko alam kung ilan na ba ‘yung nagagawa n’yang push ups. "Woah! Boys! Easy lang kayo... Wag n’yong pilitin ang mga sarili n’yo kung hindi n’yo na kaya." saway sa’min ni Sir. Roger. Dahil doon ay pareho na kaming tumigil at humiga na hingal na hingal pa rin. Hindi ko na maigalaw ‘yung braso at binti ko. "40.../ 40...." sabay naming sabi. "Tss! Parehas lang pala tayo..." nadisappoint na sabi ni Vincent habang habol pa rin ang hininga niya. Tinulungan na siya ni Sir. Roger na patayuin pero nagtaka ako kasi tinawag niya si Winter at pinalapit sa’min. Si Vincent ngayon ang inaalalayan ni Sir. Roger pero ako, nakasalampak pa rin ako dito sa sahig at humiga dahil ‘di ako makagulapay. Hindi ko marinig ‘yung sinabi ni Sir. Roger kay Winter. Nakapikit lang ako ngayon at habol na habol ang hininga. Napaka-init ng katawan ko dahil sa pagpupush-up ko. Naramdaman kong may gumalaw sa tabi ko kaya minulat ko ‘yung mga mata ko at tumingin ako doon. Nagulat ako ng napakalapit ng mukha ni Winter sa’kin kaya napaupo ako bigla kaya naman naumpog ako sa noo niya. Aray! Ang sakit n’on ah! Napahawak ako sa noo ko kasi masakit ‘yon gawa n’ong pagkakaumpog ko sa kaniya. Pagtingin ko sa kaniya, nakahawak din siya sa noo niya at mukhang nasaktan din siya. Nakayuko lang siya ngayon. Parehas kaming nakaupo sa sahig. No’ng iangat niya ‘yung ulo niya, namumula ‘yung noo niya. Sh*t! Dahil yata ‘yon sa pagkakaumpog ko sa kaniya! Dahan-dahan ko yong hinawakan. "Sorry! ‘Di ko ‘yon sinasadya..." alalang-alala kong sabi sa kaniya kasi pulang-pula talaga ‘yung noo niya pero nakatingin lang siya sa’kin. "Ikaw naman kasi! Bakit ba kasi ang lapit ng mukha mo sa mukha ko?!" pagsusungit ko sa kaniya. Bigla ko kasing nakalimutan na kailangan ko ng putulin ang koneksyon ko sa kaniya pero mukhang mas lalo lang siyang napapalapit sa’kin. Dahan-dahan akong tumayo pero dahil masakit ang paa ko, gumewang ako pero inalalayan niya ako agad. Nakaakbay ako sa kaniya at nakakapit naman siya sa bewang ko. Inalalayan niya ko hanggang sa may bleachers. Nakakahiya kasi nahahawa siya sa pawis ko pero mabango naman ako. Andon na sila Sir. Roger at ‘yung iba pa. Nakatingin silang lahat sa’ming dalawa kaya naman agad akong humiwalay sa kaniya. Lumapit naman si Vincent sa kaniya at mukhang nakabawi na ng lakas ang gago kasi maayos na siyang nakakapaglakad ngayon. Hinawakan niya ‘yung kamay ni Winter at sabay silang umupo sa may bleacher. ‘Di ko na sila tiningnan pa. Lumapit sa’kin si Sir. Roger. "Tsk! Tsk! Tsk!" palatak niya habang pailing-iling pa. "Binigyan na nga kita ng pagkakataon, sinayang mo pa. Para ka namang hindi lalaki n’yan." hindi ko na pinansin ‘yung sinabi niya at umupo na ako sa may bleacher saka nagpahinga saglit. Ang lakas pa rin nang t***k ng puso ko at sobrang init ng paligid ko dahil sa pagod. "Oh sige.. I'll give you 10 minutes guys to rest. Kasunod n’yan, curls-up na." Umupo rin muna si Sir. Roger dito sa bleacher. Nagsimula nang mag-ingay ‘yung mga kaklase kong babae. Kesyo daw pagod na sila. Kesyo amoy pawis na daw sila at kung anu-ano pang mga kaartehan sa katawan ng isang babae. Mayamaya eh may lumapit sa’kin kaya napatingin ako dito sa harap ko. Si Sophia at may dala siyang mineral bottle na parang ibinibigay niya sa’kin. Kasama ‘to n’ong Cherry kaninang nagwalk-out ah? Bakit siya bumalik? Tumingin ako sa likod niya. Hindi niya kasamang bumalik ‘yung tatlong maaarte n’yang kasama. Tinaasan ko siya ng kilay. "What's that?" blankong ekspresyon na tanong ko sa kaniya. Nahihiya naman siyang tumingin sa’kin. "A-Ahhh.. K-Kasi... A-alam kong wala