Chapter 27

3231 Words
Chapter 27 - My Fault ~Russell~ Lumapit kina Winter ‘yung tukmol at kasama na n’on si Shin. Napatingin ako sa kay Shin. Tumingin rin siya sa’kin sabay ngisi. `Yung ngisi niya na ngising aso. Biglang nagdilim na naman ‘yung paningin ko. Siya pala ang may pakana ng lahat ng ‘to! Kumulo bigla ang dugo ko. Kusa nang gumalaw ang katawan ko at pagkalapit na pagkalapit ko sa kanila ay sinuntok ko agad ‘yung tukmol na nanggupit sa buhok ni Winter kaya napahiga siya. Susugod na dapat ‘yung mga kasama niya sa’kin pero... "Wag kayong mangialam! Laban nila yan!" sigaw ni Shin sa kanila. Tatayo pa sana tong tukmol na ‘to pero sinipa ko ‘yung sikmura niya kaya namilipit siya sa sakit. Pinaibabawan ko siya saka ko pinagsusuntok ‘yung mukha niya. "Ito, para kay Winter!" sabi ko sabay suntok sa mukha niya. "Ito, para sa pagpatid mo sa kaniya!" sumuntok ulit ako. "Ito, para sa pagsabunot mo sa kaniya!" suntok ulit. "At ito, para sa paggupit mo sa buhok niyaaa!" sigaw ko hanggang sa hindi ko na siya tinigilang suntukin hanggat may malay pa siya. Galit na galit ako! Nandidilim na ang paningin ko at parang gusto ko na talagang butasin ‘yung mukha niya! Nang wala na siyang malay ay tumayo na ako. Puro dugo ‘yung kamay ko. Ang tahimik. Lahat, hinihintay kung anong sunod kong gagawin. Hinarap ko si Vincent na nakayakap pa rin kay Winter. "Get her out of here." seryosong sabi ko sa kaniya. Seryoso siyang nakatingin sa’kin. "Winter, tara na." baling niya kay Winter. Pagtingin ko kay Winter, nakatingin lang siya sa’kin. Wala na namang emosyon ang mga mata niya pero napatingin ako sa buhok niya, lalo akong nakaramdam ng galit. Ang ikli ikli na n’on. Nang papaalis na sila ay haharangin pa sana sila n’ong iba pang mga lalaki pero pinagsasapak na ni Vincent ang mga ‘yon. Nang makaalis na silang dalawa ay naglakad ako papunta kay Shin. Lahat ng humaharang sa daan ko ay pinagsususuntok ko nang malakas. Namamanhid na ‘yung kamao ko pero wala akong pakialam. Nang maubos ko na lahat n’ong mga kasamahan niya ay hinarap ko si Shin. Ngayon lang ako nagalit ng ganito. Parang gusto kong pumatay ng tao. I can't think straight... All I want is to kill this bastard in front of me! Tiningnan ko siya, mata sa mata. "I told you, I'll destroy everything you have." seryoso n’yang sabi sa’kin saka ngumisi na parang nang-aasar. "Now, you've done it!" sabi ko sabay suntok sa mukha niya nang sobrang lakas! Maisip ko palang ‘yung ginawa n’ong kasama niya kay Winter ay parang gusto ko nang basagin ‘yung bungo niya! Anger! I am filled with so much anger! Hindi ko na mapigilan ‘yung sarili ko. Hindi ko siya tinigilan sa pagsuntok habang nakatayo siya at nagdudugo na ‘yung mukha. Hindi ko na makontrol ang sarili ko. Para ko na talagang gustong patayin ang isang ‘to pero nang susuntok pa sana ako ay may yumakap mula sa likod ko kaya napatingin ako kung sino ‘yon. Si Winter. Bakit siya nandito? Dapat inilayo na siya ni Vincent dito ah. Habang nakatingin ako kay Winter ay biglang tumakas papaalis si Shin. Hahabulin ko pa sana siya pero pinigilan ako ni Winter. Nakayakap lang siya sa likod ko. "Tama na..." mahinang sabi niya at narinig ko ang panginginig ng boses niya. Natatakot siya. Natatakot siya sa’kin. Yumuko na lang ako. Nang humiwalay na siya sa pagkakayakap sa likod ko ay hinarap ko siya. Nakita kong nasa likod niya si Vincent na malamig na nakatingin sa’kin at may dugo na umaagos sa gilid ng noo