Chapter 55 - Confession (Music playing - Thousand Years by Christina Perri) ~Vincent~ Nasa may dance floor na kami ni Winter. Kahit kinakabahan ako, itutuloy ko pa rin ‘to kaysa naman habang buhay kong pagsisihan ang hindi ko pagsasabi sa kaniya ng nararamdaman ko. Nang makahanap kami ng magandang pwesto ay doon na kami tumigil dalawa. Hinarap ko siya at nakatingin lang kami sa isa’t isa at ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Napakaganda niya sobra. Nahihiya pa akong ilagay ‘yung kamay ko sa bewang niya pero ginawa ko na. Hindi ako pwedeng unahan ng hiya! Ngayon pa ba?! Kelangan kong umakto ng normal sa kaniya. Nilagay niya na rin ‘yung kamay niya sa balikat ko at hindi pa rin namin inaalis ang tingin sa isa’t isa. Ayaw niya talagang matalo sa titigan. Sumusunod lang kami sa himig