kang dalang tubig kaya binilhan na kita..." nauutal n’yang sabi sa’kin. Kinuha ko sa kaniya ‘yon at mukhang nagulat naman siya n’ong kinuha ko ‘yon. "I thought this is for me?" sungit na tanong ko ulit sa kaniya. Ibibigay-bigay niya tapos pag kinuha, magugulat. Parang tanga lang? "O-Oo... P-Para sa’yo nga ‘yan..." nakangiti na siya ngayon na parang tuwang-tuwa. Binuksan ko na ‘yon at ininom. Ayoko ng mag-inarte pa. Uhaw na ako at wala naman talaga akong dalang tubig kasi biglaan lang ang pagsali ko dito sa P.E namin. Mayamaya ay nagpuntahan ‘yung mga babae dito na may mga dala ding mga mineral water tapos hinawi nila si Sophia sa harap ko kaya ayun siya, napadpad sa malayo. Nagkakagulo na sila ngayon dito sa’kin kaya naman ang napakanipis kong pasensya na kasing nipis ng dulo ng antenna ng ipis ay naputol na... "Stay. away. from. me!" may diin ang bawat salitang sigaw ko sa kanila. Mukha namang natakot sila pero may isang naglakas ng loob na kumausap sa’kin. "Eh bakit ‘yung kaniya, tinanggap mo Russell?" turo niya kay Sophia na nakatayo na sa malayo at nakatingin sa’min. "Bakit ‘yung amin hindi? Unfair ‘yon , ‘di ba girls?" tanong niya pa doon sa iba pang mga babae dito. Anak ng! Talagang may lakas ng loob ang isang ‘to na kwestyunin ako! Lumapit na sa’min si Sir. Roger nang makita n’yang konti na lang ay sasabog na ako sa kakulitan nitong mga babaeng ‘to. "Girls, wag n’yo naman sanang botyogin yang si Russell sa tubig. Kung gusto n’yong may tumanggap n’yang mga tubig n’yo eh ibigay n’yo na lang dito sa iba pang mga boys. Sa tingin ko, uhaw pa sila..." Napatingin naman ‘yung mga babae doon sa ibang mga lalaking tinuro ni Sir. at nginitian sila ng mga ‘yon. Bumusangot naman ‘yung mga mukha nila. "Ayoko na.. Uhaw pa pala ko. Ako na lang iinom nito...” sabi n’ong naglakas ng loob na kumausap sa’kin tapos umalis na sa harapan ko. Nagsisunuran naman ‘yung iba sa kaniya at pinag iinom nila ‘yung mga tubig nila. Napatawa naman si Sir. Roger dahil doon. "Mga babae talaga, ang pipili!" natatawa n’yang sabi sa sarili niya saka umupo dito sa tabi ko. Napatingin ako sa kaniya. Nakita kong ngiting ngiti siyang parang may inaalalang masayang pangyayari sa buhay niya. Napa-isip naman ako. Parang may kakaiba kasi doon sa pagkakasabi niya na mga babae talaga. ‘Di kaya... "Inlove ka ba Sir. Roger?" pagbabaka sakaling tanong ko lang sa kaniya tapos napatingin naman siya sa’kin na nanlalaki ang mga mata. "H-Hindi ah! Sino namang may sabi?!" defensive n’yang sabi at namumula rin siya lalo na ‘yung tenga niya. Natawa naman ako. Eh nangyari na sa’kin ‘yan eh! Pag guilty ako sa isang tanong, namumula ang tenga ko. "Eh bakit ang defensive mo?" tanong ko sa kaniya pero inaasar ko lang siya. "H-Hindi ako defensive... Nagsasabi lang ako ng totoo..." mahina n’yang sabi pero nangingiti. "Inlove ka nga..." I stated kaya napatingin ulit siya sa’kin. "Hindi nga sabi!" parang bata n’yang sabi sa’kin at nagbablush pa rin ang mga tenga. Natawa na lang ulit ako sa kaniya. Akalain mo yon! Nasa 29 or 30 pa lang naman si Sir. at batang bata pa pero hindi ko aakalain na magbablush siya sa harapan ko. Binatukan niya ko kaya napatigil ako sa pagtawa. "Sige! Tawa pa. Pag ikaw binuking kita dyan kay Winter..." pananakot niya sa’kin. Tinikom ko naman ang bibig ko pero tinusok tusok ko ‘yung tagiliran niya kaya napapaurong siya ng upo. "Yieeehhh.. Inlove... Sino ba ang malas na babae na yon?" hindi ko tinigilan ‘yung pagtusok ko sa tagiliran niya at halata kong nakikiliti siya pero pinipigilan niya lang. Mayamaya ay pumasok si Ms. Ledesma dito sa gym