Chapter 26

1633 Words
Chapter 26 - Her Hair 5 days later... ~Russell~ Pagpasok ko sa room, lahat nagtetest. Mukhang exam namin ngayon. Kung gusto n’yong malaman kung anong nangyari n’ong nakaraang limang araw, eto. Flashback... Kinabukasan n’ong mangyari ‘yung pagpapaunahan namin ni Vincent na hanapin si Winter, umabsent ako ng dalawang araw. Ewan ko ba. Basta, masama ‘yung loob ko kay Winter kasi doon sa pagsagot niya kay Vincent. Ako, bago ko pa marinig ‘yung boses niya, nag-away pa kami eh siya tinanong lang, sumagot na agad. Kung ‘yung dahilan niya eh magkababata kasi sila, hindi counted ‘yun! Basta para sa’kin, hindi counted ‘yun! Dalawang araw akong nagkulong sa kwarto ko at puro games ang pinagbuhusan ko ng pansin. Kinabukasan n’on, pumasok na ako. Para kasing naatat akong pumasok kasi gusto kong makita si Winter... Ewan ko ba sa sarili ko, palagi ko na siyang gustong makita... Pagpasok ko, nakita kong nag-uusap sila Winter at Vincent. Patawa-tawa pa ‘yung gago.... Naglakad na ako papuntang upuan ko at padabog na umupo doon. Naririnig ko na nagkekwento si Vincent n’ong mga pangyayari sa kanilang dalawa n’ong bata pa sila. Tss! Past is past! "Ehem! Ehem!" tumikhim ako pero patuloy pa rin sa pagkekwento si Vincent"Ehem! Ehem!" mas nilakasan ko at lahat ng mga kaklase ko, sa’kin napatingin. Pumasok na si Ms. Ledesma kaya tumingin na ulit sila lahat sa unahan. Buong araw, nandon lang ako sa upuan ko. Naririndi na nga ko kay Vincent sa kakakausap kay Winter. Si Winter naman, tango lang ng tango sa mga sinasabi niya pero halata ko sa kaniya na masaya siya. Dapat pala hindi ako umabsent ng dalawang araw para hindi sila nagkaroon ng mas maraming oras sa isa’t isa. `Yung two days na natira eh Saturday and Sunday na ‘yon... Nabalik ako sa kasalukyan ng kumaway-kaway sa’kin ‘yung teacher ko. "Are you okay, Mr. Primo?" ‘di ko na siya pinansin at maglalakad na sana ako nang makita ko na nakatulala sa’kin ‘yung apat na babaeng kinaaasaran ko at nakita ko rin ‘yung Shin malapit sa kanila. Tumingin siya sa’kin at ngumisi. Aba! Buhay pa pala tong gagong ‘to! Ito ‘yung sinipa ko dati sa sikmura na sabi sa’kin eh he will destroy everything that I have... I know it was only his bluff to escape from embarrassment dahil walang kahirap-hirap ko siyang pinatumba. Tss! Ego. Nakita ko rin na busy sa pag-eexam si Vincent at sa likod niya ay si Winter na kalmadong-kalmado lang sa pagsasagot ng test paper niya. Tinuloy ko na ‘yung paglalakad ko papunta doon sa upuan ko pero bago ako pumunta doon eh nanghablot muna ako ng ballpen sa kung sinong pwedeng mahablutan. Wala kasing laman ang bag ko kahit na ballpen kaya nanguha na lang ako. Style lang ‘yung bag na dala ko para cool akong tingnan. Umupo na ako sa upuan ko at tiningnan ko ‘yung katabi ko. Aba... Mukhang patapos na siya ah. Binigyan ako ng subject teacher ko ng questionnaire at ‘yung answer sheet. Shineydan ko na lang lahat ng letter a. Tinatamad akong magbasa eh. Alam ko na rin naman lahat ng mga ‘yon. Nang matapos ko na ay sabay sabay kaming magpasa nila Winter at ni Vincent. Nagkasukatan pa kami ng titig ni Vincent bago kami umupo. Mga ilang minuto ang lumipas ay halos lahat na ay nakapagpasa. Halos lang kasi si hindi pa tapos ‘yung si Carlo sa pagsasagot. Stupid! Mayamaya ay nagpasa na rin siya. Buong maghapon ay gan’on lang ang ginawa namin. Nagsagot lang kami ng nagsagot ng mga exam namin kada subject. Nakakayamot! Ang ginawa ko na lang para sagutan ‘yon ay shinade ko lang lahat ng letter A sa lahat ng subject. Last subject na namin ngayon. Haaaayyy! Bakit ba kasi may nauso pang ganito? Iba na ang ginawa kong pagsagot dito sa last subject namin, bale ang lahat naman ng shinade ko dito ay letter B para maiba naman... Nang makapagpasa na kami lahat ay... "Ms. Vasquez, pwede bang dalhin mo tong mga answer sheet n’yo sa office ko?" sabi n’ong teacher namin na nagbabantay sa’min pagkalapit niya kay Winter. Tango lang naman ang sagot niya sa kaniya. Ibinigay na sa kaniya n’ong teacher namin ‘yung mga answer sheet saka lumabas na siya. Napatingin naman ako kay Vincent. Tumayo rin siya at lumabas ng classroom kasabay ng pagtayuan ng mga kaklase ko para umuwi na. Dinismiss na kasi pala kami. Sumunod ako sa kaniya. Naabutan ko siya habang pababa ng hagdan kasi nga nasa third floor ang room namin. Napatingin siya sa’kin. Tumingin rin ako sa kaniya pero nginisian ko lang siya. Nang napadaan kami sa may terrace ng second floor ay napatingin ako sa baba at nakita ko si Winter na naglalakad kaya napangiti ako. Tumigil din si Vincent at dumungaw din doon sa baba pero tatakbo na sana ako paalis nang biglang makarinig ako ng naghiyawan kaya napatingin ulit ako doon sa baba. Hindi pa rin umaalis si Vincent dito sa may terrace. Mukhang nakuha din ang atensyon niya ng mga hiyawan sa baba. Nagulat kami parehas nang makita namin na pinatid si Winter n’ong isang lalaki na mukhang gangster. Hindi ‘yon estudyante dito dahil hindi naman siya naka uniform. "Bullsh*t!" "F*ck!" napamura kami ng sabay ni Vincent. Napababa kami parehas na nagmamadali. ~Tagapagsalaysay~ May iba pang mga lumapit kay Winter na mukhang mga kasamahan n’ong pumatid sa kaniya at hindi rin sa Primo High nag-aaral ang mga ‘yon. Nagliparan ‘yung mga papel na hawak niya at nagkalat ‘yon sa daan. Pinulot n’ong pumatid sa kaniya ‘yung isang papel sa paahan nito at binasa nang malakas ‘yung pangalan na nandon. "Winter Vasquez!" Sino to?! Ikaw ba to?" sigaw n’ong lalaki na ‘yon sa kaniya saka sinabunutan nito ang buhok niya. ~Russell~ Pagkababa namin parehas ay nakita naming may isang nerd na nagbigay ng gunting doon sa gangster na nakasabunot kay Winter na muka namang tukmol. Pagkabigay niya ay sinipa na ‘yung nerd na ‘yon palayo n’ong isa doon sa mga gangster. "Gino Russell Primo! Kung sino ka man, panoorin mo tong gagawin ko sa girlfriend mo!" sigaw n’ong tukmol na ‘yon habang nakasabunot pa rin kay Winter. Nanlaki naman ang mga mata ko. Susugod na dapat ako pero... "Waaaaaaaaaagggggg!" sigaw ko. Shing! Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko ngayon... I can't believe what they did to Winter! Ang mahabang buhok niya... Ang napakagandang mahabang buhok niya... Ginupit n’ong nakasabunot sa kaniya ‘yung mahabang buhok niya at wala akong nagawa para pigilan na mangyari ‘yon. Sagad sana ‘yung gupit na gagawin sa kaniya pero yumuko siya kaya nahila ‘yung buhok niya kaya hanggang balikat lang ang nagupit sa kaniya pero kahit na! Sinira niya pa rin ang isang bagay na gustong gusto ko kay Winter. Nakatayo lang ako dito at napakuyom ako ng mga kamao ko. I don't know what to do. Anger is eating me. Nandidilim din ‘yung paningin ko. Naririnig ko ang tawa n’ong hinayupak na tukmol na ‘yon. `Yung mahabang buhok na ‘yon ni Winter ang una kong napansin sa kaniya. `Yung mahabang buhok n’yang ‘yon ang nakakapagpaalam sa’kin na siya ‘yon. I really want to touch that... He'll regret what he has done! I'll make him regret it! Lalakad na sana ako palapit pero naharangan ako n’ong mga estudyanteng nagkukumpulan dito kaya hindi ako makapunta kina Winter. Hindi ko makita kung anong nagyayari sa loob pero biglang naghiyawan ‘yung mga estudyante at nagsimula silang pumulot ng mga bato at pinagbabato nila ‘yon doon sa gitna. Hindi ko na rin alam kung saan na napadpad si Vincent. `Yung nasa harapan ko ngayong isang lalaki ay pumulot ng malaking bato saka akmang ibabato doon sa gitna pero hinawakan ko ‘yung balikat niya at hinarap ko siya sa’kin. Nagulat naman siya ng makilala niya kung sino ako at nabitawan niya sa sahig ‘yung malaking batong hawak niya. Kinuwelyuhan ko siya atsaka ko siya sinuntok nang malakas. "Auuuughhhhh!" Napahiga siya doon sa mga nasa likod na kumpulan at nagsigawan ‘yung mga malapit sa’min. No’ng mapatingin sila sa’kin ay nagsilayuan sila. Nagkaroon ng daan papunta doon sa gitna. Humarap ako kung nasaan si Winter kanina. Nakakalat sa sahig ang mga hibla ng buhok niya pati na rin ‘yung mga batong ibinato sa kaniya. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko doon si Vincent. Yakap-yakap siya nito habang nakaupo sila. Ang dumi-dumi ng uniform ni Vincent. Mukhang pinrotektahan niya si Winter doon sa mga ibinabato sa kanila kaya siya ‘yung tinamaan n’ong mga bato. Bigla namang parang nablangko ako. Para akong pinagbagsakan ng langit at lupa. Bakit naging ganito ‘yung nangyari? Ako dapat ‘yun... Ako dapat ‘yung may yakap sa kaniya ngayon at pinoprotektahan siya sa mga nananakit sa kaniya pero iba ‘yung gumawa n’on sa kaniya... Biglang sumakit nang sobra ‘yung puso ko. Napahawak ako sa dibdib ko. Sobrang kirot n’on. Pakiramdam ko, gusto ko ng mawalang parang bula na lang dito dahil kung tutuusin, ako ang nagsimula ng lahat ng ‘to. Kung hindi ko siya ginawang trash, hindi sana siya mabubully ng ganito. Napapikit ako ng mariin. Ako ba talaga ang kontrabida sa buhay niya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD