~Gino~ Nagsisimula nang magtherapy si Winter kasi inadvice ‘yon ng doctor sa kanya. Tinutulungan ko siyang mag-excercise araw-araw ng katawan niya kasi 2 months siyang hindi gumagalaw kaya nagkaron ng stiffness yung mga joints niya pero di naman sobra. Dahan-dahan lang yung pagtetherapy sa kanya para di mabigla yung katawan niya. Lagi rin siyang pinagluluto ni Mom ng mga masusustansyang pagkain para lumakas na yung katawan niya. Para lang akong linta sa kanya na hindi maihiwalay pero nung kinabukasan nung araw na gumising sya, tinanong niya sakin kung nasaan si Maxine. Kung anong nangyari sa ate niya at kung ligtas sya. Wala akong maisagot sa kanya at halata kong sobrang disappointed siya dahil wala ang ate niya pero ginawa ko ang lahat at inaliw ko siya sa ibang bagay kaya naman ka