at naglakad palapit sa’ming dalawa ni Sir. Bigla namang siyang napatayo kaya napatingin ako sa kaniya. Parang ‘di siya magkandaugaga. Pasimple n’yang inayos ‘yung buhok niya at nang makita siya ni Ms. Ledesma ay nilapitan siya nito. "Sir. Roger. Ito na ‘yung flashdrive na kailangan mo. Ibalik mo na lang sa’kin kapag tapos mo ng gamitin..." plain na pagkakasabi sa kaniya ni Ms. Ledesma. "A-Ahhh.. H-Hehehe.... S-Salamat. P-Pasensya na at naabala pa kita..." pautal-utal na sabi niya at pinupunas pa ‘yung kamay sa gilid ng pants niya kasi namamawis ata. Nakatingin lang ako sa kaniya ngayon. Para siyang isang teenager na nalovestruck! Pakamot-kamot pa siya sa ulo niya. Kilala ko na kung sino ang malas na babaeng gusto niya. Pinipigilan ko ‘yung tawa ko kasi nakita ko ‘yung panginginig ng kamay niya nang kunin niya ‘yung flashdrive kay Ms. Ledesma pero hindi ko na talaga kinaya. "Wahahahaha! Waha! Waha! Wahahahhaha!" sumabog tuloy ‘yung tawa ko kaya napatingin sila sa’kin pareho pati na rin ‘yung mga ibang estudyante dito sa gym. Ang lakas kasi n’ong pagtawa ko. "Oh! Russell! Why are you laughing that hard? May nakakatawa ba?" takang tanong sa’kin ni Ms. Ledesma. Tiningnan ako ni Sir. Roger ng matalas kasi mukhang alam niya na na alam ko na na si Ms. Ledesma ‘yung gusto niya. Nasa likod siya ni Ms. Ledesma ngayon. Pinipilit kong pigilan ‘yung tawa ko pero wala talaga... Sumasabog eh. "Wahahahaha! Epic!" tawa ko pa saka tinuro ko siya. Pinanlakihan niya naman ako ng mata. Epic talaga ‘yung itsura niya pag nahihiya! Ngayon ko lang kasi talaga siya nakitang gan’on! Nangingiyak na ako dito sa katatawa. "Epic?" takang taka pa rin si Ms. sa sinabi ko. "Eh kasi si Sir. Roger... May gusto—”nakita ko namang may sinesenyas sa’kin si Sir. Roger. kaya napatigil ako sa sasabihin ko. May sinusulat siya sa hangin ng mabilisan. Binasa ko. W... I.... N... T... E... R.... Nanlaki naman ang mga mata ko doon sa huling senyas niya. Pinakita niya sa’kin ‘yung pointing finger niya. Tumingin pa siya doon ng nakakaloko. Ngumiti siya ng nakakatakot tapos ginalaw galaw niya ‘yon na parang sinasabi n’yang... "Isusumbong kita!" Watdapak! Napatigil naman ako doon sa senyas niya at mukhang napansin ni Ms. Ledesma na nakatingin ako sa likod niya na si Sir. Roger nga. Pagkatingin niya, pasmpleng sumipol si Sir. Roger na parang walang nangyayari bantaan kanina. Humarap ulit sa’kin si Ms. "Si Sir. Roger, may gusto? Anong gusto?" kitang-kita kong nagpapanic na si Sir. Roger. Wahahahha! Parang siyang pusang ‘di matae-tae! Sumuntok suntok siya sa hangin na parang sinasabi niya na gagawin niya kong punching bag mamaya. "Gusto... Gusto niya daw —”sumayaw!" sabi ko na lang out of the blue. Nakita ko namang namutla si Sir. doon sa sinabi ko. Eh ‘yun lang ang naisip ko eh, buti nga hindi ko sinabing gusto n’yang magtumbling. Mas weird ‘yon. "Sumayaw?" takang tanong sa’kin ni Ms. at halatang naweweirdan na siya sa’kin. Napatingin tuloy siya kay Sir. Roger. "Gusto mong sumayaw Sir.?" tanong niya at ang tingin niya ngayon kay Sir. Roger ay napakaweird din. "A-Ahhh.. Hehehehe... O-Oo... G-Gusto kong sumayaw...” sabi niya na pautal-utal tapos ay sumayaw siya ng sexy dance. `Yung pangmacho na pagiling-giling pa at feel na feel pa niya. "Wahahahaha! Wahah! Hahahaha!" ‘di na ako magkandaugaga sa pagtawa pero nararamdaman ko ang mga malakutsilyo n’yang tingin sa’kin. Lahat ng mga nakakakita sa kaniya ngayon, ito ang mga nakapinta sa mukha nila. He's totally out of his mind... He's insane... Mental Hospital na kailangan n’yan... Crazy! Psycho! Karimarimarim