~Gino~ "W-Winter..." tawag ko sa pangalan niya at doon pumatak ng sabay ang mga luha ko. Nakatingin lang siya sakin. Hinakbang ko na ang mga paa ko para lapitan siya at yakapin. "Sino ka?" Napatigil ako at nanlaki ang mga mata ko sa narinig kong tanong niya. Parang tumigil rin ang pag-inog ng mundo ko sa dalawang salitang tanong niya na ‘yon. Hinawakan ko agad ang mga kamay niya. Ang init ng kamay niya ngayon hindi tulad dati na malamig. "Ako to Winter... siGino. Hindi mo ba ko naaalala?" desperadong tanong ko sa kanya. "Gi..no?" sabi niya na parang hindi talaga ako nakikilala. Dahil don ay niyakap ko siya ng mahigpit. I bursted into tears. Nagsimula ring may kumirot sa puso ko. "Please... Gawin mo na sakin ang lahat, wag lang to. Ayokong mawala sa memorya tungkol sating dala

