Chapter 54 - Dance ~Tagapagsalaysay~ "Wow! That was a very wonderful and a very rock performance for the night, Heart Throbber Band! Talagang napathrob n’yo nang sobra ang puso namin at napahiyaw n’yo ng walang humpay ang ating mga audience! Wow talaga! At ang hot pa ng lead singer n’yo ha,” sabi ng lalaking emcee sa grupo nila Winter na pababa na papuntang backstage. "Ehem! So... Ayun na nga po ang lahat ng performers natin ngayong gabi. Nag-enjoy ba kayo?" tanong niya sa mga audience. Naghiyawan naman ang mga ito. "Malalaman natin kung sino ang mananalo sa ating mga performers mamayang 12 midnight at bibigyan natin sila ng mga Awards so for now, the dance floor is open for those who wants to dance with their partners." naghiyawan muli ang mga estudyanteng sabik na sa pagsasayaw sa d