naman! Stupid idiotic p*****t! Kahiya-hiya! Kadiri! Yackkk! Wala na mga turnilyo ng utak nito. At kung anu-ano pa. Miski si Ms. Ledesma, gan’yan din ang nakapinta sa mukha niya. Oh! oh! Ultimate Turn off! "Hindi ko na aalamin kung bakit ka tumatawa kanina pero ngayong nakikita kong nakaP.E ka, ibig sabihin, nagkakaroon ka na talaga ng interes sa pag-aaral." tumingin na sa’kin si Ms. Ledesma at hindi na pinansin pa ang parang timang na nagsasayaw na si Sir. Roger sa likod niya. Nginitian niya ko tapos hinarap niya na ulit si Sir. Roger. Tumigil na si Sir. Roger sa pagsasayaw at halatang narealize niya na ang kahihiyang ginawa niya kanina dahil pulang-pula siya ngayon pati na ‘yung tenga niya ulit. Napakamot siya ng ulo na halatang hiyang-hiya. "S-Sige, Sir. Roger... Aalis na ako at may klase pa ako..." paalam ni Ms. sa kaniya. Tumango lang siya. Naglakad na palayo si Ms. at nang makalabas na ito tuluyan ng gym ay lumapit sa’kin si Sir. Roger at nilock sa braso niya ‘yung leeg ko. "Aray!" daing ko. Para niya kong nirewrestling ngayon. "Ikaw bata ka! Loko ka talaga! Muntik mo pa kong ilaglag ha! Tapos pinasayaw mo pa ko!" sabi niya habang sinasakal pa rin ako ng braso niya. "Accckkkk! Stop... Acckkkk!" nasasakal ako doon sa braso niya pero binitawan niya na rin ako agad. Habol ko ang hininga ko saka hinihimas ko ‘yung nasaktan kong leeg. "Ikaw naman kasi! Ang torpe mo eh ang tanda tanda mo na! Tsaka feel na feel mo nga rin ‘yung pagsasayaw mo dyan!" Inambahan niya ko ng suntok pero binelatan ko lang siya. "Makatorpe ka dyan eh ikaw nga ang mas torpe dyan! Tsaka hindi pa ko gan’ong katanda noh.31 lang kaya ako..." pahina na ng pahina ‘yung boses niya n’ong sinabi niya ‘yung edad niya. No’ng maisip namin pareho na pareho lang kaming torpe, napabuntong hininga na lang kami ng sabay na parang binagsakan ng langit at lupa. Nabalot kami ng aura of depression. Napatingin siya sa relo niya at ng makitang lagpas 10 minutes na eh pinabalik niya na kami sa gitna ng gym. Pinahiga niya na kaming lahat. May sapin naman ‘yung sahig na ‘yung para styro pero malambot. "Ang magkecurl ups muna ay ang mga babae. Babae sa babae at lalaki sa lalaki. Tutuunan ng kapartner n’yo ang mga paa n’yo para mas madali kayong makakapagcurls up. Maghanap kayo kung sinong gusto n’yong maging kapartner." paliwanag niya sa’min. Nagpartner partner na ‘yung mga babae. Napatingin ulit ako kay Winter. Nakatayo lang siya at hindi siya naghahanap ng kapartner niya. Mayamaya ay lumapit sa kaniya si Sophia. Kinausap siya nito at tumango naman siya. Mukhang sila na ang magkapartner. "Kayo namang mga lalaki. Dito kayo sa kabilang side magkecurls up mamaya." baling sa’min ni Sir. Roger. Nagsimula na ‘yung mga babae sa pagkecurls up. Kita kong mga hirap na hirap ‘yung iba. Si Winter naman ang tiningnan ko. Mukhang nadadalian naman siya doon sa ginagawa niya tsaka tinutulungan din siya n’ong Sophia umupo pag hindi niya kaya. Napangiti ako kasi kahit na nagkecurls up siya, expressionless pa rin. Lupet talaga. Nang matapos na ‘yung mga 1st batch na babae eh nagpalit na sila ng pwesto. `Yung mga nagkecurls up na kanina ‘yung tutuon ngayon sa mga paa n’ong hindi pa nagkecurls up. Nang matapos na sila ay pinagpartner partner naman kaming mga lalaki. Pero may problema... Odd kaming mga lalaki kaya may maiiwang isang walang partner. Ako, nakatayo lang ako dito at walang lumalapit sa’kin. Si Vincent, kapartner niya si Carlo tapos ‘yung iba, may kaniya-kanya ng mga kapartner. Ako na lang ang wala. Sinong partner ko?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD