Chapter 34

1606 Words
Chapter 34 - I am the Reason ~Russell~ Nagising ako ng may naririnig akong nagsasalita. "Opo Mr. Primo, ayos na po siya. Wag na po kayong mag-alala... Nasa clinic po siya ng school ngayon. Opo. Sige po, ako na pong bahala sa kaniya. Si Winter Vasquez po? Pasensya na po kung hindi namin nairereport ang mga nangyayari dito sa inyo. Ayaw lang po namin kayong abalahin sa mga gan’ong baga—”Po? Pasensya na po sa sinabi ko. Sige po, magrereport na po ako simula ngayon. Okay po, ipapakick-out ko na ‘yung anim na ‘yon dahil sa p*******t nila sa ilang mga estudyante dito. Sige po..." binaba na ni Sir. Roger ‘yung cellphone niya. Napahinga pa siyang malalim. Napatingin na siya sa’kin at alalang-alala namang lumapit sa’kin. "Oh! Russell! Buti at nagising ka na! Alalang-alala pa man din ako sa’yo!" niyakap niya ko. "Aray!" Nilayo ko siya sa’kin kasi nahawakan niya ‘yung sugat sa braso ko. "Ay! Sorry!" Napahawak ako sa ulo ko kasi may benda ‘yon tsaka naramdaman ko rin na may nakatali sa braso ko. Binendahan nila ‘yung braso kong nasugatan n’ong kalaykay pero n’ong mapatingin ako sa kabilang kama, andon si Vincent nakaupo sa may upuan at binabantayan niya ang natutulog na si Winter. Napatayo ako bigla kahit medyo hilo pa ko at lumapit ako kay Winter pero bago ako makalapit sa kaniya ay hinarang na ako ni Vincent. "Wag kang lumapit sa kaniya." matigas n’yang pagkakasabi pero hindi ako magpapatakot sa mga gan’yang style niya kaya hinawi ko siya at nilapitan ko si Winter. Wala pa rin siyang malay hanggang ngayon. Hinawakan ni Vincent ‘yung balikat ko para ilayo ako sa kaniya pero hindi ako nagpapadala sa hila niya. Napatigil kami parehas ng imulat ni Winter ‘yung mga mata niya. Dahil doon ay nagawa na ni Vincent na paalisin ako sa pwesto ko at lumapit siya kay Winter. Tinulungan niya siyang makaupo ng dahan-dahan. Napakuyom na lang ako ng kamao ko. "Ayos ka na ba? Masakit pa ba yang mga sugat mo?" alalang-alalang tanong ni Vincent sa kaniya. Siya naman ay blanko lang ang ekspresyong nakatingin sa kaniya pero n’ong mapatingin siya sa’kin ay nakita ko ang bakas nang sobrang pag-aalala niya sa akin. Pinilit n’yang tumayo mula doon sa kama niya saka lumapit sa’kin. Hindi ako gumagalaw sa pwesto ko habang nakatitig lang akong deretso sa mga mata niya. Napatingin siya sa benda ko sa ulo. "Sorry..." mahinang sabi niya na nakapakabog nang malakas sa puso ko. Parang natanggal lahat ng mga kutsilyong nakatusok sa dibdib ko sa sinabi niya lang na ‘yon. Nakita kong napakuyom ng kamao si Vincent. Bakit niya kelangang magsorry eh siya nga tong nasaktan dahil sa’kin. Ginawa ko lang naman ‘yon para turuan ng leksyon sila Kiel para hindi na nila galawin pa siya. "You don't need to say sorry... It's not your fault..." hinawakan ko ‘yung buhok niya na dati ay mahaba pero ngayon ay hanggang balikat niya na lang. Isa rin ito sa nangyari sa kaniya na ako ang may kasalanan. Inaatake na naman ako ng matinding guilt. Lumapit na si Vincent sa’min. "Winter... Ihahatid na kita sa inyo para makapagpahinga ka na nang maayos..." hinawakan niya ‘yung kamay ni Winter habang nakatingin siya rito. Tumango si Winter sa kaniya. Bago sila umalis pareho ay tumingin muna sa’kin si Winter. Iniwas ko lang ang tingin ko sa kaniya. Nakakabasag ng puso na makita silang dalawang magkasamang papaalis. "Mukhang inlove ka ah..." mapang-asar na sabi sa’kin ni Sir. Roger na kanina pa pala nandito at inakbayan pa talaga ako pero sinimangutan ko lang siya. "Okay lang ‘yan Russell lover boy. Marami pang babae dyang sa tabi-tab- Aray!" napaaray siya kasi siniko ko siya sa sikmura niya. Tiningnan ko siya ng masama. "Woaah! Wait lang! Nagjojoke lang ako. Ito namang lover boy natin oh! Pikunin! Wahahaha!" pang-aasar niya pa sa’kin. Napailing-iling na lang ako. "Ano nang nangyari kina Kiel at doon sa mga hinayupak n’yang kasamahan?" seryosong tanong ko sa kaniya kaya bigla rin siyang sumeryoso. Naalala ko kasi ‘yung narinig ko kaninang sinabi niya kay Dad sa phone na makikick-out sila Kiel. "Nakick-out na silang anim sa araw na ‘to dahil nanakit sila ng kapwa nila estudyante dito at gumamit pa sila ng mga bagay na pwedeng makapanakit talaga." Tinap niya ‘yung balikat ko. "Don't be so depressed dahil sa mga nangyari... Everything will be alright... Sige. Alis na muna ako. May klase pa ako eh." pagkasabi niya n’on ay lumabas na siya ng clinic at naiwan akong mag-isa dito. Napatingin ako sa orasan. 4 o'clock na pala ng hapon. Lumabas na rin ako. Pagkalabas ko, hinanap ko sila Winter pero mukhang nakaalis na nga talaga sila. "Nang dahil na naman sa’yo, nangyari na naman ‘to kay Winter! Hindi mo ba siya titigilan ha! Kulang pa ba ‘yung ginawa sa kaniya dati ng dahil sa’yo!" Biglang nagflash ‘yung sinabi sa’kin ni Vincent kanina. "Why did I do that to her?! A very simple question... Naalala mo pa ba ‘yung huling ginawa mong trash bago ‘yung robot na yon?" Naging gan’on si Kiel dahil sinaktan ko ang kuya niya. "Napansin ko na interesado ka kay Winter kaya naman naisip ko na siya ang gagawan ko ng masama para naman masaktan ka..." Napakuyom ako ng kamao ko. "Marami pang iba dyan na galit sa’yo... Hindi lang ako. Marami sila kaya wag kang magtataka kung tatargetin nilang mabuti si Winter dahil sa’yo! Poor Winter... Dahil sa’yo, sinasaktan siya ng iba!" Ngayon ay naninikip na naman ang dibdib ko. Tama silang dalawa. Ako ang punot dulo ng lahat ng ‘to kaya dinanas ni Winter ang mga paghihirap at kalupitan ng mga taong ‘yon. Hindi rin porket nakick-out na sila Kiel at Shin eh ayos na ang lahat at pwede na kong magpakampante. Marami pa rin sa school na ‘to ang galit sa’kin. Maraming gustong gumanti sa’kin dahil sa iba't-ibang dahilan. Pwedeng dahil katulad ung kay Kiel eh nilagay ko ‘yung kuya niya sa trashlist kaya nagtransfer out ito at dahil doon ay gustong n’yang gumanti sa’kin dahil sa nangyari sa kuya niya. Pwede ring inggit o kaya naman ay galit dahil sa pagiging hari ko dito sa school na ‘to. Maraming pwedeng maging dahilan para mangyari ulit ang mga bagay na ‘to kay Winter. Dahil sa pagiging malapit ko sa kaniya, siya na ang ginagawagan ng kung anu-ano para makaganti sa’kin ‘yung may mga galit sa’kin. Dahil lagi ko siyang pinapansin at kinaka-usap pati na rin lagi ko na siyang ipinagtatanggol kaya nahalata na ng lahat ang pagiging malapit namin sa isa’t isa. Hindi ko na yata matatanggap pa na maulit pa ito ng isa pa at danasin pa ‘to ulit ni Winter! I swore to myself that I will never let others to hurt her pero ako pa ‘yung nagiging dahilan para saktan siya ng iba. Siguro, kailangan ko munang lumayo sa kaniya so she will never be a prey again to those who has grudge on me. Even if it will hurt me... I will... Just to make sure that she is safe and happy... Umuwi na ako sa bahay at pagkakita sa’kin ni Manang Rosa, alalang-alala siya sa nakita n’yang benda sa ulo ko pero hindi ko na sinabi sa kaniya kung ano ba ‘yung mga nangyari dahil tinatamad akong magkwento sa kaniya. Masyado nang mahaba para sa’kin ang araw na ‘to at sobrang masama ang loob ko. Dumeretso agad ako sa may kama ko at pasalampak na humiga doon. Ang sakit ng likod ko pero hindi ko na ininda ‘yon. Nakatitig lang ako sa kisame. Nalala ko ‘yung picture namin ni Winter doon sa may Photobooth na pinuntahan namin n’ong Monday. Kinuha ko ‘yon sa may wallet ko. Inisa-isa ko ‘yon. Napapangiti ako sa bawat tingin ko bawat isang litrato pero ang pinakanagpasaya sa’kin ay ‘yung huling picture namin na nakangiti na siya. Nilagay ko ‘yon sa unahan ng wallet ko para kapag nalulungkot ako, titingnan ko na lang ‘yon at sigurado akong magiging magaan na ‘yung loob ko. Ibinaba ko na ‘yon at tumingin na ulit sa may kisame. May mga imaheng lumabas doon na masayang nag-uusap sila Vincent at Winter. Masaya silang kumakain at hinahatid sundo siya ni Vincent sa bahay niya. Unti-unting may mga pumatak na luha sa gilid ng mga mata ko at marahas kong pinunasan ‘yon pero meron pa ring mga tumutulo. Kung iiwasan ko siya, si Vincent ang palagi n’yang kasama at hindi ko yata kayang makita na palagi silang magkasama at masaya pero kung ako ang makakasama, palagi naman siyang sasaktan ng ibang tao dahil sa’kin. Hindi ko maaatim na gan’on ang mangyari kaya kahit masakit sa’kin, kakayanin kong ipaubaya siya kay Vincent. I know Vincent can give her happiness more than me. All I need to do is to avoid her. Kahit hanggang tingin na lang, pagtyatyagaan ko basta alam kong hindi na siya masasaktan pa ng ibang tao.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD