Chapter 66 - Good Deed A week later... ~~~Maxine~~~ Naglalakad ako sa parking lot para umuwi na. Kakaunti na lang ang mga kotseng nakapark dito kasi nagsiuwian na ang marami. Hawak ko na ang susi ng kotse ko at pinuntahan ko na ‘yon. "Ano Cristine?! Hanggang kailan mo ba ako paghihintayin?" narinig kong sigaw ng isang lalake kaya napatingin ako sa direksyon non. Isang lalakeng mukhang gangster ang nangkocorner sa isang babae na empleyado nitong company. Halatang takot na takot yung babaeng ‘yon habang yakap yakap ang bag niya. "Parang awa mo na. Huwag mo kong sasaktan." paki-usap niya dun sa lalake. Hindi ko na lang pinansin ang nangyayaring iyon at naglakad na ulit papunta ng kotse ko. I don't know them that's why I don't care. Bubuksan ko na ang pinto ng kotse ko nang... "Gu