niya. "Bakit siya nandito? Diba sinabi ko ng ilayo mo siya dito." seryosong akong nakatingin sa kaniya. Hindi siya sumagot at parehas kaming napatingin kay Winter nang kunin niya ‘yung kamay ko. Puro dugo na ‘yon at may sugat din doon. Bakit gan’on? Wala akong maramdamang sakit? Mas masakit pa ‘yung nararamdaman ko ngayon sa puso ko. Nakatingin lang ako sa nag-aalala n’yang mukha. Lumambot ang expression ko pagkakita lang n’on. Concern siya sa’kin. May kinuha siya sa bulsa ng palda niya at ng makita ko kung ano ‘yon ay isang panyo. Dahan-dahan n’yang pinunasan ‘yung mga dugo sa kamay ko pero nang makita kong may dugo ring umaagos sa gilid ng noo niya ay kinuha ko ‘yung kamay ko sa pagkakahawak niya at hinawakan ko ‘yung noo niya. "You're bleeding!" sabi ko na alalang-alala. Mukhang kahit yakap siya ni Vincent kanina ay tinamaan pa rin siya ng bato. Hinawakan ko ‘yung kamay niya at hinila ko siya para dalhin sa clinic pero hinawakan rin ni Vincent ‘yung isa pa n’yang kamay. Napatingin naman kami pareho sa kaniya. "Ako na ang magdadala sa kaniya doon. Tutal naman, ikaw ang may kasalanan ng lahat ng ‘to." malamig na nakatingin siya sa’kin. Natigilan ako sa sinabi niya. Parang tumusok ang bawat salitang sinabi niya sa dibdib ko. Napayuko ako. "Tutal naman, ikaw ang may kasalanan ng lahat ng ‘to." "Tutal naman, ikaw ang may kasalanan ng lahat ng ‘to." "Tutal naman, ikaw ang may kasalanan ng lahat ng ‘to." Paulit-ulit na ume-echo sa isip ko ‘yung sinabi ni Vincent. Tama siya. Hindi mangyayari ‘to kung hindi dahil sa’kin. Dahil ginawa ko siyang trash at dahil galit sa’kin si Shin kaya nangyari ‘to. Dahan-dahan kong binitawan ‘yung kamay ni Winter. Ni hindi ako makatingin sa kaniya. Nahihiya ako sa kaniya. Hindi pala... Ayoko kasing makita niya ang sobrang guilt at pagsisisi sa mga mata ko kaya hindi na ako tumingin sa kaniya. Umalis na silang dalawa at naiwan akong nakayuko doon. She was hurt because of me. Pinagtulungan siya kasi akala nila, girlfriend ko siya. Ginamit siya para gantihan ako. Ako ‘yung gusto nilang gantihan pero siya ‘yung sinaktan nila. Bakit kailangang umabot ang lahat ng ‘to sa ganito? I can't take this! I don't want to be the reason why she was hurt but I can't change the fact that it was really me why this happened to her. I feel my heart is cracking inside. It's is very aching but I snapped these thoughts. I shouldn't be weak! I should not think like this! I can do something to make this not happen again. Nagbubulungan ‘yung mga estudyante na nakikiusyoso at nakibato ng bato kanina. Tiningnan ko sila and I glared to them. "Lahat ng may hawak ng bato at bumato kanina, magsorry kayo kay Winter!" sigaw ko sa kanila. Naiinis ako sa sarili ko. Ako ang nagsimula nito pero ngayon, pinagsisisihan ko na sinimulan ko ba ang bagay na katulad nito. "From now on, hindi n’yo na pwedeng saktan si Winter Vasquez!, ang robot ng campus na ‘to. I am now removing her from the trashlist kaya kung sino pang mangahas na saktan o pagsabihan man lang siya ng masama ulit, hide yourself before I kill all of you!" galit na galit na sabi ko sa kanila. Lalong umugong ang bulungan nila. Bigla namang may pumalibot sa kanilang mga nakablacksuit. Nagulat ang lahat dahil hindi namin alam kung saan nagsisulputan ‘yung mga nakablacksuit na ‘yon. Sobrang dami nila. Hinahawakan nila kung sino ‘yung may mga hawak na bato at ‘yung mga bumato kanina. May mga sumusubok pang tumakas pero nahuhuli agad nila. Teka, parang kilala ko tong mga ‘to. To ‘yung mga bodyguard ni... "You're my son indeed." biglang sabi ng isang pamilyar na boses sa likod ko kaya napatingin ako doon. "Dad?" gulat kong tawag ko sa kaniya. "What are you doing here and why are your bodyguards here? At sobrang dami pa nila,” sabi ko sa kaniya. "Hahaha... Bakit parang takang-taka kang nandito ako eh pagmamay-ari ko tong school na ‘to." nakatawa n’yang sabi. "No. It's not that. Nagtataka lang ako kasi hind—”naputol ‘yung sinasabi ko n’ong biglang tumawa ulit siya. Nababaliw na ba ‘to sa sobrang katatrabaho? "Hahaha.. Ikaw naman... Nagbibiro lang ako. I am here because I want to check and see someone... ah ... I mean something important tsaka ‘yan bang mga bodyguards ko? Nakita ko kasi ang nangyaring pambabato ng mga bato kay Winter kanina kaya tinawagan ko ang ilan sa kanila,” sabi niya na natatawa. Ilan sa mga bodyguards niya? Sobrang dami kaya! Pero nagtaka ako ng maisip ko kung pano niya banggitin ‘yung pangalan ni Winter. Parang matagal na silang magkakilala tsaka ‘di ko naman nabanggit sa kaniya ‘yung pangalan ni Winter kahit kelan. Naalala ko ‘yung sinigaw ko ‘yung pangalan ni Winter kanina. Naisip ko na baka doon niya nalaman. "Eh ano nang mangyayari sa mga yan?" tanong ko na lang sa kaniya kasi nagkakagulo na dito gawa n’ong mga nakablacksuit na mga lalaki. "Dadalhin lang naman nila ‘yung mga nahuhuli nila sa Detention Center para madisiplina sila doon." "Eh pano kung magreklamo mga magulang ng mga yan?" "Don't worry son. I can handle it. May ginawa silang hindi maganda kaya dapat lang na dalhin sila sa DC at tandaan mo, hindi naman tayo ang naghahabol sa kanila. Sila ang naghahabol sa school natin dahil ito ang no.1 elite school dito sa bansa." proud na proud n’yang sabi. "Talaga lang ha,” sabi ko na lang sa kaniya. Alam ko na tuloy kung kanino ako nagmana sa kayabangan. "Son, ang hina mo naman pala sa babae. Naunahan ka pa kanina doon sa best part. Dyan tuloy kita maitatanggi sa pagiging isang Primo mo. Hahahah!" nang-aasar at patawa-tawa n’yang sabi niya. Napasimangot naman ako doon sa sinabi niya. Eh kung hambalusin ko kaya ‘to ngayon? Kita na ngang nagiguilty ako sa mga nangyari eh! Mayamaya eh may lumapit sa’king nakablacksuit at hinawakan ako sa braso ko. No’ng problema ng isang to? ‘Di niya ba ko kilala? "Sir. Dadalhin din po ba namin siya?" tanong niya kay Dad. Napatingin naman ako kay Dad na ngayon ay nakatingin sa malayo. "Go on,” sabi ni Dad na ikinanganga ko. "Teka lang! Anong ibig sabihin nito?! Bat pati ako kasama?!" ‘di makapaniwalang tanong ko sa kaniya. "Kailangan mo ring dalhin sa Detention Center. Tingnan mo nga ang ginawa mo sa kanila. (Sabay tingin doon sa mga kasamahan ni Shin na niknock-out ko kanina.) Kung hindi ka pa pinigilan ni Winter kanina, baka napatay mo na sila,” sabi niya. "Kung makaWinter ka dyan, kala mo naman, close kayo,” sabi ko sa kaniya at nakita ko naman na medyo nanlaki ‘yung mga mata niya. Nu naman kayang problema nito ngayon? "Ehem!" tikhim niya. "Kahit na anak kita, kailangan mo pa ring pumunta sa Detention Center. Unfair naman ‘yon sa iba, hindi ba?" sabi niya pa ng nakangiti. "Pero bago mo siya dalhin doon, ipapagamot muna natin ‘yung kamay niya sa clinic,” sabi niya doon sa nakahawak sa’king nakablacksuit sabay tingin sa kamay ko. "Tss! Wag na. I don't need it,” sabi ko na lang at sumama na doon sa nakablacksuit. ~Vincent~ Nasa clinic kami ngayon ni Winter. Binebendahan na ng nurse ‘yung ulo ko kasi marami akong sugat na nakuha doon sa mga pinagbabato sa’min kanina tsaka ‘yung mga ilang sugat ko sa katawan eh nagamot na rin nila. Si Winter naman ay nilagyan lang ng band aid ‘yung sugat niya sa gilid ng noo at ginamot na rin ‘yung sugat niya sa tuhod dahil doon sa pagpatid sa kaniya kanina. Buti naman at ‘yun lang ang mga natamo n’yang sugat. Napatingin ako sa buhok niya. Hanggang balikat niya na lang iyon na dati ay hanggang bewang niya. Napakuyom ako ng kamao ko. Kung hindi sa Russell na yon, hindi sana mangyayari kay Winter ‘to! Tama na ‘yung masakit na naranasan niya noon. Ayoko nang makaranas pa siya ng kung anu-ano na masasama. Ang gusto ko ay maging masaya siya at maibalik ang dating siya. Nang tapos nang bendahan n’ong nurse ‘yung ulo ko ay tumayo ako at umupo sa tabi niya. Tahimik lang siyang nakaupo sa kama niya. Lumabas na ‘yung nurse kaya kaming dalawa lang dito ngayon. Tumingin ako sa mukha niya pero wala akong makitang emosyon doon. Hindi ko akalain na sa loob lang ng halos apat na taon ay ganitong kalaking pagbabago na ang makikita ko sa kaniya. Hindi na siya tulad ng dati. Masiyahin at laging nakangiti. Nakatitig lang ako ngayon sa kaniya. Gusto kong makita ‘yung mapag-alalang mga mata niya. `Yung matatamis n’yang ngiti o ‘yung kakulitan niya. Asan na ‘yung mga yon? Nagulat ako nang tumingin siya sa’kin. Nakatingin lang kami sa isa’t isa. Dahan-dahan n’yang hinawakan ‘yung mukha ko. Napapikit ako dahil sobrang miss na miss ko na ang mga haplos n’yang ‘to. Hinawakan ko ang kamay niya. "Sorry for leaving you alone... Sorry for not being with you in your roughest times..." mahinang sabi ko sa kaniya at tumulo ang mga luha ko. Numulat ako at nakita ko siyang nakangiti. Ang mga ngiting ‘to... Ang mga ngiting ‘to na hinahanap-hanap ko araw gabi n’ong nasa New York pa ko. `Yung mga ngiti lang na to, masaya na ako. Niyakap ko siya. Kung pwede lang na wag ko na siyang pakawalan. Humiwalay na siya sa yakap ko. Hinawakan ko rin ang pisngi niya. Mas maganda na talaga siya ngayon. Nagulat kami parehas nang may biglang pumasok. "Sabi ng hindi ko na kailangan magpagamot dib—”naputol sa pagsasalita si Russell nang makita niya kaming dalawa. Ibinaba ko na ‘yung kamay ko na nakahawak kanina sa pisngi ni Winter. Nagkaroon ng maikling katahimikan sa’min... "Sorry to bother both of you. Don't worry, hindi naman ako magtatagal." malamig na sabi niya sa’min. Pumasok na ‘yung nurse at siya naman ay umupo doon sa may isang upuan. Bumaba na ng kama si Winter at lumabas na ng clinic. Napatingin kami parehas sa kaniya. Tumayo bigla si Russell kahit hindi pa siya tapos gamutin n’ong nurse at lumabas na. Lumabas na rin ako. ~Russell~ Hindi ko maipaliwanag kanina ‘yung naramdaman ko n’ong makita ko sila Winter at si Vincent. Pakiramdam ko, gusto kong suntukin si Vincent para mailayo ko siya kay Winter pero pinigilan ko lang ang sarili ko. Nang lumabas si Winter ay lumabas na rin ako. Gusto kong magsorry sa kaniya sa nangyari kanina. Nang makita ko siya ay tumakbo ako para habulin siya. Nang maabutan ko na siya ay tumigil ako sa harapan niya. Magkaharap lang kami ngayon. Marami akong gustong sabihin pero walang lumalabas sa bibig ko. Napatingin ako sa buhok niya. Hanggang balikat niya na lang ‘yon at magulo rin ang pagkakagupit doon. Hinawakan ko ‘yon ng dahan-dahan. Mayamaya ay ibinaba ko na rin ang kamay ko. "Sampalin mo ko." tumingin