Chapter 56 - Pain of Rejection ~Winter~ "Mahal kita! Can I court you?" tanong ni Vincent sa’kin na sobrang kinatatakutan kong marinig. Ngiting-ngiti siya at kitang-kita ko na ninenerbyos siya sa magiging sagot ko. Sinasabi ko na at darating din tong araw na ‘to na sasabihin niya sa’kin ‘to pero ito ang pinaka-ayokong mabuksan sa’ming dalawa. Ayokong saktan siya pero hinding-hindi ko naman gagawin na paasahin siya dahil hindi ko lang siya masasaktan, pagmumukhain ko lang siyang tanga. Ayoko nito. Gusto ko nang tumakbo paalis pero hindi naman pwede. Hindi ko na alam ang gagawin ko! Napansin ko na napansin niya rin ang pagkagulo ng isip ko kasi nangunot ang noo niya. "Sorry Winter kung binigla kita. Alam kong malaki ang tsansa na masira ang pagkakaibigan natin dahil dito pero hindi

