Chapter 25 - First!
~Winter~
Lumabas ako ng Canteen dahil naguguluhan ako doon sa dalawa.
Hindi na rin ako kakain.
Naglakad ako palayo doon at naghanap ng lugar kung saan tahimik.
Malayo na rin tong narating ko at nakakita ako ng maliit na tulay at may fishpond sa ilalim n’on. Umupo ako sa gilid n’ong tulay at inilawit ko ‘yung dalawang paa ko.
Nakita ko ‘yung mga isda na malapit sa’kin ay nagsilayuan.
Sinway-sway ko ‘yung paa ko at nagtingin-tingin ako sa paligid.
Napakaaliwalas ng hangin dito.
Wala ring katao tao kasi tagong lugar ito.
Dito na lang siguro ako laging pupunta para magpahangin.
Nagsimula akong maghum ng isang kanta.
Isang napakalungkot na kanta 'yon.
Lagi ko ‘yung hinahum pag mag-isa lang ako pero napatigil ako nang may tumabi sa’kin.
Isa siya sa mga kaklase ko at tanda ko siya kasi siya ‘yung nagligtas sa’kin sa P.E.
No’ng mababato ako ng bola.
"Pano mo nalaman tong lugar na to?" tanong niya sa’kin pero nakatingin lang ako sa kaniya.
"Wag kang mag-alala, hindi naman ako tulad ng iba na sasaktan ka. Carlo nga pala pangalan ko at magkaklase tayo. Magkagrupo rin pala tayo sa Music and Arts na project naten." tapos tumingin siya doon sa may fispond.
Nagnod lang ako.
"Ang daming isda oh. Gusto mo ba manghuli tayo?" turo niya doon sa mga isda sa fishpond.
Tumingin ako sa kaniya kasi tumayo siya at may kinuha siyang fishnet doon sa gilid nitong tulay.
Umupo ulit siya sa tabi ko at nanghuli ng mga isda.
"Ahhhh! Kaasar! Ang bibilis nitong mga isdang ‘to ah! Wala tuloy ako mahuli!" para siyang batang nagmamaktol ngayon.
Nagulat ako kasi bigla siyang tumingin sa’kin tapos ay inabot niya sa’kin ‘yung fishnet.
"Ikaw nga... Subukan mo ngang manghuli..." wala akong nagawa kundi ang kunin ‘yon.
Tumingin ako doon sa may fishnet at hinayaan ko lang na nakalubog ‘yon at maya-maya ay inangat ko rin at nakahuli ako ng malaking isda.
"Waaah! Ang galing! Buti ka pa nakahuli. Ako, kahit ilang beses kong subukang manghuli dito, wala akong makuha."
"Tara, lutuin natin ‘yan." Nanlaki ang mga mata ko doon sa sinabi niya.
Nakangiti siya sa’kin at mukhang seryoso siya doon sa sinabi niya. Goldfish tong mga isda dito at iba pang klase ng isdang pang acquarium kaya hindi ‘to pwedeng kainin.
Mayamaya ay bigla siyang tumawa. Hawak niya pa ang tyan niya tapos pahampas-hampas pa sa sahig.
Nainitindihan ko naman na binibiro niya lang ako kaya tumingin na lang ako sa may fishpond. "Salamat nga pala,” sabi ko kaya napatigil siya sa pagtawa at umayos na ng upo.
"Salamat saan?" Tumingin siya sa’kin habang nagtataka.
"Sa pagliligtas mo sa’kin nun sa P.E." Pinakawalan ko na ‘yung isdang nahuli ko.
"Ha? Ehhh hindi naman kita niligtas n’on eh. Akala ko kasi, ako ‘yung mananalo kapag ako ‘yung tinamaan n’ong bola ka—”Napatigil siya sa pagsasalita ng makita n’yang nakatingin lang ako sa kaniya. "Walang anuman,” sabi na lang niya at bigla siyang naging malungkot.
"Bakit kailangan mong magpanggap?" tanong ko sa kaniya at nanlaki ‘yung mga mata niya pero napalitan din ‘yun ng mapait na ngiti.
"Alam mo bang dito ko balak magtapat sa babaeng pinakamamahal ko pero hindi ko pa rin nagagawa hanggang ngayon ang umamin sa kaniya. Mahal na mahal ko siya pero may iba na siyang mahal at ang masakit pa doon, kinainisan niya ko dahil sa pagiging matalino ko."
Nagtaka naman ako sa sinabi niya.
"Hindi sa pagmamayabang pero ako kasi ang kilalang Genius doon sa dating school na pinapasukan ko at doon din siya nag-aaral. Magkaibigan kami at magkaklase, first year pa lang pero lagi siyang binubully dahil sa’kin." Humiga siya habang nagsasalita. "Inaaway siya ng mga kaklase namin kapag nakakakuha siya ng matataas na grades at sinasabing nangongopya lang siya sa’kin, na ako lang ang gumagawa ng mga assignments niya at mga project niya na hindi naman totoo dahil lahat ng mga ‘yon ay siya ang gumagawa."
Sobrang lungkot ng mga mata niya.
"Napagalitan din siya nang sobra n’on ng isang teacher namin dahil may nagsumbong sa kaniya na ako ang gumagawa ng mga assignments at project niya. Pinatawag ako n’on at syempre, sinabi ko ang totoo, na sariling sikap niya ‘yon pero hindi naniwala sa’kin n’on ‘yung teacher namin. Naulit ‘yon nang maraming beses at dahil doon ay napuno na siya." patuloy pa rin siya sa pagkekwento.
"Galit na galit siya sa’kin. Umiiyak siya. Sabi niya na layuan ko na siya at kahit kailan ay wag ko na siyang lalapitan. Nagsorry ako sa kaniya ng nagsorry pero sabi niya, mas maganda kung hindi na lang daw ako nakilala at naging kaibigan para hindi siya napagbibintangan ng mga bagay na hindi niya naman ginawa." tinakpan niya ‘yung mukha niya ng braso niya.
Tumigil siya saglit sa pagkekwento at tumingin sa’kin.
Nakatingin lang din ako sa kaniya.
"Nabababawan ka ba sa naging conflict namin sa isa’t isa?" tanong niya sa’kin pero tumango-tango ako.
Para sa’kin, hindi ka naman dapat magalit sa isang tao ng gan’on gan’on lang.
Napangiti siya nang tumango-tango ako.
"Meron kasing kwento kung bakit siya naging gan’on. Dahil ang pagkakaalam ko, may gusto siyang patunayan sa mga taong malalapit sa kaniya na nangmamaliit sa kakayahan niya pero dahil nga doon sa conflict na yon, mukhang mas lalo siyang naging maliit sa mga mata ng mga taong ‘yon." doon ay mas nalinawan ako sa naging dahilan ng pag-aaway nila.
"Lumipat siya dito n’ong second year na kami at sinundan ko siya pero simula n’on, tinapon ko na ‘yung pagiging matalino ko at umaktong bobo sa iba dahil hindi ko alam kung pano ko siya mapapabalik sa’kin. Naisip ko na baka kapag naging bobo ako sa ibang tao ay hindi na siya ganunin at pag-isipan ng masama. Para hindi na rin siya magalit sa’kin at makipagkaibigan na ulit sa’kin." umupo na siya mula sa pagkakahiga niya at tumingin sa kalangitan.
"Sabi nila, ang mga matatalinong tao ay tanga at bobo naman sa pag-ibig. Siguro, tama sila kasi kaya kong magpakatanga para lang bumalik na siya sa’kin..." nakita ko na naman ang mga ngiti n’yang may pait.
Tumingin ulit siya sa’kin pagkatapos n’yang magkwento. "Ikaw? Ano namang reason mo? Kanina pa ko dada ng dada dito eh." Nakangiti na siya pero ‘yung totoong ngiti na.
Nagdalawang-isip ako kung sasabihin ko ba sa kaniya pero naisipan kong sabihin na rin. Siya nga ay hindi nag-alinlangang magkwento sa’kin.
Magsasalita sana ako pero...
Kring Kring!
Kring Kring!
"All students should go back to their respective rooms. Lunch time is over." announce n’ong nasa speaker.
May mga nakakalat na mga speaker sa loob ng school para sa mga ganitong announcement.
"Nako! Mukhang kailangan na nating bumalik sa room..." tumayo na siya.
Tumango lang ako doon sa sinabi niya at tatayo na rin sana ako pero tinulungan niya kong makatayo.
"Siguro, next time ka na lang magkwento sa’kin. Kapag naisipan mo ulit na tumambay dito, sabihin mo lang tapos magkekwentuhan ulit tayo." nakangiti n’yang sabi.
Naglakad na kami paalis at sabay kaming bumalik sa classroom.
Nagsimula na ulit magklase.
*—***—*
Nasa kalagitnaan na kami ng lecture namin nang biglang bumukas ‘yung pinto.
Napatingin kami lahat doon at bumungad doon sila Russell at Vincent na hingal na hingal at parehong nakatingin sa’kin.
Kinilabutan ako sa mga tingin nila sa’kin kasi parang kakainin nila ako nang buhay.
Nag-unahang pumasok ‘yung dalawa at nagtutulukan pa sila ng mga mukha nila.
Kami naman ay nanonood lang.
Nang makapasok na sila pareho ay nagtutulukan pa rin sila hanggang makarating sila sa gilid ko at sabay nilang hinawakan ‘yung upuan ko.
Lahat ng mga kaklase namin pati ‘yung teacher namin ay nagtatakang nakatingin lang sa pwesto ko.
"First!" sigaw nila pareho na lalo lang nakadagdag sa pagtataka namin.
"Anong first ka dyan?! Ako naunang humawak sa upuan niya eh! Wag ka ngang madaya!" sigaw ni Vincent sa kay Russell kaya napatingin ako sa kaniya.
"Ikaw ang madaya! Nauna ako sa’yo ng 2 seconds! Talunan ka kasi kaya ayaw mong aminin!" napatingin naman ako kay Russell.
"2 seconds?! Baka ako dapat ang magsabi n’yan! Kitang kita naman na ako talaga ang nauna! `’Di ba, Winter, ako ang naunang humawak sa upuan mo?!" bigla namang nilapit sa’kin ni Vincent ‘yung mukha niya ng puno ng determinasyong makuha ang sagot ko.
Hinawakan naman ni Russell ‘yung balikat niya at inilayo sa’kin si Vincent at siya naman ngayon ang naglapit ng mukha niya sa’kin.
"`’Di ba, ako naman talaga ang nauna? Ikaw ang nand’yan kaya ikaw talaga ang nakakaalam kung sinong nauna sa’min." Mas determinado siya kaysa kay Vincent.
Nagkaroon ng katahimikan at lahat ng tao sa room, hinihintay ang magiging sagot ko.
...
"Russell, sa puso namin ikaw ang palaging una!" biglang sigaw ng isa kong kaklaseng babae kaya nalipat ang lahat ng atensyon sa kaniya.
"Waaaahhh! You're our only one!"
"Yeah! Tama siya, baby Russell!" sigaw din n’ong dalawa n’yang katabi.
Doon ay nakahinga na ako nang maluwag. Nawala na rin ‘yung matinding pressure na naranasan ko kanina.
~Vincent~
"Russell, sa puso namin ikaw ang palaging una!"
"Waaaahhh! You're our only one!"
"Yeah! Tama siya, baby Russell!"
Biglang sigaw n’ong tatlo naming kaklaseng babae kaya napatingin kami sa kanila.
Napatingin ako kay Russell at kita kong naiirita siya. Magantihan nga. Sinira niya ‘yung dinner date namin ni Winter kanina sa Canteen eh. "Baby? Baka baby damulag kamo."
Tumingin naman siya sa’kin ng masama n’ong marinig niya ‘yung sinabi ko at nilapitan niya ko. Hinarap ko lang siya at malamig na tiningnan. "Anong sabi mo ha?! Are you really trying my patience?!"
Natatawa ako sa itsura niya ngayon. Namumula na siya sa galit. Eh pikuning bata naman pala ‘to eh!
"Both of you! Stop fighting after barging in while i'm teaching here! Gan’yan na ba kayo kawalang respeto sa mga teacher n’yo?" tumingin kami parehas ng masama sa teacher namin na nanaway sa’min sa unahan kaya naman parang napa-urong siya at lumayo na kami sa isa’t isa.
"Ehem! Okay, I'll resume my lecture. You two, take your seats." Pagpapaupo niya sa ‘min at nagsimula nang magsulat sa board.
Umupo na ako.
Wala rin namang mangyayari kung makikipagtigasan ako kay Russell.
Nilingon ko si Winter. "Saan ka nagpunta kanina?"
"Dyan lang." sagot niya sa’kin.
Tumango-tango ako at napatingin ako kay Russell. Busangot na busangot ‘yung mukha niya habang nakatingin sa’ming dalawa.
‘Di ko na siya pinansin at tumingin na ako sa harapan.
~Russell~
Nang umupo si Vincent ay umupo na rin ako.
Naalala ko ‘yung biscuit na binili ko kanina para kay Winter. Alam kong hindi pa kasi siya kumakain kaya naman ibinili ko siya kahit biscuit lang. Yayayain ko na lang siyang kumain mamaya sa restaurant na madalas kong pinupuntahan.
Kukunin ko na sana ‘yung biscuit na ‘yon sa bulsa ko nang...
"Saan ka nagpunta kanina?" narinig ko si Vincent na nagtatanong kaya napatingin ako sa kaniya at nakalingon siya kay Winter.
Napangisi ako. Sigurado kasi akong dedeadmahin lang siya ni Winter. Wahahaha! Mapahiya ka sanang g*go ka!
"Dyan lang." Nanlaki ang mata ko ng sumagot si Winter doon sa tanong niya.
Napasimangot tuloy ako. Pag ako nagtatanong, hindi niya sinasagot! Kaasar!
Tumingin ako kay Winter pero nakatingin lang siya sa unahan.
Tss! Tiningnan ko ‘yung biscuit na hawak ko. Ibinalik ko na lang ulit sa bulsa ko.
Buong araw akong badtrip. Pag may nagtatanong sa’kin, tinitingnan ko lang sila ng masama. Napakatahimik rin ng classroom dahil sa’kin. Parang walang gustong gumalaw man lang o magsalita.
Nang uwian na, tumayo na si Winter at naglakad na palabas ng room kasama si Vincent.
Hindi man lang niya ako nilingon kaya padabog akong tumayo sa upuan ko. Kumukulo nang sobra ang dugo ko.
Nang naglalakad na ako sa hallway, lahat ng madadaanan ko ay nagsisilayuan. Iritang-irita talaga ako ngayon at ayoko ng kahit sino ang lumapit at kumausap sa’kin.
"Kuya Gino!" napalingon ako sa tumawag sa’kin.
Napatingin din doon ‘yung mga naglalakad.
Si Kiel at ngiting-ngiti siya sa’kin.
Lalong lumawak ‘yung black aura ko n’ong makita ko ‘yung pagmumukha niya at maisip ‘yung tinawag niya sa’kin.
Pagkalapit niya sa’kin, nakita ko sa mukha niya ang takot at napaatras siya.
"Ahhh... Hehehe... Geh, next time na lang kita kakausapin. Mukhang badtrip ka eh. Babye!" Umalis na siya pagkasabi n’on.
Bumuntong hininga ako. Bakit ba ko masyadong naiinis sa pagsagot lang ni Winter doon sa tanong ni Vincent? Masyadong mababaw pero masyado kong dinidibdib ‘yon.
Nang makasakay na ako sa papasakay pa lang ako sa kotse ko ay nakita ko sila Winter at Vincent.
Magkasama pa rin silang sumakay sa isang taxi.
Lalong nasira ‘yung mood ko.
Pumasok na ako sa loob.
Pansin ko na ramdam n’ong driver ko ‘yung pagkabadtrip ko kaya hindi na siya nagsalita.
Naalala ko ulit ‘yung pagsakay n’ong dalawa sa taxi.
Pakiramdam ko, parang may lumulukot sa puso ko ngayon...
Napahawak ako sa dibdib ko.
Mayamaya ay naalala ko ‘yung biscuit na hindi ko naibigay kay Winter kanina sa bulsa ko kaya kinuha ko ‘yon at tinitigan...
Nakatitig lang ako doon pero napuno ako ng frustrations kaya tinapon ko na lang ‘yon dito sa tabi ko.
Mukhang masaya naman siya kasama si Vincent.
Kung ‘yon ang gusto niya, bahala siya!