ako nang deretso sa mga mata niya. "Kahit ano, gawin mo. Wala akong pakialam,” sabi ko pa sa kaniya na seryosong-seryoso. Hindi siya gumagalaw. Blanko lang din ‘yung ekspresyon niya. Kinuha ko ‘yung kamay niya at pilit ko yong isinasampal sa mukha ko. "Sampalin mo ko! ‘yung malakas! ‘yung makakaganti ka sa’kin sa lahat ng ginawa ko sa’yo!" Binawi niya ‘yung kamay niya sa’kin at nakatingin pa rin lang sa’kin. "Kung hindi mo ‘yon gagawin—" hindi ko na natapos ‘yung gusto kong niyakap ko siya. Punong puno na ‘yung pakiramdam ko ng kung anu-anong emosyon. Ang sakit na n’on at parang nakabara sila sa dibdib ko dahil hindi ko makahinga. My tears started to fall. Tahimik lang siya habang yakap ko siya. "Sorry... I'm really sorry... Ako ang nagpasimula ng lahat ng ‘to kaya nangyari ‘yon sa’yo kanina. Sorry... Sorry talaga..." sincere na sabi ko sa kaniya habang hinahaplos ko ang likod ng ulo niya. Binaon ko ang mukha ko sa balikat niya. Mas niyakap ko pa siya. Sobrang nagiguilty ako sa mga nangyari kanina. Pano pala kung hindi kami sumunod sa kaniya ni Vincent? Baka kung ano na ang nangyari sa kaniya. "Wag kang mag-alala. Kung noon, ako ang villain sa buhay mo, ngayon, magpapakasuperman na ako para lang protektahan ka." bulong ko sa kaniya. Mayamaya ay niyakap niya rin ako at tinapik-tapik ‘yung likod ko nang mahina. Parang nawala ‘yung guilt na nararamdaman ko kasi parang sinasabi n’yang hindi naman siya galit sa’kin. Humiwalay ako sa pagyakap sa kaniya nang may narinig kaming nagsalita. "Sir. Kailangan n’yo rin pong pumunta sa Detention Center,” sabi n’ong kasama kong nakablacksuit kay Vincent na ngayon ay nakatayo malayo sa’min at nakatingin lang sa’ming dalawa. Nakita ko sa mukha niya na parang malungkot siya na ewan. Mayamaya ay umalis na siya. Pinunasan ko na ‘yung mga mata ko. Lumapit naman sa’kin ‘yung nakablack suit na kumausap kay Vincent. Tumayo lang siya medyo malapit sa gilid naming dalawa na parang hinihintay ako. "Ihatid mo siya sa bahay niya." utos ko sa kaniya. Tumango naman siya. Tumalikod na ako at naglakad papunta sa Detention Center. Hindi ko na nilingon pa si Winter. Kasi napakalaki pa rin nang guilt na nararamdaman ko. Ngayon, may napagtanto ako sa araw na ‘to. Sisiguraduhin ko na hinding-hindi na ‘to mauulit pa. I'll protect her no matter what and I will not let her cry again. ~Winter~ Nang ihatid na ako nitong lalaking nakaitim sa isang kotse, pumasok ako doon at doon ako umupo sa likod ng driver's seat. Nakatabi ko ang isang lalaking pamilyar na pamilyar sa’kin. Ang lalaking nagpasok sa’kin sa school na ‘to. Umandar na ang sasakyan. "Ayos ka lang ba iha? Nagamot na ba ang mga sugat mo?" tanong niya sa’kin. Tumango naman ako sa tanong niya. "Mabuti naman kung gan’on...” sabi niya pa. "I apologize for what my foolish son has done ‘to you. Nalaman ko kasi na siya ang nagpasimula ng pambubully sa’yo pero mabait naman na bata ‘yon. Intindihin mo na lang siya iha ha." nakangiting sabi niya. Tumango lang ako. Pagkatapos ng huli n’yang sinabi ay nagkaroon na ng katahimikan. Nang makarating na kami sa tapat ng bahay ko ay bumaba na ako. "Mag-iingat ka parati iha ha. Kung may kailangan ka, lumapit ka lang sa’kin at hinding-hindi ko hihindian yon,” sabi niya habang nakangiti sa’kin. Tumango lang ulit ako at isinara na n’ong driver niya na nasa labas ngayon ‘yung pinto. Pumasok na ito sa kotse at umandar na paalis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD