Chapter 67 - Presentation Board of Meeting... ~~~Gino~~~ Magsisimula na ang meeting at dumating na yung mga board members pati si Dad. Lahat sila mga nakasuit at maawtoridad na maawtoridad talaga silang tingnan. Isa lang ang babae sa kanila at matanda na rin ‘yon. Tsk! Tumanda sa sobrang stress sa mga business nila. Ayokong maging katulad nila. Si Maxine naman eh kanina pa siya nasa loob at ginreet niya ang lahat ng dumating na mga board members. Hindi niya suot yung salamin niya at nakapusod ng maayos yung buhok niya. Malinis na malinis siyang tignan suot ang pulang blazer niya at black naman ang panloob na shirt na suot niya. Nakaslacks siya at presentableng presentable. Halatang pinaghandaan niyang mabuti ang araw na to. Tiningnan ko yung monitor sa harap ko at nakikita ko

